“Nakabalik ka na pala. Kumusta appointment mo sa doktor?” tanong ni Yi Jinli. “Ayos lang.” Nag-isip si Ling Yiran nang ilang sandali at sinabi, “Tungkol sa sakit na ulo ko. Kung mangyari ulit iyon, bakit hindi mo ako kuhaan ng ibang doktor?”Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli ng kaunti bago siya sumagot, “Sige ba.”“Maiba tayo, napagtanto ko na interesado ka pala sa paggawa ng mga cake. Anong naging dahilan bakit mo inaaral ito? Gaano katagal ka nang nag-aaral?” tanong ni Ling Yiran habang pinagmamasdan ang cake na dinisensyo ni Yi Jinli. Maayos ang pagkaka disenyo niya. Hindi na masama para kay Ling Yiran, at katulad ito ng mga nasa bakeshop!“Mabilis matuto si Mr. Yi. Nakuha niya agad ito sa isang aralin lang.” Ang pastry chef sa malapit ay binati si Yi Jinli. “Sige. Iyon lang para sa ngayon. Maari ka nang makaalis,” sabi ni Yi Jinli sa pastry chef. Tumango siya at umalis ng kusina. Biglang natira sina Yi Jinli at Ling Yiran sa maluwag na kusina. “Ikaw? May nangyari ba
Tahimik niyang tinitigan kay Ling Yiran, tapos ay marahan siyang ngumiti. Ang ngiti niya ay tulad ng natutunaw na niyebe sa kabundukan tuwing tagsibol, napakaganda nito na hindi mapigilang tingnan ito ng mga tao. “Yiran, naniniwala ako sayo,” sabi ni Yi Jinli habang inawang niya ang kanyang manipis na labi nang kaunti. Sensitibo siya at hindi talaga naniniwala sa anumang bagay. Pero gusto niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Ling Yiran – na hindi siya bibiguin nito at hindi siya nito pababayaan!Tinago niya ang insidente sa pagitan nila ni Gu Lichen mula sa kanya, pero... Maniniwala pa rin siya rito. Papaniwalaan niya pa rin ito. Maniniwala siya sa mga sinabi ni Ling Yiran at maniniwala rin siya na walang namamagitan sa kanila ni Gu Lichen! Naniniwala rin siya na hindi niya susundan ang yapak ng kanyang ama!Umabante siya ay nilgay ang kanyang mga labi kay Ling Yiran. Hindi ito mahinahon nang hinalikan siya ni Yi Jinli, pero nangingibabaw ang kanyang halik. Masyadong nangi
Ang kanyang mga kamay ay na kay Yi Jinli. Malaki ang kaibahan ng kanilang maliit at malaking kamay. Magaganda ang mga kamay ni Yi Jinli, mula sa hugis ng mga daliri, haba, hanggang sa mga kasukasuan at mga kuko – magaganda silang lahat. Sa kabaligtaran, ang ibang buto sa mga kamay ni Ling Yiran ay medyo kakaiba, ang dalawang partikular na buto ay halos hindi na makilala. Mukha silang mga kamay na nakagawa ng ilang trabaho sa loob ng maraming taon. Kung titingnan nang malapitan, makikita ang ilang mga peklat sa balat ng kanyang mga kamay...Ang mga kamay na ito ay hindi maganda sa tabi ng mga kamay ni Yi Jinli. “Anong meron? Hawak ang kamay ko nang ganyan...” Marahang kinagat ni Ling Yiran ang kanyang labi at sinubukang hilahin pabalik ang kanyang kamay. Pero ay pinigilan siya ni Yi Jinli. “Simula ngayon ay ako ang gagawa ng mga bagay na hindi magagawa ng mga kamay mo.”Nabigla siya, at pagkatapos makita ang pagsisisi sa mukha ni Yi Jinli, ay may napagtanto siya. Marahan siyan
“Sino? Sino ang magba-blacklist sa akin?” Mapait niyang tanong. Pero nang marinig niya ang pangalan mula sa bibig ng kanyang manager, namutla ang kanyang mukha. Yi Jinli!Ang iisang nais na mag-blacklist sa kanya ay si Yi Jinli!Hindi kailanman naging interesado si Yi Jinli sa industriya. Hindi pa siya pumili ng kahit na sinong artista sa industriya noon, at ngayon... Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa niya ito!Sa ibang dahilan... Ang isipan ni Hao Yimeng ay bumalik sa oras ng fair kung saan na makumbaba siyang humingi ng paumanhin kay Ling Yiran, pero tumanggi si Ling Yiran. At sinabi rin ni Yi Jinli, ‘Kung ayaw niyang patawarin ka, kung ganoon ay hindi.’Alam niya nang may gagawin si Yi Jinli pagkatapos ‘non, pero hindi niya inaasahan na iba-blacklist siya nito sa industriya. Halos hipag na siya ni Yi Jinli sa pangalan!Hindi kailanman minahal ni Yi Jinli ang kapatid niya, at ang pamilya Yi at ang pamilya Hao ay halos magkaugnay sa isa’t-isa mula sa pananaw ng
