Tumingkad ang kanyang pagkabalisa sa panghihina ni Yi Jinli. “Bakit bigla mo na sinasabi ‘yan?”“Sabihin mong hindi mo ako pagtataksilan, okay?” Paos na ang kanyang boses, at tunog ito ng sobrang pakiusap. Ilang sandali, maliban sa pagkabalisa, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso. ‘Siya si Yi Jinli! Bakit siya gagamit ng ganoong tono para magmakaawa sa akin na hindi ko siya pagtaksilan?’Tumingin siya ng lagpas kay Yi Jinli para makita ang memorial tablet sa likuran niya. Alam niyang memorial tablet ito ng ama ni Yi Jinli. Ang lalaking may banayad na mga mata na pinili ang kamatayan dahil inabandona siya ng taong pinakamamahal niya. Iyon ang... Pagtataksil.Ang kanyang ama ay pinagtaksilan ng kanyang ina. At siya naman ang pinagtaksilan ng kanyang ama na iniwan siyang mag-isa sa mundong ito. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin kay Ling Yiran, hinihintay ang kanyang sagot. Nanakit ang ilong niya. Mukhang nakukuha ni Yi Jinli ang lahat ng gusto niya, pero sino
Mabilis na naligo si Ling Yiran at umalis papunta sa ospital. Ang hindi niya alam ay sa tuwing humahakbang ang dulo ng kanyang paa palabas ng Yi Residence, may nagsasabi na ng kanyang ginagawa kay Yi Jinli. “Young Master Yi, umalis na ng bahay si Miss Ling,” ani Gao Congming sa tanggapan ng presidente.Ibinaba ni Yi Jinli ang kanyang mga talukap, ang kanyang mahahabang mga pilikmata ay nanginig ng kaunti. “Sige, kuha ko.”Pagkatapos ay nagkaroon ng ganap na katahimikan. Nanginginig ang katawan ni Gao Congming. Sobrang tahimik ni Young Master Yi at alam niya sa sarili niya na... Nakakatakot ito. Nakarating si Ling Yiran sa ospital, kinuha ang numero, at hindi nagtagal ay nakita niya si Dr. Leng. Siya ay nasa mga 40 na taong gulang na doktor na babae at medyo chubby. Ang kanyang nangingiti na mga mata ay nagbibigay sa mga tao ng pamilyaridad na huwag hayaang pabayaan ang kanilang sarili ng ganoon kadali. Marahil, ang ganitong awra ay bagay maging psychiatrist. Umupo si Li
“Kailan ba lalabas si Yiran?‘Nangako na siya sa akin na hinding hindi niya ako pagtataksilan, pero bakit siya pumunta rito para makipagkita sa isang psychiatrist?‘Gusto pa rin ba niyang ibalik ang lumang alaala nila ni Gu Lichen?’Tahimik na nanood si Yi Jinli, at sa wakas, ang isang pigura na may suot na puting bestida ang dumaan sa kanyang paningin. “Si Yiran ito!’Kahit na napapaligiran siya ng mga tao, nakilala pa rin ito agad ni Yi Jinli. Pagkatapos ay nakita niyang nilabas ni Ling Yiran ang kanyang phone at mukhang gumagawa ng isang tawag. Ilang sandali, tumunog ang kanyang phone. Pinulot niya ito at tumingin sa tumatawag na ID – ‘Ate’.Kahit na hindi na niya tinatawag ng ganito si Ling Yiran, hindi pa rin niya pinapalitan ang pangalan ni Ling Yiran sa phone niya. Marahil ito ay ilang uri ng paggunita niya. Ang babae na isang beses na sinabi sa kanya nang may ngiti, “Pwede ba kitang maging kuya?”Sinabi na rin, “Mula ngayon ay mahalaga ka sa akin at mahalaga naman
Nang itulak ni Ling Yiran pabukas ang pintuan ng tanggapan, nakita lamang niya ang matangkad na pigura na nakatayo sa bintana ng Pransya na tinatanaw ang kalangitan ng Shen City. Biglang nahanap ni Ling Yiran ang imahe sa kanyang harapan na tulad ng isang poster. Simple siyang nakatayo roon na para bang nasa ilalim ng kanyang kontrol ang Shen City. Pero totoo naman na mayroon siyang kakayahang mamuno sa Shen City. Ibang-iba sa mahina at malungkot na lalaki na nakita niya kaninang umaga. “Jin,” malakas niyang sinabi. Binalingan niya si Ling Yiran. Isang maikling ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “Nandito ka na.”“Oo, nagdala ako ng tanghalian. Tingnan mo kung gusto mo.” Habang nagsasalita siya, naglakad siya nang may pamilyaridad sa coffee table at nilagay ang mga lunchbox at mga prutas sa kanyang kamay. Pumunta siya, binuksan ang takip ng kanyang lunchbox, at umupo sa sofa. Naramdaman lamang ni Ling Yiran na parang bumalik siya sa mga araw na kumakain sila nang magkasam
