Sa oras na ito, si Wyatt Johnson na nasa likod niya ay naglakad sa harapan at nakangiting sinabi, “Hindi pamilyar ang babaeng ito, Marahil ay bagong dating ka lang sa Niumhi. Miss, paano kita tatawagin? May mga manloloko dito sa Niumhi. Mag-ingat ka, at huwag mo silang pakialaman, nakakarindi sila. Kung may kailangan ka, miss, pwede kitang dahil sa aming shopping area. Ako ang manager ng Northland Restaurant at alam ko ang area na ito.”Malinaw na interesadong interesado si Wyatt sa isang magandang dilag na tulad ni Yvonne Xavier na nagmamaneho lang naman ng isang Ferrari. Para siyang may hindi karaniwang katayuan sa isang tingin lang. Kung magagawa niyang ligawan siya, hindi ba niya makukuha pareho ang kagandahan at kayamanan?Sa unsa, walang pakialam si Harvey York sa kanila, pero masyadong nakakainis ang dalawang iyon. Hindi niya mapigilang tumingin kay Wyatt at sinabi, “Hoy Johnson, pwede bang tumigil ang restaurant waiter na tulad mo sa pagyayabang ng wala naman siya? Bakit magk
Tinamad masyado si Yvonne Xavier para tingnan si Cecilia Zachary. Sa halip, malamig siyang tumingin kay Wyatt Johnson at sinabi, “Sinong may pake kung sampalin kita? Isang pipitsugin na waiter sa restaurant ay nagyayabang sa harapan ko? Kasing-dumi ng inidoro ang bibig mo, sino dapat ang sampalin kung hindi ikaw?”Sa sandaling ito, bumalik si Yvonne sa kanyang karaniwang malamig na ugali. Isang tingin at salita lang ang kailangan niya para matakot si Wyatt.Nahulog ang panga ng madla sa takot.“P*ta, mainitin ang magandang babaeng ito!”“Siya na nga ang aking diyosa, gustong gusto ko ang kanyang personalidad!”“Hindi karapat-dapat ang mga normal na tao sa isang babaeng tulad niya. Hanggang pangarap na lamang ang mga taong tulad natin!”Marami sa kanila ang nagsimulang bumulong, ngunit hindi sila nangahas sa sabihin ito ng malakas. Hatalang natatakot sila kay Yvonne na sampalin sila kung marinig niya sila at wala silang karapatang makipagtalo.Pagkatapos, nang walang nakapansin,
“Chick, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sa normal na okasyon, paglalaruan kita, pero ngayon ay bad mood ako…” Bahagyang pinikit ni Zayn ang kanyang mga mata. Hindi niya masyadong makita ang hot body at flawless na mukha ni Yvonne Xavier. Bagaman parang pamilyar siya sa kanya, wala siyang masyadong pakialam dito.Si Wyatt Johnson na aroganteng tumatawa sa likod niya, ay paulit-ulit na bumabaluktot.Nang marinig ang kanyang tawa, bahagyang pinikit ni Zayn ang kanyang mga mata at tiningnan ang malabong pigurang nakasandal sa kotse sa hindi kalayuan. Nakakatakot siyang tumawa at sinabi, “Little Wyatt, anong gagawin sa batang iyon?”Nakita pa rin ni Wyatt ang hitsura ni Harvey York na tila walang pakialam, biglang nag-alab ang galit sa kanyang puso. Tinitigan niya nang masama si Harvey at sinabi, “Sibilisado tayong tao. Maging sibilisado tayo ngayon. Paluhurin na lang natin siya, pagapangin nang ilang beses, at tawagin akong master ng paulit-ulit!”“Hoy bata, narinig mo ba iyon? Lumu
Whack!Tumama ang sipang iyon sa mukha ni Zayn Lewis.Napakaganda ng sipang iyon at ang lahat ay nasilaw dito.Agad na tumilapon si Zayn sa hangin. Ilang beses siyang umikot sa gitna ng hangin bago bumagsak sa flowerbed sa tabi ng kalsada.Habang sinasaksihan ang eksenang ito, nagulat ang lahat. Maging ang mga security guard ay napatigil.Hindi nagtagal, isang paghingal ang patuloy na narinig.“Ang galing ng magandang babaeng ito!”“Kung titingnan ang kanyang mga skill, maaaring may black belt siya Taekwondo, di ba?”Matapos mapatigil ng ilang sandali, ang mga security guard na iyon ay isa-isang mabagsik na sumugod sa kanya. Wala silang pagpipilian dahil binugbog ang kanilang boss, hindi sila pwedeng tumayo lamang doon at manood.“Tigil! Tumigil kayong lahat!” Bagaman dumura si Zayn ng isang basag na ipin, halos mamatay siya sa takot. Nang buksan ni Yvonne Xavier ang kanyang bibig, sa wakas ay nakilala niya ang pamilyar at magandang babae! Ang secretary ng CEO ng York Enterprise
