May larawan at pahayag si Harvey na nagdedetalye ng paggastos ni Dante. Nagalit at natakot nang sabay si Dante sa sunod-sunod niyang mga tanong. Akala ni Dante ay kaya niyang itago ang mga kamalian niya at walang makakaalam nito… Pero hindi niya naisip na ibubuking siya kaagad ni Harvey. "Nakakatanggap ka ng daan-daang libong dolyar kada taon! Doble yun ng halaga ng sa ibang higher ups!" "Pero hindi ka man lang nagpapasalamat dito! Gumagastos ka ng halos isandaan at limampung libong dolyar kada isang buwan para lang magloko!" "Kung sinasabi mong nagtatrabaho ka nang maigi dahil dito…" "Tatanggapin ko yun." "Pero wag mong sabihin sa'king hindi ka makakuha ng kahit na anong kontrata pagkatapos mong magsipag!" "Kung hindi mo man lang magawa ang ganito kasimpleng bagay, baka kailangan kong tanungin ang tinatawag mong pagsisipag." "Kung wala kang magawang maganda sa posisyon mo, sigurado akong may ibang taong matutuwang pumalit sa'yo!" Hindi lang diniin ni Harvey ang sah
Medyo nanghina ang lahat sa eksena. Hindi sila makapaniwala. Ang pinakamalaking tinik sa buong kumpanya, si Dante, ay napakadaling napabagsak ni Harvey! Sa umpisa, gustong makita ng lahat kung paano magpapakita ng lakas sina Queenie at Harvey… Hindi nilang lahat inasahan na susuko nang ganito kabilis si Dante. Napakabilis ng pagbabago, sa sobrang bilis ay nakakagulat ito. Ang ilan na gustong gawing katatawanan si Queenie ay takang-taka. "Mabuting inaamin mo ang mga kamalian mo," kalmadong sabi ni Harvey. "Bibigyan kita ng tatlong araw." "Kung makukuha mo ang kontrata sa Ishikawa Corporation sa loob ng tatlong araw, irereimburse na namin kahit kailan mo gusto." "Makukuha mo ang kahit na magkanong halaga ng sahod na gusto mo." "Pero kung hindi mo magagawa yun, gusto kong lumayas ka sa kumpanya. Ayos ba yun sa'yo?" "Syempre… kung may kumpiyansa ang iba pang higher ups sa deal na'to, pwede niyo ring subukan." "Ang kung sinoman sa inyong makakakuha ng kontrata ay mak
"Sige pala!" Tumaas ang tapang ni Dante sa matindi niyang galit. "May kasunduan tayo!" "Kung makukuha mo ang kontrata sa loob ng isang araw, puputulin ko ang sarili kong kamay!""Pero kung hindi mo magagawa, sana hindi ko na makikita ang pagmumukha niyo sa office building na'to kahit kailan!" "Testigo ang lahat ng tao rito!" "Ang kung sinomang aatras ay isang walang kwentang duwag!" Nanahimik ang silid. …Pagkatapos ng kalahating oras, sa loob ng opisina ng executive CEO. Hindi masyadong malaki ang opisina na may lawak na halos tatlong daang metro kwadrado. Kakaunti lang ang dekorasyon sa loob ng kwarto dahil walang gumagamit nito noon. Tanging isang mesa, upuan, at sofa ang nasa loob. Pero dahil nakaharap ang opisina sa karagatan, sariwa ang hangin dito. Kuntento si Harvey sa ganito. Sumandal siya sa sofa habang nakatingin sa malayo nang may kalmadong ekspresyon sa mukha niya. "Salamat sa pagtatanggol mo sa'kin." Nagsalin ng tsaa sa tasa si Queenie at iniabot
