Hindi napigilan ng isang babaeng trabahador ang kanyang damdamin. "Lugar namin ang Hong Kong! Wala kayong karapatang magyabang dito!" "Ha? Sumasagot ka pa, p*ta ka?!" Tinitigan nang masama ng sekretarya ang trabahador. "Wala kaming karapatan? Mataas ang status naming mga Islander! Ang produkto ng Ishikawa Corporation ay binebenta sa buong mundo! Sa isang salita lang, pwede naming ipa-blacklist ang kompanya niyo!" "Anong sinabi mo?" "Galit ka ba?" "Saktan mo pala ako!" "Dali na!" "Hahanga ako sa'yo kapag nagawa mo 'yan!" Inilapit ng sekretarya ang kanyang mukha sa babaeng trabahador para hamunin ito. Pak!Lumapit si Harvey at sinampal nang malakas ang sekretarya. "Hindi pa ako nakakarinig ng ganitong pabor. Narinig niyo naman lahat. Siya ang nakiusap na sampalin ko siya." "Sinampal na kita. Anong mangyayari?" Bumagsak sa sahig ang mayabang na sekretarya pagkatapos itong paliparin ng malakas na sampal ni Harvey. Dumugo ang kanyang ulo sa pagtama nito, at isan
"Kasalanan ko ito, Secretary Akina. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin." "Kung gusto mong kasuhan o arestuhin ang isang tao, ako na ang sasalo ng sisi." Medyo natatakot si Olivia, ngunit hinarap niya pa rin sila Taichi at ang ibang mga Islander. "Wala itong kinalaman sa kompanya, at walang kinalaman dito ang binatang ito!" "Wala kang karapatang magpasya dito! Wala ring karapatang mangialam ang kompanya dito." "Kahit dumating pasi Cory o Vince, wala rin silang karapatan!" Nagsalita na si Taichi sa sandaling ito. Kinumpas niya ang kanyang kamay at hinudyatan ang kanyang sekretarya na kumalma. Pagkatapos ay humalukipkip siya at lumapit, ipinapakita ang sama ng kanyang ugali. "Ako lang ang pwedeng magdesisyon sa bagay na ito!" Maraming sikat na tao mula sa maliliit na bansa ang nakasama ni Taichi, at maraming babae ang pinagbantaan niya noong bumibiyahe siya para makipagnegosyo para sa Ishikawa Corporation. Naging matalik na kaibigan pa sila ng ilang oil prince sa Mi
Umiiyak si Secretary Akina habang nakikipag-usap siya sa phone, habang mukhang kawawa na para bang nagdusa siya. Nakakaawa itong tingnan. Ngunit nang ibaba niya ang linya, bumalik ang seryosong itsura niya. "Hintahin mo lang! Ang kapal naman ng mukha mong saktan ako?!" "Pagdating ni Master York dito, ikaw ang uunahjn niya!" "Binabalaan kita: wala sa inyong makakaalis nang buhay ngayon!" Nang may matinding suporta kay Secretary Akina, pakiramdam niya sobrang lakas niya. Bago pa makapagsalita si Harvey, pinigilan siya kaagad ni Olivia nang mukhang takot na takot. "Bahala na! Hindi natin pwedeng palalain ang mga bagay!" "Masisisante tayo kapag nangyari 'yun!" Hindi kilala ni Olivia kung sinong tinawagan nila Taichi, ngunit ang taonng tinatawag na Master York ay walang iba kundi ay mula sa mga York ng Hong Kong. Sigurado siyang kapag dumating ang isang tao mula sa pamilya nila, hindi lamang siya mapapahamak, ngunit madadamay din si Harvey at Queenie sa sitwasyong ito!
