Tiningnan ni Yi Jinli si Gu Lichen sa sulok ng kanyang mata. Mukhang napansin ito ni Gu Lichen at binaling ang kanyang mata upang masalubong ang tingin ni Yi Jinli. Ang mga mata ng dalawang lalaki ay nagtagpo sa kalagitnaan ng hangin na parang sumasagupa sa tahimik na kumpetisyon. Biglang naglagay ng ngiti si Yi Jinili sa kanyang mga labi. Nilagay niya ang kanyang kamay sa mga balikat ni Ling Yiran at yumuko. Pinuwesto ang mukha malapit sa kanyang pisngi, malumanay niyang inulit ang tanong, “Ano ang sinabi mo na ibibigay mo?”Iritasyon lamang ang naramdaman ni Gu Lichen. ‘Yi Jinli... Sinasadya niya ‘to!‘Sinasadya ba niyang ipakita ang epekto niya kay Ling Yiran upang sabihin sa iba na huwag gumawa ng anumang pagtatangka sa kanya?’Nangangalaiti ang bibig ni Gu Lichen. Kailan pa siya pumatol sa kasintahan ng ibang lalaki?Sa parte niya, hindi siya kailanman nawalan ng babae, o hindi siya sumubok sa babaeng may laman nang iba ang puso. Parehong siya at ang mga babae na n
Noong pagkarinig ni Ling Yiran na gusto ni Gu Lichen ng lila ay mukhang nagbago ang isip niya tungkol sa gown na lila. “Sinusubukan... Ba niyang dumistansya sa akin?’Dumaan sa kanyang isipan ang mga ito, pero hindi kumportable ang kanyang pakiramdam. ...Hiwalay ang bawat dressing room dito. Sina Gu Lichen at Hua Lifang ay dinala ng tauhan sa isa sa mga ekslusibong dressing room. Nang lumitaw si Hua Lifang sa harapan ni Gu Lichen suot ang pareho na gown na sinuot ni Ling Yiran, sumulyap lamang si Gu Lichen sa kanya at sinabi, “Hindi na masama.”Alam na rin ni Hua Lifang na hindi magiging maganda sa kanya ang gown na ito tulad ng kay Ling Yiran. Lalo na noong sinuot niya ito pagkatapos suotin ni Ling Yiran. Nagmukha lang siyang magaspang na manggagaya, pero hindi man lang siya makakuha ng ibang gown. “Lichen, sa tingin mo ba hindi dapat ako nakipag-talo kay Yiran sa isang gown?” Nagmukhang malungkot si Hua Lifang. “Gusto... Gusto ko lang na magsuot ng isang lilang bestid
Sa sumunod na sandali, pinulupot ni Yi Jinli ang kanyang mga braso kay Ling Yiran mula sa kanyang likuran. Ang kanyang mga labi ay lumapit sa kanyang tainga habang ang kanyang hininga ay ‘sing bango ng orkidyas at sinabi, “Napakaganda mo, Ate.”Namula agad ang pisngi ni Ling Yiran. Nandito ang mga staff ng shop na ito! “Bitawan... Bitawan mo ako! May nanonood sa atin!” bulong ni Ling Yiran, nagsisimula na namang uminit ang kanyang pisngi. “Ano naman? Mag-couple naman tayo. Hindi ba na natural lang na hagkan natin ang isa’t-isa?” ani Yi Jinli. Hindi mapigilan ni Ling Yiran na mapatingin sa salamin. Puno ng kahihiyan ang kanyang mukha sa salamin, at lubog siya sa mga bisig ni Yi Jinli. Ang kanyang itim na suit at ang kanyang pilak na gown ay gumawa ng isang matalim na kaibahan at isang malakas na biswal na epekto. Maya-maya ay nagtagpo ang kanilang mga mata sa salamin. Pareho silang nakasulyap sa salamin na nasa kanilang harapan, at ang kanilang mga mata ay nakaugnay ng ma
‘Nag-aalala ako na mayroon talagang kahina-hinala tungkol kay Ate Lifang. ‘Marahil ay tama ang hinala ko?‘Pero... Paano kung totoo ito?‘Kung totoo nga ito, ang relasyon ko kay Gu Lichen ay hindi na magiging tulad ng dati.‘Kahit na maari ko lamang ituring si Gu Lichen bilang isang ordinaryong tao at isaalang-alang siya, higit sa lahat, siya pa rin ang kababata ko na nagpabahagi ng isang karaniwang karanasan noong maliit pa lang ako... Kumusta naman si Gu Lichen? Ano ang iisipin niya?‘Paano si Jin? Ano ang magiging reaksyon niya?’ Base sa pagkakaroon ng paggugol ng oras nang magkasama, unti-unting natuklasan ni Ling Yiran na maaring manghinala at maging sensitibo si Yi Jinli. Marahil ito ay dahil sa kanyang mga karanasan bilang isang bata.Nag-alala na siya kay Gu Lichen noon, at kung tama ang hinala niya, nag-aalala siya tungkol sa iisipin niya. Kaya ang ideya ng pagpunta sa isang psychiatrist ay naging alanganin para kay Ling Yiran. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng ba
