Ang pamilya Zimmer ay nagpakita ng ganoong hospitality at bagaman sina Wendy Sorrell at Yvonne Xavier ay parehong nahihiya, magalang silang umupo. HIndi siya natakot sa pamilya Zimmer. Gayunpaman, naalala nilang ang asawa ng CEO ay mula sa pamilya Zimmer, kaya kailangan nilang magpakita ng magandang asal. Kung hindi, kung kakalat ang balitang bastos ang taong katulad nila na may ganoong katayuan, maaaring wala na silang makain pa sa hinaharap.Umupo sina Yvonne at Wendy sa mga center seat ng main table. Sa tabi nila, sina Senior Zimmer, Sean Zimmer, at Zack Zimmer ay isa-isang umupo. Sa kabilang banda, sina Yohann Stone, Zachariah Brooke, at ang iba pang mga family head ay umupo na rin. Ang mga taong ito ay may mataas na katayuan sa lungsod ng Niumhi. Hindi naglakas ng loob si Senior Zimmer na magpakita ng pagiging bastos.Gayunpaman, nang makita ng nakababatang henerasyon ng pamilya Zimmer ang eksenang ito, malapit nang sumabog sa galit ang kanilang mga mata. Ang b*stardong ito, si
May sasabihin pa sana si Yvonne Xavier nang napunta ang kanyang tingin sa madla at laking gulat niya ng makita niya ang isang pamilyar na tao.Si Harvey York!Nagawa niyang makita si Harvey na nakaupo sa sulok. Wala na siyang ganang kumain at tumakbo patungo sa kinauupuan ni Harvey. Nabalot siya ng pag-aalala.Natuon ang atensyon ng lahat sa kanya at nagtaka kung anong ginagawa niya. Gayunpaman, naglakad siya sa lalaking nakasuot ng mga damit na mabibili sa mga bangketa. Nang tumayo siya sa tabi niya, nagbago nang husto ang ekspresyon sa mukha ng marami.Totoo ito lalo na para sa pamilya Zimmer. Maraming tao ang nagulat sa sandaling iyon!Anong meron sa live-in son-in-law na ito? Na-offend niya ba si Secretary Xavier? Na kailangan niyang lumapit sa kanya sa sandaling makita siya?Labis na natakot si Senior Zinner. Si Secretary Xavier ay isang taong hindi dapat bastusin. Kung may nagawang masama si Harvey kay Secretary Xavier sa nakaraan, pagpipira-pirasuhin ang kanyang katawan ka
Hindi naka-imik si Zack Zimmer sa desisyong ito. Hindi niya akalaing ta-tratuhin siya nang maayos ng kanyang lolo na naglalabas siya ng mga gamit na ito.Isa-isang nagbago ang ekspresyon ng iba pang mga family head. Lahat sila ay may parehong set sa kanilang mga tahanan. Ito kasi ay trendy para sa mga nasa upper-class ng Niumhi.Tumingin si Senior Zimmer kina Yvonne Xavier at Wendy Sorrell. Ngumiti siya pagkatapos. "Minamahal naming panauhin, dahil narito kayo, bakit hindi kayo lumapit at tingnan ang mga mamahaling gamit na pagmamay-ari ng pamilya Zimmer?"Tatanggihan na sana nina Yvonne at Wendy ang alok ngunit nang makita nila ang mga luxurious na gamit na may mataas na kalidad sa ilang mga kahon, ang sinumang babae ay maaakit. Kung kaya, pareho silang hindi makatiis kaya sumilip sila sa mga kahon.Napansin ni Senior Zimmer ang kanilang ekspresyon. Nanindigan siyang makamit ang tagumpay sa gabing iyon. Pagkatapos ay kumaway siya at sinabi, "Ladies and gentlemen, halika at tingnan