“Mr. Lewis… Hindi, hindi, hindi… Brother Lewis…” Nag-atubili si Wyatt Johnson na tanggapin ito. “Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sa akin nitong hapon? Sabi mo pwede ako maging under ng wing mo, ikaw mismo nagsabi niyon.”Nanginig si Zayn Lewis dahil sa takot. Sigaw niya, “Under ng wing ko, pwe! Guards, bugbugin siya! Kung hindi siya babagsak sa lupa ngayong gabi, sesante kayong lahat!”Ang mga security guard, na pawang nagmamadali sa una, ay naguluhan. Masyadong kumplikado ang pangyayari, hindi nila maintindihan ang sitwasyon!Hindi nasiyahan si Zayn. Tumingin siya kay Yvonne Xavier nang may pagrespeto. Nang nakita niya ang malamig na tingin ni Yvonne, nanginig siya. Ngumisi siya at sinabi, "Bulag ka bang p*ta ka? Hindi mo ba alam kung sino ang babaeng ito? Siya ang immediate supervisor ko, at gusto mong sirain ko siyang p*tang ina ka!""Ano?!"Nagulat ang mga nanonood.Maging si Wyatt ay hindi nakalimutang sumigaw ng malakas, tumingin siya kay Yvonne sa gulat habang nakanganga.
“Ang asawa mo, ang asawa mo…” sabi ni Wyatt Johnson habang nakangisi.“Good boy!” Bahagyang tumingkayad si Harvey York at tinapik ang pisngi ni Wyatt. “Ngayon ay alam mo nang pwede kang maging matagumpay sa pagiging isang kept man. Sa pagluhod mo sa isang sawing-palad na tulad ko, mas masahol ka pa sa isang sawing-palad!”Pagkatapos niyang magsalita, tinamad si Harvey na magkaroon ng pakialam kay Wyatt. Tumalikod siya at umalis. Kailangan pa niyang bumili ng cellphone, paano niya sinayang ang oras niya dito?Tinitigan nang magasa ni Yvonne Xavier si Zayn Lewis at mabilis na sinundan si Harvey nang hindi na umiimik.“Hilahin niyo ang kumag na ito, basagin ang mga binti niya at itapon sa entrance ng ospital!” Sigaw ni Zayn habang iika-ikang tumayo.“Hindi! Huwag!” Hagulhol ni Wyatt.Tungkol kay Cecilia Zachary, walang nakakaalam kung saan siya pumunta, bakit pa siya mananatili kasama si Wyatt?***Makalipas ang ilang sandali sa entrance ng ospital, isang tao na may basag na binti
Sinundan siya ni Yvonne Xavier mula sa likuran na may nag-aalalang mukha. Isa siyang magandang babae at sa paglalakad niya sa likuran ni Harvey York sa oras na iyon, nahuli niya ang mata ng lahat.“Sir, inaako ko ang responsibilidad. Mula ngayon, sisiguraduhin kong babantayan ko ng mabuti ang mga subordinate ko.”Napansin ni Yvonne na nakatuon lamang ang pansin ni Harvey sa kanyang phone kaya nakakausap lamang niya siya mula sa likuran habang bahagyang nakayuko."Talaga ba?" Kalmadong nagsalita si Harvey, "Hindi ito ang unang pagkakataon."Halos umiyak na sa desperasyon si Yvonne. Sinabi niya, “Sir, patawarin mo lang ako sa pagkakataong ito. Ikaw ang nagbigay ng buhay na meron ako ngayon at palagi akong naging tapat sa iyo. Nakikiusap ako na bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Please.”Sabi ni Harvey, “Actually, hindi kita kailanman sinisi. Sa mga taong ito, matapat kang nag-trabaho para sa pamilya York. Hindi rin madaling gawain para sa iyo na itayo ang pundasyon para sa kumpany
