Sa panaginip, ang batang lalaki ay namali ng apak at nadulas sa dulo ng bangin. Biglaan na lang hinatak ng batang babae ang batang lalaki at parehas silang gumulong pababa.Ngunit, hinawakan ng batang babae ang kamay ng batang lalaki at hindi ito binitawan. Tapos, hinatak niya pataas ang batang lalaki kasama niya.Naglakad si Ling Yiran sa dulo ng bangin at maingat nitong tinignan ang baba.Ang gilid ng bangin ay medyo matarik. Talagang delikado ito, kahit sa matatanda. Kapag aksidente kang nalaglag, mababali ang ilan mong buto kahit hindi maging kritikal ang buhay mo.Habang iniisip ito, lumakad paatras si Ling Yiran ng mga ilang hakbang, para umalis sa dulo ng bangin.Hindi nagkamali si Gu Lichen sa pag-aakala na siya ang batang iyun. Nakilala niya ito, ngunit hindi na siya maalala nito.Ng maalala na siya nito, iba naman ang kinilala niyang hinahanap niya.Ito ay magiging sikreto--- sikreto na ibabaon niya na lang sa kanyang puso.Biglaan, may narinig sigang tumutunog na mg
Kahit na hindi ito mukhang nakakatakot katulad ng bata pa siya, ang mga pangyayari ay nakatatak pa rin sa isip niya. Paulit ulit niya itong naalalaTumingin ng tahimik sa baba si Gu Lichen, na mukhang may inaalala na kung anu mang bagay, pero ang mukha niya ay may bahid ng matinding pagkalungkot.Habang pinapanuod si Gu Lichrn, biglang naging hindi komportable ang pakiramdam ni Ling Yiran.Dito ay dumaan sila sa hirap at ginhawa at naranasan nilang makipaglaban sa gitna ng pagkabuhay at kamatayan. Ang dalawang maliit na bata ay parang comrades, parang talagang matalik na magkaibigan na nagsasalo sa mga sikreto.Ngunit, ngayon ay para bang palaki ng palaki ang agwat sa pagitan nilang dalawa.“Alam mo ba ang pakiramdam kapag may namimiss kang tao?” Biglang tumunog ang malamig na boses ni Gu Lichen sa tahimik at walang laman na gubat.Medyo natigilan si Ling Yiran.Ngunit, mukhang hindi siya hinahanapan nito ng sagot. Imbes ay sinabi nito sa sarili niya, “Kapag may namimiss kang ta
Ngayon, nakumbinsi na siya na hindi siya iyon.Ngunit… kahit papano ay hindi pa din komportable ang kanyang pakiramdam. Siguro ay marahil ito ang kanyang unang kaibigan na nakasama sa hirap at ginhawa noong sila ay mga bata pa.Kahit na tumira na siya sa maliit na bayan na ito ng halos ilang mga taon, pakiramdam niya ay malayo pa rin siya sa mga bata sa bayan.Ngunit.. sa panaginip, hindi niya naramdaman na ang batang babae ay may pakiramdam na malayo siya sa batang lalaki.“Oo, hindi na ulit ako pupunta dito,” sabi ni Ling Yiran habang siya ay paalis na. Ngunit, natapakan niya ang isang sanga at nawala ang kanyang balanse kaya natumba siya patalikod.“Ah! sigaw ni Ling Yiran, pakiramdam niyang mahuhulog siya sa dulo ng bangin.‘Mahuhulog ako!’Kung ano na lang ang bigla niyang hinawakan at sinubukang hatakin! ‘Kahit ano na lang!’Bang!Ang sumunod na pangyayari, isang kamay ang humawak sa kanyang kamay. Sobrang lapit niya na sa bangin at kung hindi siya nahawakan nito, malam
“Mabigat ako, hindi ba?” nahihiyang tanong ng batang lalaki.“Oo, medyo mabigat ka,” pabirong sabi ng batang babae. Bawat hakbang ay sobrang hirap.“Pasensya ka na… at kailangan mo pa akong buhatin. Ngunit...ngunit, kapag nasaktan ka sa hinaharap, siguradong bubuhatin kita!” Mayroong tono ng pagpupursige sa kanyang boses dahil takot siyang hindi siya magustuhan ng batang babae dahil wala siyang silbi.“Gaano katagal mo ako kayang buhatin? Paano kung hindi mo ako kayang buhatin?” Para bang hindi naniniwala ang batang babae sa lakas ngnbatang lalaki. Mas matanda ang lalaki kaysa sakanya, pero para bang mas kailangan nito ang proteksyon niya.“Kaya kitang buhatin habang-buhay!” sinabi ng batang lalaki.Ngunit, hindi alam ng batang lalaki at babae kung ano ang ibig sabihin ng habang-buhay.Nagdugtong-dugtong ang mga nasirang larawan at naging isa ito malinaw na ala-ala.Medyo nakaramdam lang si Ling Yiran ng kaunting pagkahilo at sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata, pero oa
