Minsan ay pakiramdam ni Bai Tingxin na halos lahat ng una niya ay ginawa ni Qin Lianyi.Halimbawa na lang, siya ang unang babae na nalasing at umibabaw sa kanya. Ginawa niya ang lahat ng bagay na hindi dapat at dapat niyang gawin.At tsaka, sa unang pagkakataon, basta basta na lang siyang iniwan ng babae na ito kinabukasan ng walang sinabi na kahit isang salita.Ngayon, sa unang pagkakataon ay pinapakiusapan siya na magshare ng link sa isang tsismis sa wechat.Kahit kailan kaya ay naisip nito kung sino ang kanyang nasa wechat?Ngunit, narinig niya na ito dati na magsalita tungkol kay Hao Yimeng at Ling Yiran. Dahil doon, nalaman niyang hindi talaga nito gusto si Hao Yimeng.Hindi siya natatakot na masaktan ang pamilya ng mga Hao. Sabagay, marami na siyang nasaktan na tao mapunta lang sa lugar kung nasaan siya ngayon.Ngunit.. niliitan ng kaunti ni Bai Tingxin ang kanyang pagtingin at sumagot siya kay Qin Lianyi sa Wechat, ‘Bakit ko naman gagawin ang pabor na to para sa iyo?’Il
Pagkatapos ng araw, sinundo ni Bai Tingxin si Qin Lianyi. Sa loob ng kotse, patuloy pa ding nagshesjare si Qin Lianyi at nagkcocomment, pinaghihirapan na gawing kauna unahan ang tsismis sa trending list.Habang sinusubukan niya ng mabuti, hindi nakalimutan ni Qin Lianyi na sabihin na “Ang pamilya ng mga Haoay kasuklam-suklam. Patuloy nila itong tinatanggal sa hot searches. Kung hindi man, sa mga comments at search ngayon, dapat ay nasa trending list na ito.”“Gusto mong mapunta ito sa trending searches list?” tanong ni Bai Tingxin.“Syempre, para saan ko pa ba ginagawa ito?” reklamo niya ngunit hindi pa din siya tumigil sa lanyang ginagawa.“Para lang naman naglalagay ng maliit na balita sa trending list. Bakit kailangan mong pumasok sa ganyang gulo?” asked Bai Tingxin.“Kapag hindi ko ginawa ang lahat ng aking makakaya, walang magiging pag-asa,” galoy na sabi ni Qin Lianyi.“Hindi mo ba alam na pwede kang magbayad para maglagay ng kung ano sa trending searches list?”Nagulat s
Ngunit, bakit parang mayroong malakas na pakiramdam sa kung paano siya tignan nito. Para bang pwede siyang matunaw?Binigyan siya nito ng guni-guni na maaring mahal siya nito!‘Paano niya ako mamahalin?‘Ayaw niya sa akin! Natulog ako kasama siya at iniwan siya kinabukasan ng walang sinasabing kahit isang salita!“I..” Kinagat niya ng kaunti ang kanyang mga labi at sa isang saglit hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.Hindi niya inantay na makasagot ito. Kinuha nito ang kanyang phone, nagdial ng number at sinabi sa kausap nito na l, “Kunin niyo ang balita tungkol sa pagiging blacklisted ni Hao Yimeng at pilitin niyong mapunta ito sa kauna-unahan ng trending searches list… Oo.. teka lang.”Habang nagsasalita siya, lumingon si Bai Tingxin kay Qin Lianyi at nagtanong, “Ilang araw mo gustong maging kauna-unahan ito sa trending searches list?”“Ha?” Napakurap si Qin Lianyi, naguguluhan pa rin. Bigla niya na lang nasabi, “Tatlong araw?”“Tatlong araw,” ang sagot ni Bai Tin
“Minsan ng sinabi ng ate ko na ang lalaki na katulad ni Yi Jinli ay hindi kayang magmahal ng babae kahit kailan! Hindi niya kayang magtiwala sa babae. Ang sarili niya lamang ang kaya niyang paniwalaan sa buong mundo!”‘Pero na lang lung kayang gawin ni Ling Yiran na walang pagdududahan tungkol sa kanya si Yi Jinli. Kung hindi man, as long as may kahit konting pagdududa….’ dumilim ang mga mata ni Hao Yimeng.‘Isang lunatic si Yi Jinli. Mahal na mahal siya ng kanyang kapatid. Kahit hindi siya mahal ni Yi Jinli, gusto niya pa ding pakasalan ito. Ngunit, wala ni isang pumatak na luha sa mga mata ni Yi Jinli ng siya ay namatay.‘Ngayon, gusto kong makita kung anong mangyayari kay Ling Yiran.‘Si Ling Yiran ang may kasalanan kung bakit ako naging miserable. Kapag itinapon na ni Yi Jinli si Ling Yiran, sisiguraduhin kong makakatikim ulit si Ling Yiran ng isa pang sakit!’…Kahit na ang pamilya ng mga Xiao at Hao ay humatak na ng mga koneksyon at gumastos na ng malaki, ang balita tungko