Isang shopkeeper ang agad na naglakad palapit sa kanila. Matapos niyang tingnan si Harvey, nagsalita sila ng may konting pag-aalinlangan. “Mister, limited edition po ng shop po namin ang model na ito. Nagkakahalaga ito ng two thousand, hindi two hundred. Tsaka, kailangan naming kunin ang stocks sa ibang outlets. Sigurado kayong gusto niyo ito?” Hindi niya masisisi ang shopkeeper sa pagkakaroon ng gayong pag-aalangan dahil limitadong lang ang mga stock para sa phone model na iyon. Gayunpaman, mabenta ang model na iyon at common para sa mga nasa upper class na lipunan. Ang sweldo ng isang ordinaryong tao ay hindi pa aabot ng two thousand dollars. Kung kaya, imposible para sa kanila ang magmay-ari ng dalawa sa phone na ito.Sa oras na iyon, nakasuot si Harvey ng damit na nakuha niya sa isang thrift shop at mukha siyang mahirap. Wala sa itsura niya ang may kakayahang maglabas ng fifteen grands sa kanyang bulsa.Hindi nakaimik si Harvey. Tila kailangan na niyang kumuha ng mas magandang da
”Ikaw…”Galit na galit si Flawless.“Kung ganun, patayin mo ako kung kaya mo!“Bakit pinapatagal mo pa?!”Inangat ni Harvey York ang baba ni Flawless bago niya siya sinampal.“Tama na. Hayaan niyo na silang makaalis.“Malinaw na magkasabwat kayong lahat.“Kung hindi niyo susundin ang sinabi ko, uunahin na kitang patayin!" Kitang-kita ang namumulang bakat ng palad sa mukha ni Flawless habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Maisie Xavier habang hawak niya ang kanyang baril noong tumingin siya ng masama kay Harvey. Wala siyang balak na pakawalan ang kahit na sino.“Tama. May nakalimutan akong sabihin sayo…Bahagyang ngumiti si Harvey.“Hindi gaanong malala ang mga sugat ni Flawless. Iniwasan ko ang mga vital points niya noong binaril ko siya.“Gayunpaman, hindi maiiwasan na medyo kalawangin ang lahat ng mga baril. Kapag hindi siya nabigyan agad ng tetanus shot, baka kailanganing putulin ang magkabilang binti niya pagkatapos nito.
Sumigaw sa galit si Flawless, sinenyasan niya ang mga eksperto na ilabas ang mga baril nila at “aksidenteng” patayin sila Shay at Prince Gibson.Kaswal na tinapik ni Harvey York ang mukha ni Flawless.“Hindi ata tama ‘yun, Ms. Flawless.“Hahayaan mo ang mga tauhan mo na aksidenteng paputukin ang mga baril nila?“Ibang-iba ‘to sa sitwasyon ko!“At naniniwala ka ba? Na simula ngayon, kapag nabunutan sila ng kahit na isang hibla lang ng buhok, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ito ng sampung beses na mas malala.“Alam ko na hindi ka natatakot mamatay. Hindi ka magdadalawang-isip na maghiganti para sa kapatid mo kahit na isakripisyo mo pa ang sarili mong buhay…“Pero sayang naman kung mamamatay ka nang hindi man lang ako napapatay.“Kung ganun, gusto mo ba talagang makipaglaro sa’kin?”Patuloy na nagbago ang ekspresyon ni Flawless dahil sa mga sinabi ni Harvey. Sa huli, hindi niya ibinigay ang utos.Huminga ng malalim si Faceless bago niya itinago ang kanyang Royal Flush habang
Nangahas pa rin si Harvey York na magyabang sa kabila ng sitwasyong kinalalagyan niya.Walang ibang tao na may lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon.Nagawa ng isang hamak na bilanggo na ipitin ang lahat ng nasa paligid niya gamit lang ng aura niya?Kalokohan!Gayunpaman, tila napakagwapo niya noong sandaling iyon!Maraming tao ang nagsimulang maniwala na siya talaga si Representative York!Hindi kailanman gagawin ng isang ordinaryong tao ang isang bagay na gaya nito!Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Lalo niyang pinagsisihan ang mga ginawa niya noong sandaling iyon.Kung alam lang niya na ganoong klaseng tao si Harvey, hindi sana niya ginawa ang ganun kasamang bagay para lang pasayahin si Kensley Quinlan.Habang nag-iisip siya ng paraan upang ayusin ang mga pagkakamali niya, nanigas si Maisie Xavier bago siya sumabog sa galit.“Mga patay na ba kayo o ano?!“Manonood na lang ba kayo habang ginagawa ng preso na ‘to ang anumang gusto niya?!“Patayin niyo na siya!
