“HERE’S YOUR COFFEE, Sir,” napapakagat-labi pang alok ni Anika nang makapasok sa loob ng opisina ni Ynzo.Naging abala siya sa maghapong pagtitipa at pagbabasa ng mga papeles at proposals sa kumpanya. Halos lamunin ng trabaho ang buong oras niya at natigil lang iyon nang pumasok ang kaniyang sekretarya. Nang sipatin niya ang suot na wrist watch ay napag-alaman niyang coffee break na pala.Akma niyang kukuhanin ang kapeng hawak ng babae nang bigla itong lumapit sa tabi niya. Saktong pag-abot niya ng tasa ay tumilapon ang kaunting kape sa suot niyang office suit.“Oh my ghad, Sir! I’m sorry!” nataranta si Anika at mabilisang kumuha ng panyo upang punasan ang bandang dibdib niya.Hindi naman ganoon kainit ang kape ngunit pakiramdam ni Ynzo ay nag-iinit ngayon ang kaniyang pakiramdam. Imbes kasi na punasan ng babae ng maayos ang mantsa sa suot niya ay dahan-dahan na ang naging pagkilos ng kamay ni Anika.Gumapang sa kaniyang dibdib ang mga daliri ng babae. Nang tingnan ni Ynzo si Anika ay
“I’M HAPPY TO MEET you again, Partner!” masayang hiyaw ni Ynzo matapos bigyan ng mahigpit na yakap si Anika.“Me too, Ynzo. I’m happy right now. Hindi ko akalaing hindi mo ako kaagad na makikilala,” natatawang bigkas ng babae. “Napakagaling ko na bang mag-disguise ngayon?”“Hindi lang sa pag-di-disguise, Jade. Napakagaling mo na ring umarte. Bentang-benta ’yang kalandian mo. Ang sarap mong tirisin sa totoo lang,” pabiro siyang nanggalaiti sa babae.Tumatawang naupo sa mahabang sofa si Anika. Muli nitong kinuha ang tinanggal na tila balat at muling inilapat sa mukha.“Thanks to Agent Nic’s cosmetics and inventions. Napakalaking tulong ng mga imbensiyon niya sa lahat ng misyon at disguise sa loob ng agency,” bigkas ni Anika. “Even Veron didn’t notice my real identity. She’s a sharp-thinker. Siguro kung nakasama ko lang siya kahit minsan sa mga trainings at exams sa agency noon, marahil ay makikilala niya kaagad ako. Mabuti at hindi man lang nag-krus ang landas namin noong nasa agency pa
“Syempre, nagkunwari naman akong natatakot pero mas pabor yata sa ’kin na magpaakit ka naman minsan. Ang hirap kaya ng papel na ginagampanan ko ngayon,” napapairap pang suhestiyon nito.“Siguro next time na ’ko magpapaakit sa ’yo kapag nandiyan na siya. Tingnan natin kung totoo ngang nagseselos siya,” pilyong pagngisi niya.Napangisi na rin si Anika. “Pero sa totoo lang. I felt that your feelings are mutual. You both like each other, hindi niyo lang talaga maamin.”“Paano ko ba malalaman na may gusto rin siya sa ’kin?” naguguluhang tanong ni Ynzo.“Just kiss her, Ynzo. At kapag tinugon niya ang mga halik mo, ibig sabihin lang no’n ay mahal ninyo ang isa’t isa,” suhestiyon ni Anika.“Is that even possible? Marami ang naghahalikan pero walang nararamdamang pagmamahal para sa isa’t isa,” anas niya at ginulo ang buhok.“Have you kissed before? Alam mo ba, mararamdaman niyo lang ’yan once naglapat na ang inyong labi sa isa’t isa. Mararamdaman ninyo ang pakiramdam na tila ba inilulutang kay
BAGO PA MAN makalabas sa sagradong silid sina Ynzo at Anika, biglang tumunog ang cellular phone ng una. Nang tingnan ni Ynzo kung kanino nanggaling ang text message, napag-alaman niyang mula iyon sa kanilang Big Boss.‘Protect her from everything, Agent Z. Don’t break her heart. Make me proud, Son.’Napangiti nang malawak si Ynzo nang mabasa iyon. Buong akala niya’y mapagagalitan siya ng todo kanina ngunit nanatili pa rin sa buong sistema ng kanilang big boss ang pang-unawa sa kaniya. Sisiguruhin niyang hindi na mauulit pa ang bagay na iyon. Mag-do-doble ingat na siya ngayon lalo pa’t kumpirmado nang may nalalaman na ang kaniyang ninong hinggil sa lahat ng mga plano nila. Anumang oras ay posible muli na gumanti si Mr. Thurn sa kanila.Ito ang lihim na nananatiling lihim na gawain ng kanilang pamilya. Ngayon ay nais na niyang ipaalam sa iba lalo na sa asawang si Veron. Ang kaniyang ama na si Rodrigo Jaime Tolledo ang isa sa pinakamataas na pinuno ng Gems Secret Agency Association. At s