Hindi siya umaasang may magpo-propose sa kanya, ang hiling niya lamang ay magkaroon ng isang masayang kumpletong wedding ceremony. Kaso, ang asawa niyang ito...Nang inisip niya ang mga ito, tahimik na napabuntong hininga si Mandy Zimmer.“Harvey, ikaw na basura ka!” Si Xynthia Zimmer na katabi nila ay galit na galit at masamang tinitigan si Harvey York. “Tingnan mo sila, ngayon tingnan mo ang sarili mo! Huwag na nating pag-usapan ang marriage proposal. Ilang taon ka nang kasal sa ate ko. Ano ang ibinigay mo sa kanya? Kung tunay kang lalaki, ikaw na mismo ang makipaghiwalay! Hindi ka bagay sa ate ko. Hindi mo siya kayang pasayahin!”“Xynthia!” Tinitigan ni Mandy ang kanyang nakababatang kapatid pero sinarili na ang nais niyang sabihin.“Ate, huwag mo na siyang ipagtanggol. Ang basura ay basura. Ang talunan ay talunan. Ito ang kanyang likas na katangian; hindi niya mapapalitan iyan. Kung ako sa kanya, matagal na akong naghanap ng pwede kong mataguan. Paanong may mukha pa akong ihaha
“Ano!?”Gulat na gulat ang madla. Nawalan siya ng milyun-milyong halaga ng interes para bumili ng mga luxurious item? Nabaliw na ba siya? Nang tingnan nila ang kanyang pag-uugali, naisip nila na hindi niya ito kayang pekein.Hindi nakapagtataka na nagawa niyang mabihag ang puso ni Wendy Sorrell, sa paggasta ng ganoong karaming pera sa kanya. Meron bang babaeng tanggihan iyon?“"H-Handa siyang gumastos ng milyun-milyon para manligaw sa isang babae? Kamangha-mangha talaga iyan!""Tama iyan. Isang bagay para sa isang tao ang maging mayaman, ibang usapan na kung gusto niyang gumastos ng pera sa iyo!”“Kahanga-kahanga. Kung ganito ako tatratuhin ng asawa ko, pwede na akong mamatay!”Maraming mga kababaihan ang nag-uusap! Milyun-milyong halaga ng mga luxurious item? Ibig sabihin nito na ang lahat ng mga classic item at sa mga season trend ay nandito? Nagsisinungaling ang sinumang babaeng magsasabi na hindi naakit dito!Maraming babae ang kasalukuyang may malagkit na tingin kay Zack Zi
“Pwede bang may magdala sa akin ng flashlight?” Biglang sinabi ni Yvonne Xavier.“Bilis, bilis! Dalhin niyo dito!” Bagaman hindi alam ni Senior Zimmer kung anong balak ni Yvonne, nag-utos siya ng taong magdadala ng flashlight.Di nagtagal, isang flashlight ang dinala sa kanya. Binuksan ni Yvonne ang flashlight at tinutok ito sa dalawang diamond piece.Isang nakasisilaw na liwanag ang umaninag sa kanila. Walang magawa ang madla kundi pigilan ang kanilang paghinga. Marami sa kanila ang hindi paniniwala sa kanilang nakita.Sa ilalim ng liwanag, kita ng lahat ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang brilyante. Ang brilyante ni Yvonne ay mas maliit, ngunit ang reflection ng liwanag ay sumilaw sa mga nanonood. Nakuha nito ang atensyon ng mga tao.Subalit, ang pigeon egg ni Zack Zimmer na kasing-laki ng kamao ay...“Ito…” May isang bumasag sa katahimikan. Mukhang hindi siya makapaniwala.“Ano ang sitwasyong ito? Paanong ang one-carat na diamond na ito ay mas nakasisilaw at nakaka
Sa tabi, kino-kontrol ni Senior Zimmer ang kanyang ngiti. “Manager Sorrell, sa ngalan ng pamilya Zimmer, nangangako akong ang lahat ng aming kayamanan ay mapupunta sa inyong dalawa kung ikakasal ka sa aming pamilya. Wala iyang diamond na yan kapag naging inyo ang lahat ng pag-aari ng pamilya Zimmer. Hindi mo kailangang magalit.”Naging prangka si Senior Zimmer sa kanyang saloobin. Handa siyang ibigay ang buong pamilya Zimmer sa batang mag-asawa. Hindi kailangang magalit ni Wendy sa maliit na bagay na iyon, lalo na at nagpo-propose si Zack Zimmer sa kanya.“Tama iyon, Sister-in-law. Maliit lang na bagay iyon! Paparusahan mo lang si Zack nang walang magandang dahilan!”“Oo! Huwag na nating pag-usapan ang diamond ring na nagkakahalaga ng daan-daang libo. Tingnan mo ang basurang iyan, si Harvey York. Hindi niya nga kayang bumili ng diamond ring ng ilang daang dolyar. Napakaswerte mo at nakuha mo ang loob ni Bro Zack!”“Oo! Tama iyon!”Sinubukan ng pamilya Zimmer na suyuin siya.Lalo