"Ibig mong sabihin…?" Kumunot ang noo ni Queenie. Hindi niya alam kung ano mismo ang binabalak ni Harvey. "Ipatawag mo rito ang mga tao mula sa Ishikawa Corporation mamayang hapon." "Sabihan mo sila na dumating nang eksaktong alas-tres. Kapag hindi sila umabot sa oras, tatapusin natin kaagad ang deal," paliwanag ni Harvey. "Sigurado ka talaga na darating sila?" Nagtatakang nagtanong si Queenie. "Darating sila." Blangko ang mukha ni Harvey. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo? Sinusubukan nilang makapasok sa market ng Country H, pero hindi lang sila makahanap ng pagkakataon." "Ang tinatawag nilang low-margin products ay simpleng pinapatapon lang nila ang mga gamit nila." "Hindi sila hahayaan ng parehong bansa at enterprises na gumawa nang ganitong bagay." "Lalo na't maaapektuhan nito ang market ng buong bansa." "At saka, ang household appliances ay araw-araw na pangangailangan. Kapag nagsimula silang itapon ang mga produkto nila rito, maapektuhan ang buhay ng mga mamamaya
Dumating sina Harvey at Queenie sa meeting room ng alas-tres ng hapon. Kahit na gustong-gustong durugin ni Harvey ang mga Islander na ito, ang negosyo ay negosyo. Dahil sinabihan niya ang lahat na magkita ng alas-tres ng hapon, wala siyang magagawa kundi sumunod sa sinabi niya. Ito ang isa sa mga patakaran sa mundo ng negosyo. Bago makapasok ang dalawa sa guest hall, isang malakas na sampal ang narinig. Pak! "Bw*sit ka!" "Ang mga h*yop na yun! Saan sila nakakuha ng lakas ng loob na paghintayin ang representative namin ng limang minuto?!" "Ang alam niyo lang ba ay maging tamad?!" "Hindi ba niya alam na kailangan nilang maging mas maaga ng isang oras sa oras na napagkasunduan?!" "Hindi kayo marunong tumingin sa oras! Iyon ang tanging dahilan kung bakit mas nakakaangat ang Island Nations sa far east territory!" "Sabihin mo kay Queenie meron na lang siyang tatlong minuto!" "Kung hindi siya dumating dito sa oras na yun, magbabayad siya at ang Loxus Consortium!" Kumuno
"Maaga siyang dumating dahil isa siyang matalinong lalaki. Nararamdaman niyang may kakaiba," kalmadong sagot ni Harvey. "Alam niya dapat na ikakansela natin ang deal kung hindi siya pupunta rito nang alas-tres." "Bakit?" Kumunot ang noo ni Queenie. "Ayon sa kasunduan niyo ni Dante, kailangan mong mag-impake at umalis ng kumpanya kapag hindi mo nakuha ang deal sa loob ng isang araw.""Di ba dapat natatakot ka?" "Bakit naman?" "Sinabi ko lang na makukuha ko ang deal. Hindi ko sinabi kung kanino ko to makukuha," kalmado pa ring sabi ni Harvey. "Kung makakansela ang deal, tatawag ako at papaluhurin sa harapan ko ang Ishikawa family, magmamakaawa siya na pirmahan ko ang kontrata bukas ng umaga."Nang nakita niya ang simpleng ekspresyon ni Harvey, nalaman ni Queenie kung anong ibig sabihin ng pagiging dominante. Lumapit sina Harvey at Queenie sa ilang babaeng staff habang nag-uusap sila. Isang babaeng nakasuot ng gintong salamin na para bang isang sekretarya ang humakbang
Hindi napigilan ng isang babaeng trabahador ang kanyang damdamin. "Lugar namin ang Hong Kong! Wala kayong karapatang magyabang dito!" "Ha? Sumasagot ka pa, p*ta ka?!" Tinitigan nang masama ng sekretarya ang trabahador. "Wala kaming karapatan? Mataas ang status naming mga Islander! Ang produkto ng Ishikawa Corporation ay binebenta sa buong mundo! Sa isang salita lang, pwede naming ipa-blacklist ang kompanya niyo!" "Anong sinabi mo?" "Galit ka ba?" "Saktan mo pala ako!" "Dali na!" "Hahanga ako sa'yo kapag nagawa mo 'yan!" Inilapit ng sekretarya ang kanyang mukha sa babaeng trabahador para hamunin ito. Pak!Lumapit si Harvey at sinampal nang malakas ang sekretarya. "Hindi pa ako nakakarinig ng ganitong pabor. Narinig niyo naman lahat. Siya ang nakiusap na sampalin ko siya." "Sinampal na kita. Anong mangyayari?" Bumagsak sa sahig ang mayabang na sekretarya pagkatapos itong paliparin ng malakas na sampal ni Harvey. Dumugo ang kanyang ulo sa pagtama nito, at isan
