Gayunpaman, matapos niyang mahanap si Hua Lifang, hindi niya binigay ang bestida sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Tulad ng maliit na pilak na pulseras, hindi niya rin ito binigay kay Lifang. Na para bang kapag binigay niya ang mga ito kay Lifang, ay magtatapos ang lahat ng kanyang mga taon ng pag-iisip. ‘Ano bang... Nangyayari?’Sa loob ng dalawang araw, ang iniisip niya lang ay ang mga sinabi ni Ling Yiran nang sumakit ang kanyang ulo noong nakaraan. ‘Wala bang katuturan ang mga ‘yon?’Nawala na ang pulang marka sa kanyang pulso, pero ang pakiramdam ng higpit ng pagkakahawak ni Ling Yiran dito ay bumakas.“Ling Yiran, sabihin mo sa akin ang totoo!” bulong ni Gu Lichen habang ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa mahabang lilang bestida na nakasabit sa aparador. Ito ay tulad ng pagkayap niya sa pinaka matalik na kasintahan......“Ah!” Nagising si Ling Yiran sa isang panimula. Bumakas ang kadiliman sa kanyang mga mata, ngunit nang hinawakan niya ang kanyang noo, p
‘Bakit ang bilis niyang kuhain ang sariling niyang buhay? Bakit hindi niya inisip ang sarili niyang anak? Alam niya ba na kapag namatay siya, ano ibig sabihin ‘non kay Jin sa murang edad?‘Naisip ba talaga ng taong ito na mas mabuti kung ibabalik si Jin sa pamilyang Yi? Nakalimutan niya na kailangan ng kanyan anak ng isang ama. ‘Nawala ni Jin na makasama ang kanyang ina, pero nawala niya rin ang kanyang ama.’Kinailangan niyang manatili sa isang bahay sa murang edad, sinasamahan ng kanyang lolo na hindi gusto ang kalahati ng kanyang dugo!’Halos maisip niya kung paano siya lumakad sa mga balat ng itlog noong bata pa lamang siya. Sa mansyong ito, walang bagay tulad ng pagmamahal sa pagitan ng dalawang henerasyon, ang paghihirap lamang ng isang bata upang mabuhay! Naglakad-lakad si Ling Yiran sa harap ng bulwagan at papunta sa pinaka loob ng silid. Ang loob ay katulad lamang sa kung ano ang nakita niya memory tablet ng ama ni Jin sa altar. Pero, ngayon, ang matangkad na pigu
Tumingkad ang kanyang pagkabalisa sa panghihina ni Yi Jinli. “Bakit bigla mo na sinasabi ‘yan?”“Sabihin mong hindi mo ako pagtataksilan, okay?” Paos na ang kanyang boses, at tunog ito ng sobrang pakiusap. Ilang sandali, maliban sa pagkabalisa, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso. ‘Siya si Yi Jinli! Bakit siya gagamit ng ganoong tono para magmakaawa sa akin na hindi ko siya pagtaksilan?’Tumingin siya ng lagpas kay Yi Jinli para makita ang memorial tablet sa likuran niya. Alam niyang memorial tablet ito ng ama ni Yi Jinli. Ang lalaking may banayad na mga mata na pinili ang kamatayan dahil inabandona siya ng taong pinakamamahal niya. Iyon ang... Pagtataksil.Ang kanyang ama ay pinagtaksilan ng kanyang ina. At siya naman ang pinagtaksilan ng kanyang ama na iniwan siyang mag-isa sa mundong ito. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin kay Ling Yiran, hinihintay ang kanyang sagot. Nanakit ang ilong niya. Mukhang nakukuha ni Yi Jinli ang lahat ng gusto niya, pero sino
Mabilis na naligo si Ling Yiran at umalis papunta sa ospital. Ang hindi niya alam ay sa tuwing humahakbang ang dulo ng kanyang paa palabas ng Yi Residence, may nagsasabi na ng kanyang ginagawa kay Yi Jinli. “Young Master Yi, umalis na ng bahay si Miss Ling,” ani Gao Congming sa tanggapan ng presidente.Ibinaba ni Yi Jinli ang kanyang mga talukap, ang kanyang mahahabang mga pilikmata ay nanginig ng kaunti. “Sige, kuha ko.”Pagkatapos ay nagkaroon ng ganap na katahimikan. Nanginginig ang katawan ni Gao Congming. Sobrang tahimik ni Young Master Yi at alam niya sa sarili niya na... Nakakatakot ito. Nakarating si Ling Yiran sa ospital, kinuha ang numero, at hindi nagtagal ay nakita niya si Dr. Leng. Siya ay nasa mga 40 na taong gulang na doktor na babae at medyo chubby. Ang kanyang nangingiti na mga mata ay nagbibigay sa mga tao ng pamilyaridad na huwag hayaang pabayaan ang kanilang sarili ng ganoon kadali. Marahil, ang ganitong awra ay bagay maging psychiatrist. Umupo si Li
