Nakita ko na ang mga dokumento. Ang Ishikawa Corporation ay wala man lang sa top three companies ng Island Nations. Isa lang itong pangkaraniwang kumpanya na nagtitinda ng household appliances. Ano bang dapat ipagmayabang sa kanila?" "Sa mga miyembro naman ng Loxus Consortium, kinakatawan niyo ang mga York ng Hong Kong at ang kabuuan ng Country H. Pero nandito kayo, daldal nang daldal ngayong di niyo kayang kausapin ang isang grupo ng Islanders. Sa kabila nito, gusto niyo pa ring ayusin ni CEO York ang gulo niyo?!" "Paano mo nasasabi ang ganyan at manatili sa kumpanya?" "Anong punto na binibigyan kayo ng daan-daang libong dolyar na sahod kada taon ngayong tatamad-tamad kayo?!"Naglakad si Harvey at mapangmaliit na tinapik si Dante sa mukha. "Kung sa tingin mo ay wala kang kakayahan para gawin ang trabaho mo, umalis ka rito! Wag kang manisi ng iba sa kapalpakan mo!" "Naiintindihan mo ba ako?!" Patuloy na nanginig ang mga mata ni Dante pagkatapos niyang matapik sa mukha nang
May larawan at pahayag si Harvey na nagdedetalye ng paggastos ni Dante. Nagalit at natakot nang sabay si Dante sa sunod-sunod niyang mga tanong. Akala ni Dante ay kaya niyang itago ang mga kamalian niya at walang makakaalam nito… Pero hindi niya naisip na ibubuking siya kaagad ni Harvey. "Nakakatanggap ka ng daan-daang libong dolyar kada taon! Doble yun ng halaga ng sa ibang higher ups!" "Pero hindi ka man lang nagpapasalamat dito! Gumagastos ka ng halos isandaan at limampung libong dolyar kada isang buwan para lang magloko!" "Kung sinasabi mong nagtatrabaho ka nang maigi dahil dito…" "Tatanggapin ko yun." "Pero wag mong sabihin sa'king hindi ka makakuha ng kahit na anong kontrata pagkatapos mong magsipag!" "Kung hindi mo man lang magawa ang ganito kasimpleng bagay, baka kailangan kong tanungin ang tinatawag mong pagsisipag." "Kung wala kang magawang maganda sa posisyon mo, sigurado akong may ibang taong matutuwang pumalit sa'yo!" Hindi lang diniin ni Harvey ang sah
Medyo nanghina ang lahat sa eksena. Hindi sila makapaniwala. Ang pinakamalaking tinik sa buong kumpanya, si Dante, ay napakadaling napabagsak ni Harvey! Sa umpisa, gustong makita ng lahat kung paano magpapakita ng lakas sina Queenie at Harvey… Hindi nilang lahat inasahan na susuko nang ganito kabilis si Dante. Napakabilis ng pagbabago, sa sobrang bilis ay nakakagulat ito. Ang ilan na gustong gawing katatawanan si Queenie ay takang-taka. "Mabuting inaamin mo ang mga kamalian mo," kalmadong sabi ni Harvey. "Bibigyan kita ng tatlong araw." "Kung makukuha mo ang kontrata sa Ishikawa Corporation sa loob ng tatlong araw, irereimburse na namin kahit kailan mo gusto." "Makukuha mo ang kahit na magkanong halaga ng sahod na gusto mo." "Pero kung hindi mo magagawa yun, gusto kong lumayas ka sa kumpanya. Ayos ba yun sa'yo?" "Syempre… kung may kumpiyansa ang iba pang higher ups sa deal na'to, pwede niyo ring subukan." "Ang kung sinoman sa inyong makakakuha ng kontrata ay mak
"Sige pala!" Tumaas ang tapang ni Dante sa matindi niyang galit. "May kasunduan tayo!" "Kung makukuha mo ang kontrata sa loob ng isang araw, puputulin ko ang sarili kong kamay!""Pero kung hindi mo magagawa, sana hindi ko na makikita ang pagmumukha niyo sa office building na'to kahit kailan!" "Testigo ang lahat ng tao rito!" "Ang kung sinomang aatras ay isang walang kwentang duwag!" Nanahimik ang silid. …Pagkatapos ng kalahating oras, sa loob ng opisina ng executive CEO. Hindi masyadong malaki ang opisina na may lawak na halos tatlong daang metro kwadrado. Kakaunti lang ang dekorasyon sa loob ng kwarto dahil walang gumagamit nito noon. Tanging isang mesa, upuan, at sofa ang nasa loob. Pero dahil nakaharap ang opisina sa karagatan, sariwa ang hangin dito. Kuntento si Harvey sa ganito. Sumandal siya sa sofa habang nakatingin sa malayo nang may kalmadong ekspresyon sa mukha niya. "Salamat sa pagtatanggol mo sa'kin." Nagsalin ng tsaa sa tasa si Queenie at iniabot
