Medyo nanghina ang lahat sa eksena. Hindi sila makapaniwala. Ang pinakamalaking tinik sa buong kumpanya, si Dante, ay napakadaling napabagsak ni Harvey! Sa umpisa, gustong makita ng lahat kung paano magpapakita ng lakas sina Queenie at Harvey… Hindi nilang lahat inasahan na susuko nang ganito kabilis si Dante. Napakabilis ng pagbabago, sa sobrang bilis ay nakakagulat ito. Ang ilan na gustong gawing katatawanan si Queenie ay takang-taka. "Mabuting inaamin mo ang mga kamalian mo," kalmadong sabi ni Harvey. "Bibigyan kita ng tatlong araw." "Kung makukuha mo ang kontrata sa Ishikawa Corporation sa loob ng tatlong araw, irereimburse na namin kahit kailan mo gusto." "Makukuha mo ang kahit na magkanong halaga ng sahod na gusto mo." "Pero kung hindi mo magagawa yun, gusto kong lumayas ka sa kumpanya. Ayos ba yun sa'yo?" "Syempre… kung may kumpiyansa ang iba pang higher ups sa deal na'to, pwede niyo ring subukan." "Ang kung sinoman sa inyong makakakuha ng kontrata ay mak
"Sige pala!" Tumaas ang tapang ni Dante sa matindi niyang galit. "May kasunduan tayo!" "Kung makukuha mo ang kontrata sa loob ng isang araw, puputulin ko ang sarili kong kamay!""Pero kung hindi mo magagawa, sana hindi ko na makikita ang pagmumukha niyo sa office building na'to kahit kailan!" "Testigo ang lahat ng tao rito!" "Ang kung sinomang aatras ay isang walang kwentang duwag!" Nanahimik ang silid. …Pagkatapos ng kalahating oras, sa loob ng opisina ng executive CEO. Hindi masyadong malaki ang opisina na may lawak na halos tatlong daang metro kwadrado. Kakaunti lang ang dekorasyon sa loob ng kwarto dahil walang gumagamit nito noon. Tanging isang mesa, upuan, at sofa ang nasa loob. Pero dahil nakaharap ang opisina sa karagatan, sariwa ang hangin dito. Kuntento si Harvey sa ganito. Sumandal siya sa sofa habang nakatingin sa malayo nang may kalmadong ekspresyon sa mukha niya. "Salamat sa pagtatanggol mo sa'kin." Nagsalin ng tsaa sa tasa si Queenie at iniabot
"Ibig mong sabihin…?" Kumunot ang noo ni Queenie. Hindi niya alam kung ano mismo ang binabalak ni Harvey. "Ipatawag mo rito ang mga tao mula sa Ishikawa Corporation mamayang hapon." "Sabihan mo sila na dumating nang eksaktong alas-tres. Kapag hindi sila umabot sa oras, tatapusin natin kaagad ang deal," paliwanag ni Harvey. "Sigurado ka talaga na darating sila?" Nagtatakang nagtanong si Queenie. "Darating sila." Blangko ang mukha ni Harvey. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo? Sinusubukan nilang makapasok sa market ng Country H, pero hindi lang sila makahanap ng pagkakataon." "Ang tinatawag nilang low-margin products ay simpleng pinapatapon lang nila ang mga gamit nila." "Hindi sila hahayaan ng parehong bansa at enterprises na gumawa nang ganitong bagay." "Lalo na't maaapektuhan nito ang market ng buong bansa." "At saka, ang household appliances ay araw-araw na pangangailangan. Kapag nagsimula silang itapon ang mga produkto nila rito, maapektuhan ang buhay ng mga mamamaya
Dumating sina Harvey at Queenie sa meeting room ng alas-tres ng hapon. Kahit na gustong-gustong durugin ni Harvey ang mga Islander na ito, ang negosyo ay negosyo. Dahil sinabihan niya ang lahat na magkita ng alas-tres ng hapon, wala siyang magagawa kundi sumunod sa sinabi niya. Ito ang isa sa mga patakaran sa mundo ng negosyo. Bago makapasok ang dalawa sa guest hall, isang malakas na sampal ang narinig. Pak! "Bw*sit ka!" "Ang mga h*yop na yun! Saan sila nakakuha ng lakas ng loob na paghintayin ang representative namin ng limang minuto?!" "Ang alam niyo lang ba ay maging tamad?!" "Hindi ba niya alam na kailangan nilang maging mas maaga ng isang oras sa oras na napagkasunduan?!" "Hindi kayo marunong tumingin sa oras! Iyon ang tanging dahilan kung bakit mas nakakaangat ang Island Nations sa far east territory!" "Sabihin mo kay Queenie meron na lang siyang tatlong minuto!" "Kung hindi siya dumating dito sa oras na yun, magbabayad siya at ang Loxus Consortium!" Kumuno