“Kailan ba lalabas si Yiran?‘Nangako na siya sa akin na hinding hindi niya ako pagtataksilan, pero bakit siya pumunta rito para makipagkita sa isang psychiatrist?‘Gusto pa rin ba niyang ibalik ang lumang alaala nila ni Gu Lichen?’Tahimik na nanood si Yi Jinli, at sa wakas, ang isang pigura na may suot na puting bestida ang dumaan sa kanyang paningin. “Si Yiran ito!’Kahit na napapaligiran siya ng mga tao, nakilala pa rin ito agad ni Yi Jinli. Pagkatapos ay nakita niyang nilabas ni Ling Yiran ang kanyang phone at mukhang gumagawa ng isang tawag. Ilang sandali, tumunog ang kanyang phone. Pinulot niya ito at tumingin sa tumatawag na ID – ‘Ate’.Kahit na hindi na niya tinatawag ng ganito si Ling Yiran, hindi pa rin niya pinapalitan ang pangalan ni Ling Yiran sa phone niya. Marahil ito ay ilang uri ng paggunita niya. Ang babae na isang beses na sinabi sa kanya nang may ngiti, “Pwede ba kitang maging kuya?”Sinabi na rin, “Mula ngayon ay mahalaga ka sa akin at mahalaga naman
Nang itulak ni Ling Yiran pabukas ang pintuan ng tanggapan, nakita lamang niya ang matangkad na pigura na nakatayo sa bintana ng Pransya na tinatanaw ang kalangitan ng Shen City. Biglang nahanap ni Ling Yiran ang imahe sa kanyang harapan na tulad ng isang poster. Simple siyang nakatayo roon na para bang nasa ilalim ng kanyang kontrol ang Shen City. Pero totoo naman na mayroon siyang kakayahang mamuno sa Shen City. Ibang-iba sa mahina at malungkot na lalaki na nakita niya kaninang umaga. “Jin,” malakas niyang sinabi. Binalingan niya si Ling Yiran. Isang maikling ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “Nandito ka na.”“Oo, nagdala ako ng tanghalian. Tingnan mo kung gusto mo.” Habang nagsasalita siya, naglakad siya nang may pamilyaridad sa coffee table at nilagay ang mga lunchbox at mga prutas sa kanyang kamay. Pumunta siya, binuksan ang takip ng kanyang lunchbox, at umupo sa sofa. Naramdaman lamang ni Ling Yiran na parang bumalik siya sa mga araw na kumakain sila nang magkasam
Medyo tabingi ang kanyang mga daliri na alam ni Yi Jinli kung saan ito nanggaling noong nabali ang mga buto ng kanyang daliri noong nasa bilangguan pa lamang siya. Ang ilang maayos na galaw, na maaring madali para sa kanya noon, ay mahirap na sa kanya ngayon. Hirap niyang pinagbabalat ng masanas si Yi Jinli ngayon. ‘Malamang ay nasa loob ako ng kanyang puso. Sinabi niya ito noon, ako lang ang mahal niya!’Patuloy na sinasabi ni Yi Jinli sa kanyang sarili habang ang kanyang maliwanag na mata ay pinagmamasdan ang galaw ng kanyang mga kamay, sinasabi sa kanyang sarili na may malasakit si Ling Yiran sa kanya. Nang matapos na niyang balatan ang mansanas sa kanyang kamay, bumuntong hininga si Ling Yiran at binigay ito kay Yi Jinli, at sinabi, “Para sayo.”Kinuha niya ang mansanas at kinagatan. Ang matamis na laman ay tumulo sa kanyang bibig. “Matamis ba?” tanong niya. “Matamis,” sagot naman ni Yi Jinli. “Kuhain ko na rin ‘tong isa.” Habang nagsasalita siya ay kinuha niya ang
“Oo, sapat na ang cake. Tsaka, sa taong ito, ang kaarawan ko ay pagkatapos ng ika-49 na araw ng pagkamatay ng aking Lola. Hindi ko gusto ng malaking pagdiriwang. Gusto ko lang magkaroon ng cake kasama ka, si Lianyi, at ng iba pa,” ani Ling Yiran. Ito ang unang kaarawan niya simula nang nagkasama sila. Tsaka, pumanaw na ang kanyang Lola. Nagdadalamhati pa rin siya para sa kanyang Lola. Hindi niya gusto ng magarbong pagdiriwang sa kaarawan niya. Gusto niya lang ipagdiriwang nang tahimik ang kanyang kaarawan kasama siya at ng kanyang mga kaibigan. “Sige. Ihahanda ko ang cake mo,” sagot niya. “Salamat.” Ngumiti siya at tiningnan ang oras. Halos oras na ng kanyang trabaho sa tanghali. “Kung ganoon, alis na ako para makapagtrabaho ka na.”Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. Bago siya gumawa ng ikalawang hakbang, isang pares ng mga braso ang pumaligid sa kanya mula sa likuran, at agad siyang tumangay sa mga braso ni Yi Jinli. Ang kanyang mukha ay nakapatong sa leeg ni Ling Y