Agad na nagulantang sina Lyu Zhixue at Hao Yimeng. Ang piraso ng lupa sa bandang timog ng lungsod ay ang mainit na piraso ng lupain. Ginawa ng pamilya Hao ang lahat upang makuha lang ito. Pumatok ang real estate na ito makalipas ang ilang taon at nagkakahalaga ang lupain ngayon ng sampung bilyong dolyar!Magbibigay lang siya ng sampung bilyong dolyar kay Ling Yiran nang ganoon lang?Paano nila pinagkasunduan iyon!Malapit nang sumiklab ang galit kay Lyu Zhixue, pero ang ina at ang anak ay hindi inaasahan ang putla sa mukha ni Hao Qirong. “Seryoso ka na hindi mo tatanggapin ito, Young Master Yi?”Ibig sabihin ba ay... Tumanngi si Ling Yiran?Nagpakita ng parehong pagkabigla sina Lyu Zhixue at Hao Yimeng. Maya maya ay binaba ni Hao Qirong ang kanyang telepono at tiningnan sa mata ang kanyang pangawalang anak na babae nang may awa. Ang mga sanhi na nakatanim ngayon ay nagbunga. Sino ang mag-aakala na si Ling Yiran, ang sinumang tumapak sa kanyang likuran, ay sinasanggaan pa n
Naisip niya rin ito sa mga oras na ito. Na delikado kung magkagulo na naman sina Ye Wenming at Zhuo Qianyun sa isa’t-isa at delikado rin kung mahanap siya ni Ye Wenming, at kung dumating ang araw na iyon, hahayaan lamang niyang ihiganti ang laman ng kanyang puso. “Pero...” May gusto pang sabihin si Ling Yiran, pero si Zhuo Qianyun ay marahan na hinawakan ang kanyang kamay at sinabi, “Alam kong gusto mong tulungan ako. Pero... Ang bagay na ito ay sa pagitan lamang namin ni Ye Wenming, maayos din ito kalaunan.”Matapos ang ilang sandali, dagdag ni Zhuo Qianyun, “Yiran, may isang bagay akong itatanong sa iyo.”Taimtim at seryoso ang ekspresyon ni Zhuo Qianyun, na siyang naging dahilan ng biglaang panginginig ng puso ni Ling Yiran. “Inaasahan ko lang na kung... mahanap ako ni Ye Wenming, siguro ay hindi ko na muna mabibisita sandali ang aking ina at si Lil Yan. Inaasahan ko na pangalagaan mo sila kapag dumating ang oras na iyon. Tsaka, ang isa ay matanda na, ang isa naman ay bata, pa
Pero kapag siya ay nasa bingit ng pangangailangan ng tulong, sinabi ng lalaki, “Ang pinagsisisihan ko sa buong buhay ko na pinili kita bilang girlfriend ko.”‘Nakakatawa! Manloloko!’Ang mga panata ng walang hanggang pag-ibig ay hindi matiis ang pagsabog ng isang aksidente. Ang mga salita na ‘ikaw lang’ at ‘desisyon’ ay madaling napalitan ng ibang babae. Ang pamilyar na tinig ngayon ay iba na.Bumaling si Ling Yiran para tingnan si Xiao Ziqi na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Dala pa rin niya ang mga mahahaling gamit niya at ang maporma niyang tindig, mukha siyang nakakaakit na binata.Hindi na nakakapagtaka na pinili ni Hao Yimeng na makasama si Xiao Ziqi. Tsaka, napakagwapo niya. “Hindi ko alam na mayroon pa tayong maaring pag-usapan,” sabi ni Ling Yiran. “Ilang minuto lang. May mga gusto lang akong sabihin sayo.” Iglap ni Xiao Ziqi. At mukhang takot siyang hindi makuha ang opurtunidad na ito, dagdag niya, “Yiran, alam kong hinayaan kita sa insidenteng iyon. Hindi kita pi
“Masama?” pinutol ni Ling Yiran ang sinasabi ni Xiao Ziqi. “Kung masama pala ang tawag doon, malamang ay hindi mo kung ano talaga ang masama, Mr. Xiao!”Ang hindi makataong pagpapahirap na dinanas niya sa bilangguan ay ang siyang nagpaisip sa kanya nang maraming beses na hindi na siya mabubuhay. Malamang ay hindi naranasan ni Xiao Ziqi ang sampung beses ng sakit noon. “Makukuntento ka lang kapag nasira mo na siya?” pagalit na tanong ni Xiao Ziqi. “Hindi ba ay sinira niya rin ako? Kung hindi lang ako masuwerte, malamang ay hindi na makakabuhat ng kung ano ang mga kamay ko ngayon,” sabi ni Ling Yiran. Nabigla si Xiao Ziqi, at ang titig niya ay bumaba sa mga kamay ni Ling Yiran sa gilid. Makalipas ang ilang taon, naibabalik pa rin sa kanyang isipan ang eksena bawat oras. Nang nangyari iyon, nakaramdam siya ng isang halo-halong emosyon. Lalo na noong nalaman niya na hindi si Ling Yiran ang may sala, inisip niya kung magiging sila pa rin ba kung hindi siya napabintangan. Pero d