Doon lamang napansin ni Gu Lichen si Hua Lifang. Agad na sumilay ang kalungkutan sa kanyang mga mata. ‘Ano bang mayroon sa akin? Nandito si Lifang. Ano pa ba ang pinagdududahan ko?‘O... Ano pa ba ang inaasahan ko?’Sa wakas ay dahan dahan bumitiw ang kanyang mga daliri, at agad namang hinawi ni Ling Yiran ang kanyang kamay. Gamit ang madilim na mukha, binuhat ni Yi Jinli si Ling Yiran sa kanyang bisig. “Jin, kaya kong maglakad mag-isa,” dali-daling sabi ni Ling Yiran. “Galing lang sa sakit ang ulo mo. Mas mabuti kung bubuhatin kita papunta sa sasakyan,” ani Yi Jinli habang papalayo patungo sa labasan ng peryahan. Nagmamasid si Gu Lichen hanggang sa mawala sila sa kanyang paningin. Pagkatapos ay binaba niya ang kanyang mata at nakita ang pulang marka sa kanyang pulso. Dito banda siya mahigpit na hinawakan nina Ling Yiran at Yi Jinli kanina, ngunit ngayon lang niya naramdaman ang sakit sa pulso. “Lichen, ayos ka lang? Masakit ba?” Tumingin si Hua Lifang sa pulso ni Gu Li
“Nagkataon lang na nakita ko siya. Tapos, muntik na akong matumba, kaya hinawakan ko ang kamay niya nang hindi sinasadya. Pagkatapos ay sumakit na ang ulo ko...” sinubukan ni Ling Yiran ipaliwanag kay Yi Jinli ang nangyari, baka magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan. “Kalokohan lang ba ang mga bagay na sinabi mo sa kanya?” tanong niya ulit. Natigilan siya. Ang kanyang boses ay bumara sa kanyang lalamunan, at hindi niya mailabas ang mga salita! Kalokohan? Hindi ‘yon kalokohan. Iyon ang sinabi ng batang babae sa batang lalaki sa panaginip niya. ‘Pero, paano ko sasagutin ang tanong na ‘yon?’‘Ayokong magsinungaling sa kanya, ngunit ayokong maunawaan niya ang sitwasyon bago mo malaman ang totoo.’“Bakit, mahirap bang sagutin yon?” Napaangat ang ulo ni Yi Jinli nang bahagya sa katahimikan ni Ling Yiran. Nakatitig lang sa kanya ang maitim niyang nagniningning na mga mata.“Masyadong... Masyadong masakit ang ulo ko kaya hindi ko na maalala ang sinabi ko,” sabi ni Ling Yiran. To
Base sa itsura niya ngayon... Kahit hindi niya tingnan ang sarili sa salamin, alam ni Ling Yiran ang hitsura niya na maaaring maging dahilan ng maling akala sa mga katulong. Nasusunog na ng sobra ang kanyang pisngi ngayon, at ang kanyang mga labi ay halos manhid mula sa halik.Pumasok si Yi Jinli sa kwarto dala si Ling Yiran sa kanyang mga bisig at pinahiga siya sa kama. Ang mahahaba niyang daliri ay nagsimulang hubarin ang kanyang tie at ang kanyang suit jacket...Nagsumikap si Ling Yiran na umupo sa kama. “Jin, makinig ka sa akin.”“Sige, sabihin mo lang. Makikinig ako,” madilim niyang sinabi. Pero, ang kanyang mga daliri ay nagsimulang tanggalin sa butones ang shirt niya na pang ilalim, at ang kanyang mga mata, na nakatingin sa kanya, ay may malalim na pagnanasa. Ang mukha ni Ling Yiran na mula pa sa sasakyan ay lalong namula. Bigla niyang nalaman kung ano ang susunod na mangyayari. Pero mahalagang linawin muna ang mga bagay!“Maling ang sinabi ko tungkol sa bingit ng
Ibinaba niya ang kanyang katawan at lumuhod sa harap ni Ling Yiran, malumanay na tinanggal ni Yi Jinli ang kanyang mataas na takong. Hinawakan niya ang kanyang paa gamit ang kanyang mga kamay. “Yiran, ikaw lang ang tanging tao sa mundong ito ang maaring mangibabaw sa akin!”Nang matapos niya ang kanyang pagsasalita, ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang dulo ng paa ni Ling Yiran...Suminghap si Ling Yiran. Tumingin si Yi Jinli... Na parang gumagawa siya ng isang panata. Para bang inilalagay niya ang kanyang buhay sa mga kamay ni Ling Yiran. Agad na nagsimulang mag-init ang kanyang paa na parang isang impyerno, at malinaw niyang nararamdaman ang labi ni Yi Jinli.Sinusubukan ni Ling Yiran sabihin ang isang bagay, ngunit sobrang natuyo ang kanyang lalamunan. Nang tumingala si Yi Jinli, ang kanyang maliwanag na mga mata ay nakatitig kay Ling Yiran nang walang katapusang panunukso. ‘Alam ba niya na kaya kong ibigay sa kanya ang lahat hangga’t hindi siya nagtataksil sa akin?
