Medyo tabingi ang kanyang mga daliri na alam ni Yi Jinli kung saan ito nanggaling noong nabali ang mga buto ng kanyang daliri noong nasa bilangguan pa lamang siya. Ang ilang maayos na galaw, na maaring madali para sa kanya noon, ay mahirap na sa kanya ngayon. Hirap niyang pinagbabalat ng masanas si Yi Jinli ngayon. ‘Malamang ay nasa loob ako ng kanyang puso. Sinabi niya ito noon, ako lang ang mahal niya!’Patuloy na sinasabi ni Yi Jinli sa kanyang sarili habang ang kanyang maliwanag na mata ay pinagmamasdan ang galaw ng kanyang mga kamay, sinasabi sa kanyang sarili na may malasakit si Ling Yiran sa kanya. Nang matapos na niyang balatan ang mansanas sa kanyang kamay, bumuntong hininga si Ling Yiran at binigay ito kay Yi Jinli, at sinabi, “Para sayo.”Kinuha niya ang mansanas at kinagatan. Ang matamis na laman ay tumulo sa kanyang bibig. “Matamis ba?” tanong niya. “Matamis,” sagot naman ni Yi Jinli. “Kuhain ko na rin ‘tong isa.” Habang nagsasalita siya ay kinuha niya ang
“Oo, sapat na ang cake. Tsaka, sa taong ito, ang kaarawan ko ay pagkatapos ng ika-49 na araw ng pagkamatay ng aking Lola. Hindi ko gusto ng malaking pagdiriwang. Gusto ko lang magkaroon ng cake kasama ka, si Lianyi, at ng iba pa,” ani Ling Yiran. Ito ang unang kaarawan niya simula nang nagkasama sila. Tsaka, pumanaw na ang kanyang Lola. Nagdadalamhati pa rin siya para sa kanyang Lola. Hindi niya gusto ng magarbong pagdiriwang sa kaarawan niya. Gusto niya lang ipagdiriwang nang tahimik ang kanyang kaarawan kasama siya at ng kanyang mga kaibigan. “Sige. Ihahanda ko ang cake mo,” sagot niya. “Salamat.” Ngumiti siya at tiningnan ang oras. Halos oras na ng kanyang trabaho sa tanghali. “Kung ganoon, alis na ako para makapagtrabaho ka na.”Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. Bago siya gumawa ng ikalawang hakbang, isang pares ng mga braso ang pumaligid sa kanya mula sa likuran, at agad siyang tumangay sa mga braso ni Yi Jinli. Ang kanyang mukha ay nakapatong sa leeg ni Ling Y
Ilang araw na ang nakakalipas, nakita ni Lil Yan ang kanyang regalo na inihanda niya para kay Yiran at mausisa siyang nagtanong. Sinabi niya sa kanyang anak na ika-22 ng buwan na ito ang kaarawan ng kanyang Tita Yiran. Kapag dumating na ang oras ay ibibigay niya ito sa kay Ling Yiran bilang sorpresa. Hindi niya inaasahan na tatandaan ng kanyang anak ang kaarawan ni Yiran sa kanyang puso. Isipin mo, sobrang bait ni Yiran kay Lil Yan. Paano hindi tatandaan ni Lil Yan ito sa kanyang puso?Ang mga bata ay palaging simple at direkta. Malapit sila sa kung sino ang mabait sa kanila.“Gusto kong ako ang pumili ng regalo para kay Tita,” seryosong sinabi ng bata. Hindi mapigilan ni Zhuo Qianyun na magdalawang isip nang marinig niya ito. ‘Nagbigay ng malaking tulong si Yiran kay Lil Yan. Kapag wala ang tulong ni Yiran, hindi agad makukuha ni Lil Yan ang mabuting hearing aid na para sa kanya. Normal lang na magustuhan niyang siya na ang pipili ng regalo para kay Yiran.‘Pero masyadong m
Ito ay si... Ye Wenming!Nakasuot siya ng suit at kurbata, at ang kanyang buhok ay nakasuklay tulad nang naalala niya. Malamig at gwapo ang kanyang mukha. Kahit ang gilid ng kanyang mukha ay pinapakabog ang kanyang taksil na puso. Mabait ang oras sa kanya. Taon na ang lumipas, at gwapo pa rin siya tulad ng dati. Samantalang siya naman ay balot ng mga sugat at hindi na siya tulad ng dati. Para bang naramdaman niya ang titig ni Zhuo Qianyun kaya pinihit ni Ye Wenming ang kanyang ulo sa direksyon niya. Walang malay na kinuha ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak at tumakbo palabas sa ibang direksyon.“Hoy! Miss, anong nangyari?” sumigaw ang katulong sa pagbebenta kay Zhuo Qianyun para sa biglaan niyang pagbabago. Si Ye Wenming na nakatayo sa escalator ay walang nakita maliban sa pigura na tumatakbo palayo, na lumilipad sa kanyang paningin. Maya maya ay namutla ang kanyang mukha. At lahat ng tao na sumusunod sa kanya ay nakita si Pangulong Ye, na kilala sa kanyang kalmado at maayo
