Ngunit, bakit parang mayroong malakas na pakiramdam sa kung paano siya tignan nito. Para bang pwede siyang matunaw?Binigyan siya nito ng guni-guni na maaring mahal siya nito!‘Paano niya ako mamahalin?‘Ayaw niya sa akin! Natulog ako kasama siya at iniwan siya kinabukasan ng walang sinasabing kahit isang salita!“I..” Kinagat niya ng kaunti ang kanyang mga labi at sa isang saglit hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.Hindi niya inantay na makasagot ito. Kinuha nito ang kanyang phone, nagdial ng number at sinabi sa kausap nito na l, “Kunin niyo ang balita tungkol sa pagiging blacklisted ni Hao Yimeng at pilitin niyong mapunta ito sa kauna-unahan ng trending searches list… Oo.. teka lang.”Habang nagsasalita siya, lumingon si Bai Tingxin kay Qin Lianyi at nagtanong, “Ilang araw mo gustong maging kauna-unahan ito sa trending searches list?”“Ha?” Napakurap si Qin Lianyi, naguguluhan pa rin. Bigla niya na lang nasabi, “Tatlong araw?”“Tatlong araw,” ang sagot ni Bai Tin
“Minsan ng sinabi ng ate ko na ang lalaki na katulad ni Yi Jinli ay hindi kayang magmahal ng babae kahit kailan! Hindi niya kayang magtiwala sa babae. Ang sarili niya lamang ang kaya niyang paniwalaan sa buong mundo!”‘Pero na lang lung kayang gawin ni Ling Yiran na walang pagdududahan tungkol sa kanya si Yi Jinli. Kung hindi man, as long as may kahit konting pagdududa….’ dumilim ang mga mata ni Hao Yimeng.‘Isang lunatic si Yi Jinli. Mahal na mahal siya ng kanyang kapatid. Kahit hindi siya mahal ni Yi Jinli, gusto niya pa ding pakasalan ito. Ngunit, wala ni isang pumatak na luha sa mga mata ni Yi Jinli ng siya ay namatay.‘Ngayon, gusto kong makita kung anong mangyayari kay Ling Yiran.‘Si Ling Yiran ang may kasalanan kung bakit ako naging miserable. Kapag itinapon na ni Yi Jinli si Ling Yiran, sisiguraduhin kong makakatikim ulit si Ling Yiran ng isa pang sakit!’…Kahit na ang pamilya ng mga Xiao at Hao ay humatak na ng mga koneksyon at gumastos na ng malaki, ang balita tungko
“Hindi mo na kailangan pang mag-abala at bumiyahe pa ng sobra. Magbibigay lang naman ako ng pagrespeto at bibisitahin ang puntod ni lola. Babalik agad ako pagkatapos,” ang sabi niya.“Hindi abala yon.” tanggi ni Yi Jinli. “Yiran, pupunta ako dahil siya ay lola mo.”Bilang uminit ang puso ni Ling Yiran, at medyo namanhid ang kanyang ilong ng kaunti. Tapos, ay biglaan niyang nilagay ang kanyang mga braso sa bewang nito at ibinaon niya ang kanyang mukha sa mga braso nito.‘Ganito ba ang pakiramdam kapag pinapahalagahan ka?’Tumingin si Yi Jinli sa taong nag-umpisang yumakap sa kanya. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mga kamay at hinaplos ang buhok niyo. “Mayroon ka bang kahit anong hiling sa iyong kaarawan?”‘Hiling?’ Pagkatapos niyang makalabas sa kulungan, ang pinakahiling niya lang ay mabaliktad niya ang kanyang kaso, pero ngayon, nagkatotoo na ang kanyang hiling.Ngayon, ang hiling niya… “Kahit ano man ang hilingin ko, gagawin mo para sa akin?” tanong niya habang nakatingi
‘Si Zhuo Qianyun ba ay nasa kung saan dito sa night scene?’Ang babae na iyun ay isang masamang panaginip, na ilang taon ng kumakain sa kanyang isipan.Siya ang nanalo pero bakit ala siyang maramdaman na saya? Sa tuwing maiisip niya ang babae na yun, nakakaramdam siya ng sakit sa kanyang dibdib. ‘Kapag nahanap ko siya ay doon ko lamang mababawasan ang kakaiba kong nararamdaman.‘Hahanapin ko siya, at sa ngayong pagkakataon, tatanggalin ko siya sa aking puso!’…Noong sumunod na araw, hinatid na ng driver ng pamilya ng mga Yi si Yiran sa bayan.Nakabihis siya ng itim na damit, naglakad si Ling Yiran papunta sa family house ng mga Lu.Ngayon ay ika-49 na araw pagkatapos ng pagkamatay ni lola. Pinaghandaan itong mabuti ng mga Lu family. Nag-imbita pa sila ng mga Taoist priest para magchant sa mga scriptures at inimbita nila ang mga kamag-anak nila at kapitbahay para pumunta dito.Ng dumating si Ling Yiran, puno na ng tao ang family house ng mga Lu.Pumunta si Ling Yiran sa shrin
