Hindi naka-imik si Zack Zimmer sa desisyong ito. Hindi niya akalaing ta-tratuhin siya nang maayos ng kanyang lolo na naglalabas siya ng mga gamit na ito.Isa-isang nagbago ang ekspresyon ng iba pang mga family head. Lahat sila ay may parehong set sa kanilang mga tahanan. Ito kasi ay trendy para sa mga nasa upper-class ng Niumhi.Tumingin si Senior Zimmer kina Yvonne Xavier at Wendy Sorrell. Ngumiti siya pagkatapos. "Minamahal naming panauhin, dahil narito kayo, bakit hindi kayo lumapit at tingnan ang mga mamahaling gamit na pagmamay-ari ng pamilya Zimmer?"Tatanggihan na sana nina Yvonne at Wendy ang alok ngunit nang makita nila ang mga luxurious na gamit na may mataas na kalidad sa ilang mga kahon, ang sinumang babae ay maaakit. Kung kaya, pareho silang hindi makatiis kaya sumilip sila sa mga kahon.Napansin ni Senior Zimmer ang kanilang ekspresyon. Nanindigan siyang makamit ang tagumpay sa gabing iyon. Pagkatapos ay kumaway siya at sinabi, "Ladies and gentlemen, halika at tingnan
Hindi siya umaasang may magpo-propose sa kanya, ang hiling niya lamang ay magkaroon ng isang masayang kumpletong wedding ceremony. Kaso, ang asawa niyang ito...Nang inisip niya ang mga ito, tahimik na napabuntong hininga si Mandy Zimmer.“Harvey, ikaw na basura ka!” Si Xynthia Zimmer na katabi nila ay galit na galit at masamang tinitigan si Harvey York. “Tingnan mo sila, ngayon tingnan mo ang sarili mo! Huwag na nating pag-usapan ang marriage proposal. Ilang taon ka nang kasal sa ate ko. Ano ang ibinigay mo sa kanya? Kung tunay kang lalaki, ikaw na mismo ang makipaghiwalay! Hindi ka bagay sa ate ko. Hindi mo siya kayang pasayahin!”“Xynthia!” Tinitigan ni Mandy ang kanyang nakababatang kapatid pero sinarili na ang nais niyang sabihin.“Ate, huwag mo na siyang ipagtanggol. Ang basura ay basura. Ang talunan ay talunan. Ito ang kanyang likas na katangian; hindi niya mapapalitan iyan. Kung ako sa kanya, matagal na akong naghanap ng pwede kong mataguan. Paanong may mukha pa akong ihaha
“Ano!?”Gulat na gulat ang madla. Nawalan siya ng milyun-milyong halaga ng interes para bumili ng mga luxurious item? Nabaliw na ba siya? Nang tingnan nila ang kanyang pag-uugali, naisip nila na hindi niya ito kayang pekein.Hindi nakapagtataka na nagawa niyang mabihag ang puso ni Wendy Sorrell, sa paggasta ng ganoong karaming pera sa kanya. Meron bang babaeng tanggihan iyon?“"H-Handa siyang gumastos ng milyun-milyon para manligaw sa isang babae? Kamangha-mangha talaga iyan!""Tama iyan. Isang bagay para sa isang tao ang maging mayaman, ibang usapan na kung gusto niyang gumastos ng pera sa iyo!”“Kahanga-kahanga. Kung ganito ako tatratuhin ng asawa ko, pwede na akong mamatay!”Maraming mga kababaihan ang nag-uusap! Milyun-milyong halaga ng mga luxurious item? Ibig sabihin nito na ang lahat ng mga classic item at sa mga season trend ay nandito? Nagsisinungaling ang sinumang babaeng magsasabi na hindi naakit dito!Maraming babae ang kasalukuyang may malagkit na tingin kay Zack Zi
“Pwede bang may magdala sa akin ng flashlight?” Biglang sinabi ni Yvonne Xavier.“Bilis, bilis! Dalhin niyo dito!” Bagaman hindi alam ni Senior Zimmer kung anong balak ni Yvonne, nag-utos siya ng taong magdadala ng flashlight.Di nagtagal, isang flashlight ang dinala sa kanya. Binuksan ni Yvonne ang flashlight at tinutok ito sa dalawang diamond piece.Isang nakasisilaw na liwanag ang umaninag sa kanila. Walang magawa ang madla kundi pigilan ang kanilang paghinga. Marami sa kanila ang hindi paniniwala sa kanilang nakita.Sa ilalim ng liwanag, kita ng lahat ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang brilyante. Ang brilyante ni Yvonne ay mas maliit, ngunit ang reflection ng liwanag ay sumilaw sa mga nanonood. Nakuha nito ang atensyon ng mga tao.Subalit, ang pigeon egg ni Zack Zimmer na kasing-laki ng kamao ay...“Ito…” May isang bumasag sa katahimikan. Mukhang hindi siya makapaniwala.“Ano ang sitwasyong ito? Paanong ang one-carat na diamond na ito ay mas nakasisilaw at nakaka
