Pinakita ng mga painting na ito ang mga imahe tulad ng pagpasan sa kanya pababa ng burol o ang pag-aalaga nito sa kanya sa kakahuyan.Nung panahong 'yun, ang isa't isa lang ang inaasahan nila.Sa unang pagkakataon, naisip niya na sa sobrang importante ni Hua Lifang ay baka hindi niya kayaning mabuhay nang wala siya.May isa lang na kakaiba sa mga painting na 'to.Hindi siya painting ng isang bata, kundi mukha ng isang dalaga. Ang babae sa painting ay nakangiti nang bahagya. Ang mala-almond niyang mata ay napakasimple lang at napakaamo, pero ang mga taong nakakakita nito ay nagagandahan dito. Para bang kapag tinitigan ka ng ganung mata ay makakalma ka pero parang di ka rin mapapakali.Tumayo si Gu Lichen sa harap ng painting, tinititigan niya ang taong nasa painting gamit ang kanyang mala-phoenix na mata. Para bang nakita sa mga mata niya ang sakit ng pinagdaanan nito.Kung andito lang si Ling Yiran, malalaman niyang siya ang taong nasa painting!"Bakit hindi siya ikaw?" rinig an
Sino si Ling Yiran? Galing siya sa kulungan!Sa maliit na bayang ganito, natural na ayaw ng mga tao sa mga dating nabilanggo. May mga taong pumupuna kay Yiran, may iba naman na ang tingin ay dapat hindi siya talaga nakikipaglamay dito. Isa siyang kahihiyan sa Lu family, kaya dapat pinaalis na siya dito!Tuwing nakakarinig ang Lu family ng ganung mga bagay, takot na takot sila na baka ikagalit ito ni Yi Jinli. Kung mangyari 'yun, paaalisin niya ang Lu family dito at kahit umiyak sila sa harap nito ay wala silang mapapala.Kahit na si Lifang ay protektado ni Gu Lichen, kahit kailan hindi sinabi ni Gu Lichen na poprotektahan niya din ang Lu family!Sa araw ng prusisyon ng libing ni Old Mrs. Lu, si Ling Yiran ang nasa unahan ng mga tao at nakadamit ng itim. Ang mga mata niya ay medyo mapula dahil kita namang umiiyak ito ulit.Naka-itim na suit si Yi Jinli. Nakatayo siya sa tabi ni Ling Yiran at sinamahan siya sa funeral home.Nagbayad ang Lu family ng isang malaking lugar sa funeral
Bago pa matapos magsalita ang lalaki, nasipa na siya ni Yi Jinli ng isang nitong paa."Pasensya na, di ko na napigilan ang paa ko," sabi ni Yi Jinli, pero ang kaliwang paa nito ay tinapakan din ang dibdib ng lalaki, kaya napasigaw ito sa sobrang sakit. Namula ang mukha nito, pero hindi nito maalis ang paa na nakatapak sa dibdib niya.Pagkakita nila dito, ang First Uncle, Second Uncle at Third Aunt ng Lu family ay lumapit agad at sinabi, "Mr. Yi, um... Hindi niyo dapat 'to ginagawa dito sa burol.""Makakabastos ito sa patay kung may iba pang mangyari.""Para yun lang naman ang sinabi ng lalaking 'yan. Wag mo masyado seryosohin, Mr. Yi!"Tinignan ni Yi Jinli ang tatlong taong nasa harap niya, "Siguro kung nakikita ni Lola na may taong umaaway sa apo niya nang ganito, malamang papayag siya dito sa ginawa ko, hindi ba?" Ang bahagyang pag-ngiti nito ay nagpakaba sa kanila."Oo, oo naman, papayag siya!""Tama 'yan. Ang lalaking 'to ay galit lang dahil hindi siya sinagot ni Yiran sa
Natutunan 'yun ni Ling Yiran nung nasa kulungan pa siya!Pumunta siya sa harap at tinignan nang tahimik ang lola niya na nasa loob ng kabaong, alam niyang ito na ang huling pagkakataon na makita ito. Minahal siya nang sobra ng mabait na matandang ito pagkatapos niyang mawalan ng nanay at dahil dito naging masaya ang kabataan niya.Dahan-dahang nilagay ni Ling Yiran ang bulaklak na hawak niya sa harap ng kabaong ng lola niya at nagpaalam siya dito sa huling pagkakataon.Hindi siya pumunta sa lugar kung saan na-cremate si Lola. Natakot siya, takot na baka hindi niya kayaning makita na sinusunog sa harap niya ang katawan ng lola niya."Iniwan na din ako ni Lola, Jin. Wala nang ibang tao sa mundo ang totoong magmamahal at mag-aalaga sa'kin katulad niya," bulong ni Ling Yiran.Habang nakatingin kay Ling Yiran, sinabi ni Yi Jinli, "Hindi kita iiwan." 'Nandito lang ako lagi para sa'yo.'"Oo, alam kong hindi mo 'ko iiwan, at ako din... hindi kita iiwan," sagot ni Ling Yiran. Lagi niyang