"Ibig mong sabihin…?" Kumunot ang noo ni Queenie. Hindi niya alam kung ano mismo ang binabalak ni Harvey. "Ipatawag mo rito ang mga tao mula sa Ishikawa Corporation mamayang hapon." "Sabihan mo sila na dumating nang eksaktong alas-tres. Kapag hindi sila umabot sa oras, tatapusin natin kaagad ang deal," paliwanag ni Harvey. "Sigurado ka talaga na darating sila?" Nagtatakang nagtanong si Queenie. "Darating sila." Blangko ang mukha ni Harvey. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo? Sinusubukan nilang makapasok sa market ng Country H, pero hindi lang sila makahanap ng pagkakataon." "Ang tinatawag nilang low-margin products ay simpleng pinapatapon lang nila ang mga gamit nila." "Hindi sila hahayaan ng parehong bansa at enterprises na gumawa nang ganitong bagay." "Lalo na't maaapektuhan nito ang market ng buong bansa." "At saka, ang household appliances ay araw-araw na pangangailangan. Kapag nagsimula silang itapon ang mga produkto nila rito, maapektuhan ang buhay ng mga mamamaya
Dumating sina Harvey at Queenie sa meeting room ng alas-tres ng hapon. Kahit na gustong-gustong durugin ni Harvey ang mga Islander na ito, ang negosyo ay negosyo. Dahil sinabihan niya ang lahat na magkita ng alas-tres ng hapon, wala siyang magagawa kundi sumunod sa sinabi niya. Ito ang isa sa mga patakaran sa mundo ng negosyo. Bago makapasok ang dalawa sa guest hall, isang malakas na sampal ang narinig. Pak! "Bw*sit ka!" "Ang mga h*yop na yun! Saan sila nakakuha ng lakas ng loob na paghintayin ang representative namin ng limang minuto?!" "Ang alam niyo lang ba ay maging tamad?!" "Hindi ba niya alam na kailangan nilang maging mas maaga ng isang oras sa oras na napagkasunduan?!" "Hindi kayo marunong tumingin sa oras! Iyon ang tanging dahilan kung bakit mas nakakaangat ang Island Nations sa far east territory!" "Sabihin mo kay Queenie meron na lang siyang tatlong minuto!" "Kung hindi siya dumating dito sa oras na yun, magbabayad siya at ang Loxus Consortium!" Kumuno
"Maaga siyang dumating dahil isa siyang matalinong lalaki. Nararamdaman niyang may kakaiba," kalmadong sagot ni Harvey. "Alam niya dapat na ikakansela natin ang deal kung hindi siya pupunta rito nang alas-tres." "Bakit?" Kumunot ang noo ni Queenie. "Ayon sa kasunduan niyo ni Dante, kailangan mong mag-impake at umalis ng kumpanya kapag hindi mo nakuha ang deal sa loob ng isang araw.""Di ba dapat natatakot ka?" "Bakit naman?" "Sinabi ko lang na makukuha ko ang deal. Hindi ko sinabi kung kanino ko to makukuha," kalmado pa ring sabi ni Harvey. "Kung makakansela ang deal, tatawag ako at papaluhurin sa harapan ko ang Ishikawa family, magmamakaawa siya na pirmahan ko ang kontrata bukas ng umaga."Nang nakita niya ang simpleng ekspresyon ni Harvey, nalaman ni Queenie kung anong ibig sabihin ng pagiging dominante. Lumapit sina Harvey at Queenie sa ilang babaeng staff habang nag-uusap sila. Isang babaeng nakasuot ng gintong salamin na para bang isang sekretarya ang humakbang
Hindi napigilan ng isang babaeng trabahador ang kanyang damdamin. "Lugar namin ang Hong Kong! Wala kayong karapatang magyabang dito!" "Ha? Sumasagot ka pa, p*ta ka?!" Tinitigan nang masama ng sekretarya ang trabahador. "Wala kaming karapatan? Mataas ang status naming mga Islander! Ang produkto ng Ishikawa Corporation ay binebenta sa buong mundo! Sa isang salita lang, pwede naming ipa-blacklist ang kompanya niyo!" "Anong sinabi mo?" "Galit ka ba?" "Saktan mo pala ako!" "Dali na!" "Hahanga ako sa'yo kapag nagawa mo 'yan!" Inilapit ng sekretarya ang kanyang mukha sa babaeng trabahador para hamunin ito. Pak!Lumapit si Harvey at sinampal nang malakas ang sekretarya. "Hindi pa ako nakakarinig ng ganitong pabor. Narinig niyo naman lahat. Siya ang nakiusap na sampalin ko siya." "Sinampal na kita. Anong mangyayari?" Bumagsak sa sahig ang mayabang na sekretarya pagkatapos itong paliparin ng malakas na sampal ni Harvey. Dumugo ang kanyang ulo sa pagtama nito, at isan