“HALINA KAYO AT saluhan ninyo ako,” pag-imbita ni Veron sa mga katulong na nagbabantay sa kaniya.Nagluto ang mga tagapagsilbi ng napakaraming putahe at talagang naiinip siyang kumain nang mag-isa. Gulat na nagkatinginan sa isa’t isa ang mga ito.Binigyan sila ni Veron ng matamis na ngiti. “Boring naman kumain ng mag-isa. Hali kayo at saluhan niyo ako. Wala namang masama. Ayaw ko lang kumain nang nag-iisa.”Nang hindi pa rin kumikibo ang mga tagapagsilbi ay naglungkot-lungkutan si Veron. “Okay, hindi na lang ako kakain. Kahit na umuwi pa ang asawa ko, hindi na ako kakain.”Akma siyang tatayo na sa upuang kaharap ng hapag-kainan nang magpulasan papalapit ang mga tagapagsilbi at isa-isang nagsiupo sa mga upuang naroroon.“Naku, Ma’am. Kakain na po kami, basta kakain ka rin po ng madami,” wika ng isa sa mga tagapagsilbi.Napangiti siya ng malawak at kaagad na lumingon sa labas. “Oh, ano pa’ng hinihintay ninyo? Yayain ni’yo ring kumain ang iba. Mas masaya kung marami tayo at sama-sama,”
NAGULAT SI YNZO nang mapansin si Veron na nakatayo sa harap ng nakabukas na pintuan ngunit napansin niya rin ang biglang pagdidilim ng kabuuan nito bago tumalikod upang umalis.“Ano pa ba’ng hinihintay mo d’yan? Sundan mo na, Ynzo. Habulin mo na ang babaeng iyon itinatangi,” pag-utos ni Anika habang nakanguso sa pintuan ng opisina kung saan nakatayo si Veron kanina.Kaagad namang natauhan si Ynzo at mabilis na tumakbo papalabas ng opisina. “Maraming salamat talaga, Anika, ha. Hayaan mo, hinding-hindi ako babalik rito hangga’t hindi ko nakukuha ang matamis niyang ‘Oo’,” nakangiting turan niya at mabilis na iniwan si Anika na nag-iisa na sa opisina.“Good luck, Sir! Go and get her heart. Kaya mo ’yan!” pagpapalakas ng babae sa loob niya.“Oo! Makukuha ko ang puso niya ngayon, itaga mo sa bato!” huling bigkas niya at tuluyan nang hinabol ang nagmamadaling babae.Papalabas na ng malaking tarangkahan ng kumpanya si Veron nang maabutan ito ni Ynzo. Sinubukan niyang hilahin ang braso ng bab
PUMAILANLANG ANG TILIAN at hiyawan ng mga tao sa buong paligid nang tuluyang mahubad ni Ynzo ang pang-itaas na saplot nito. Tumatagaktak ang pawis sa katawan ng kaniyang asawa bagay na nagpatikas lalo sa angkin nitong kakisigan.“Oh, my fafa! Umuulan ng pogi ngayon!” malakas na hiyaw ng isang bakla na panay ang pagsulyap sa katawan ni Ynzo.“We’re so lucky, beshywap! Nasilayan na rin ng aking beautiness ang totoong fezlalu ni Adan! So yummyness!” maarteng bulalas rin ng kasama nitong bakla.“Ang yummy niya pa rin kahit na pawisan ang katawan,” pilipit na tili ng isa pa.Parang gusto ni Veron na balutin ng banig ang kabuuan ni Ynzo at itakbo na pauwi. Kung bakit kasi naisipan pa nitong hubarin ang suot na office suit sa ganito ka-publikong lugar. Hindi niya namalayan na malayo na ang nilakad nila at napunta na sila sa lugar na tila ba nasa isang eskinita. Nagsilabasan tuloy ang mga tao sa bawat kanto ng baranggay na iyon. Marami ang nagtataka kung ano ang pinagmumulan ng kaguluhan at k
“A–Alam kong marami pa tayong dapat na kaharapin ngayon at naiipit ka sa alanganing sitwasyon. Gusto ko lang na maging totoo sa ’yo ngayon at ayaw ko nang itago pa itong nararamdaman ko,” dire-diretsong bigkas ni Ynzo. “Mahal na mahal kita, Veron at handa akong maghintay sa magiging tugon mo. I want to say this without even joking or playing. Hindi ko alam kung paano nangyari basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita. Hindi kumpleto ang umaga ko kung hindi kita nabubungaran sa pagtulog mo tuwing umaga. Na-inlove yata ako sa pagsulyap lagi ng mukha mo kahit na may tuyong laway ka pa sa labi at may muta tuwing gigising ako. Nagising na lang ako na ayaw ko nang umalis ka sa tabi ko. Tuwing wala ka sa paligid, hinahanap-hanap kita…”“Ynzo…” hindi makapaniwalang bulalas ni Veron.“Akala ko noong una, masyado lang akong praning. Sabi ko pa sa sarili ko, masasanay rin ako nang wala ka kung kaya’y nag-overtime ako sa trabaho upang iwasan ka kaso hindi ko rin napanindigan dahil hi