“Mabigat ako, hindi ba?” nahihiyang tanong ng batang lalaki.“Oo, medyo mabigat ka,” pabirong sabi ng batang babae. Bawat hakbang ay sobrang hirap.“Pasensya ka na… at kailangan mo pa akong buhatin. Ngunit...ngunit, kapag nasaktan ka sa hinaharap, siguradong bubuhatin kita!” Mayroong tono ng pagpupursige sa kanyang boses dahil takot siyang hindi siya magustuhan ng batang babae dahil wala siyang silbi.“Gaano katagal mo ako kayang buhatin? Paano kung hindi mo ako kayang buhatin?” Para bang hindi naniniwala ang batang babae sa lakas ngnbatang lalaki. Mas matanda ang lalaki kaysa sakanya, pero para bang mas kailangan nito ang proteksyon niya.“Kaya kitang buhatin habang-buhay!” sinabi ng batang lalaki.Ngunit, hindi alam ng batang lalaki at babae kung ano ang ibig sabihin ng habang-buhay.Nagdugtong-dugtong ang mga nasirang larawan at naging isa ito malinaw na ala-ala.Medyo nakaramdam lang si Ling Yiran ng kaunting pagkahilo at sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata, pero oa
Matagal na niyang hinahanap ito, ngunit nakalimutan naman siya nito.Tinitigan ni Ling Yiran ang lalaking nagbubuhat sa kanya sa likod nito, nagluha ang kanyang mga mata.Kaparehas ito ng sinabi niya dati. Bubuhatin niya ito sa likod niya kapag siya ay nasaktan, pero… hindi na sila magkakaroon ng habang-buhayAng taong gusto niya at mahal niya ay hindi siya!“Gu Lichen, hindi na ulit ako pupunta sa burol na ito. Ang totoo, ang nangyari nung bata ka pa ay isang bagay na nangyari lang nung bata ka pa. Hindi mo kailangan alalahanin iyun,” ang sabi ni Ling Yiran.Ayaw niyang masyadong alalahanin nito ang insidenteng iyun noong bata pa sila. Ayaw niyang malinlang siya ni Sis Lifang, pero ngayon, sa kanyang kinatatayuan, hindi niya maipaliwanag ang lahat.Ngumiti ng masama si Gu Lichen, “Ling Yiran, sino ka para sabihin sakin yan?”Natigilan siya.“Narinig ko na mukhang may problema ka kay Lifang. Naaabala ka ba na siya ang nagligtas sa buhay ko? tanong niya.Alam niyang hindi siya
Hindi niya inaasahan na nandito siya, at makakaemkwentro niya ito sa ganitong eksena.Ng makita niya itong nahulog sa bangin, halos walang laman ang kanyang utak. Bigla na lang siyang nagmadali at hinatak ang kamay nito, nakalimutan niyang maari siyang malaglag kasama nito kapag siya ay nagkamali ng kahit konti.Ng hindi nito maabot ang isa pa niyang kamay at sumabay pa ang sakit ng ulo nito, siya ay nataranta.Natakot siya na hindi makuha ng kamay niya ang kamay nito at siya ay tuluyang mahulog. At isa pa, sumasakit pa ang ulo nito.Natakot siya hanggang kamatayan!Parang pakiramdam niya ay sobrang tagal na ng maranasan niya ang gantong klaseng takot!Kahit na nahatak niya na ito pataas noong siya ay wala pang malay, may malamig na pawis na siya sa kanyang likod. Nanginginig rin ang kanyang kamay. Ang takot niya ay mabilis na kumakalat sa buo niyang katawan. Noong nakabalik na siya sa kanyang sarili, hawak niya na ito sa kanyang mga braso na para bang ang hawak niya ay importa
‘Walang pwedeng mangyari sa kanya! Siguradong walang nangyari sa kanya!‘Hahanapin ko siya kahit anong mangyari!’“Ano kaya kung tignan natin ang kalapit na surveillance? May nakita ka bang kahit ano?” Tanong ni Yi Jinli.“Tinitignan pa lang namin. May malalaman din tayo malapit na,” nagmamadaling sabi ni Gao Congming.Maswerte at may mga surveillance sa ilang daan dito. Kung umalis si Miss Ling sa lugar na ito ay malamang na makukuhanan ito ng mga surveillance camera.Ngunit, ang naitala lang ng surveillance ay 13 na kotse ang lumabas at pumasok dito, at ilang pedestrians ang dumaan dito ngayon.Ang lugar na ito ang pinakamalayong lugar ng bayan, kaya hindi madaming nakakapunta at nakakalabas dito.Tinignan na nila kung sino ang may-ari ng mga sasakyan na ito. Lahat ay inosenteng mga resisdente ng bayan na ito, at wala silang mga criminal records at lalo ring wala silang kinalaman kay Miss Ling.Sa mga dumaan naman, hindi nila nakita si Miss Ling sa mga iyun.Kaya ang ibig s
