Ang kanyang mga kamay ay na kay Yi Jinli. Malaki ang kaibahan ng kanilang maliit at malaking kamay. Magaganda ang mga kamay ni Yi Jinli, mula sa hugis ng mga daliri, haba, hanggang sa mga kasukasuan at mga kuko – magaganda silang lahat. Sa kabaligtaran, ang ibang buto sa mga kamay ni Ling Yiran ay medyo kakaiba, ang dalawang partikular na buto ay halos hindi na makilala. Mukha silang mga kamay na nakagawa ng ilang trabaho sa loob ng maraming taon. Kung titingnan nang malapitan, makikita ang ilang mga peklat sa balat ng kanyang mga kamay...Ang mga kamay na ito ay hindi maganda sa tabi ng mga kamay ni Yi Jinli. “Anong meron? Hawak ang kamay ko nang ganyan...” Marahang kinagat ni Ling Yiran ang kanyang labi at sinubukang hilahin pabalik ang kanyang kamay. Pero ay pinigilan siya ni Yi Jinli. “Simula ngayon ay ako ang gagawa ng mga bagay na hindi magagawa ng mga kamay mo.”Nabigla siya, at pagkatapos makita ang pagsisisi sa mukha ni Yi Jinli, ay may napagtanto siya. Marahan siyan
“Sino? Sino ang magba-blacklist sa akin?” Mapait niyang tanong. Pero nang marinig niya ang pangalan mula sa bibig ng kanyang manager, namutla ang kanyang mukha. Yi Jinli!Ang iisang nais na mag-blacklist sa kanya ay si Yi Jinli!Hindi kailanman naging interesado si Yi Jinli sa industriya. Hindi pa siya pumili ng kahit na sinong artista sa industriya noon, at ngayon... Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa niya ito!Sa ibang dahilan... Ang isipan ni Hao Yimeng ay bumalik sa oras ng fair kung saan na makumbaba siyang humingi ng paumanhin kay Ling Yiran, pero tumanggi si Ling Yiran. At sinabi rin ni Yi Jinli, ‘Kung ayaw niyang patawarin ka, kung ganoon ay hindi.’Alam niya nang may gagawin si Yi Jinli pagkatapos ‘non, pero hindi niya inaasahan na iba-blacklist siya nito sa industriya. Halos hipag na siya ni Yi Jinli sa pangalan!Hindi kailanman minahal ni Yi Jinli ang kapatid niya, at ang pamilya Yi at ang pamilya Hao ay halos magkaugnay sa isa’t-isa mula sa pananaw ng
Agad na nagulantang sina Lyu Zhixue at Hao Yimeng. Ang piraso ng lupa sa bandang timog ng lungsod ay ang mainit na piraso ng lupain. Ginawa ng pamilya Hao ang lahat upang makuha lang ito. Pumatok ang real estate na ito makalipas ang ilang taon at nagkakahalaga ang lupain ngayon ng sampung bilyong dolyar!Magbibigay lang siya ng sampung bilyong dolyar kay Ling Yiran nang ganoon lang?Paano nila pinagkasunduan iyon!Malapit nang sumiklab ang galit kay Lyu Zhixue, pero ang ina at ang anak ay hindi inaasahan ang putla sa mukha ni Hao Qirong. “Seryoso ka na hindi mo tatanggapin ito, Young Master Yi?”Ibig sabihin ba ay... Tumanngi si Ling Yiran?Nagpakita ng parehong pagkabigla sina Lyu Zhixue at Hao Yimeng. Maya maya ay binaba ni Hao Qirong ang kanyang telepono at tiningnan sa mata ang kanyang pangawalang anak na babae nang may awa. Ang mga sanhi na nakatanim ngayon ay nagbunga. Sino ang mag-aakala na si Ling Yiran, ang sinumang tumapak sa kanyang likuran, ay sinasanggaan pa n
Naisip niya rin ito sa mga oras na ito. Na delikado kung magkagulo na naman sina Ye Wenming at Zhuo Qianyun sa isa’t-isa at delikado rin kung mahanap siya ni Ye Wenming, at kung dumating ang araw na iyon, hahayaan lamang niyang ihiganti ang laman ng kanyang puso. “Pero...” May gusto pang sabihin si Ling Yiran, pero si Zhuo Qianyun ay marahan na hinawakan ang kanyang kamay at sinabi, “Alam kong gusto mong tulungan ako. Pero... Ang bagay na ito ay sa pagitan lamang namin ni Ye Wenming, maayos din ito kalaunan.”Matapos ang ilang sandali, dagdag ni Zhuo Qianyun, “Yiran, may isang bagay akong itatanong sa iyo.”Taimtim at seryoso ang ekspresyon ni Zhuo Qianyun, na siyang naging dahilan ng biglaang panginginig ng puso ni Ling Yiran. “Inaasahan ko lang na kung... mahanap ako ni Ye Wenming, siguro ay hindi ko na muna mabibisita sandali ang aking ina at si Lil Yan. Inaasahan ko na pangalagaan mo sila kapag dumating ang oras na iyon. Tsaka, ang isa ay matanda na, ang isa naman ay bata, pa
