"Tungkol diyan… Hindi masyadong kumpiyansa si Mandy tungkol sa pabor na hinihingi sa kanya. Tumingin siya kay Harvey nang hindi sinasadya."Tanggapin mo na lang ang request ko." Tumawa si Senior Zimmer dahil iniisip niya na may koneksyon si Mandy sa isang nasa top management ng York Enterprise. Iyan ang kanyang naisip matapos makitang nagawa ni Mandy ang isang mahirap na gawain."Okay lolo, pinapangako ko…""Hindi!" Sumabat si Harvey habang tatanggapin na sana Mandy ang request sa kanya."Ano bang problema mong p*tang ina ka! Sino ka para tumanggi?" Sumigaw si Zack Zimmer habang hawak ang kanyang ulo dahil natakot siya sa mga padalos-dalos na kilos ni Harvey."Harvey, hindi ko na pinansin ang bastos mong kinilos kanina dahil nirerespeto ko si Mandy. Sa palagay mo ba may karapatan kang magsalita sa bahay na ito?" Nagbanta si Senior Zimmer habang malamig na tinitigan si Harvey dahil nainis na siya kay Harvey sa ilang beses niyang paggawa ng gulo."Nangako ka kay Mandy dati na siya
“Si Zack Zimmer talaga ang pag-asa ng ating pamilya!”“Mukhang kahit hindi wala ang ‘isa’ na pumunta kaninang umasa, ko-kontakin pa rin tayo ng mga York.”Muling nagbago ang mga opinyon ng madla, sa pagkakataong ito ay naging masama ang tingin nila kay Mandy Zimmer.“Sigurado ka ba diyan Zack?” tanong si Senior Zimmer habang nakasimangot.“Oo naman!” sagot ni Zack habang tinawagan niya si Wendy Sorrell at nilagay sa speaker mode ang kanyang mobile phone.“Hello, Mr. Zimmer.” lumabas ang marahang boses ni Wendy sa speaker.“Mello Ms. Sorrell, sinabihan ko na si Senior Zimmer tungkol sa pagbisita mo ngayong gabi, pwede ko bang malaman anong oras ka darating?” sagot ni Zack habang nakangisi.“Hindi mo na kailangan pang mag-abala pa, pupunta ako para mag-abot ng bagay sa iyo.” sagot ni Wendy.Ikinagagalak ko. Gusto mo bang magpasundo?” alok ni Zack.“Hindi na, may sarili akong sasakyan, darating ako ng mga 7 PM.” sagot ni Wendy.“Alright, hihintayin namin ang iyong pagdating!” sa
“Lolo…” Balisang tumingin si Mandy Zimmer kay Senior Zimmer.Ngumiti si Senior Zimmer at sinabi, “Mandy, alam kong nagkamali ako sa iyo ngayon. Pero, ang kontratang inuwi mo ay walang kahit anong benepisyong maidudulot sa pamilya Zimmer. Siyempre, hindi ko kakalimutan ang naging ambag mo dito. Ganito na lang. Kapag maayos na ang lahat at nakuha na natin ang ating kita, bibigyan kita ng higit sa pinangako ko.”Tikom ang bibig ni Senior Zimmer tungkol sa posisyon ng CEO. Ayaw niya na itong pag-usapan pa.Hindi kailanman naging mataas ang kanyang tingin sa kanyang mga babaeng apo. Laging niyang iniisip na ang mga babae ay kumakain lamang ng pera. Hindi nakatulong na ang asawa ni Mandy ay isang walang kwentang live-in son-in-law.Mayroon siyang konting respeto kay Mandy dahil lamang nagawa niyang makakuha ng kontrata sa York Enterprise. Ngayong mas mas kakayahan si Zack Zimmer kaysa kay Mandy, natural lang na isantabi niya si Mandy.Tahimik na umupo si Mandy. Hindi siya makapagsalita