Matagal na niyang hinahanap ito, ngunit nakalimutan naman siya nito.Tinitigan ni Ling Yiran ang lalaking nagbubuhat sa kanya sa likod nito, nagluha ang kanyang mga mata.Kaparehas ito ng sinabi niya dati. Bubuhatin niya ito sa likod niya kapag siya ay nasaktan, pero… hindi na sila magkakaroon ng habang-buhayAng taong gusto niya at mahal niya ay hindi siya!“Gu Lichen, hindi na ulit ako pupunta sa burol na ito. Ang totoo, ang nangyari nung bata ka pa ay isang bagay na nangyari lang nung bata ka pa. Hindi mo kailangan alalahanin iyun,” ang sabi ni Ling Yiran.Ayaw niyang masyadong alalahanin nito ang insidenteng iyun noong bata pa sila. Ayaw niyang malinlang siya ni Sis Lifang, pero ngayon, sa kanyang kinatatayuan, hindi niya maipaliwanag ang lahat.Ngumiti ng masama si Gu Lichen, “Ling Yiran, sino ka para sabihin sakin yan?”Natigilan siya.“Narinig ko na mukhang may problema ka kay Lifang. Naaabala ka ba na siya ang nagligtas sa buhay ko? tanong niya.Alam niyang hindi siya
Hindi niya inaasahan na nandito siya, at makakaemkwentro niya ito sa ganitong eksena.Ng makita niya itong nahulog sa bangin, halos walang laman ang kanyang utak. Bigla na lang siyang nagmadali at hinatak ang kamay nito, nakalimutan niyang maari siyang malaglag kasama nito kapag siya ay nagkamali ng kahit konti.Ng hindi nito maabot ang isa pa niyang kamay at sumabay pa ang sakit ng ulo nito, siya ay nataranta.Natakot siya na hindi makuha ng kamay niya ang kamay nito at siya ay tuluyang mahulog. At isa pa, sumasakit pa ang ulo nito.Natakot siya hanggang kamatayan!Parang pakiramdam niya ay sobrang tagal na ng maranasan niya ang gantong klaseng takot!Kahit na nahatak niya na ito pataas noong siya ay wala pang malay, may malamig na pawis na siya sa kanyang likod. Nanginginig rin ang kanyang kamay. Ang takot niya ay mabilis na kumakalat sa buo niyang katawan. Noong nakabalik na siya sa kanyang sarili, hawak niya na ito sa kanyang mga braso na para bang ang hawak niya ay importa
‘Walang pwedeng mangyari sa kanya! Siguradong walang nangyari sa kanya!‘Hahanapin ko siya kahit anong mangyari!’“Ano kaya kung tignan natin ang kalapit na surveillance? May nakita ka bang kahit ano?” Tanong ni Yi Jinli.“Tinitignan pa lang namin. May malalaman din tayo malapit na,” nagmamadaling sabi ni Gao Congming.Maswerte at may mga surveillance sa ilang daan dito. Kung umalis si Miss Ling sa lugar na ito ay malamang na makukuhanan ito ng mga surveillance camera.Ngunit, ang naitala lang ng surveillance ay 13 na kotse ang lumabas at pumasok dito, at ilang pedestrians ang dumaan dito ngayon.Ang lugar na ito ang pinakamalayong lugar ng bayan, kaya hindi madaming nakakapunta at nakakalabas dito.Tinignan na nila kung sino ang may-ari ng mga sasakyan na ito. Lahat ay inosenteng mga resisdente ng bayan na ito, at wala silang mga criminal records at lalo ring wala silang kinalaman kay Miss Ling.Sa mga dumaan naman, hindi nila nakita si Miss Ling sa mga iyun.Kaya ang ibig s
Ngunit, ito ang unang pagkakataon na makatungtong siya dito.Habang paunti-unti niyang sinusundan ang grupo na naghahanap kay Yiran sa mapuno na gubat, biglang lumitaw sa kanyang isip ang painting ni Gu Lichen na nakita niya sa studio ng bahay ng pamilya ng mga Gu.Sa painting, isang payat na babae ang may buhat sa batang lalaki sa kanyang likod habang naglalakad ng paunti-unti sa mapunong gubat.Nakakurba ang likod ng batang babae na para banag halos madurog dahil sa bigat ng batang lalaki. Ngunit, kahit ganun ay binuhat pa din siya ng batang babae.Bawat hakbang ay sobrang hirap.Wala siyang naramdaman noong una niyang makita ang painting, kapag nilagay niya ito na sa katayuan ni Yiran at Gu Lichen, siya ay nataranta.‘Ano sa mundong ito ang ikinatataranta ko? Natataranta ba ako dahil madami akong ginawang bagay na patago pero hindi ko pa din matanggal ang koneksyon sa pagitan niya at ni Gu Lichen?‘O natataranta ako na isipin na baka si Gu Lichen ay palaging nasa puso niya? N
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at