Sa gitna ng bulwagan, kumibot ang mga mata ni Senior Zimmer. Umubo siya saka sinabi, “Mga panauhin, away lamang ito nakababatang henerasyon. Huwag niyo na sanang isipin kung anong nangyari. Ano na lang ang magiging host sa gabi. Tara na!”Tuso ang mga family head na naroroon. Gayunpaman, in-assume nilang totoo ang sinabi ni Senior Zimmer. Malalaman din nila sa lalong madaling panahon kung ang sitwasyong ito ay totoo sa pagmamasid kung matagumpay bang makukuha ng pamilya Zimmer ang investment mula sa York Enterprise.Pagkatapos ng tatlong round ng wine, ang mga family head ay kanya-kanyang nakahanap ng palusot para umalis. Hindi sila pumunta para sa pamilya Zimmer. Hindi ganoon kagalang-galang para sa kanila ang pamilya Zimmer para gawin nila iyon. Ang goal nila ay si Yvonne Xavier.Alam nilang hindi malakas ang kapit ng pamilya Zimmer sa York Enterprise. May ideya ang ilang family head. Dahil nagpadala ang pamilya Zimmer ng binata para ligawan si Wendy Sorrell, magagawin rin nila it
”Hayop ka!”Si Kensley ay nag-aapoy sa galit matapos marinig ang mga salita ni Harvey, ngunit hindi pa rin siya nawalan ng kontrol sa sarili. Matapos huminga ng malalim, pumunta siya sa mas malalim na bahagi ng bulwagan upang alamin ang sitwasyon.Kung ikukumpara sa dati, ang bahaging ito ng kastilyo ay nakakalamig. Maraming tuyong dugo ang nagkalat sa buong sahig, na nagpapakita na ito ang aktwal na lugar ng interogasyon.Tumango si Harvey sa paghanga, pagkatapos ay walang pakialam na umupo na nakabukaka bago utusan si Carver na dalhan siya ng tsaa.Ang mga tao na hindi alam ang totoo ay iisipin na siya ang tunay na warden ng lugar.Nag-atubili si Carver sandali, pagkatapos ay tumingin kay Kensley.Kensley ay humalakhak nang malamig, pagkatapos ay nilagpasan ang kanyang kamay.May nagdala ng isang tasa ng mainit na tsaa, pero ang kalidad nito ay maaaring mas maganda.Hindi ito ininda ni Harvey; kinuha niya ang tasa na may maliit na ngiti, naghihintay kung ano ang inihahanda ni
Nagbago ang ekspresyon ni Kensley; para siyang nasa bingit ng pagkapuno, pero nagawa niyang pigilin ang sarili.Huminga siya ng malalim, at tinignan si Harvey ng matagal bago siya nagsalita."Tama na, Harvey! Walang silbi ang mga sinasabi mo!"Hahanap kami ng ebidensya!"“At ngayon, kailangan mong makipagtulungan sa amin!”"Siyempre, maaari mong subukang lumaban...""Pero kung gagawin mo iyon, natural lang na ilabas ka namin."Gumawa ng isang galaw si Kensley, pagkatapos ay pumasok sa kastilyo.Nagkunot-noo si Harvey; nakita niya ang matinding tingin sa kanyang mga mata. Malinaw na pinipigilan siya ng kanyang aura, ngunit nagawa pa rin niyang mag-isip nang tama sa pinakamahalagang sandali.Isa lang ba siyang mahirap na kalaban? O talagang may ebidensya siya laban sa kanya?Naglakad si Carver sa tabi ni Harvey at tinanggap siya sa loob, na may pangit na anyo.Ikinulong ni Harvey ang kanyang mga braso at pumasok sa pangunahing bulwagan nang kalmado. Hindi na siya nag-aksaya ng