Sa harap ng villa sa sandaling ito, itinaas ni Senior Zimmer ang kanyang braso para tingnan ang oras sa kanyang gold watch na suot-suot niya. Nakita niyang halos oras na, kaya kumaway siya sa madla para mahimik. Sinabi niya sa mahinang boses, “Tandaan niyong importante ang gabing ito para sa atin, ang pamilya Zimmer. Malalaman natin ngayong gabi kung magiging first-class family tayo sa Niumhi. Ibigay ninyong lahat ang makakaya niyo at pagsilbihan nang maayos ang main guest natin. Naiintindihan niyo ba?”“Yes sir!” Sumagot ang buong pamilya Ziller na may ngiti sa kanilang mga mukha. Isang ginto sa kanila si Wendy Sorrell. Natural lang na pinagsilbihan nila siya nang maayos.Biglang bumulong si Zack Zimmer sa oras na ito, “Lolo, actually may pre-mature proposal ako.”“Sige, aking magaling na apo. Sabihin mo agad ang nasa isip mo.” Naging excited si Senior Zimmer.Medyo nadismaya siya sa naging kilos ni Zack kanina. Ngunit ngayon, nasisiyahan siya sa kanya.Isa pa, lagi niyang pinabo
Nagulat ang madla ay tila hindi makapaniwala sa kanilang nakita.Isang golden miniature horse statue ang nakatayo sa loob ng kahon. Bagaman kasing liit siya ng isang palad, may kamahalan ito! Isa itong old-fashioned na gamit, pero ang presyo ay naka-display doon.Sina Yohann Stone at Senior Zimmer ay may parehong estado. Hindi na kailangan pa magbigay ng regalo sa isa’t isa kapag nagkikita sila. Gayunpaman, nagpakumbaba siya ngayon kaya lubos na tumaas ang reputasyon ng pamilya Zimmer.“Sige, sige, sige. Sinumang dumaan sa pintuang ito ay panauhin namin, Maupo ka, Manager Stone. Huwag ka na sanang magpakumbaba sa susunod. Pero malugod kong tinatanggap ang regalong ito!” Napakalapad ng ngiti ni Senior Zimmer na halos hindi niya maisara ang kanyang bibig habang wala siyang tigil sa pagtango.Hindi ito usapin ng pera, kundi ng reputasyon. Kahit na si Yohann ay may pag-aalinlangan at nalaman na darating sina Wendy Sorrell at Secretary Xavier, siya mismo ay isang mapanlinlang na nilalan
Napansin ni Senior Zimmer ang pagbabago sa kanyang ekspresyon at napabuntong hininga.Marahil ay isa siyang babaeng walang karanasan kaya mabilis siyang nagulat. Mukhang madali siyang maimpluwensyahan.Umabante si Zack Zimmer na may malaking ngiti at inunat ang kanyang mga kamay. “Welcome, Manager Sorrell, isang karangalan na naparito ka. Hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang senior ng aming pamilya…”Kita sa mukha ni Wendy Sorrell ang pagiging magalang niya. Bahagya siyang umatras nang hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon. Bahagya siyang tumango at sinabi, “Nakita ko na si Senior dati.”Nanigas ang kamay ni Zack sa kanyang sinabi, pero nanatili pa rin buo ang kanyang loob. Mabilis niyang binago ang kanyang kilos na tila nagwe-welcome. “Dahil nandito ka na rin, Manager Sorrell, halika at mag-hapunan ka na sa aming munting tahanan bago tayo mag-usap tungkol sa negosyo. Ayos ba iyon sa iyo?”Saglit na nag-alangan si Wendy bago ngumiti at sinabi, “May isa akong kaibigang niyaya. Hind
Ang pamilya Zimmer ay nagpakita ng ganoong hospitality at bagaman sina Wendy Sorrell at Yvonne Xavier ay parehong nahihiya, magalang silang umupo. HIndi siya natakot sa pamilya Zimmer. Gayunpaman, naalala nilang ang asawa ng CEO ay mula sa pamilya Zimmer, kaya kailangan nilang magpakita ng magandang asal. Kung hindi, kung kakalat ang balitang bastos ang taong katulad nila na may ganoong katayuan, maaaring wala na silang makain pa sa hinaharap.Umupo sina Yvonne at Wendy sa mga center seat ng main table. Sa tabi nila, sina Senior Zimmer, Sean Zimmer, at Zack Zimmer ay isa-isang umupo. Sa kabilang banda, sina Yohann Stone, Zachariah Brooke, at ang iba pang mga family head ay umupo na rin. Ang mga taong ito ay may mataas na katayuan sa lungsod ng Niumhi. Hindi naglakas ng loob si Senior Zimmer na magpakita ng pagiging bastos.Gayunpaman, nang makita ng nakababatang henerasyon ng pamilya Zimmer ang eksenang ito, malapit nang sumabog sa galit ang kanilang mga mata. Ang b*stardong ito, si