Medyo tabingi ang kanyang mga daliri na alam ni Yi Jinli kung saan ito nanggaling noong nabali ang mga buto ng kanyang daliri noong nasa bilangguan pa lamang siya. Ang ilang maayos na galaw, na maaring madali para sa kanya noon, ay mahirap na sa kanya ngayon. Hirap niyang pinagbabalat ng masanas si Yi Jinli ngayon. ‘Malamang ay nasa loob ako ng kanyang puso. Sinabi niya ito noon, ako lang ang mahal niya!’Patuloy na sinasabi ni Yi Jinli sa kanyang sarili habang ang kanyang maliwanag na mata ay pinagmamasdan ang galaw ng kanyang mga kamay, sinasabi sa kanyang sarili na may malasakit si Ling Yiran sa kanya. Nang matapos na niyang balatan ang mansanas sa kanyang kamay, bumuntong hininga si Ling Yiran at binigay ito kay Yi Jinli, at sinabi, “Para sayo.”Kinuha niya ang mansanas at kinagatan. Ang matamis na laman ay tumulo sa kanyang bibig. “Matamis ba?” tanong niya. “Matamis,” sagot naman ni Yi Jinli. “Kuhain ko na rin ‘tong isa.” Habang nagsasalita siya ay kinuha niya ang
“Oo, sapat na ang cake. Tsaka, sa taong ito, ang kaarawan ko ay pagkatapos ng ika-49 na araw ng pagkamatay ng aking Lola. Hindi ko gusto ng malaking pagdiriwang. Gusto ko lang magkaroon ng cake kasama ka, si Lianyi, at ng iba pa,” ani Ling Yiran. Ito ang unang kaarawan niya simula nang nagkasama sila. Tsaka, pumanaw na ang kanyang Lola. Nagdadalamhati pa rin siya para sa kanyang Lola. Hindi niya gusto ng magarbong pagdiriwang sa kaarawan niya. Gusto niya lang ipagdiriwang nang tahimik ang kanyang kaarawan kasama siya at ng kanyang mga kaibigan. “Sige. Ihahanda ko ang cake mo,” sagot niya. “Salamat.” Ngumiti siya at tiningnan ang oras. Halos oras na ng kanyang trabaho sa tanghali. “Kung ganoon, alis na ako para makapagtrabaho ka na.”Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. Bago siya gumawa ng ikalawang hakbang, isang pares ng mga braso ang pumaligid sa kanya mula sa likuran, at agad siyang tumangay sa mga braso ni Yi Jinli. Ang kanyang mukha ay nakapatong sa leeg ni Ling Y
Ilang araw na ang nakakalipas, nakita ni Lil Yan ang kanyang regalo na inihanda niya para kay Yiran at mausisa siyang nagtanong. Sinabi niya sa kanyang anak na ika-22 ng buwan na ito ang kaarawan ng kanyang Tita Yiran. Kapag dumating na ang oras ay ibibigay niya ito sa kay Ling Yiran bilang sorpresa. Hindi niya inaasahan na tatandaan ng kanyang anak ang kaarawan ni Yiran sa kanyang puso. Isipin mo, sobrang bait ni Yiran kay Lil Yan. Paano hindi tatandaan ni Lil Yan ito sa kanyang puso?Ang mga bata ay palaging simple at direkta. Malapit sila sa kung sino ang mabait sa kanila.“Gusto kong ako ang pumili ng regalo para kay Tita,” seryosong sinabi ng bata. Hindi mapigilan ni Zhuo Qianyun na magdalawang isip nang marinig niya ito. ‘Nagbigay ng malaking tulong si Yiran kay Lil Yan. Kapag wala ang tulong ni Yiran, hindi agad makukuha ni Lil Yan ang mabuting hearing aid na para sa kanya. Normal lang na magustuhan niyang siya na ang pipili ng regalo para kay Yiran.‘Pero masyadong m
Ito ay si... Ye Wenming!Nakasuot siya ng suit at kurbata, at ang kanyang buhok ay nakasuklay tulad nang naalala niya. Malamig at gwapo ang kanyang mukha. Kahit ang gilid ng kanyang mukha ay pinapakabog ang kanyang taksil na puso. Mabait ang oras sa kanya. Taon na ang lumipas, at gwapo pa rin siya tulad ng dati. Samantalang siya naman ay balot ng mga sugat at hindi na siya tulad ng dati. Para bang naramdaman niya ang titig ni Zhuo Qianyun kaya pinihit ni Ye Wenming ang kanyang ulo sa direksyon niya. Walang malay na kinuha ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak at tumakbo palabas sa ibang direksyon.“Hoy! Miss, anong nangyari?” sumigaw ang katulong sa pagbebenta kay Zhuo Qianyun para sa biglaan niyang pagbabago. Si Ye Wenming na nakatayo sa escalator ay walang nakita maliban sa pigura na tumatakbo palayo, na lumilipad sa kanyang paningin. Maya maya ay namutla ang kanyang mukha. At lahat ng tao na sumusunod sa kanya ay nakita si Pangulong Ye, na kilala sa kanyang kalmado at maayo