Bang!Bago makapagsalita si Queenie, kinuha ni Harvey ang ashtray at hinampas ito ng galit sa lamesa.Ang malakas na bang ay nagpatigil sa mga tao. Kahit ang mga nakakataas na dumadaldal ay hindi mapigilan na matahimik.Kung sabagay, ito ay meeting room. Ang lahat ay madalas nagsasalita lang, pero walang uumaasa na may tao na maglalakas loob na pagbantaan ang buong kwarto sa paghampas ng ashtray.Bago pa man ang mga nakakataas magkaroon ng reaksyon, nanlalamig na sinabi ni Harvey, “Mga walang silbing tanga!”“Bawat isa sa inyo ay nakakataas ng kumpanya, pereo hindi niyo kaya na makakuha ng deal mula sa maliit na kumpanya mula Island Nations?”“Ang kumpanya ay pinanatili kayo dito para sa importanteng sandali, pero ano ang nangyari? Wala sa inyo ang nakakumpleto sa simpleng gawain!”“Mga hangal!”“Kayong mga tao ay nagbibihis ng maganda, umaapaw sa mga magarang gamit…”“Sigurado ako kayo ay nirerespeto ng marami.”“At gayunpaman! Wala kayong pakialam tungkol sa kumpanya, pero
Nanginginig si Dante sa galit. "H*yop ka!" Tinatawag mo bang basura ang lahat ng tao rito?" "Sinusubukan mo bang labanan kaming lahat dito?" "Gusto mo bang makapasok sa kumpanya o hindi?!" "Hindi kami ginagalit maski ng CEO! Anong karapatan mong magsabi ng kalokohan sa'ming lahat?!" "May sasabihin ako sa'yo! Dahil kay CEO York, nasira ang negosyo ng Ishikawa Corporation! Hindi pa to tapos!" "Sasabihin ko sa…" Pak, pak!Dalawang beses na inihampas ni Harvey ang palad niya sa mukha ni Dante nang wala man lang pakialam. "Hindi pa to tapos ba ang sabi mo?" "Sa tingin mo hindi ko kayang labanan ang lahat ng tao rito?" "Sa tingin mo nagsasabi lang ako ng kalokohan?" "Ano? Galit ba kayo sa'kin? O pinagdududahan niyo ang mga plano ni CEO York?" Kalmadong naglabas si Harvey ng isang dokumento at nilipat ang mga pahina bago ito ihampas sa mesa. "Ang trabaho ng marketing department ay maghanap ng business partners at gumawa ng deals." "Dahil isang malaking kumpanya an
Nakita ko na ang mga dokumento. Ang Ishikawa Corporation ay wala man lang sa top three companies ng Island Nations. Isa lang itong pangkaraniwang kumpanya na nagtitinda ng household appliances. Ano bang dapat ipagmayabang sa kanila?" "Sa mga miyembro naman ng Loxus Consortium, kinakatawan niyo ang mga York ng Hong Kong at ang kabuuan ng Country H. Pero nandito kayo, daldal nang daldal ngayong di niyo kayang kausapin ang isang grupo ng Islanders. Sa kabila nito, gusto niyo pa ring ayusin ni CEO York ang gulo niyo?!" "Paano mo nasasabi ang ganyan at manatili sa kumpanya?" "Anong punto na binibigyan kayo ng daan-daang libong dolyar na sahod kada taon ngayong tatamad-tamad kayo?!"Naglakad si Harvey at mapangmaliit na tinapik si Dante sa mukha. "Kung sa tingin mo ay wala kang kakayahan para gawin ang trabaho mo, umalis ka rito! Wag kang manisi ng iba sa kapalpakan mo!" "Naiintindihan mo ba ako?!" Patuloy na nanginig ang mga mata ni Dante pagkatapos niyang matapik sa mukha nang