“Sinusubukan mo bang iwasan si Ye Wenming?” tanong ni Ling Yiran. Tsaka, kung babaliktarin ang kaso, malamang ay kailangan niyang makita muli si Ye Wenming. “Ayoko nang subukan. Hindi ko hahayaang malaman niya ang tungkol kay Lil Yan. Kung malaman niya, kahit na isa ito sa isang milyong pagkakataon na... Magustuhan niya si Lil Yan, mababaliw ako. Yiran, si Lil Yan ang buhay ko!” sabi ni Zhuo Qianyun. Syempre, naiintindihan ni Ling Yiran ang nararamdaman ni Zhuo Qianyun para kay Lil Yan!Kahit na hindi pa siya naging isang ina, naisip niya na kung siya ang nasa posisyon ni Zhuo Qianyun ngayon, maaring gagawin niya rin ito.Mas mainam na panatilihin ang bata kaysa linisin ang pangalan niya!“Nakita ko ulit si Ye Wenming kahapon,” sabi ni Ling Yiran. Agad na lumaki ang mga mata ni Zhuo Qianyun habang tinitingnan niya si Ling Yiran sa pagkabigla. “Sa isang trade fair. Naalala ni Ye Wenming si Lil Yan at gusto niyang makita ito ulit,” ani Ling Yiran. Hindi mapigilan ni Zhuo Q
Parang kailangan niyang makarating sa dulo ng kanyang panaginip at pananakit ng ulo!Nakapag desisyon na si Ling Yiran at inayos ang appointment kay Dr. Leng sa kanyang phone. Pagkatapos ibaba ni Ling Yiran ang tawag, kumatok si Gao Congming sa pinto at pumasok sa opisina ni Yi Jinli. “Young Master Yi, tumawag na si Miss Ling sa isang psychiatrist sa apelyido na Leng. Ang appointment ay naka iskedyul sa makalawa.”Binaba ni Yi Jinli ang kanyang mga mata. Ang mahahaba niyang daliri ay hinawakan ang pen sa kanyang kamay, patuloy pa ring pinipirmahan nang maayos ang mga papeles. “Sige, kuha ko.”Umalis si Gao Congming mula sa opisina. Sa sandaling sumara ang pintuan ay tsaka niya narinig ang mahinang pagkabasag sa kanyang tainga. Na para bang mayroong nabasag. Ang pintuan ng tanggapan ng pangulo ay sumara at umupo si Yi Jinli sa isang upuan sa sofa, nanatili sa parehong posisyon, pero ay tumigil na siya sa pagpipirma. Ang ballpen sa kanyang kamay ay nabali sa dalawa, at ang
Gayunpaman, matapos niyang mahanap si Hua Lifang, hindi niya binigay ang bestida sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Tulad ng maliit na pilak na pulseras, hindi niya rin ito binigay kay Lifang. Na para bang kapag binigay niya ang mga ito kay Lifang, ay magtatapos ang lahat ng kanyang mga taon ng pag-iisip. ‘Ano bang... Nangyayari?’Sa loob ng dalawang araw, ang iniisip niya lang ay ang mga sinabi ni Ling Yiran nang sumakit ang kanyang ulo noong nakaraan. ‘Wala bang katuturan ang mga ‘yon?’Nawala na ang pulang marka sa kanyang pulso, pero ang pakiramdam ng higpit ng pagkakahawak ni Ling Yiran dito ay bumakas.“Ling Yiran, sabihin mo sa akin ang totoo!” bulong ni Gu Lichen habang ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa mahabang lilang bestida na nakasabit sa aparador. Ito ay tulad ng pagkayap niya sa pinaka matalik na kasintahan......“Ah!” Nagising si Ling Yiran sa isang panimula. Bumakas ang kadiliman sa kanyang mga mata, ngunit nang hinawakan niya ang kanyang noo, p
‘Bakit ang bilis niyang kuhain ang sariling niyang buhay? Bakit hindi niya inisip ang sarili niyang anak? Alam niya ba na kapag namatay siya, ano ibig sabihin ‘non kay Jin sa murang edad?‘Naisip ba talaga ng taong ito na mas mabuti kung ibabalik si Jin sa pamilyang Yi? Nakalimutan niya na kailangan ng kanyan anak ng isang ama. ‘Nawala ni Jin na makasama ang kanyang ina, pero nawala niya rin ang kanyang ama.’Kinailangan niyang manatili sa isang bahay sa murang edad, sinasamahan ng kanyang lolo na hindi gusto ang kalahati ng kanyang dugo!’Halos maisip niya kung paano siya lumakad sa mga balat ng itlog noong bata pa lamang siya. Sa mansyong ito, walang bagay tulad ng pagmamahal sa pagitan ng dalawang henerasyon, ang paghihirap lamang ng isang bata upang mabuhay! Naglakad-lakad si Ling Yiran sa harap ng bulwagan at papunta sa pinaka loob ng silid. Ang loob ay katulad lamang sa kung ano ang nakita niya memory tablet ng ama ni Jin sa altar. Pero, ngayon, ang matangkad na pigu
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at