"Kasalanan ko ito, Secretary Akina. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin." "Kung gusto mong kasuhan o arestuhin ang isang tao, ako na ang sasalo ng sisi." Medyo natatakot si Olivia, ngunit hinarap niya pa rin sila Taichi at ang ibang mga Islander. "Wala itong kinalaman sa kompanya, at walang kinalaman dito ang binatang ito!" "Wala kang karapatang magpasya dito! Wala ring karapatang mangialam ang kompanya dito." "Kahit dumating pasi Cory o Vince, wala rin silang karapatan!" Nagsalita na si Taichi sa sandaling ito. Kinumpas niya ang kanyang kamay at hinudyatan ang kanyang sekretarya na kumalma. Pagkatapos ay humalukipkip siya at lumapit, ipinapakita ang sama ng kanyang ugali. "Ako lang ang pwedeng magdesisyon sa bagay na ito!" Maraming sikat na tao mula sa maliliit na bansa ang nakasama ni Taichi, at maraming babae ang pinagbantaan niya noong bumibiyahe siya para makipagnegosyo para sa Ishikawa Corporation. Naging matalik na kaibigan pa sila ng ilang oil prince sa Mi
Galit na ikinumpas ni Zaid Surrey ang kanyang kamay.Isang dosenang disipulo ni Layton Surrey ang agad na naglabas ng kanilang mga espada bago sumulong.Si Adler Lowe at Osman Bowie ay malupit na tumawa nang lumapit sila kasama ang kanilang mga pamilya.Halos isang daang eksperto ang masidhing nakatitig kay Harvey York, handang sumugod anumang sandali.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Rachel Hardy. Si Bryn Osborne ay mayroong mapagmalaking hitsura.Alani Carlson, Shinsuke Yamamoto, Calvin Lowe, at iba pa ay may pagdududa ring nakatingin kay Harvey.‘Eh ano kung nanalo siya?‘Nandito ang mga numero!‘Bukod pa rito, hindi naman siya mabait na tao! ‘Bilang karagdagan, hindi naman siya mabait na tao! ’Humupa ang pag-aalala ni Layton nang makita niya ang suporta ng kanyang mga tao.“Aaminin kong malakas ka, Harvey!"Pero may lakas ka ba ng loob na patayin ako?"Hintayin mo lang! Kapag natapos na ang lahat, bibisitahin ko ang bawat sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts
Ang mga eksperto ng Heaven’s Gate ay nagalit nang makita nilang natalo si Layton Surrey.Para sa kanila, si Layton ang kanilang diyos, ang haliging sumusuporta sa kanila, at pinagmumulan ng kanilang lakas ng loob!Gayunpaman, hindi lamang natalo ng isang sampal ang kanilang pinakamalaking suporta, ipinahiya din siya at dinurog sa lupa."Walang hiya ka, Harvey!""Paano mo nagawang atakihin si Mr. Layton ng ganun?!"Wala kang galang sa mga nakatatanda sayo!"Nagising si Bryn Osborne mula sa kanyang pagkamangha bago tumingin ng masama sa eksena sa harap niya.Para sa kanya, kailangan niyang makita si Harvey York na matalo upang makuha ang posisyon bilang kinatawan ng Martial Arts Alliance.Gayunpaman, bukod sa hindi iyon nangyari, inilampasong maigi ni Harvey si Layton.Parang panaginip ang lahat para sa kanya!‘Hindi ako dapat matulala dito!‘Malamang inatake ng palihim ng hayop na ito si Mr. Layton!’"Ipapadala na kita sa huling hantungan mo, Mr. Layton."Dinagdagan ni Ha
