"Lifang, iba ka sa mga babae. Isinalba mo aking buhay noon,” sabi ni Gu Lichen kay Hua Lifang.'Huh?'Tinitigan lamang ni Hua Lifang si Gu Lichen, nagtataka kung bakit niya sinasabi iyon sa kanya ng walang dahilan.“Kung kaya susubukan ko sa aking makakaya na tuparin ang mga gusto mo. Gusto mo ng marangyang buhay, yung maaari mong itaas ang iyong noo sa harap ng ibang tao, at sinabi mo na gusto mong pumasok sa industriyang ito at maging sikat na aktres. Maaari ko ito ibigay sa iyo!”Ang mga mata ni Hua Lifang ay nagliwanag, at ang siya ay biglang nasabik.Nang makita ni Gu Lichen ang ekspresyon ng tao sa kanyang harapan, nakaramdam siya ng dismaya na hindi niya maintindihan.‘Ito ba ang babaeng iniisip ko buong buhay ko?’“Lichen, sobrang bait mo sa akin!” Namula ang mukha ni Hua Lifang dahil nasasabik siya sa mga mangyayari sa hinaharap na dati ay pinapangarap lang niya, ngayon ay natutupad na ng paunti-unti. Makakasala siya sa pinakatanyag na mga artista! Papaluhurin niya sa k
Kung mayroong malamig sa kanya noon, may maganda at amorosong mga tingin na siya ngayon. Kahit ang pag dila niya sa pasa ay tila ba nang-aakit.“Ngayon ba? Masakit pa rin?” bulong niya kay Ling Yiran. Siya ay mukhang nang-aakit at marahan ang kanyang mga galaw.“Hindi… Hindi na naman ganoon kasakit,” si Ling Yiran ay nauutal na ng kaunti.‘Paano ko naman mararamdaman ang sakit? Nakuha na niya yata ang lahat ng pandama ko!’Hinalik-halikan niya ang pulang marka sa kanyang pulso, at parang gusto nang tanggalin ni Ling Yiran ang kanyang kamay. May ibang tao kasi sa sasakyan.Ngunit ayaw ito binatawan ni Yi Jinli at hindi niya hinayaan na alisin ito ni Ling Yiran.“Huwag kang gumalaw!” Sabi niya.“Pero…” mukang nahihiya si Ling Yiran.“Huwag kang gumalaw. Hindi ka dapat gumalaw. Ganito ka lang. Kung hindi ay hindi ko alam ang aking gagawin.” Nagmakaawa si Yi Jinli, at ang kamay na may hawak sa kanyang pulso ay medyo nanginginig.Natigilan si Ling Yiran, parang kakaiba ang Yi Jinli
Maraming tanong ang lumabas sa kanyang bibig na gusto niyang masagot at sabik na ngayon lang niya naramdaman!Nagulat si Ling Yiran na nasa itaas niya. Parang lahat ng katahimikan noong nasa biyahe siya ay sumabog ngayon.“Jin, hayaan mo akong mauna muna. Handa akong mag-paliwanag,” sabi ni Ling Yiran.Ngunit imbis na pakawalan ang kanyang mga kamay, ibinaba niya ang kanya ulo at hinalik-halikan siya sa mukha. “Sige. Magpaliwanag ka. Makikinig ako.”Ayaw niyang pakawan si Ling Yiran kahit anong mangyari.Nakaramdam ng pagtaas ng temperatura sa buong katawan si Ling Yiran, at ang mga bagay sa kanyang isipan ay naaapektuhan ng mga halik ni Yi Jinli.“Nagpunta… Nagpunta lamang ako sa libingan ni lola para magbigay-respeto ngayong araw. At noong naglalakad ako sa gilid ng burol, dumiretso ako sa daanan pumunta paakyat ng burol. Dati kasi ay madalas kaming maglaro doon, kung kaya gusto ko ito ulit makita. Hindi ko naisip na makikita ko si Gu Lichen.Mabilis na sinabi ni Ling Yiran an
“Pero ako nasasaktan,” sabi ni Yi Jinli.Ang kanyang puso ay tila ba nabalot. Biglang namaga ang kanyang ilong at nanhilid ang kanyang luha.Mayroon palang tao sa mundo na makakaramdam ng kanyang mga pighati.Nararamdaman ni Yi Jinli ang sakit.Ang mahulog kay Yi Jinli ang pinakamagandang desisyon na kanyang ginawa.Ibinalot ni Yi Jinli ang tuwalya sa buong katawan ni Ling Yiran at binuhat siya palabas ng bathtub, at tinulungan siyang magpalit ng malinis na damit. Pagkatapos ay dinala na niya ulit si Ling Yiran palabas ng kubeta at ginamot ang kanyang mga sugat.“Sumigaw ka lang kung masakit,” sabi ni Yi Jinli.“Sige” sagot ni Ling Yiran.Ginamot ni Yi Jinli ang mga sugat at pasa ni Ling Yiran ng sobrang maharan na paraan, na tila ba nag-aalaga ng isang importanteng kayamanan at parang mas importante pa ito kaysa sa kanyang buhay.Pagkatapos niyang gamutin ang mga pasa sa pulso ni Ling Yiran, hindi niya ito binitawan. Imbis ay patuloy niyang tinitigan ang kitang-kitang namumul