May sasabihin pa sana si Yvonne Xavier nang napunta ang kanyang tingin sa madla at laking gulat niya ng makita niya ang isang pamilyar na tao.Si Harvey York!Nagawa niyang makita si Harvey na nakaupo sa sulok. Wala na siyang ganang kumain at tumakbo patungo sa kinauupuan ni Harvey. Nabalot siya ng pag-aalala.Natuon ang atensyon ng lahat sa kanya at nagtaka kung anong ginagawa niya. Gayunpaman, naglakad siya sa lalaking nakasuot ng mga damit na mabibili sa mga bangketa. Nang tumayo siya sa tabi niya, nagbago nang husto ang ekspresyon sa mukha ng marami.Totoo ito lalo na para sa pamilya Zimmer. Maraming tao ang nagulat sa sandaling iyon!Anong meron sa live-in son-in-law na ito? Na-offend niya ba si Secretary Xavier? Na kailangan niyang lumapit sa kanya sa sandaling makita siya?Labis na natakot si Senior Zinner. Si Secretary Xavier ay isang taong hindi dapat bastusin. Kung may nagawang masama si Harvey kay Secretary Xavier sa nakaraan, pagpipira-pirasuhin ang kanyang katawan ka
”Malamang hindi.”Ngumiti si Carver."Pero madali pa rin para sa amin na pumatay ng isa o dalawang tao. Kung hindi, ano ang mangyayari sa aming reputasyon?"Pagkatapos ay kinumpas ni Carver ang kanyang kamay.“Dali! Dalhin niyo na ang suspect!"Isang dosenang lalaki sa pulang uniporme ang lumapit, habang naka-off ang safety ng kanilang mga baril. Ang kanilang mga mukha ay malamig, at tila handang-handa na silang pumatay."Tingnan natin kung kaya mo!"Tumingin ng matalim si Kairi kay Carver."Ginamit mo ang pangalan ko para palayain si Harvey, at ngayon, sinisiraan mo siya at binibigyan ng mga pekeng kaso? Iniisip mo ba talaga na walang halaga ang posisyon ko?!"Hindi sigurado si Kairi kung sino talaga ang nasa likod ng buong sitwasyon, pero… Alam niyang nasa malaking panganib si Harvey dahil dito. Marami na siyang nakalaban sa lungsod.Kung siya ay talagang nakabilanggo, masyadong maraming tao ang sisiguraduhin na mananatili itong ganoon.Sundin ang utos ni Kairi, itinaas ng
Vroom!Naririnig ang tunog ng mga makina. Maraming sasakyan ang nakaparada sa harapan nila, naglalabas ng nakakatakot na kapangyarihan.Ang mga tao sa paligid ng lugar ay natatakot, at mabilis na umalis.Ang mga bodyguard ng pamilya Patel ay instinctively na naglabas ng kanilang mga baril.Isang dosenang tao na naka-uniporme ang sumugod nang bumukas ang mga pinto ng kotse. Ang taong namumuno sa grupo ay isang guwapong lalaki. Ito ang pangalawang-in-k command ng Golden Cell… Carver Ruiz!Hindi pinansin ni Carver ang iba, at naglakad patungo kina Harvey at Kairi kasama ang kanyang mga tauhan."Sino kayo?" Kumunot ang noo ni Kairi, tinitigan niya sila nang masama. "Alam niyo ba kung ano itong lugar na ito?"Agad na itinaas ng kanyang mga bodyguard ang kanilang mga armas, matapang ang kanilang mga ekspresyon.Pinagmasdan ni Harvey nang may pagdududa ang mapagmataas na pagdating ni Carver. Ang taong ito ay naglalaro sa magkabilang panig, pagkatapos ng lahat."Carver Ruiz ng Golde