Nanuyo ang lalamunan ng mga tao sa paligid. Pahirap ng pahirap ang kanilang paghinga.‘Paano?!’‘Paano nangyari ito?!’“Mukhang hindi gumagana ang paggamit ng pwersa para sayo.Ihinagis ni Harvey York ang kanyang tissue sa lupa bago siya ngumit.“Heaven’s Gate? Isang sacred martial arts training ground?“Kalokohan!“Bukod sa hindi niyo pinaghuhusayan ang pagsasanay niyo, ang tanging alam niyo lang ay makinabang gamit sa kawalan niyo ng katapatan!“Wala kayong alam sa batas!“Akala mo ba kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo dahil lang malakas ka?!“Pwedeng maging mga God of War ang mga taong gaya mo?“Karapatdapat bang tawagin ang lugar na ito na isang sacred martial arts training ground?“Ni hindi nga kayo karapatdapat…”Sapat na ang mga kalmadong salita ni Harvey upang durugin ang puso ng mga tao. Ang lahat ng mga tinaguriang eksperto ng Heaven’s Gate ay galit na galit.Wala man lang natinag sa mga sinabi ni Harvey bago nagsimula ang laban…Ngunit dahil natalo si Layto
Ang bilis!Simple lang ang mga kilos ni Harvey, walang espesyal sa sampal niya, ngunit napakabilis nito!Ni hindi siya kayang sabayan ni Bryn at ng iba pa.Nagmadali si Layton na iangat ang kanyang espada upang depensahan ang kanyang sarili.Bam!Nagawang paluin ni Harvey ang likod ng espada ni Layton. Isang malakas na tunog ang narinig. Bumugso ang nakakatakot at napakalakas na hangin; nagkalat sa ere ang dumi at alikabok, dahilan upang mahirapang makakita ang mga tao.Walang nakakaalam kung ano ang nangyari.Nang humupa ang hangin matapos ang matagal na sagupaan, nakita ang mga bitak na parang sapot ng gagamba sa lupa kung saan naglaban sina Harvey at Layton.Nakakatakot ang lakas niya!Nakakagulat ang nakita nila!Si Layton ay nakita na hawak ang kanyang espada habang nakatayo; ipinagmamalaki niyang matibay ang kanyang katawan, ngunit siya ay duguan. Ang parehong mga braso niya ay naputol. Isa itong kalunos-lunos na tanawin.Maririnig ang mabilis niyang paghinga. Ang mga
”Hayop ka!”Nagsimula nang mapagod si Layton matapos mag-swing ng espada nang tuloy-tuloy. Hindi pa kasi niya perpekto ang kanyang martial arts.Isa siyang Diyos ng Digma, ngunit nakarating lamang siya dito sa pamamagitan ng lakas. Hindi kasing tagal ng ibang eksperto ang tibay ng kanyang enerhiya. Pareho rin ang kanyang lakas sa pakikipaglaban.Matapos mawalan ng bisa ang bawat atake, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting inis.Nang marinig ang mga sigaw ni Layton, nayanig sina Bryn at ang iba pa, at tila naging mabigat ang kanilang pakiramdam.Napagtanto nila na hindi na gustong subukin ni Layton si Harvey… Si Harvey lang talaga ay sobrang bilis kaya’t hindi siya matamaan.‘Alam ba ng bastos na ito ang pinakamalaking kahinaan ng Heaven’s Gate? Karaniwan, hindi matagal ang tibay ng lakas ni Layton sa labanan!’Galit na galit si Bryn matapos maisip iyon.“Ngayon ko na naiintindihan kung paano mo natalo ang pinakamagagaling na talento ng India!“Ang alam mo lang ay umiwa
Si Layton ay nagmumura sa kanyang loob, ngunit hindi siya nagsalita nang malakas. Pagkatapos ng lahat, ang pagpapanatili ng kanyang status bilang isang eksperto ay laging magandang bagay.Kung pinatay niya si Harvey, hindi lang na hindi maipapahayag ang kanyang kahihiyan sa buong mundo, kundi papurihan pa siya bilang isang mahabaging tao.Si Layton ay humalakhak. Nang walang pag-aalinlangan, hinugot niya ang espada mula sa kanyang baywang.Siya ay isang Diyos ng Digma! Isang ekspertong martial artist!Sobrang nakahihiya para sa kanya na humugot ng armas para lamang sa isang mababang tao...Ngunit ang mga tao ng Heaven’s Gate ay buong dangal na sumisigaw nang malakas."Patay ka na! Patay ka na, Harvey!""Si G. Layton ay naghasa ng kanyang espada ng dekada! Isang karangalan para sa iyo na makita siya sa aksyon!""Sino ba sa buong mundo ang makakapagtanggol laban kay G. Layton?!"Habang sila’y sumisigaw, ini-swing ni Layton ang kanyang espada diretso sa ulo ni Harvey sa bilis ng