Siguro ay talagang napagod si Ling Yoran pagkatapos ang mahabang araw. Pagkatapos kumain, nakatulog na siya ng mahimbing.Umupo si Yi Jinli sa gilid ng kama, malungkot na tinitingnan si Ling Yorang habang siya ay natutulog.Nananatili siyang nakahiga na parang hindi siya pupunta kung saan man, hindi makakaalis, at mananatili sa kanyang harapan.Nasa harap niya si Ling Yiran, ngunit bakit tila ba hindi niya ito maabot?‘Ngayon at sinabi niya na hindi niya pinagsisisihan iyon, ngunit bakit… parang naiisip ko na nagsisisi siya? Sa tingin ko ay hindi talaga iyon ang kanyang gustong sabihin!’Ang eksena kung saan buhat siya ni Gu Lichen ay parang eksena sa pelikula na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Yi Jinli.Hindi pa siya natakot ng ganito! Para bang lahat ng ikinakatakot niya ay nagkakatotoo!“Talaga bang walang ibig-sabihin para sa’yo si Gu Lichen?” Bulong niya, ang kanyang mga daliri ay humahaplos sa pulang labi ni Ling Yiran.Natural na imposible ito sa kay Ling Yiran, na
Habang nagluluksa siya sa pagkawala ng kanyang lola at ito ang ika-apatnapu araw ng pagkamatay ng kanyang lola, ayaw niyang ng mga maliliwanag na kulay ng damit.Ngunit naglagay siya ng kaunting foundation at make-up.At dahil sa hindi siya sanay sa ganito, nahirapan siyang maglagay sa mukha.Tiningnan niya ang kanyang mga daliri at ngumiti. Ang kanyang mga daliri ay hindi pa gaanong gumaling, ngunit mas ayos na ito ngayon.‘Ngayon ay kailangan ko nang bitawan ang kamay ni Gu Lichen. Mula ngayon, mga kamay lamang ni Jin ang aking hahawakan!’Pagtayo, paalis na sana sa kwarto si Ling Yiran nang makita niya na bukas ang koneksyon ng dalawang kwarto. ‘Bihira lamang bumalik si Yi Jinli sa kanyang kwarto. Nakasanayan na laging tumatabi sa akin si Yi Jinli sa pagtulog sa aking kwarto.’Tumapak paharap si Ling Yiran na gustong isara ang pinto, ngunit habang inaabot ang pinto, umapak siya papunta sa kwarto ni Yi Jinli."Jin?" Tanong niya. Nakita niya na walang tao sa kwarto ni Yu Jinl
‘Hindi… hindi talaga ito blangko. Sa huling pahina, mayroong litrato. Litrato ko.’Ito ay ang litrato niya na may mabulaklak na damit na dating sinabi ni Yi Jinli na bagay sa kanya at binili niya ito para sa kanya.Nagulat siya na nakatago ito sa photo album ni Yi Jinli.Pagkatapos ay nakita niya ang silver na pulseras sa lugar kung saan naroon rin ang photo album.Tinitititigan niya ang litrato na hindi niya nakita ang pulseras.‘Itong pulseras na ito. Sumikip ang dibdib ni Ling Yiran. ‘Naalla ko na ito ang pulseras na dala-dala ni Gu Lichen kahit saan siya magpunta. Bakit ito na kay Jin?’‘Hindi, itong pulseras na ito… ay kay Gu Lichen!’Kinuha ni Ling Yiran ang maliit na pulseras na silver. Parehong-pareho ito ng itsura at laki ng kay Gu Lichen, ngunit ito mas luma na kaysa sa suot ni Gu Lichen. Mas maitim. Madalas sigurong dala-dala ni Gu Lichen ang pulseras niya at lagi ito kinikiskis sa kanyang mga daliri kung kaya mas kumikinang ito.‘Kung kaya itong pulseras na ito,”
Ang panggugulo ni Dr. Leng ay sadyang nakakagulat, at ang malala pa ay nakita ito ni Ling Hiran.‘Natatakot ako na ang Young Master Yi ay hindi ako mapatawad pagkatapos nito!’ Nanginginig na sabi ni Gao Congming, matapos ay tumingin sila sa psychiatrist na tahimik na ngayon.‘Gumawa ng gulo si Dr. Leng sa Yi Residence dahil siya ay nababalisa? Balisa na patunayan na hindi niya ginamitan ng hipnotismo si Ling Yiran dahil natatakot siya na tanggalan siya ng trabaho?‘Hindi ba masyadong simple lang ito? Gumawa ako ng paraan upang pumunta siya abroad at magkaroon ng bakasyon.’Ang tingin sa mga mata ni Gao Congming ay nag-iba habang iniisip niya ito. Dahil matagal na siyang naglilingkod kay Yi Jinli, alam na niya na natural ang mga ganitong bagay, mayroon sigurong mali kung may kakaibang nangyayari.‘Siguro ay kailangan kong pang mag-imbestiga.’Sa Yi Residence, ngumiti si Yi Jinli at sinabing, “Tara na. Kumain muna tayo.”“Jin, ano ang nangyayari roon kanina?” Sa halip na sundan ni