Nakatingin din ng malamig kay Harvey ang mga tao sa Golden Cell.Ang Golden Cell ay isang prominenteng pwersa. Bilang mga tauhan ng isa sa mga haligi ng bansa, maging ang mga prinsipe at mga young master ng Golden Sands ay kailangang magbigay galang sa kanila.‘Gusto niyang gawin ang mga bagay sa paraang gusto niya?‘Baliw ba talaga siya?’Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Nakikita niya na hindi isang ordinaryong tao si Harvey.Kahit na gaano pa sila kamakapangyarihan, ang mga ordinaryong mayaman na babaero ay hindi mangangahas na umasta ng ganito kakampante!Base sa inaasal ni Harvey, wala siyang pakialam sa Golden Cell!‘Gagawin niya ang gusto niya?‘Saan niya nakuha ang lakas ng loob para sabihin ‘yun?’Humakbang paharap si Harvey bago siya tumingin ng matalim kay Flawless.“Utusan mo ang mga tauhan mo na tumigil, tapos lumuhod sila bilang paghingi ng tawad.“May tatlong segundo ka. Kung hindi, lulumpuhin kita pagkatapos.“Kahit ang Royal Flush ng tatay mo hind
Bam, bam, bam!Naghahanda nang lumaban si Prince, ngunit ang mga eksperto ng Faceless Group ay sobrang makapangyarihan. Madali siyang pinigilan ng mga ito nang walang kahirap-hirap."Huwag! Ito ang Golden Cell! Anong karapatan niyo para saktan siya?!" Sumigaw si Shay sa galit, pero walang pumansin sa kanya.Pinagmasdan ni Harvey ang kanyang mga mata; habang siya ay handang kumilos, inilabas ni Faceless ang isang manipis at mahabang pilak na tubo. Ang kanyang ekspresyon ay agad na naging malungkot. Bigla niyang naalala ang killer move ng Council of Myth—ang Royal Flush.Hindi magiging mahirap para sa kanya na iwasan ang atake, pero malamang na mamatay sina Prince at Shay sa pagsabog.Si Faceless ay lihim na nagbabanta kay Harvey."Tigil! Tumigil kayo!"Matapos mapaalis ang mga guwardiya ng Golden Cell, humarang si Shay sa harap ni Prince, iniunat ang kanyang mga braso."Tama na! Anuman ang mangyari, mali ang manakit ng tao ng ganito!"Si Shay ay isang mayabang na babae noon,
"Hindi mo ba alam kung bakit sila nandito, Harvey?"Bago makasagot sina Shay at Prince, ngumiti si Maisie kay Harvey ng banayad na ngiti."Sinundan ng sangay ng Heaven’s Gate sa Golden Sands si Aung at pinatay siya habang siya ay lasing, lahat dahil inutusan mo sila!"Sila Shay at Prince ay mga saksi! Malapit na kaming makakuha ng ebidensya!"Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang! Katapusan mo na!"Nagkunot-noo si Harvey, pagkatapos ay instinctively tumingin kay Prince.Mabilis na umiling si Shay."Huwag kang makinig sa kanya, Sir York! May mga tao ang sangay sa labas ng bahay ng pamilya mo para panatilihing ligtas sila! Kami ay mga mamamayang sumusunod sa batas! Hindi kami gagawa ng ganyan!”Tumawa ng malamig si Maisie."Sige! Hindi na ako magmamalabis sa pagsasalita kung yan ang iniisip mo."Wala nang pamilya si Master Aung dahil siya ay isang monghe.""Gayunpaman, may isa pang taong pinatay mo na may pamilya!"Pagkatapos ay pumalakpak si Maisie.Creak…Isang pinto sa gilid