Sa tabi, kino-kontrol ni Senior Zimmer ang kanyang ngiti. “Manager Sorrell, sa ngalan ng pamilya Zimmer, nangangako akong ang lahat ng aming kayamanan ay mapupunta sa inyong dalawa kung ikakasal ka sa aming pamilya. Wala iyang diamond na yan kapag naging inyo ang lahat ng pag-aari ng pamilya Zimmer. Hindi mo kailangang magalit.”Naging prangka si Senior Zimmer sa kanyang saloobin. Handa siyang ibigay ang buong pamilya Zimmer sa batang mag-asawa. Hindi kailangang magalit ni Wendy sa maliit na bagay na iyon, lalo na at nagpo-propose si Zack Zimmer sa kanya.“Tama iyon, Sister-in-law. Maliit lang na bagay iyon! Paparusahan mo lang si Zack nang walang magandang dahilan!”“Oo! Huwag na nating pag-usapan ang diamond ring na nagkakahalaga ng daan-daang libo. Tingnan mo ang basurang iyan, si Harvey York. Hindi niya nga kayang bumili ng diamond ring ng ilang daang dolyar. Napakaswerte mo at nakuha mo ang loob ni Bro Zack!”“Oo! Tama iyon!”Sinubukan ng pamilya Zimmer na suyuin siya.Lalo
Sa gitna ng bulwagan, kumibot ang mga mata ni Senior Zimmer. Umubo siya saka sinabi, “Mga panauhin, away lamang ito nakababatang henerasyon. Huwag niyo na sanang isipin kung anong nangyari. Ano na lang ang magiging host sa gabi. Tara na!”Tuso ang mga family head na naroroon. Gayunpaman, in-assume nilang totoo ang sinabi ni Senior Zimmer. Malalaman din nila sa lalong madaling panahon kung ang sitwasyong ito ay totoo sa pagmamasid kung matagumpay bang makukuha ng pamilya Zimmer ang investment mula sa York Enterprise.Pagkatapos ng tatlong round ng wine, ang mga family head ay kanya-kanyang nakahanap ng palusot para umalis. Hindi sila pumunta para sa pamilya Zimmer. Hindi ganoon kagalang-galang para sa kanila ang pamilya Zimmer para gawin nila iyon. Ang goal nila ay si Yvonne Xavier.Alam nilang hindi malakas ang kapit ng pamilya Zimmer sa York Enterprise. May ideya ang ilang family head. Dahil nagpadala ang pamilya Zimmer ng binata para ligawan si Wendy Sorrell, magagawin rin nila it
“Lolo, kung susuriin natin ang mga detalye. Hindi mo ba naiisip na may nararamdaman siya para sa akin?"Sinubukang mangatwiran ni Zack Zimmer. Bakit parang nasa katwiran ang kanyang rason?Nagkatiningan ang pamilya Zimmer. Napahusay ng kanyang paliwanag. Ano ba ang katayuan ni Yvonne Xavier? Maraming family head ang gustong makipagkita sa kanya pero wala silang pagkakataon. Gayunpaman, pumunta siya sa pamilya Zimmer na may kakaibang kinilos. Tila wala nang iba pang katwiran maliban sa may gusto siya kay Zack.“Lolo, isang magandang balita ang pagtanggi ni Wendy sa aking proposal. Isipin mo, maliit lamang na manager si Wendy, ano pa ang magagawa niya? Nakita ni Zack sa katotohanan ng realidad. “Si Yvonne, hindi… ang akong Vonnie ay ang secretary sa CEO ng York Enterprise! Sa katunayan, may tsismis na siya mismo ang misteryosong CEO. Lolo, yayaman na ang pamilya Zimmer!”Ang CEO ng York Enterprise?Nang sinabi niya ito, nakahinga nang maluwag ang pamilya Zimmer na naroroon. Hindi iy
Nasa tuktok siya ng kanyang buhay. Maaari niyang pakasalan ang kahit sinong babaeng nais niya at mayaman din siya. Subalit, ang talunang live-in son-in-law na ito, si Harvey York, ay malakas ang apog para tawanan siya! Hindi ba siya naging sobrang arogante?Sa sandaling iyon, ang lahat ay lumingon para tingnan si Harvey. Marami sa kanila ang may tila umaasa sa kanya na napaghalo niya ang sitwasyon. Nais nilang panatilihing buhay ang pag-asa.“Pasensya na, hindi ko pinigilan ang sarili ko.” tinakpan ni Harvey ang kanyang bibig habang nagsasalita. “May mga taong may magandang imahinasyon. Zack Zimmer, sa palagay ko mas mabuti kung huwag mo na siyang subukang ligawan. Bakit hindi mo subukan at maging live-in son-in-law ng pamilya Xavier? Tingnan natin kung gusto ka niya para sa kanya!"“L-Live-in son-in-law ka lang, sino ka para insultuhin ako!” Malaki ang pinagbago ng ekspresyon ni Zack. Kahit may pagnanais siya na maging isang kept man, ang ideya ay ideya lamang. Lumabas ang kanyang