Lalong na-curious si Mandy Zimmer. Hindi niya mapigilan ang sarili at tinanong, “Ano ang relasyon mo kay Yvonne Xavier noong nasa unibersidad kayo? Hindi ba kayo mag-kasintahan?”Nang sinabi niya ito, naramdaman ni Mandy na hindi ito pangkaraniwang sitwasyon. Alam niya ang mga kakayahan ng kanyang walang kwentang asawa. Paano siya nagkaroon ng ganoong eleganteng ex-girlfriend na tulad ni Yvonne?Hindi alam ni Harvey York kung tatawa ba siya o iiyak. "Mahal, huwag mo sanang isipin iyon. Wala kaming ganoong klaseng relasyon. Sabihin na lang natin na hindi kami bati!"Kumutitap ang mga mata ni Lilian Yates sa sandaling iyon, na akala mo’y nahuli niya si Harvey. Hindi niya mapigilang pagsalitaan siya. “So iyon pala! Ang isang kept man na tulad mo ay may tinatagong babae sa anak ko. Harvey, sinasabi ko sa iyo! Hiwalayan mo na ngayon din ang anak ko! Ngayon mismo!”“Ma!” Tinitigan ni Mandy si Lilian. “Kung anuman ito, umuwi na tayo at pag-usapan ito."“Hindi!”Sumingit si Zack Zimmer b
Matapos mag-walk out sa villa, nag-dial muli si Harvey ng number. Ngayon, mabilis na sinagot ang tawag. Sa kabilang linya, sumagot si Yvonne na parang humihingi ng tawad, “Mr. York, nasa underground parking ako ngayon lang, walang signal ang cellphone ko.”“Okay lang, pwede mo na akong sunduin ngayon,” kalmadong sabi ni Harvey. Dahil wala siyang matutuluyan ngayong gabi, mas mainam kung sa opisina siya magpapahinga.Huh? Alright, nasaan ka na, Mr. York? Susunduin na kita agad.” Halatang saglit na nagulat si Yvonne pero mabilis niyang ibinuka ang kanyang bibig at sumagot.Sinabi ni Harvey sa kanya ang address bago ibinaba ang tawag. Wala pang sampung minuto ang nakalipas, isang pulang Ferrari ang tumigil sa tabi ni Harvey at ang bintana ng kotse ay ibinaba. Nang hindi alam kung kailan nagpalit si Yvonne sa terno ng isang leather top at mini skirt, nahihiya siyang tumingin kay Harvey at sinabi, “Mr. York, magmamaneho sana ako nang tinawagan mo ako, kaya hindi na ako nakapagbihis pa.”
Sa oras na ito, si Wyatt Johnson na nasa likod niya ay naglakad sa harapan at nakangiting sinabi, “Hindi pamilyar ang babaeng ito, Marahil ay bagong dating ka lang sa Niumhi. Miss, paano kita tatawagin? May mga manloloko dito sa Niumhi. Mag-ingat ka, at huwag mo silang pakialaman, nakakarindi sila. Kung may kailangan ka, miss, pwede kitang dahil sa aming shopping area. Ako ang manager ng Northland Restaurant at alam ko ang area na ito.”Malinaw na interesadong interesado si Wyatt sa isang magandang dilag na tulad ni Yvonne Xavier na nagmamaneho lang naman ng isang Ferrari. Para siyang may hindi karaniwang katayuan sa isang tingin lang. Kung magagawa niyang ligawan siya, hindi ba niya makukuha pareho ang kagandahan at kayamanan?Sa unsa, walang pakialam si Harvey York sa kanila, pero masyadong nakakainis ang dalawang iyon. Hindi niya mapigilang tumingin kay Wyatt at sinabi, “Hoy Johnson, pwede bang tumigil ang restaurant waiter na tulad mo sa pagyayabang ng wala naman siya? Bakit magk
Tinamad masyado si Yvonne Xavier para tingnan si Cecilia Zachary. Sa halip, malamig siyang tumingin kay Wyatt Johnson at sinabi, “Sinong may pake kung sampalin kita? Isang pipitsugin na waiter sa restaurant ay nagyayabang sa harapan ko? Kasing-dumi ng inidoro ang bibig mo, sino dapat ang sampalin kung hindi ikaw?”Sa sandaling ito, bumalik si Yvonne sa kanyang karaniwang malamig na ugali. Isang tingin at salita lang ang kailangan niya para matakot si Wyatt.Nahulog ang panga ng madla sa takot.“P*ta, mainitin ang magandang babaeng ito!”“Siya na nga ang aking diyosa, gustong gusto ko ang kanyang personalidad!”“Hindi karapat-dapat ang mga normal na tao sa isang babaeng tulad niya. Hanggang pangarap na lamang ang mga taong tulad natin!”Marami sa kanila ang nagsimulang bumulong, ngunit hindi sila nangahas sa sabihin ito ng malakas. Hatalang natatakot sila kay Yvonne na sampalin sila kung marinig niya sila at wala silang karapatang makipagtalo.Pagkatapos, nang walang nakapansin,
“Chick, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sa normal na okasyon, paglalaruan kita, pero ngayon ay bad mood ako…” Bahagyang pinikit ni Zayn ang kanyang mga mata. Hindi niya masyadong makita ang hot body at flawless na mukha ni Yvonne Xavier. Bagaman parang pamilyar siya sa kanya, wala siyang masyadong pakialam dito.Si Wyatt Johnson na aroganteng tumatawa sa likod niya, ay paulit-ulit na bumabaluktot.Nang marinig ang kanyang tawa, bahagyang pinikit ni Zayn ang kanyang mga mata at tiningnan ang malabong pigurang nakasandal sa kotse sa hindi kalayuan. Nakakatakot siyang tumawa at sinabi, “Little Wyatt, anong gagawin sa batang iyon?”Nakita pa rin ni Wyatt ang hitsura ni Harvey York na tila walang pakialam, biglang nag-alab ang galit sa kanyang puso. Tinitigan niya nang masama si Harvey at sinabi, “Sibilisado tayong tao. Maging sibilisado tayo ngayon. Paluhurin na lang natin siya, pagapangin nang ilang beses, at tawagin akong master ng paulit-ulit!”“Hoy bata, narinig mo ba iyon? Lumu
Whack!Tumama ang sipang iyon sa mukha ni Zayn Lewis.Napakaganda ng sipang iyon at ang lahat ay nasilaw dito.Agad na tumilapon si Zayn sa hangin. Ilang beses siyang umikot sa gitna ng hangin bago bumagsak sa flowerbed sa tabi ng kalsada.Habang sinasaksihan ang eksenang ito, nagulat ang lahat. Maging ang mga security guard ay napatigil.Hindi nagtagal, isang paghingal ang patuloy na narinig.“Ang galing ng magandang babaeng ito!”“Kung titingnan ang kanyang mga skill, maaaring may black belt siya Taekwondo, di ba?”Matapos mapatigil ng ilang sandali, ang mga security guard na iyon ay isa-isang mabagsik na sumugod sa kanya. Wala silang pagpipilian dahil binugbog ang kanilang boss, hindi sila pwedeng tumayo lamang doon at manood.“Tigil! Tumigil kayong lahat!” Bagaman dumura si Zayn ng isang basag na ipin, halos mamatay siya sa takot. Nang buksan ni Yvonne Xavier ang kanyang bibig, sa wakas ay nakilala niya ang pamilyar at magandang babae! Ang secretary ng CEO ng York Enterprise
“Mr. Lewis… Hindi, hindi, hindi… Brother Lewis…” Nag-atubili si Wyatt Johnson na tanggapin ito. “Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sa akin nitong hapon? Sabi mo pwede ako maging under ng wing mo, ikaw mismo nagsabi niyon.”Nanginig si Zayn Lewis dahil sa takot. Sigaw niya, “Under ng wing ko, pwe! Guards, bugbugin siya! Kung hindi siya babagsak sa lupa ngayong gabi, sesante kayong lahat!”Ang mga security guard, na pawang nagmamadali sa una, ay naguluhan. Masyadong kumplikado ang pangyayari, hindi nila maintindihan ang sitwasyon!Hindi nasiyahan si Zayn. Tumingin siya kay Yvonne Xavier nang may pagrespeto. Nang nakita niya ang malamig na tingin ni Yvonne, nanginig siya. Ngumisi siya at sinabi, "Bulag ka bang p*ta ka? Hindi mo ba alam kung sino ang babaeng ito? Siya ang immediate supervisor ko, at gusto mong sirain ko siyang p*tang ina ka!""Ano?!"Nagulat ang mga nanonood.Maging si Wyatt ay hindi nakalimutang sumigaw ng malakas, tumingin siya kay Yvonne sa gulat habang nakanganga.
“Ang asawa mo, ang asawa mo…” sabi ni Wyatt Johnson habang nakangisi.“Good boy!” Bahagyang tumingkayad si Harvey York at tinapik ang pisngi ni Wyatt. “Ngayon ay alam mo nang pwede kang maging matagumpay sa pagiging isang kept man. Sa pagluhod mo sa isang sawing-palad na tulad ko, mas masahol ka pa sa isang sawing-palad!”Pagkatapos niyang magsalita, tinamad si Harvey na magkaroon ng pakialam kay Wyatt. Tumalikod siya at umalis. Kailangan pa niyang bumili ng cellphone, paano niya sinayang ang oras niya dito?Tinitigan nang magasa ni Yvonne Xavier si Zayn Lewis at mabilis na sinundan si Harvey nang hindi na umiimik.“Hilahin niyo ang kumag na ito, basagin ang mga binti niya at itapon sa entrance ng ospital!” Sigaw ni Zayn habang iika-ikang tumayo.“Hindi! Huwag!” Hagulhol ni Wyatt.Tungkol kay Cecilia Zachary, walang nakakaalam kung saan siya pumunta, bakit pa siya mananatili kasama si Wyatt?***Makalipas ang ilang sandali sa entrance ng ospital, isang tao na may basag na binti