‘Hindi ko hahayaang maalala niya ito, kahit na sa anong paraan!‘Gusto kong ako lang ang iniisip niya!’...Sa gabi, wala sa ulirat si Ling Yiran. Lumakad si Yi Jinli sa banyo kasama si Ling Yiran sa kanyang mga bisig. Dahan-dahan niyang nilagay ito sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig at marahan siyang nilinisan. Sinandal ni Ling Yiran ang kanyang ulo sa isang tabi, nakatulog ito ng mabuti, ngunit ang kanyang magandang mukha ang nagtutulak sa kanya na mahalin pa ito ng sobra. Kung labis kang nagmamahal sa isang tao, maaakit ka sa anumang ginagawa nila. Maputi siya, pero ang maputing balat nito ay nagpapahiwatig ng lumang peklat nito. Ang mga peklat na ito ay nakuha niya noong nasa selda pa lamang siya. Sa tuwing nakikita niya ang mga peklat na ito, nakakaramdam siya ng pagsisisi at bigat sa kanyang puso. Marahil ay mahihirapan siyang tanggalun ang ganitong pakiramdam sa buong buhay niya. Hangga’t mahal niya ito, dadalhin niya ang pakiramdam na iyon!Bilang kara
“Kung ganoon, tingnan natin kung sino ang magtatangkang pahiyain ka.” Nagbigay ng isang kaswal na ngiti si Yi Jinli at malambing na pinagmasdan si Ling Yiran. “Tsaka, sayo ako. Ano bang mahalaga sa pagmamataas?”“Pero...”“Kung talagang nag-aalala ka tungkol dito, bakit hindi na lang ako mamahiya ng ibang tao kaysa mapahiya ka? Huwag kang mag-alala tungkol dito,” kaswal na sabi ni Yi Jinli. Hindi alam ni Ling Yiran kung tatawa ba siya o iiyak. ‘Hays, hindi iyon ang punto.’Kumaripas ang sasakyan papunta sa trade fair. Gumawa na ng ilang pananaliksik si Ling Yiran at nalaman na ang trade fair ngayon ay higit na dadaluhan ng ilang kilalang negosyante. Maliban sa Shen City, mayroon ding ilang mga negosyante mula sa ibang mga lungsod. Sabihin na nating ang mga nasabing mga eksibisyon ay maaring magsulong ng mga kolaborasyon sa negosyo at makakatulong sa mga negosyanteng bumuo ng mga koneksyon. Ang trade fair ngayon ay nagtakda ng isang mataas na bukana, kaya maraming maliit at kat
Sa sandaling iyon, patay na ang kanyang puso. Sa mga araw na ito, kasama ang kumbinasyon ng gamot at pisikal na therapy, gumaling ang kanyang mga daliri at hindi ulit kumirot sa mahabang panahon. Gayunpaman, ang makita sina Xiao Ziqi at Hao Yimeng na magkasama ang nagpanumbalik ng imahe sa kanyang isipan nang pagtanggal sa kanyang mga kuko. At ang kanyang kamay... Ay nagsisimulang sumakit muli.Isang pares ng malalaking kamay ay pumulupot sa kanyang panginginig at sumasakit na mga kamay. Isang matikas na baritonong boses ang umalingawngaw sa kanyang mga tainga. “Ang lamig ng kamay mo.” “Wala... Wala ito. Bigla na lang nagsimulang sumakit ang mga kamay ko. Magiging maayos din ito ng ilang minuto,” ani Ling Yiran. Alam niya sa kanyang puso na ang sakit sa kanyang kamay ay mas sikolohikal kaysa sa pisikal. Habang naririnig ito, medyo umismid si Ling Yiran at kinuha ang kanyang mga kamay sa kanya, yinuko ang kanyang ulo habang malumanay na hiningaan ang mga ito. Hulyo na ngayo
‘Si Ling Yiran ba talaga ito?’‘Ang babaeng minsan ko nang tinapakan?’“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Yi Jinli na may pag-aalala na para bang ang presensya lamang niya ang tanging nananatili sa kanyang mga mata. Naramdaman ni Ling Yiran ang lamig sa kanyang kamay na paunti-unting umiinit dahil sa pagbuga niya ng hangin dito, ang sakit sa kanyang mga daliri ay nawawala. “Maayos na,” sabi niya na may buntong-hininga.Pinagmasdan niya ang mukha nito at lumabas ngang medyo maayos na siya kaysa kanina. “Mukhang kailangan kong kumuha ng doktor para ipatingin ang mga kamay mo ulit. Hindi man lang sila gumaling.”“Maayos na talaga sila. Siguro ay sikolohikal na reaksyon lang ito na naging dahilan kung bakit kumirot ang mga kamay ko,” sabi ni Ling Yiran. “Dahil ba ito kila Xiao Ziqi at Hao Yimeng? Sumakit ba ang mga kamay mo dahil halos wasakin na nila ang mga kamay mo noon?” utas ni Yi Jinli. Nagulat si Ling Yiran, pagkatapos ay binaba niya ang kanyang mga mata ulit. ‘