Share

Kabanata 769

Kung mayroong malamig sa kanya noon, may maganda at amorosong mga tingin na siya ngayon. Kahit ang pag dila niya sa pasa ay tila ba nang-aakit.

“Ngayon ba? Masakit pa rin?” bulong niya kay Ling Yiran. Siya ay mukhang nang-aakit at marahan ang kanyang mga galaw.

“Hindi… Hindi na naman ganoon kasakit,” si Ling Yiran ay nauutal na ng kaunti.

‘Paano ko naman mararamdaman ang sakit? Nakuha na niya yata ang lahat ng pandama ko!’

Hinalik-halikan niya ang pulang marka sa kanyang pulso, at parang gusto nang tanggalin ni Ling Yiran ang kanyang kamay. May ibang tao kasi sa sasakyan.

Ngunit ayaw ito binatawan ni Yi Jinli at hindi niya hinayaan na alisin ito ni Ling Yiran.

“Huwag kang gumalaw!” Sabi niya.

“Pero…” mukang nahihiya si Ling Yiran.

“Huwag kang gumalaw. Hindi ka dapat gumalaw. Ganito ka lang. Kung hindi ay hindi ko alam ang aking gagawin.” Nagmakaawa si Yi Jinli, at ang kamay na may hawak sa kanyang pulso ay medyo nanginginig.

Natigilan si Ling Yiran, parang kakaiba ang Yi Jinli
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status