"Ngayon na babalik na ang mga prinsipe, natatakot ako na wala nang masyadong oras para magpahinga ang Patel family." bumuntong-hininga si Kairi. Kumunot ang noo ni Harvey. "Natatakot ka bang mawala sayo ang posisyon mo?"Umiling si Kairi."Hindi naman. Bahagi ako ng main branch. Kahit hindi ako ang namumuno, mananatili pa rin ang posisyon ko. Kung sakali, hindi gaanong magkakaroon ng halaga ang mga sasabihin ko."Gayunpaman, sa wakas ay nagtagumpay kaming magkaroon ng ugnayan sa mga Hermit Families. Sa ganitong paraan, magagawa na naming labanan ang John family."Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, ang pagbabalik ng mga prinsipe ay magdudulot lamang ng alitan sa loob ng pamilya...""Hayy. Kung hindi kami mag-iingat, mawawalan ng lakas ang Patel family at magiging mga vassal ng John family sa hinaharap.”Nag-aalala si Kairi; hindi niya iniisip na kayang labanan ng mga Hermit Families ang John family kung magkakaroon ng problema ang Patel family.Lalo na, si Blaine ay mula sa John
Hindi magiging mahirap para kay Harvey na makalabas sa sitwasyong ito…Ngunit dahil kampante si Carver na makakatulong siya, nagdesisyon si Harvey na manahimik. Gusto rin niyang makita kung gaano kalakas si Blaine para matakot ng ganito ang Golden Cell.Pagkaraan ng kalahating oras, nagpakita si Harvey sa tapat ng entrance ng Golden Cell. Ayon sa kasunduan nila, bibigyan siya ni Carver ng paliwanag para sa buong sitwasyon kinabukasan.Iyon ang dahilan kung bakit plano ni Harvey na maghintay at tingnan kung ano ang mangyayari.Gayunpaman, hindi agad umuwi si Harvey pagkatapos niyang umalis sa Golden Cell—sa halip ay pinuntahan niya si Kairi. Kung sabagay, naiintindihan ni Kairi kung gaano kamakapangyarihan ang John family at si Blaine.Pagkatapos niya siyang tawagan upang tanungin kung nasaan siya, tumawag siya ng isang taxi papunta sa isang private clubhouse.Ang sekretarya ni Kairi, na kanina pa naghihintay, ay magalang na dinala si Harvey sa isang malawak na silid.Mayroong ka
Tiningnan sila ng malamig ni Harvey. Ang Dragon Cell ang isa sa apat na haligi ng bansa, ngunit…Sangkot sila sa katiwalian.Napahanga din si Harvey kay Blaine. Sa puntong ito, malamang imposibleng harapin ang sitwasyon na ito gamit lamang si Kanae.“Sige, Mr. York.” Marahang ngumiti ang lalaki. “Medyo mainit ang ulo ng partner ko ngayon. Hindi mo kailangang matakot. Pwede mo bang ilarawan ang buong sitwasyon?“Mas detalyado, mas mabuti…“Kapag sinabi mo ang totoo, hihingi ako ng mas mababang sintensya para sayo pagdating ng oras.”Hindi nakakatakot ang malumanay niya tono… Ngunit, tila mas mapanira ang mga kalmado niyang salita.Tiningnang maigi ni Harvey ang dalawang tao sa harap niya habang nakasandal siya sa upuan. Mukhang kailangang linisin ang organisasyong ito.Gayunpaman, ayos lang sa kanya na sabihin ang totoo.Nagpakita ng pangit na ekspresyon ang lalaki at babae matapos nilang marinig ang mga sinabi ni Harvey. Hindi nila inasahan na sasabihin pa rin ni Harvey ang ka
”Binabalaan kita! Huwag kang magsisinungaling at sabihin mo ang lahat ng nalalaman mo! Kung hindi, uunti-untiin kong putulin ‘yang dila mo!”Bumuntong-hininga si Harvey pagkatapos niyang marinig ang mga salitang iyon.“Isa akong mabuting mamamayan. Ginawaran din ako ng medalya para doon.“Masama na nga na hindi niyo ako ginagantimpalaan ng gaya nun!“At ngayon, pinagbabantaan niyo din ako?“Sa tingin niyo ba ako ang pangunahing suspect?“Malamang hindi ganito ang pagtrato niyo kay Blaine o kay Darby, hindi ba?”Ngumiti si Harvey, at inilapag niya ang kanyang tasa. Pinagmasdan niya ang dalawang tao sa harap niya, nag-uusisa siya.Biglang tumigil sa pagsasalita ang babae, at tiningnan siya ng masama. Samantala, humalakhak naman ang lalaki.“Nagbibiro ka lang siguro, Mr. York!“Isang karangalan para sa’min ang i-report mo ito sa’min!“Masaya kaming tumulong sa ating mga mamamayan.“Pero dapat mong malaman na, hindi lahat ng tao ay mayroong access sa organisasyong ito.“Bakit