May larawan at pahayag si Harvey na nagdedetalye ng paggastos ni Dante. Nagalit at natakot nang sabay si Dante sa sunod-sunod niyang mga tanong. Akala ni Dante ay kaya niyang itago ang mga kamalian niya at walang makakaalam nito… Pero hindi niya naisip na ibubuking siya kaagad ni Harvey. "Nakakatanggap ka ng daan-daang libong dolyar kada taon! Doble yun ng halaga ng sa ibang higher ups!" "Pero hindi ka man lang nagpapasalamat dito! Gumagastos ka ng halos isandaan at limampung libong dolyar kada isang buwan para lang magloko!" "Kung sinasabi mong nagtatrabaho ka nang maigi dahil dito…" "Tatanggapin ko yun." "Pero wag mong sabihin sa'king hindi ka makakuha ng kahit na anong kontrata pagkatapos mong magsipag!" "Kung hindi mo man lang magawa ang ganito kasimpleng bagay, baka kailangan kong tanungin ang tinatawag mong pagsisipag." "Kung wala kang magawang maganda sa posisyon mo, sigurado akong may ibang taong matutuwang pumalit sa'yo!" Hindi lang diniin ni Harvey ang sah
Medyo nanghina ang lahat sa eksena. Hindi sila makapaniwala. Ang pinakamalaking tinik sa buong kumpanya, si Dante, ay napakadaling napabagsak ni Harvey! Sa umpisa, gustong makita ng lahat kung paano magpapakita ng lakas sina Queenie at Harvey… Hindi nilang lahat inasahan na susuko nang ganito kabilis si Dante. Napakabilis ng pagbabago, sa sobrang bilis ay nakakagulat ito. Ang ilan na gustong gawing katatawanan si Queenie ay takang-taka. "Mabuting inaamin mo ang mga kamalian mo," kalmadong sabi ni Harvey. "Bibigyan kita ng tatlong araw." "Kung makukuha mo ang kontrata sa Ishikawa Corporation sa loob ng tatlong araw, irereimburse na namin kahit kailan mo gusto." "Makukuha mo ang kahit na magkanong halaga ng sahod na gusto mo." "Pero kung hindi mo magagawa yun, gusto kong lumayas ka sa kumpanya. Ayos ba yun sa'yo?" "Syempre… kung may kumpiyansa ang iba pang higher ups sa deal na'to, pwede niyo ring subukan." "Ang kung sinoman sa inyong makakakuha ng kontrata ay mak
"Sige pala!" Tumaas ang tapang ni Dante sa matindi niyang galit. "May kasunduan tayo!" "Kung makukuha mo ang kontrata sa loob ng isang araw, puputulin ko ang sarili kong kamay!""Pero kung hindi mo magagawa, sana hindi ko na makikita ang pagmumukha niyo sa office building na'to kahit kailan!" "Testigo ang lahat ng tao rito!" "Ang kung sinomang aatras ay isang walang kwentang duwag!" Nanahimik ang silid. …Pagkatapos ng kalahating oras, sa loob ng opisina ng executive CEO. Hindi masyadong malaki ang opisina na may lawak na halos tatlong daang metro kwadrado. Kakaunti lang ang dekorasyon sa loob ng kwarto dahil walang gumagamit nito noon. Tanging isang mesa, upuan, at sofa ang nasa loob. Pero dahil nakaharap ang opisina sa karagatan, sariwa ang hangin dito. Kuntento si Harvey sa ganito. Sumandal siya sa sofa habang nakatingin sa malayo nang may kalmadong ekspresyon sa mukha niya. "Salamat sa pagtatanggol mo sa'kin." Nagsalin ng tsaa sa tasa si Queenie at iniabot
"Ibig mong sabihin…?" Kumunot ang noo ni Queenie. Hindi niya alam kung ano mismo ang binabalak ni Harvey. "Ipatawag mo rito ang mga tao mula sa Ishikawa Corporation mamayang hapon." "Sabihan mo sila na dumating nang eksaktong alas-tres. Kapag hindi sila umabot sa oras, tatapusin natin kaagad ang deal," paliwanag ni Harvey. "Sigurado ka talaga na darating sila?" Nagtatakang nagtanong si Queenie. "Darating sila." Blangko ang mukha ni Harvey. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo? Sinusubukan nilang makapasok sa market ng Country H, pero hindi lang sila makahanap ng pagkakataon." "Ang tinatawag nilang low-margin products ay simpleng pinapatapon lang nila ang mga gamit nila." "Hindi sila hahayaan ng parehong bansa at enterprises na gumawa nang ganitong bagay." "Lalo na't maaapektuhan nito ang market ng buong bansa." "At saka, ang household appliances ay araw-araw na pangangailangan. Kapag nagsimula silang itapon ang mga produkto nila rito, maapektuhan ang buhay ng mga mamamaya