"Maaga siyang dumating dahil isa siyang matalinong lalaki. Nararamdaman niyang may kakaiba," kalmadong sagot ni Harvey. "Alam niya dapat na ikakansela natin ang deal kung hindi siya pupunta rito nang alas-tres." "Bakit?" Kumunot ang noo ni Queenie. "Ayon sa kasunduan niyo ni Dante, kailangan mong mag-impake at umalis ng kumpanya kapag hindi mo nakuha ang deal sa loob ng isang araw.""Di ba dapat natatakot ka?" "Bakit naman?" "Sinabi ko lang na makukuha ko ang deal. Hindi ko sinabi kung kanino ko to makukuha," kalmado pa ring sabi ni Harvey. "Kung makakansela ang deal, tatawag ako at papaluhurin sa harapan ko ang Ishikawa family, magmamakaawa siya na pirmahan ko ang kontrata bukas ng umaga."Nang nakita niya ang simpleng ekspresyon ni Harvey, nalaman ni Queenie kung anong ibig sabihin ng pagiging dominante. Lumapit sina Harvey at Queenie sa ilang babaeng staff habang nag-uusap sila. Isang babaeng nakasuot ng gintong salamin na para bang isang sekretarya ang humakbang
Hindi napigilan ng isang babaeng trabahador ang kanyang damdamin. "Lugar namin ang Hong Kong! Wala kayong karapatang magyabang dito!" "Ha? Sumasagot ka pa, p*ta ka?!" Tinitigan nang masama ng sekretarya ang trabahador. "Wala kaming karapatan? Mataas ang status naming mga Islander! Ang produkto ng Ishikawa Corporation ay binebenta sa buong mundo! Sa isang salita lang, pwede naming ipa-blacklist ang kompanya niyo!" "Anong sinabi mo?" "Galit ka ba?" "Saktan mo pala ako!" "Dali na!" "Hahanga ako sa'yo kapag nagawa mo 'yan!" Inilapit ng sekretarya ang kanyang mukha sa babaeng trabahador para hamunin ito. Pak!Lumapit si Harvey at sinampal nang malakas ang sekretarya. "Hindi pa ako nakakarinig ng ganitong pabor. Narinig niyo naman lahat. Siya ang nakiusap na sampalin ko siya." "Sinampal na kita. Anong mangyayari?" Bumagsak sa sahig ang mayabang na sekretarya pagkatapos itong paliparin ng malakas na sampal ni Harvey. Dumugo ang kanyang ulo sa pagtama nito, at isan
"Kasalanan ko ito, Secretary Akina. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin." "Kung gusto mong kasuhan o arestuhin ang isang tao, ako na ang sasalo ng sisi." Medyo natatakot si Olivia, ngunit hinarap niya pa rin sila Taichi at ang ibang mga Islander. "Wala itong kinalaman sa kompanya, at walang kinalaman dito ang binatang ito!" "Wala kang karapatang magpasya dito! Wala ring karapatang mangialam ang kompanya dito." "Kahit dumating pasi Cory o Vince, wala rin silang karapatan!" Nagsalita na si Taichi sa sandaling ito. Kinumpas niya ang kanyang kamay at hinudyatan ang kanyang sekretarya na kumalma. Pagkatapos ay humalukipkip siya at lumapit, ipinapakita ang sama ng kanyang ugali. "Ako lang ang pwedeng magdesisyon sa bagay na ito!" Maraming sikat na tao mula sa maliliit na bansa ang nakasama ni Taichi, at maraming babae ang pinagbantaan niya noong bumibiyahe siya para makipagnegosyo para sa Ishikawa Corporation. Naging matalik na kaibigan pa sila ng ilang oil prince sa Mi
Umiiyak si Secretary Akina habang nakikipag-usap siya sa phone, habang mukhang kawawa na para bang nagdusa siya. Nakakaawa itong tingnan. Ngunit nang ibaba niya ang linya, bumalik ang seryosong itsura niya. "Hintahin mo lang! Ang kapal naman ng mukha mong saktan ako?!" "Pagdating ni Master York dito, ikaw ang uunahjn niya!" "Binabalaan kita: wala sa inyong makakaalis nang buhay ngayon!" Nang may matinding suporta kay Secretary Akina, pakiramdam niya sobrang lakas niya. Bago pa makapagsalita si Harvey, pinigilan siya kaagad ni Olivia nang mukhang takot na takot. "Bahala na! Hindi natin pwedeng palalain ang mga bagay!" "Masisisante tayo kapag nangyari 'yun!" Hindi kilala ni Olivia kung sinong tinawagan nila Taichi, ngunit ang taonng tinatawag na Master York ay walang iba kundi ay mula sa mga York ng Hong Kong. Sigurado siyang kapag dumating ang isang tao mula sa pamilya nila, hindi lamang siya mapapahamak, ngunit madadamay din si Harvey at Queenie sa sitwasyong ito!