Sa ilang saglit, hindi mapigilanng manginig ng puso ni Ling Yiran. Ang mga mata niya ay… kakaiba at malayo, na para bang nakatingin siya sa walang kwentang tao na hindi niya kilala.Kakaibang pakiramdam ng pagkawala ang agad na sumabog sa kanyang puso. Sobrang bilis nito kaya siya ay medyo nagulat.‘Bakit pakiramdam ko may nawala sa akin? Dahil ba ang lalaking kasama ko sa hirap noon nung bata pa kami ay tinuturing na akong hindi kakilala?‘Ngunit… pinili ko to, hindi ba?‘Kahit ako ang taong nagligtas kay Gu Lichen.. nakapili na ako. Nakapagdesisyon na akong piliin si Jin!‘Ayokong sumama ang loob ni Jin. Ayokong ang lalaking mahal ako at magmukhang marupok at hindi sigurado sa sarili. Kaya, kahit nawala man ang ala-ala ko o hindi, wala akong ibabalik na kahit ano!‘Iyun na yon. Hayaan na natin na ganun.’Nagbigay si Ling Yiran ng pilit na ngiti at binaba niya ang kanyang ulo.Si Hua Lifang, na nakatayo sa tabi ni Gu Lichen, ay tumingin kay Ling Yiran ng may poot. Tapos, tumin
Natawa ng kaunti si Ling Yiran. “Sis, talaga bang niligtas mo si Gu Lichen noong bata ka pa?”Tinitigan siya ng masama ni Hua Lifang. “Magiging sobrang bait niya ba sa akin kung hindi ko siya niligtas noong bata pa kami?”“Pero hindi ko maalala na mahilig kang pumunta sa burol noong bata ka pa, tama ba? Ako ang laging pumupunta doon para magsaya,” sabi ni Ling Yiran.Namutla ang mukha ni Hua Lifang. “Ano… ano ang ibig sabihin mo dyan? Anong kinalaman ng pagligtas ko kay Lichen sa kung gusto ko o hindi ang pagpunta doon? At tsaka, nangyari lang na naligtas ko si Lichen sa isang occasional trip.”“Nangyari lang?” Tumingin si Ling Yiran sa pabago-bagong tingin nito sa kanyang mga mata at sigurado na siya na ang pinsan niya ay guilty, kaya ganun na lang siya umiiwas ng sagot.Hindi malamang si Sis Lifang ang nagligtas kay Gu Lichen.“Yiran, sapat na ba ang nalaman mo? Tapos ka na ba?” galit na sabi ni Hua Lifang sa pagkahiya niya. Madalas niyang gamitin ang galit para matakpan ang ka
Nakabili na si Ling Yiran ng bagay na ibibigay para magbigay respeto sa kanyang lola, at ayaw niya itong gawin kasama ang pamilya ng mga Lu. Gusto niyang mapag-isa kasama ang kanyang lola sa ilang sandali.Habang paparating na ang sasakyan sa paanan ng burol, imbes na magpasama sa driver, sinabi ni Ling Yiran, “Kaya ko ng pumunta sa taas ng mag-isa. Gusto kong mapag-isa kasama ang lola ko ng ilang sandali. Antayin mo na lang ako dito.”Mukhang ayaw pumayag ng driver. “Pero ang sabi ni Mr. Yi---”“Ako na ang kakausap mismo kay Jin mamaya. Hindi ka niya sisisihin. At tsaka, ito naman ang village ng puntod ng pamilya namin. At tsaka maaga pa naman kaya hindi delikado,” sabi ni Ling Yiran.Habang nagsasalita si Ling Yiran, naglakad na siya ng paunti-unti habang buhat ang mga bagay na ibibigay niya sa kanyang lola para magbigay respeto.Hindi na sinubukan ng driver na makipagtalo sa kanga at ang kaya niya na lang gawin ay tahimik na mag-antay sa paanan ng burol.Habang papalapit na si
“Ihanda mo na ang sasakyan. Aalis na ko ngayon.” Sabi ni Yi Jinli ng may mababang boses.“Sige!” Sagot ni Gao Congming. Sinulyapan niya ng tingin ang mukha ng kanyang boss’ at pakiramdam nita na para bang may kaunting pwersa na pumipigil dito.Para bang may mga bagay siya na hindi niya kayang hawakan at hindi magawa sa ngayon. Kapag nasira na ang pwersa na pumipigil dito, siguro ay mababago na nito ang lahat!Malamang ay dahil ito kay Ling Yiran.Naisip ni Gao Congming sa sarili niya na si Ling Yiran ang pinakapinapahalagahan ni Young Master Yi higit pa sa ibang bagay na di mo inaakala. Marahil ay higit pa sa sariling imahinasyon ni Young Master Yi.Subalit, nalalabuan pa din si Gao Congming kung ano ang dahilan ng pagbibigay masyado ng atensyon ni Young Master Yi kay Gu Lichen.‘Ito ay para bang natatakot siya na maaring may mangyari sa pagitan ni Ling Yiran at Gu Lichen.‘Ano kaya ang eksaktong kinakatakutan ni Young Master Yi?’Tapos ay bigla na lang tinawanan ni Gao Congmi