”Hayop ka!”Si Kensley ay nag-aapoy sa galit matapos marinig ang mga salita ni Harvey, ngunit hindi pa rin siya nawalan ng kontrol sa sarili. Matapos huminga ng malalim, pumunta siya sa mas malalim na bahagi ng bulwagan upang alamin ang sitwasyon.Kung ikukumpara sa dati, ang bahaging ito ng kastilyo ay nakakalamig. Maraming tuyong dugo ang nagkalat sa buong sahig, na nagpapakita na ito ang aktwal na lugar ng interogasyon.Tumango si Harvey sa paghanga, pagkatapos ay walang pakialam na umupo na nakabukaka bago utusan si Carver na dalhan siya ng tsaa.Ang mga tao na hindi alam ang totoo ay iisipin na siya ang tunay na warden ng lugar.Nag-atubili si Carver sandali, pagkatapos ay tumingin kay Kensley.Kensley ay humalakhak nang malamig, pagkatapos ay nilagpasan ang kanyang kamay.May nagdala ng isang tasa ng mainit na tsaa, pero ang kalidad nito ay maaaring mas maganda.Hindi ito ininda ni Harvey; kinuha niya ang tasa na may maliit na ngiti, naghihintay kung ano ang inihahanda ni
Nagbago ang ekspresyon ni Kensley; para siyang nasa bingit ng pagkapuno, pero nagawa niyang pigilin ang sarili.Huminga siya ng malalim, at tinignan si Harvey ng matagal bago siya nagsalita."Tama na, Harvey! Walang silbi ang mga sinasabi mo!"Hahanap kami ng ebidensya!"“At ngayon, kailangan mong makipagtulungan sa amin!”"Siyempre, maaari mong subukang lumaban...""Pero kung gagawin mo iyon, natural lang na ilabas ka namin."Gumawa ng isang galaw si Kensley, pagkatapos ay pumasok sa kastilyo.Nagkunot-noo si Harvey; nakita niya ang matinding tingin sa kanyang mga mata. Malinaw na pinipigilan siya ng kanyang aura, ngunit nagawa pa rin niyang mag-isip nang tama sa pinakamahalagang sandali.Isa lang ba siyang mahirap na kalaban? O talagang may ebidensya siya laban sa kanya?Naglakad si Carver sa tabi ni Harvey at tinanggap siya sa loob, na may pangit na anyo.Ikinulong ni Harvey ang kanyang mga braso at pumasok sa pangunahing bulwagan nang kalmado. Hindi na siya nag-aksaya ng
"Wala ka talagang kwenta. Wala ring pinagkaiba ang utusan mo…Sinipa ni Harvey si Carver sa lupa nang walang pag-aalinlangan. Pagkatapos ay humakbang siya pasulong upang hayaan si Kensley na gawin ang anumang gusto niya sa kanya.Tinitigan ni Kensley si Harvey nang may galit at takot. Nanghihinayang siyang pinakawalan niya ito.Nakapag-isip na siya ng napakaraming paraan para ipahamak si Harvey bago siya alisin, dahil nandito na siya.Pero kung may ginawa siya sa kanya bago pa man maayos ang mga kaso laban dito, maghahanap siya ng gulo. Sa katunayan, humiling si Blaine na patayin si Harvey sa makatuwirang dahilan, hindi para muling sapakin siya.Ang posisyon ng acting warden ay ibinigay bilang paraan para maipaliwanag ng Golden Cell ang kanilang sarili.Kensley ang kumakatawan kay Blaine. Kung mapapahiya siya dito, madudungisan ang kanilang reputasyon ni Blaine. Matapos magmuni-muni ng kaunti, muling nakabawi siya ng kanyang kapanatagan."Huwag ka munang magmayabang, Harvey!" ga