“Hindi mo na kailangan pang mag-abala at bumiyahe pa ng sobra. Magbibigay lang naman ako ng pagrespeto at bibisitahin ang puntod ni lola. Babalik agad ako pagkatapos,” ang sabi niya.“Hindi abala yon.” tanggi ni Yi Jinli. “Yiran, pupunta ako dahil siya ay lola mo.”Bilang uminit ang puso ni Ling Yiran, at medyo namanhid ang kanyang ilong ng kaunti. Tapos, ay biglaan niyang nilagay ang kanyang mga braso sa bewang nito at ibinaon niya ang kanyang mukha sa mga braso nito.‘Ganito ba ang pakiramdam kapag pinapahalagahan ka?’Tumingin si Yi Jinli sa taong nag-umpisang yumakap sa kanya. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mga kamay at hinaplos ang buhok niyo. “Mayroon ka bang kahit anong hiling sa iyong kaarawan?”‘Hiling?’ Pagkatapos niyang makalabas sa kulungan, ang pinakahiling niya lang ay mabaliktad niya ang kanyang kaso, pero ngayon, nagkatotoo na ang kanyang hiling.Ngayon, ang hiling niya… “Kahit ano man ang hilingin ko, gagawin mo para sa akin?” tanong niya habang nakatingi
‘Si Zhuo Qianyun ba ay nasa kung saan dito sa night scene?’Ang babae na iyun ay isang masamang panaginip, na ilang taon ng kumakain sa kanyang isipan.Siya ang nanalo pero bakit ala siyang maramdaman na saya? Sa tuwing maiisip niya ang babae na yun, nakakaramdam siya ng sakit sa kanyang dibdib. ‘Kapag nahanap ko siya ay doon ko lamang mababawasan ang kakaiba kong nararamdaman.‘Hahanapin ko siya, at sa ngayong pagkakataon, tatanggalin ko siya sa aking puso!’…Noong sumunod na araw, hinatid na ng driver ng pamilya ng mga Yi si Yiran sa bayan.Nakabihis siya ng itim na damit, naglakad si Ling Yiran papunta sa family house ng mga Lu.Ngayon ay ika-49 na araw pagkatapos ng pagkamatay ni lola. Pinaghandaan itong mabuti ng mga Lu family. Nag-imbita pa sila ng mga Taoist priest para magchant sa mga scriptures at inimbita nila ang mga kamag-anak nila at kapitbahay para pumunta dito.Ng dumating si Ling Yiran, puno na ng tao ang family house ng mga Lu.Pumunta si Ling Yiran sa shrin
Sa ilang saglit, hindi mapigilanng manginig ng puso ni Ling Yiran. Ang mga mata niya ay… kakaiba at malayo, na para bang nakatingin siya sa walang kwentang tao na hindi niya kilala.Kakaibang pakiramdam ng pagkawala ang agad na sumabog sa kanyang puso. Sobrang bilis nito kaya siya ay medyo nagulat.‘Bakit pakiramdam ko may nawala sa akin? Dahil ba ang lalaking kasama ko sa hirap noon nung bata pa kami ay tinuturing na akong hindi kakilala?‘Ngunit… pinili ko to, hindi ba?‘Kahit ako ang taong nagligtas kay Gu Lichen.. nakapili na ako. Nakapagdesisyon na akong piliin si Jin!‘Ayokong sumama ang loob ni Jin. Ayokong ang lalaking mahal ako at magmukhang marupok at hindi sigurado sa sarili. Kaya, kahit nawala man ang ala-ala ko o hindi, wala akong ibabalik na kahit ano!‘Iyun na yon. Hayaan na natin na ganun.’Nagbigay si Ling Yiran ng pilit na ngiti at binaba niya ang kanyang ulo.Si Hua Lifang, na nakatayo sa tabi ni Gu Lichen, ay tumingin kay Ling Yiran ng may poot. Tapos, tumin
Natawa ng kaunti si Ling Yiran. “Sis, talaga bang niligtas mo si Gu Lichen noong bata ka pa?”Tinitigan siya ng masama ni Hua Lifang. “Magiging sobrang bait niya ba sa akin kung hindi ko siya niligtas noong bata pa kami?”“Pero hindi ko maalala na mahilig kang pumunta sa burol noong bata ka pa, tama ba? Ako ang laging pumupunta doon para magsaya,” sabi ni Ling Yiran.Namutla ang mukha ni Hua Lifang. “Ano… ano ang ibig sabihin mo dyan? Anong kinalaman ng pagligtas ko kay Lichen sa kung gusto ko o hindi ang pagpunta doon? At tsaka, nangyari lang na naligtas ko si Lichen sa isang occasional trip.”“Nangyari lang?” Tumingin si Ling Yiran sa pabago-bagong tingin nito sa kanyang mga mata at sigurado na siya na ang pinsan niya ay guilty, kaya ganun na lang siya umiiwas ng sagot.Hindi malamang si Sis Lifang ang nagligtas kay Gu Lichen.“Yiran, sapat na ba ang nalaman mo? Tapos ka na ba?” galit na sabi ni Hua Lifang sa pagkahiya niya. Madalas niyang gamitin ang galit para matakpan ang ka