...Nakaupo si Ling Yiran sa kotse, habang nakatingin sa mga tanawin sa labas. At nagsimula itong humuni. Isang maganda at nakakakalmang kanta ang narinig nila sa loob ng kotse.Napataas ng kilay si Yi Jinli at hinintay munang matapos si Ling Yiran sa pagkanta bago ito nagtanong, "Anong kanta 'yan?""Strolling Down the Path of Life. Lumang kanta siya. Gustong gusto pakinggan 'to ni Lola. Siya ang nagturo sa'kin na kantahin 'to at laging ko din ‘to kinakanta nung bata pa 'ko. Hindi ko pa naiintindihan yung ibig sabihin ng kanta dati, pero habang lumalaki ako, mas naintindihan ko na din siya." sagot ni Ling Yiran."Maganda nga talaga yung kanta," sabi ni Yi Jinli."Oo, nakakalungkot lang hindi na 'ko matuturuan ni Lola ng iba pang kanta," bulong niya, at mukhang pagod na pagod ito.Tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog nito kada araw. Binuhos niya ang halos lahat ng oras niya sa pagbabantay sa lola niyang nasa malamig na kabaong o sa pag-asikaso ng burol at libing, kaya wala n
"Paano kapag hinuli ka din nila?" Isang boses ng batang lalaki ang nagsalita, pero hindi niya makita ang mukha nito."Hindi yan!" sumagot ang batang babae.Tinignan lang siya ng batang lalaki na parang nag-aalala ito sa kanya pero hindi na ito nagsalita.Pagkatapos ng ilang saglit, bumulong ang batang babae, "Kung hulihin din nila ako, at... at least magkasama tayo dito. Hindi ako natatakot!"Hinawakan ng batang babae ang kamay ng batang lalaki nang mahigpit. Ang isang pares ng bracelet sa payat at maputi nitong braso ay talagang kapansin-pansin.Tumakbo ang dalawang bata sa lubak lubak na daan ng burol. Ang batang lalaki ay talagang alagang alaga sa bahay nila. Kahit maayos ang pagkilos nito, hindi pa nito nararanasan ang ganitong klaseng sitwasyon.Ang batang babae ang nagtuturo ng daan habang magkahawak sila ng kamay.Pero, bigla nalang nadapa at gumulong pababa ng burol ang batang lalaki. Dahil sa pababang direksyon, sumunod ding nahulog ang batang babae hanggang sa naipit i
Nang hawakan ni Ling Yiran ang noo niya, pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malamig. 'Anong meron sa'kin? Binangungot ba 'ko? Ang burol sa panaginip niya ay yung burol na malapit sa lugar nila.'Pati... Yung mga tanawin sa panaginip ko...' Hindi niya napigilang makagat ang labi niya.Mataas ang sikat ng araw sa labas ng bintana. Maaraw ngayon.Tinignan ni Ling Yiran ang oras. Malapit ng mag alas-onse., at nakatulog pala siya nang mahaba. Merong papel na may sulat galing kay Yi Jinli sa tabi niya.Manipis at madiin ang pagkakasulat niya.Binasa ni Ling Yiran ang nakasulat at nalaman niya na pumasok siya nang maaga sa office para asikasuhin ang mga kailangan sa kumpanya na hindi niya nagawa ng ilang araw, pero babalik daw siya para sabayan itong maghapunan mamaya.Habang nakatingin sa mga salitang nakasulat, nakaramdam ng init si Ling Yiran sa puso niya. Medyo nawala ang kaba at takot niya sa panaginip kanina dahil dito.Kumuha siya ng mga damit pangpalit, dinala sa banyo a
"Wala 'yun. Kung 'yun ang gusto mo, syempre, gagawin ko para sa'yo," sagot ni Gu Lichen."Ang bait mo naman sa'kin, Chenchen," sabi Hua Lifang.Ang salitang 'Chenchen' ay parang nagpakirot sa puso niya. Nung sinabi niya ang salitang 'yun, para bang nairita siya nang marinig niya ito."Tawagin mo 'kong Lichen simula ngayon. Pang-batang pangalan ko lang ang Chenchen," sabi ni Gu Lichen."Okay, sige," sagot ni Hua Lifang.Si Ling Yiran ang nagsabi sa kanya ng pangalang Chenchen. Nung bata pa si Ling Yiran, umuwi siya nang marumi ang damit niya at punit punit at sinabi nitong may tao daw siyang niligtas. Walang naniwala sa pamilya niya at ang akala nilang lahat ay nagsisinungaling lang siya para pagtakpan ang kakulitan niya. At dahil dito, pinagalitan at pinarusahan siya.Pero, si Hua Lifang ay sobrang matanong nung bata, pinuntahan at tinanong niya si Ling Yiran kung anong ginawa niya at saan siya galing. Kaya alam niya kung paano niligtas ni Ling Yiran ang batang lalaking may panga