Ngunit, ito ang unang pagkakataon na makatungtong siya dito.Habang paunti-unti niyang sinusundan ang grupo na naghahanap kay Yiran sa mapuno na gubat, biglang lumitaw sa kanyang isip ang painting ni Gu Lichen na nakita niya sa studio ng bahay ng pamilya ng mga Gu.Sa painting, isang payat na babae ang may buhat sa batang lalaki sa kanyang likod habang naglalakad ng paunti-unti sa mapunong gubat.Nakakurba ang likod ng batang babae na para banag halos madurog dahil sa bigat ng batang lalaki. Ngunit, kahit ganun ay binuhat pa din siya ng batang babae.Bawat hakbang ay sobrang hirap.Wala siyang naramdaman noong una niyang makita ang painting, kapag nilagay niya ito na sa katayuan ni Yiran at Gu Lichen, siya ay nataranta.‘Ano sa mundong ito ang ikinatataranta ko? Natataranta ba ako dahil madami akong ginawang bagay na patago pero hindi ko pa din matanggal ang koneksyon sa pagitan niya at ni Gu Lichen?‘O natataranta ako na isipin na baka si Gu Lichen ay palaging nasa puso niya? N
“Oo, siguro ay nandito siya para hanapin ako. Masyadong napatagal ang oras ko sa burol, kaya malamang ay nag-alala siya.’Sa isip niya, gusto niyang tumakbo papunta sa tabi ni Yi Jinli. Kaso, siya ay buhat pa ni Gu Lichen, kaya agad niyang sinabi dito, “Ibaba mo muna ako.”“Pupunta ka kay Yi Jinli?” ang sabi ng malamig na boses ni Gu Lichen.“Oo,” nagbigay siya ng siguradong sagot.“Ling Yiran, kapag ibinaba na kita, hindi ako magiging katulad ng ngayon kung may mangyari man sayo na kahit ano simula ngayon. Isa ka na lang tao na hindi ko kakilala, kaya kailangan mong tumigil sa pagtawag sa akin ng ‘chenchen’. Hindi iyun bagay na pwede mong basta na lang tawagin.”Ang sinabi ni Gu Lichen ay para bang babala, pero mas mukha din itong nagpapaalam.Medyo namaga bigla ang ilong ni Ling Yiran, at para bang may dumadagan sa kanyang puso. Na para bang ito’y nakakalungkot.‘Dahil ba ito…. sa nagsinungaling ako sa kanya? O dahil magkapartner kami dati na minsan ng dumaan sa hirap at ginha
‘Kung kaya, swerte siya at hindi siya… hindi siya…’Ang kanyang puso ay nagsimulang sumakit ulit. Tinik ni Gu Lichen ang kanyang manilis na labi. ‘Mula ngayon, aalisin ko na ang babaeng ito sa aking puso! Hindi ko na hahayaang may maiwan pa siya sa puso ko!’Lumakad si Ling Yiran papunta kay Yi Jinli, at napansin niyang tahimik ito. Ang kanyang namumulaklak na mga mata ay naging sing-itim ng malalim na parte ng dagat, na parang nagbibigay ng malungkot na pakiramdam.‘Galit… galit ba siya? Ito ba ay dahil nakita niyang kasama ko si Gu Lichen? O dahil napakatagal ko sa burol at siya ay nag-alala?’Ngunit napakaraming tao roon, kung kaya hindi siya makapagbigay ng eksplanasyon ngayon. Masasabi niya lamang ang mga bagay kung silang dalawa lamang ang magkasama.“Patawad kung nag-alala ka sa akin! Tatawagan sana kita, kaso… nasira ko ang aking telepono at hindi kita matawagan,” sabi ni Ling Yiran.Hindi lamang ang kanyang telepono ang nasira, ngunit pati ang telepono ni Gu Lichen. Ang
“Ha, paumanhin?” Natawa siya sa galit. Ang ginawa ni Ling Yiran ay mas higit pa sa pag-aalala ni Yi Jinli.Hindi alam ni Ling Yiran kung gaano nagulat si Yi Jinli nang makita niya si Gu Lichen na buhat-buhat siya sa likod? Para bang nanghina ang mga paa ni Yi Jinli at hindi niya masuportahan ang kanyang katawan upang manatiling nakatayo.Alam ba niya kung ano ang naramdaman niya noong bumubulong si Ling Yiran kay Gu Lichen?Noong ibinaba siya ni Gu Lichen, pinasalamatan pa niya ito at ngumiti, at ang sinabi ng tatay ni Yi Jinli sa kanya noon ay bumalik sa kanya. “Jin, kung isang araw ay nakasalalay ang kasiyahan at kalungkutan mo sa kamay ng ibang tao, saka mo maiisip na ang buhay mo ang magiging mahirap… napakahirap…”‘Mahirap?’‘Mahirap nga.’ Wala siya ibang naramdaman kung hindi sakit. ‘Gusto ko siyang ikulong sa kung saan ako lang ang makakapunta para wala na siyang pupuntahan at makikita kung hindi ako lang.’‘Gusto kong sa akin lamang siya ngumingiti at hindi sa ibang lalak