Dumating sina Harvey at Queenie sa meeting room ng alas-tres ng hapon. Kahit na gustong-gustong durugin ni Harvey ang mga Islander na ito, ang negosyo ay negosyo. Dahil sinabihan niya ang lahat na magkita ng alas-tres ng hapon, wala siyang magagawa kundi sumunod sa sinabi niya. Ito ang isa sa mga patakaran sa mundo ng negosyo. Bago makapasok ang dalawa sa guest hall, isang malakas na sampal ang narinig. Pak! "Bw*sit ka!" "Ang mga h*yop na yun! Saan sila nakakuha ng lakas ng loob na paghintayin ang representative namin ng limang minuto?!" "Ang alam niyo lang ba ay maging tamad?!" "Hindi ba niya alam na kailangan nilang maging mas maaga ng isang oras sa oras na napagkasunduan?!" "Hindi kayo marunong tumingin sa oras! Iyon ang tanging dahilan kung bakit mas nakakaangat ang Island Nations sa far east territory!" "Sabihin mo kay Queenie meron na lang siyang tatlong minuto!" "Kung hindi siya dumating dito sa oras na yun, magbabayad siya at ang Loxus Consortium!" Kumuno
Sumimangot si Layton habang nakatingin siya kay Harvey, hindi siya nagpakita ng iba pang reaksyon.Si Bryn at ang iba pa ay tumingin na para bang may naisip sila.‘Akala ko kayang-kaya ni Harvey! Kung ganun, ‘yun pala ang nangyayari!’‘Kung hindi siya pinabayaan ni Layton, patay na siya ngayon!’‘Pero gayunpaman, kumikilos pa rin siya na parang talagang kahanga-hanga siya! Napakawalanghiya niya!‘Sa karaniwan, dapat sana ay umamin na siya ng pagkatalo matapos niyang mapagtanto kung gaano kabait si Layton!’Nakatayo si Zaid hindi kalayuan kay Bryn, at tumawa."Alam ng lahat ng mga sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts na ang Heaven’s Gate ay lumalaban para sa katarungan at upang panatilihin ang reputasyon ng Martial Arts Alliance ng bansa. Sana, makakuha tayo ng isa pang kinatawan sa Gangnam pagkatapos ng laban na ito.”Mabilis na naintindihan ni Bryn ang sinasabi niya."Huwag kang mag-alala, Ginoong Zaid. Sino pa ba kundi ikaw?”"Kapag naging kinatawan ako ng Martial
"Yan na ba yun?" sabi ni Harvey na may pagdududa pagkatapos palaging hindi siya maabot ni Layton."Ignorante ka, bata!”Suminghal si Layton, pagkatapos ay lumipat sa kanyang isa pang nakamamatay na galaw.The Crackling Fist!Pinalawak ni Layton ang kanyang aura sa paligid ng kanyang mga kamao; hindi siya naghahanap ng kapangyarihan ngayon, kundi bilis.Kumpiyansa sa kanyang mga kalamnan, inalog niya ang kanyang mga kamao pasulong nang walang tigil habang hindi pinapansin ang kanyang depensa. Ito ay isang nakakatakot na tanawin. Gayunpaman, hindi siya nakapag-iwan ng kahit isang gasgas kay Harvey.Nakita ni Layton na kalmado si Harvey na iniiwasan ang lahat ng mga suntok habang nakatayo sa isang lugar, kaya't siya'y nagalit.Siya ay isang Diyos ng Digmaan, isang bihasang martial artist. Ang kanyang reputasyon ay madudungisan kung malalaman ng mundo na hindi siya makapag-atake sa isang mas mababa sa kanya.Walang pag-aalinlangan, pinunit niya ang kanyang manggas, at nanginginig a
Bumati si Layton sa iba habang hindi pinapansin si Harvey, sinusubukang lumikha ng presyon sa ganitong paraan. Ang iba ay napaka-cooperative; si Harvey ay tila ganap na na-isolate.Kumunot ang noo ni Rachel, pero wala siyang sinabi tungkol dito.Isang malaking laban ang malapit nang mangyari, at bahagi rin nito ang psychological warfare. Dahil ito ang punong-himpilan ng Heaven’s Gate at si Harvey ay nasa teritoryo ni Layton, maaari lamang siyang manatiling passive.Pinaloob niya ang kanyang mga braso, na parang wala siyang pakialam."Anong pinagsasabi mo, Layton? Tapos ka na ba sa eulogy mo?”Ang mga tao ay biglang natigilan; ang masiglang kasiglahan ay agad na naging tahimik. Lahat ay napuno ng pagkabigla nang tumingin sila kay Harvey.‘Itong tarantadong ito ay walang takot sa kamatayan!‘Sinusubukan pa rin niyang provokin si Ginoong Layton ngayon!‘Nakapagtagumpay siya sa ganung paraan, pero siya na mismo ang naghuhukay ng kanyang sariling libingan!’"Hindi masama. Mukhang
Lalong sumama ang loob ni Bryn matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey."Sa tingin mo ba talaga ay ikaw pa rin ang kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa?""Hayaan mong sabihin ko sa'yo ito!" Ang badge mo ay wala nang silbi ngayon!“Kapag namatay ka, ako ang magiging bagong kinatawan!”Sumulyap si Harvey kay Bryn."Wala kang karapatan, kahit na nag-aral ka ng walong buong buhay." Hindi mo ba nauunawaan ang iyong sariling mga limitasyon? Hindi mo ba alam ang iyong mga limitasyon?Tumingin si Harvey sa kalsada nang maramdaman niyang may malakas na aura na papalapit.Samantala, nanginginig si Bryn sa galit matapos marinig ang mga salita ni Harvey. Sobrang bastos niya.Hindi lang niya siya nilait at pininsala sina Clyde at Rhea, ang kanyang mga kapatid... Ni minsan ay hindi niya inisip ang kanyang pagkatao.Batay sa kanyang katayuan lamang, hindi mahalaga kung siya ay nasa Flutwell o sa Golden Palace. Kailangan magpakita ng respeto ng lahat. At gayunpaman, isang tinan
”Magmatigas ka lang, Harvey!” Suminghal si Bryn.“Malalaman mo kung anong kaya kong gawin maya-maya lang!“At panatilihin mong malinis ang bibig mo kapag pinag-uusapan si Young Master Calvin!“Naghanda siya ng kabaong at isang libingan para lang mapanatiling buo ang katawan mo!“Hindi ka na nga nagpasalamat, patuloy ka pa rin sa kadadaldal!"Paano nagkaroon ng ganito kawalanghiyang hayop sa bansa?!"Hindi ko kailangan ng kabaong. Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumakay diyan,” sagot ni Harvey. "Hahanap ako ng mga tao para ilibing ka kung gusto mo.""Ikaw..." Si Bryn ay nag-aapoy sa galit.Pagkatapos, naalala niya ang isang bagay.Tama! Naghanap ang kapatid ko sa'yo kaninang umaga. Nasaan siya? Bakit hindi pa siya bumabalik?Ngumiti si Harvey. "Ang kapatid mo? Rhea? Pasensya na, pero siya'y kapansanan na…"Heh!" Ginawa mo 'yan? "Bryn ay puno ng paghamak, iniisip na si Harvey ay tanging kayang magyabang lamang." "Maraming dalang eksperto ang kapatid ko!" Hindi mo man lang siya
Hindi pinansin ni Harvey si Calvin, tinatrato ang huli na parang wala siyang karapatang makuha ang kanyang atensyon.Nagtawanan si Calvin nang masama matapos makita ang kalmadong hitsura sa mukha ni Harvey.“Tama, Harvey! Para magpasalamat sa iyo sa napakalaking regalo mo noong stag party ko…“May naghanap ako ng magarang kabaong sa Golden Sands para sa iyo. Gawa ito nang buo sa karbonisadong kahoy mula sa Northsea!"Magkakaroon ka ng magandang oras sa loob, sigurado ako!" "Sigurado akong magkakaroon ka ng magandang oras sa loob!"Ipinagpag ni Calvin ang kanyang kamay; ilang tao mula sa pamilya Lowe ang inihagis ang kabaong sa lupa. Ang kape ay purong itim; ang madilim na anyo nito ay nagpagalit sa maraming tao."Pumili pa ako ng magandang lugar para ilibing ka." Ang buong pamilya mo ay walang ibang darating kundi kapahamakan pagkatapos niyan!“Tama! Kapag namatay ka…"Hindi ko papatayin ang sinumang malapit sa iyo. Gagawin kong impiyerno ang buhay nila at papanuorin ko silang