"Wala ka talagang kwenta. Wala ring pinagkaiba ang utusan mo…Sinipa ni Harvey si Carver sa lupa nang walang pag-aalinlangan. Pagkatapos ay humakbang siya pasulong upang hayaan si Kensley na gawin ang anumang gusto niya sa kanya.Tinitigan ni Kensley si Harvey nang may galit at takot. Nanghihinayang siyang pinakawalan niya ito.Nakapag-isip na siya ng napakaraming paraan para ipahamak si Harvey bago siya alisin, dahil nandito na siya.Pero kung may ginawa siya sa kanya bago pa man maayos ang mga kaso laban dito, maghahanap siya ng gulo. Sa katunayan, humiling si Blaine na patayin si Harvey sa makatuwirang dahilan, hindi para muling sapakin siya.Ang posisyon ng acting warden ay ibinigay bilang paraan para maipaliwanag ng Golden Cell ang kanilang sarili.Kensley ang kumakatawan kay Blaine. Kung mapapahiya siya dito, madudungisan ang kanilang reputasyon ni Blaine. Matapos magmuni-muni ng kaunti, muling nakabawi siya ng kanyang kapanatagan."Huwag ka munang magmayabang, Harvey!" ga
Tiningnan ni Harvey si Kensley nang kalmado."Matalino kang babae.""Dahil ginagamit mo ang basura tulad ni Carver para i-frame ako...""Dapat mong malaman ang tunay kong pagkatao.""Representative York ng Martial Arts Alliance ng bansa!"Ibig sabihin nito, dapat mong maunawaan ang mga kahihinatnan ng paglabag sa akin ng ganito.""Sigurado ka bang aabusuhin mo ang iyong kapangyarihan bago dumaan sa mga pamamaraan ng Golden Cell?""Kaya mo bang harapin ang magiging kapalit nito?"Bahagyang lumabo ang mukha ni Kensley matapos marinig ang mga salita ni Harvey; narinig niya ang kumpiyansa sa tono nito.Sinabi nga ni Blaine sa kanya na pinaghihinalaan si Harvey na maging kinatawan ng Martial Arts Alliance ng Country H.Nagawa ni Harvey na talunin ang buong grupo ng mga nangungunang talento ng India at supilin ang apat na pangunahing Martial Arts Alliances. Pagkatapos noon, naging isa siya sa mga direktor ng Martial Arts Alliance ng mundo.Sa ganitong uri ng tagumpay sa bansa, tan
Tumingin si Harvey sa babae, pagkatapos ay walang pakundangang tumitig sa kanyang payat at mahahabang mga binti.Naimpluwensyahan ni Harvey, sumunod ang mga mata ni Carver. Nilunok niya, at nagsimula siyang masuka nang makita niya ang babae."Ms. Kensley, lumalamig na ang panahon. Dapat itim na stockings ang suot mo, hindi ‘yan! Hindi rin masama ang puti…” nagsimula si Harvey."Masasaktan ako para sa'yo kung hindi mo ginawa ‘yun!""Isipin mo, si Blaine hindi man lang bumili ng isang pares para sa'yo kahit matagal ka nang nagtatrabaho para sa kanya. Ang kuripot naman niyang tao!"Kung sasama ka sa akin, bibili ako ng isang daang pares para sayo ngayon din!"Ngumiti si Harvey nang makita niya ang mukha ng babae.Ito ay si Kensley.Kensley ay nagalit na nakatingin kay Harvey."Dahil nandito ka na, hayaan na kitang magsalita ngayon. Sa susunod na makita mo ako, magmamakaawa kang palabasin kita. Didilaan mo pa ang mga talampakan ko habang nandiyan ka.”Tumango si Harvey. "Wala ban
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Carver; siya ang namumuno sa sitwasyon, ngunit pakiramdam niya ay pinipigilan siya ni Harvey."Ano? Masama ba ang loob mo?"Nanatiling kalmado si Harvey."O sinasabi mo bang pinagsisisihan mo na ang desisyon mo ngayon?""Walang silbi para doon. Pagkatapos ng lahat, ang kawalang-ingat ay palaging may kapalit.”Ginamit laban kay Carver ang mga salita niya. Ang kanyang ekspresyon ay naging kakila-kilabot matapos marinig ang mga iyon.“Dali na. Huwag ka nang mag-aksaya ng oras! Gusto kong makita kung sino ang nakatago sa likod ng isang traydor na katulad mo.Tumingin si Harvey kay Kairi at gumawa ng isang galaw, bago siya walang pakialam na pumasok sa likod ng Land Cruiser na parang siya talaga ang may-ari.Ang mukha ni Carver ay naging malungkot.Nagawa niyang takutin ang maraming tao gamit ang kanyang posisyon sa Golden Cell. Maging ang mga prinsipe at mga batang mayayaman ay lumuluhod sa harap niya matapos marinig ang tungkol sa organisasyon.