Kinumpas ni Blaine ang kamay niya, at isang gintong badge sa mesa ang nahulog sa lupa. Nagpakita ng pangit na ekspresyon ang lalaki, na puno ng paghihinagpis.‘Siya si Blaine! Ang young master ng John family!’Walang sinuman ang nakakaalam na isa pala siyang God of War!Sa kabila ng sikat niyang reputasyon sa Golden Sands, ang tanging alam lang ng lahat ay isa siyang maingat at tusong lalaki…Ni wala ngang kahit isang tao na nag-isip na isa pala siyang God of War!Masyado siyang malihim! Naitago niya lakas niya ng ganoon kahusay!Binangga ng Dragon Cell ang isang taong hindi nila dapat kalabanin!Pagkaraan ng isang oras, sa may entrance ng isang tahimik na tahanan sa Wolsing Road.Tiningnan ni Harvey ang lugar ng may kakaibang ekspresyon.Tinawagan niya ang phone ng Dragon Cell, ngunit agad na naputol ang tawag. Hindi kalaunan ay nakatanggap siya ng isang tawag, na nagsasabi sa kanya na magpakita siya at makipagtulungan sa imbestigasyon.Pagkatapos niyang pakalmahin sila Mand
Nabigla si Darby, pero isa pa rin siyang batikang young master."Sino ba kayo? Hindi ba ninyo alam na ito ang tahanan ng Xavier family? Ako si Darby Xavier!”Bang!Gayunpaman, hindi pinansin ng mga tao si Darby at pinindot ang gatilyo. May malakas na pagsabog, at sumabog ang telepono ni Darby mismo sa kanyang kamay.Ang mga lumilipad na piraso ng bakal ay agad na nag-iwan ng mga peklat sa kanyang buong katawan.Blaine ay humalakhak; inalog niya ang kanyang kamay, kinuha ang mga lumilipad na piraso ng metal nang madali. Pagkatapos, ginawa niyang bola ang mga pira-piraso, at walang pakialam na inihagis ito sa lupa.Ang buong lugar ay isang ganap na gulo. Ang mga mata ni Darby ay nanginginig sa galit; sa puntong ito, handa na siyang makipaglaban hanggang sa kahuli-hulihang sandali.Batay sa kanyang napakalaking katayuan, walang sinuman ang magtatangkang pumasok sa kanyang bahay at tratuhin siya ng ganito noon…"Kapag gumalaw ka ulit, mamamatay ka!"Ang mga baril ay nakatutok na s
"Kung maging seryoso ang mga bagay, masama kung makulong ka ulit habang si Harvey ay walang problema.""Isa kang mahalagang manlalaro sa larong ito. Kung talagang nangyari iyon, maraming gulo ang mangyayari.”Si Blaine ay umiling sa pagsisisi. Kung alam lang niya na si Darby ay isang walang silbing kasama, hindi na sana niya ito pinakawalan. Mga tao na ganyan ay dapat lang mabulok sa likod ng rehas."Bawiin mo si Kanae!" Nag-utos si Blaine nang walang pag-aalinlangan."Wala akong pakialam kung ano ang nangyayari ngayon.""Tawagan mo siya ulit.""Hindi, ilabas mo siya sa bansa! Huwag mo siyang hayaang magpakita sa harap namin muli!"Magpapanggap na lang tayong hindi natin siya kilala!"Tumingin si Darby kay Blaine, naguguluhan."Medyo nagmamalabis ka, hindi ba?" malamig niyang sinabi. "Isa lang siyang live-in son-in-law...""Huwag kang magyabang, Darby," sagot ni Blaine."Sa tingin mo ba, isang simpleng live-in son-in-law ay kayang linisin ang iyong casino nang ganun-ganun na