”Sige. Tutal gustong-gusto mong lumuhod, gawin mo na,” sagot ni Harvey.Ginalaw niya ang kanyang baril, tapos ay kinalabit ang gatilyo.Bang, bang!Naramdaman ni Rhea ang matinding sakit sa kanyang mga tuhod, at bumagsak siya sa lupa na nakaluhod.Pagkatapos, itinapon ni Harvey ang kanyang baril.“Rachel,” utos niya, “dalhin mo siya sa tuktok ng headquarters.”-Pagsapit ng alas dose ng tanghali.Dinala ni Harvey sina Rachel at Rhea sa tuktok ng headquarters ng Heaven’s Gate. Ginagamit ang lugar para mag-organisa ng malalaking kaganapan, at lahat ng uri ng laban sa loob ng Heaven’s Gate ay ginaganap dito.Maraming bakas ng labanan at mga bakas ng maitim na dugo ang nasa paligid. Ito ay talagang isang nakakatakot na tanawin.Umihip ang malamig na hangin.Narating nina Harvey at ng iba pa ang isang abandonadong pagoda. Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso habang kalmado niyang tinitingnan ang Golden Sands at ang mga ulap sa itaas."Hindi mo pala ako kayang patayin, Harve
“Aaargh!”Narinig ang mga sigaw ng sakit; ang kalbong lalaki ay gumulong sa lupa, nanginginig.Ang kanyang mukha ay puno ng kalungkutan; siya ay puno ng kawalang-paniwala, dahil hindi siya makapaniwala na talagang pipindutin ni Harvey ang gatilyo.Ang iba ay natigilan; nakatitig sila kay Harvey, naguguluhan. Hindi nila naiintindihan kung bakit patuloy na naglakas-loob si Harvey na kumilos sa ilalim ng ganitong mga kalagayan. Naniniwala sila na siya ay pabaya.“Harvey York!” sigaw ni Rhea. "Anong karapatan mong gawin ito sa mga tao ng Martial Arts Alliance?! Gusto mo bang mamatay?”Agad na itinutok ng mga tao sa likod ni Rhea ang mga baril nila sa direksyon ni Harvey.Bang, bang, bang!Hindi nag-atubiling hilahin muli ni Harvey ang gatilyo. Ang kanyang mga kalaban ay agad na napalipad. Hawak nila ang kanilang mga pulso sa sakit.Nang makita silang tuluyang talo, lumala ang ekspresyon ni Rhea."Sino ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob para gawin ang ganito?" Hindi mo ba alam na
Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso, at kalmado siyang tumingin kay Rhea."Laban ko ang titulo ng kinatawan.""Hindi mo ako binigyan ng titulo, at ganoon din ang mga maruruming pinuno ng mga sagradong larangan ng pagsasanay sa martial arts.""Gusto mo bang ibalik ang badge?" Wala kang karapatan.“Bukod pa rito, pumunta ka pa sa teritoryo ko at pinagsasampal ang mga tao ko…”“Mukhang hindi ko kaagad naituro sa'yo ang tamang aral noon sa Flutwell, ano?”Tahimik na nagsalita si Harvey habang titig na titig kay Rhea.Sumabog si Rhea sa galit nang maalala ang nangyari sa Flutwell."Heh! Akala mo ba talagang kahanga-hanga ka?!”Ang nangyari sa Flutwell ang pinakamalaking kahihiyan niya. Hindi pa banggitin na ang kanilang prinsipe, si Clyde, ay hindi nirerespeto ng parehong lalaki!Hindi mapatawad ni Rhea ito.“Iabot ang badge at lumuhod! Magpakatotoo at lumuhod ka ngayon din!" iniutos niya, humakbang pasulong. “Kung hindi mo gagawin, bubutasan namin ang mga katawan ng mga ta