...“Mama?” Hindi tinawag ni Lil Yan si Zhuo Qianyun hanggang makarating sila ng taxi. Pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya kinuha ng kanyang ina habang pumipili ng regalo para sa kanyang Tita, masunurin siyang bata dahil alam niya na may rason kung bakit ginawa ng kanyang ina iyon, kaya tahimik siya buong magdamag. “May... Nakita akong tao na hindi ko gustong makita ngayon lang, kaya... Tumakbo ako habang buhat buhat ka. Paano kung dadalhin kita sa susunod para bumili ng regalo para kay Tita Yiran?” sabi ni Zhuo Qianyun. Tumango ang bata at nagtanong sa isang pambatang boses, “Masamang tao po ba ang tao na ayaw mo pong makita?”Hindi namalayan ni Zhuo Qianyun ang pananakit ng kanyang ilong. Noong mas bata pa lang si Lil Yan, minsan na niyang tanungin kung nasaan ang ama niya. Sa tuwing nagtatanong siya, sinasabi lamang ni Zhuo Qianyun na nasa langit na ang kanyang ama. Nagtataka siya kung maiintindihin ba ni Lil Yan ang ibig sabihin ng langit?Alam niyang hi
Tumayo si Ling Yiran sa bungad ng ospital, nag-aalangan pa rin at hindi sigurado kung pinili niya ba ang tamang desisyon. ‘Mahahanap ko ba talaga ang katotohanan? Kung ito nga ang nawalang memorya, maibabalik ba ito? Anong mangyayari kung maibabalik nga ito? Magkakaroon na naman ba ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Gu Lichen, o mas lalo ko lang mapapalala ang nararamdaman ni Jin?‘Ibabalik ko ba ang alaala ko, o ibabaon ko na lang ito habang buhay? Magpapanggap na lang ba ako na parang alam ko na ang lahat at itrato ko na lang sakit ng ulo ko sa ibang paraan?‘O, lalayo na lang ako kay Gu Lichen hangga’t maari para hindi na mapasigla ang alaala ko, at titigil na rin ang pananakit ng ulo ko, diba?’“Miss Ling!” Biglang umalingawngaw ang boses ng isang babae sa tainga ni Ling Yiran. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa harapan ni Dr. Leng sa kanyang opisina, at ang tumawag sa kanya ay ang nurse na kasama ni Dr. Leng kahapon. “Miss Ling, may inasikaso lang si Dr. Leng n
Ang kanyang katahimikan ang nagpapayag sa kanya na tama ang hula niya. “May nakalimutan ka ba na kung ano? May kinalaman ba ako rito?”Marahan na kinagat ni Ling Yiran ang kanyang labi. “Mr. Gu, mayroon kang isang sobrang aktibo na imahinasyon. Pumunta nga ako rito para sa isang hypnosis, pero hindi dahil sa rason na nabanggit mo. Ito ay para gamutin ang ilan sa aking iba pang mga sintomas. Tulad ng nalalaman mo, nanatili ako sa bilangguan ng tatlong taon noon, kaya mayroon akong anxiety disorder na nararamdaman o kung ano pa.”Ang kanyang nag aalab na mga mata ay nakatuon kay Ling Yiran na para ba alisin ang katotohanan sa kasinungalingan sa kanyang mga salita. “Ganoon ba? Anxiety disorder? Mayroon ka ‘non?”Sinalubong niya ang mga mata ni Gu Lichen. “Paano mo masasabing wala?”Bigla siyang lumapit kay Ling Yiran, ang elegante at gwapo niyang mukha ay ilang hibla ang lapit sa kanyang mga mata. “Alam mo ba noong hinawakan mo ang kamay ko sa fair noong mga araw na iyon, sinabi mo an
Paghinga ng malalim, tumigil si Ling Yiran sa pagpupumglas at kumalma. “Si Ate Lifang ang nagligtas sayo, hindi ba? Mr. Gu, ikaw ang nakaalam nito, sa palagay ko. Hindi ba nakakatawa na tanungin ako niyan ngayon?”Ang kanyang mga salita at tulad ng isang palanggana ng malamig na tubig, na ibunubuhos sa kanya na nagpamutla sa kanya nang ganoon kabilis. “Gu Lichen, hindi mo ba nakita na walang katotohanan yang haka haka mo? Ano sa tingin moa ng mararamdaman ni Ate Lifang kung nandito siya at narinig ang mga sinabi mo sa akin ngayon?” tanong niya. Namula ang kanyang mga mata at nanatili pa ring nakatuon kay Ling Yiran, at sa katunayan, ang lahat ng pahiwatig at pagsisiyasat ay ang nagturo kay Hua Lifang. Ang mga pahiwatig na iyon ang nagsabi sa kanya na si Hua Lifang ang hinahanap niya. ‘Pero bakit ko ba naiisip na ang babae sa harapan ko ang hinahanap ko? Dahil ba sa itsura niya? O dahil sa tingin ng kanyang mga mata na minsan niyang pinapakita?‘Ang itsura kung saan ay mananat