Pero kapag siya ay nasa bingit ng pangangailangan ng tulong, sinabi ng lalaki, “Ang pinagsisisihan ko sa buong buhay ko na pinili kita bilang girlfriend ko.”‘Nakakatawa! Manloloko!’Ang mga panata ng walang hanggang pag-ibig ay hindi matiis ang pagsabog ng isang aksidente. Ang mga salita na ‘ikaw lang’ at ‘desisyon’ ay madaling napalitan ng ibang babae. Ang pamilyar na tinig ngayon ay iba na.Bumaling si Ling Yiran para tingnan si Xiao Ziqi na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Dala pa rin niya ang mga mahahaling gamit niya at ang maporma niyang tindig, mukha siyang nakakaakit na binata.Hindi na nakakapagtaka na pinili ni Hao Yimeng na makasama si Xiao Ziqi. Tsaka, napakagwapo niya. “Hindi ko alam na mayroon pa tayong maaring pag-usapan,” sabi ni Ling Yiran. “Ilang minuto lang. May mga gusto lang akong sabihin sayo.” Iglap ni Xiao Ziqi. At mukhang takot siyang hindi makuha ang opurtunidad na ito, dagdag niya, “Yiran, alam kong hinayaan kita sa insidenteng iyon. Hindi kita pi
“Masama?” pinutol ni Ling Yiran ang sinasabi ni Xiao Ziqi. “Kung masama pala ang tawag doon, malamang ay hindi mo kung ano talaga ang masama, Mr. Xiao!”Ang hindi makataong pagpapahirap na dinanas niya sa bilangguan ay ang siyang nagpaisip sa kanya nang maraming beses na hindi na siya mabubuhay. Malamang ay hindi naranasan ni Xiao Ziqi ang sampung beses ng sakit noon. “Makukuntento ka lang kapag nasira mo na siya?” pagalit na tanong ni Xiao Ziqi. “Hindi ba ay sinira niya rin ako? Kung hindi lang ako masuwerte, malamang ay hindi na makakabuhat ng kung ano ang mga kamay ko ngayon,” sabi ni Ling Yiran. Nabigla si Xiao Ziqi, at ang titig niya ay bumaba sa mga kamay ni Ling Yiran sa gilid. Makalipas ang ilang taon, naibabalik pa rin sa kanyang isipan ang eksena bawat oras. Nang nangyari iyon, nakaramdam siya ng isang halo-halong emosyon. Lalo na noong nalaman niya na hindi si Ling Yiran ang may sala, inisip niya kung magiging sila pa rin ba kung hindi siya napabintangan. Pero d
Simpleng salita lang ito, pero ibig sabihin ay talagang na-blacklist si Hao Yimeng!Kahit na handa na ang kanyang isipan, nabigla pa rin si Ling Yiran. Tsaka, si Hao Yimeng ay hindi ordinaryong artista sa industriya. Siya ang pangalawang anak na babae ng pamilya Hao!Pero, si Yi Jinli... Ay ganoon na lamang sya i-blacklist.Tumitig siya sa ‘Oo’ ni Yi Jinli, samantala siya ay nawala sa kanyang pag-iisip. Maya maya, nagpadala pa ng mensahe si Ling Yiran, ‘Hindi ka ba tatalikuran ng pamilya Hao?’Hindi niya gusto na maapektuhan ang karera ni Yi Jinli ng dahil sa kanya. Tsaka, ang pamilya Hao ay mayaman at makapangyarihan din sa Shen City. Malinaw ang sagot ni Yi Jinli. ‘Hindi maglalakas loob na gumawa ng kahit ano ang pamilya Hao.’Ang mga salitang iyon ang nagpagaan sa nararamdaman niya. Sa gabi, inanunsyo ni Hao Yimeng sa publiko na aalis siya sa industriya at babalik sa pamilya Hao para pamunuhan ang negosyo ng pamilya. Ang buong industriya ay agad na naguluhan sa biglaa
Niyakap ni Yi Jinli ang bewang ni Ling Yiran at iniligay niya ang kanyang mga labi sa tenga nito. “Mukhang nagsasalita naman si Qin Lianyi ng maayos paminsan minsan.“Ano?” mabilis na tanong ni Ling Yiran.“Nakapili ka ng maayos na asawa.” Habang nagsasalita si Yi Jinli ay dinilaan nito ng marahan ang tenga ni Ling Yiran.Hinabol niya ang kanyang hininga, at lalo siyang namula. “Jin..” Nagsisimula na siyang mautal ng kaunti“Pagkatapos ng isang taon, magpapakasal na agad tayo,” pabulong na sabi ni Yi Jinli. ‘Isang taon. Aantayin ko siya sa loob ng isang taon. Pagkatapos ng isang taon, Gusto ko siyang maging totoong pag-aari ko.’Pinaghiwalay niya ang kanyang mga labi at kinagat niya ng marahan ang tenga nito bago sipsipin, kaya nanginig siya.“Jin, huwag…” Ngayon ay para na siyang pinakuluang hipon. Sobrang init ng kanyang mga tenga at mukhang lahat ng dugo niya ay mabilis na umaakyat doon.Ngunit, para bang hindi siya naririnig nito. Nagpatuloy siya sa pagsipsip ng dahan dahan