”Malamang hindi.”Ngumiti si Carver."Pero madali pa rin para sa amin na pumatay ng isa o dalawang tao. Kung hindi, ano ang mangyayari sa aming reputasyon?"Pagkatapos ay kinumpas ni Carver ang kanyang kamay.“Dali! Dalhin niyo na ang suspect!"Isang dosenang lalaki sa pulang uniporme ang lumapit, habang naka-off ang safety ng kanilang mga baril. Ang kanilang mga mukha ay malamig, at tila handang-handa na silang pumatay."Tingnan natin kung kaya mo!"Tumingin ng matalim si Kairi kay Carver."Ginamit mo ang pangalan ko para palayain si Harvey, at ngayon, sinisiraan mo siya at binibigyan ng mga pekeng kaso? Iniisip mo ba talaga na walang halaga ang posisyon ko?!"Hindi sigurado si Kairi kung sino talaga ang nasa likod ng buong sitwasyon, pero… Alam niyang nasa malaking panganib si Harvey dahil dito. Marami na siyang nakalaban sa lungsod.Kung siya ay talagang nakabilanggo, masyadong maraming tao ang sisiguraduhin na mananatili itong ganoon.Sundin ang utos ni Kairi, itinaas ng
Vroom!Naririnig ang tunog ng mga makina. Maraming sasakyan ang nakaparada sa harapan nila, naglalabas ng nakakatakot na kapangyarihan.Ang mga tao sa paligid ng lugar ay natatakot, at mabilis na umalis.Ang mga bodyguard ng pamilya Patel ay instinctively na naglabas ng kanilang mga baril.Isang dosenang tao na naka-uniporme ang sumugod nang bumukas ang mga pinto ng kotse. Ang taong namumuno sa grupo ay isang guwapong lalaki. Ito ang pangalawang-in-k command ng Golden Cell… Carver Ruiz!Hindi pinansin ni Carver ang iba, at naglakad patungo kina Harvey at Kairi kasama ang kanyang mga tauhan."Sino kayo?" Kumunot ang noo ni Kairi, tinitigan niya sila nang masama. "Alam niyo ba kung ano itong lugar na ito?"Agad na itinaas ng kanyang mga bodyguard ang kanilang mga armas, matapang ang kanilang mga ekspresyon.Pinagmasdan ni Harvey nang may pagdududa ang mapagmataas na pagdating ni Carver. Ang taong ito ay naglalaro sa magkabilang panig, pagkatapos ng lahat."Carver Ruiz ng Golde
"Ngayon na babalik na ang mga prinsipe, natatakot ako na wala nang masyadong oras para magpahinga ang Patel family." bumuntong-hininga si Kairi. Kumunot ang noo ni Harvey. "Natatakot ka bang mawala sayo ang posisyon mo?"Umiling si Kairi."Hindi naman. Bahagi ako ng main branch. Kahit hindi ako ang namumuno, mananatili pa rin ang posisyon ko. Kung sakali, hindi gaanong magkakaroon ng halaga ang mga sasabihin ko."Gayunpaman, sa wakas ay nagtagumpay kaming magkaroon ng ugnayan sa mga Hermit Families. Sa ganitong paraan, magagawa na naming labanan ang John family."Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, ang pagbabalik ng mga prinsipe ay magdudulot lamang ng alitan sa loob ng pamilya...""Hayy. Kung hindi kami mag-iingat, mawawalan ng lakas ang Patel family at magiging mga vassal ng John family sa hinaharap.”Nag-aalala si Kairi; hindi niya iniisip na kayang labanan ng mga Hermit Families ang John family kung magkakaroon ng problema ang Patel family.Lalo na, si Blaine ay mula sa John