Sumimangot si Layton habang nakatingin siya kay Harvey, hindi siya nagpakita ng iba pang reaksyon.Si Bryn at ang iba pa ay tumingin na para bang may naisip sila.‘Akala ko kayang-kaya ni Harvey! Kung ganun, ‘yun pala ang nangyayari!’‘Kung hindi siya pinabayaan ni Layton, patay na siya ngayon!’‘Pero gayunpaman, kumikilos pa rin siya na parang talagang kahanga-hanga siya! Napakawalanghiya niya!‘Sa karaniwan, dapat sana ay umamin na siya ng pagkatalo matapos niyang mapagtanto kung gaano kabait si Layton!’Nakatayo si Zaid hindi kalayuan kay Bryn, at tumawa."Alam ng lahat ng mga sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts na ang Heaven’s Gate ay lumalaban para sa katarungan at upang panatilihin ang reputasyon ng Martial Arts Alliance ng bansa. Sana, makakuha tayo ng isa pang kinatawan sa Gangnam pagkatapos ng laban na ito.”Mabilis na naintindihan ni Bryn ang sinasabi niya."Huwag kang mag-alala, Ginoong Zaid. Sino pa ba kundi ikaw?”"Kapag naging kinatawan ako ng Martial
"Yan na ba yun?" sabi ni Harvey na may pagdududa pagkatapos palaging hindi siya maabot ni Layton."Ignorante ka, bata!”Suminghal si Layton, pagkatapos ay lumipat sa kanyang isa pang nakamamatay na galaw.The Crackling Fist!Pinalawak ni Layton ang kanyang aura sa paligid ng kanyang mga kamao; hindi siya naghahanap ng kapangyarihan ngayon, kundi bilis.Kumpiyansa sa kanyang mga kalamnan, inalog niya ang kanyang mga kamao pasulong nang walang tigil habang hindi pinapansin ang kanyang depensa. Ito ay isang nakakatakot na tanawin. Gayunpaman, hindi siya nakapag-iwan ng kahit isang gasgas kay Harvey.Nakita ni Layton na kalmado si Harvey na iniiwasan ang lahat ng mga suntok habang nakatayo sa isang lugar, kaya't siya'y nagalit.Siya ay isang Diyos ng Digmaan, isang bihasang martial artist. Ang kanyang reputasyon ay madudungisan kung malalaman ng mundo na hindi siya makapag-atake sa isang mas mababa sa kanya.Walang pag-aalinlangan, pinunit niya ang kanyang manggas, at nanginginig a
Bumati si Layton sa iba habang hindi pinapansin si Harvey, sinusubukang lumikha ng presyon sa ganitong paraan. Ang iba ay napaka-cooperative; si Harvey ay tila ganap na na-isolate.Kumunot ang noo ni Rachel, pero wala siyang sinabi tungkol dito.Isang malaking laban ang malapit nang mangyari, at bahagi rin nito ang psychological warfare. Dahil ito ang punong-himpilan ng Heaven’s Gate at si Harvey ay nasa teritoryo ni Layton, maaari lamang siyang manatiling passive.Pinaloob niya ang kanyang mga braso, na parang wala siyang pakialam."Anong pinagsasabi mo, Layton? Tapos ka na ba sa eulogy mo?”Ang mga tao ay biglang natigilan; ang masiglang kasiglahan ay agad na naging tahimik. Lahat ay napuno ng pagkabigla nang tumingin sila kay Harvey.‘Itong tarantadong ito ay walang takot sa kamatayan!‘Sinusubukan pa rin niyang provokin si Ginoong Layton ngayon!‘Nakapagtagumpay siya sa ganung paraan, pero siya na mismo ang naghuhukay ng kanyang sariling libingan!’"Hindi masama. Mukhang