Nagbago ang mukha nila Olivia pagdating ni Stephen. Kadalasan ay lumilitaw si Stephen sa mga entertainment magazine at financial news. Natural, alam nila kung sino siya. Walang nag-akala sa kanila na ang isang mayamang taong tilad ni Syephen ah pupunta dito pagkatapos ng isang tawag. Nagalak si Secretary Akina nang makita niyang dumating si Stephen. Gumapang siya patungo dito nang mukhang kawawa, para bang inapi siya. "Tingnan mo ako, Master York! Sasabog na ang mukha ko!" "Sumosobra na ang Loxus Consortium! Dapat silang managot!" Naluluha na si Secretary Akina habang kinekwento niya ang kanyang lungkot. Mukhang nagalit si Stephen. "Ang galing niyo, Loxus Consortium!" galit niyang sigaw. "Hindi niyo ba alam na si Young Master Ishikawa at ang mga Islander ay mahalagang panauhin ni Young Lord York?" "Pero, ang lakas pa ng loob mong sampalin ang isa sa mga panauhin ni Lord York? Mukhang hindi ito maaayos sa madaling paraan!" "Kung sino man ang gumawa nito, lumuhod
Kalmadong tumawa si Harvey. "Itanong mo lang kay Stephen kung gusto ko bang mamatay." "Ha! Nagpapanggap ka pa rin?" Tumawa nang walang-bahala si Secretary Akina. "Hindi ko alam kung saan ka nanggaling, pero ang kapal ng mukha mong magmalaki sa harapan ni Master York! Gusto mo bang mamatay?" "Oo nga! Walang kwenta 'yan! Kahit gaano ka pa kalakas, dudurugin ka dahil sa pagbangga mo sa mga mahalagang panauhin ni Young Lord York!" "Sasabihin ko sa'yo ngayon na! Dalhin niyo dito ang bagong executive CEO ngayon na!" "Sabihin mo sa kanyang matatanggal siya sa pwesto kapag hindi siya nagpakita sa loob ng tatlong minuto!" Manahimik ka!"Nahimasmasan si Stephen sa sandaling iyon. Natulala ang mga tao sa paligid niya sa kanyang sigaw. Makalipas ang isang segundo, nagalak silang lahat. Nagalit si Stephen. Nanggigil siya sa galit! Handa siyang mandurog ng tao!"Kailangan mo ba ng tulong, Master York? Nangangati na ang kamay ko nitong nakaraan. Ang alagaing lalaking ito…" P
Si Yukiko ay isang direktang kamag-anak ng Ishikawa family. Matagal na siyang kinatawan ng Island Nation Embassy ng Mordu. Siya ay tinuturing na pinakamagaling na tao sa batang henerasyon ng pamilya nila. Kayang pigilan ng kanyang pagkatao ang sinumang kokontra sa kanya. Kapag may kumalaban sa kanya, kjnakalaban nila ang buong Island Nations. Kung ganoon, magkakaroon ng isang hidwaan sa diplomasya. Habang tinatawagan ni Taichi ang numero, tuwang-tuwa siya sa kanyang sarili. Pamilyar kay Harvey ang pangalang ito. Hindi niya maalala ang sandaling sinampal niya sa mukha si Yukiko noon sa Mordu. Kung hindi dahil kay Taichi, hindi maaalala ni Harvey ang ganitong bubwit. Ngunit walang balak si Harvey na pigilan ang tawag. Kalmado siyang naghintay na makatapos si Taichi. Hindi nagtagal ay sinagot na ang tawag. Binuksan ni Taichi ang speaker. Isang nakakatakot ngunit nakakahumaling na tono ang maririnig sa buong silid. "Sino 'yan?" Nanginig ang katawan ni Taichi habang na
“Harvey York?!”Nanigas si Yukiko sa kabilang linya ng phone bago siya mawalan ng boses. “B-Branch Leader York?”"Tama," kalmadong sagot ni Harvey. Tumahimik ang kabilang linya. Gulat na gulat si Yukiko. Bilang kinatawan ng Island Nation Embassy, mas may kapangyarihan siyang makakuha ng impormasyon kumpara sa iba. Halimbawa, alam niyang ang Sword Saint ng Shinkage Way na si Miyata ay napatay ni Harvey. Si Akio ng Shindan Way ay napilitang tumakas dahil kay Harvey. Ang mga insidente pa lamang na ito ay sapat na para maintindihan ni Yukiko na ang lalaking ito ay mas nakakatakot na kumpara sa panahong nasa Mordu pa ito. Binalaan pa siya ng Island Nations na huwag na muling banggain si Harvey, bukod na lang kung kailangan talaga. Higit sa lahat, hindi pa sila nakakaisip ng plano para itumba si Harvey. Ang pagbangga kay Harvey nang basta-basta ay magdudulot lamang sa kanila ng kaguluhan. Maririnig ang pagkahiya sa kaninang kampanteng tono ni Yukiko. "Pasensya na tala
Kinaumagahan, sinabihan si Harvey tungkol sa meeting ng Loxus Consortium matapos magising sa garden villa.Ng dinala ni Queenie si Harvey sa meeting room ng kumpanya, ito ay puno na.Maliban kay Dante at ilang nakakataas, meron pang ibang tao na nandoon.Ang taong nakaupo sa gitna ay walang iba kung hindi ang pinuno ng head house, ang CEO at chairman ng Loxus Corporation, si Cory York.Siya ang ama ni Vince at malaking karakter din sa loob ng pamilya.Matapos makita ang pagdating ni Cory, sumimangot si Queenie.Nakaramdam siya ng bahid ng galit na hindi niya kailanman naranasan dati.Subalit, walang kahit anong naramdaman si Harvey. Kaswal niyang binati ang lahat ng nasa paligid niya ng hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.“Magandang umaga sa inyong lahat. Nandito ba kayong lahat para makita ang pagbali ng kamay ngayon?”“Siya iyon, Chairman! Siya si Harvey York!”Bago pa makapagsalita si Cory at iba pa, si Dante ay tumayo at galit na tinuro si Harvey.“Sinira ni Queeni
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai