BAGO PA MAN makalabas sa sagradong silid sina Ynzo at Anika, biglang tumunog ang cellular phone ng una. Nang tingnan ni Ynzo kung kanino nanggaling ang text message, napag-alaman niyang mula iyon sa kanilang Big Boss.‘Protect her from everything, Agent Z. Don’t break her heart. Make me proud, Son.’Napangiti nang malawak si Ynzo nang mabasa iyon. Buong akala niya’y mapagagalitan siya ng todo kanina ngunit nanatili pa rin sa buong sistema ng kanilang big boss ang pang-unawa sa kaniya. Sisiguruhin niyang hindi na mauulit pa ang bagay na iyon. Mag-do-doble ingat na siya ngayon lalo pa’t kumpirmado nang may nalalaman na ang kaniyang ninong hinggil sa lahat ng mga plano nila. Anumang oras ay posible muli na gumanti si Mr. Thurn sa kanila.Ito ang lihim na nananatiling lihim na gawain ng kanilang pamilya. Ngayon ay nais na niyang ipaalam sa iba lalo na sa asawang si Veron. Ang kaniyang ama na si Rodrigo Jaime Tolledo ang isa sa pinakamataas na pinuno ng Gems Secret Agency Association. At s
“HALINA KAYO AT saluhan ninyo ako,” pag-imbita ni Veron sa mga katulong na nagbabantay sa kaniya.Nagluto ang mga tagapagsilbi ng napakaraming putahe at talagang naiinip siyang kumain nang mag-isa. Gulat na nagkatinginan sa isa’t isa ang mga ito.Binigyan sila ni Veron ng matamis na ngiti. “Boring naman kumain ng mag-isa. Hali kayo at saluhan niyo ako. Wala namang masama. Ayaw ko lang kumain nang nag-iisa.”Nang hindi pa rin kumikibo ang mga tagapagsilbi ay naglungkot-lungkutan si Veron. “Okay, hindi na lang ako kakain. Kahit na umuwi pa ang asawa ko, hindi na ako kakain.”Akma siyang tatayo na sa upuang kaharap ng hapag-kainan nang magpulasan papalapit ang mga tagapagsilbi at isa-isang nagsiupo sa mga upuang naroroon.“Naku, Ma’am. Kakain na po kami, basta kakain ka rin po ng madami,” wika ng isa sa mga tagapagsilbi.Napangiti siya ng malawak at kaagad na lumingon sa labas. “Oh, ano pa’ng hinihintay ninyo? Yayain ni’yo ring kumain ang iba. Mas masaya kung marami tayo at sama-sama,”
NAGULAT SI YNZO nang mapansin si Veron na nakatayo sa harap ng nakabukas na pintuan ngunit napansin niya rin ang biglang pagdidilim ng kabuuan nito bago tumalikod upang umalis.“Ano pa ba’ng hinihintay mo d’yan? Sundan mo na, Ynzo. Habulin mo na ang babaeng iyon itinatangi,” pag-utos ni Anika habang nakanguso sa pintuan ng opisina kung saan nakatayo si Veron kanina.Kaagad namang natauhan si Ynzo at mabilis na tumakbo papalabas ng opisina. “Maraming salamat talaga, Anika, ha. Hayaan mo, hinding-hindi ako babalik rito hangga’t hindi ko nakukuha ang matamis niyang ‘Oo’,” nakangiting turan niya at mabilis na iniwan si Anika na nag-iisa na sa opisina.“Good luck, Sir! Go and get her heart. Kaya mo ’yan!” pagpapalakas ng babae sa loob niya.“Oo! Makukuha ko ang puso niya ngayon, itaga mo sa bato!” huling bigkas niya at tuluyan nang hinabol ang nagmamadaling babae.Papalabas na ng malaking tarangkahan ng kumpanya si Veron nang maabutan ito ni Ynzo. Sinubukan niyang hilahin ang braso ng bab
PUMAILANLANG ANG TILIAN at hiyawan ng mga tao sa buong paligid nang tuluyang mahubad ni Ynzo ang pang-itaas na saplot nito. Tumatagaktak ang pawis sa katawan ng kaniyang asawa bagay na nagpatikas lalo sa angkin nitong kakisigan.“Oh, my fafa! Umuulan ng pogi ngayon!” malakas na hiyaw ng isang bakla na panay ang pagsulyap sa katawan ni Ynzo.“We’re so lucky, beshywap! Nasilayan na rin ng aking beautiness ang totoong fezlalu ni Adan! So yummyness!” maarteng bulalas rin ng kasama nitong bakla.“Ang yummy niya pa rin kahit na pawisan ang katawan,” pilipit na tili ng isa pa.Parang gusto ni Veron na balutin ng banig ang kabuuan ni Ynzo at itakbo na pauwi. Kung bakit kasi naisipan pa nitong hubarin ang suot na office suit sa ganito ka-publikong lugar. Hindi niya namalayan na malayo na ang nilakad nila at napunta na sila sa lugar na tila ba nasa isang eskinita. Nagsilabasan tuloy ang mga tao sa bawat kanto ng baranggay na iyon. Marami ang nagtataka kung ano ang pinagmumulan ng kaguluhan at k
“A–Alam kong marami pa tayong dapat na kaharapin ngayon at naiipit ka sa alanganing sitwasyon. Gusto ko lang na maging totoo sa ’yo ngayon at ayaw ko nang itago pa itong nararamdaman ko,” dire-diretsong bigkas ni Ynzo. “Mahal na mahal kita, Veron at handa akong maghintay sa magiging tugon mo. I want to say this without even joking or playing. Hindi ko alam kung paano nangyari basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita. Hindi kumpleto ang umaga ko kung hindi kita nabubungaran sa pagtulog mo tuwing umaga. Na-inlove yata ako sa pagsulyap lagi ng mukha mo kahit na may tuyong laway ka pa sa labi at may muta tuwing gigising ako. Nagising na lang ako na ayaw ko nang umalis ka sa tabi ko. Tuwing wala ka sa paligid, hinahanap-hanap kita…”“Ynzo…” hindi makapaniwalang bulalas ni Veron.“Akala ko noong una, masyado lang akong praning. Sabi ko pa sa sarili ko, masasanay rin ako nang wala ka kung kaya’y nag-overtime ako sa trabaho upang iwasan ka kaso hindi ko rin napanindigan dahil hi
TILA MGA BATANG nagtampisaw sa ulan sina Ynzo at Veron. Wala silang ibang iniisip nang mga oras na iyon. Ang tanging iniisip lamang nila ay ang kasalukuyan. Hindi pa man malinaw sa isa’t isa ang tunay nilang nararamdaman, ang importante ay nakatitiyak na sila hinggil sa kanilang damdamin para sa isa’t isa.Hindi pa man maayos ang lahat, nais lang ni Veron na lubusin ang pagkakataong ito na makasama ang asawa sa gitna ng ulan. Nagtakbuhan at naghahabulan sa kabila ng paunti-unting bugso ng ulan habang nakasilay ang sinag ng araw. “May trivia ako sa ’yo, Wifey,” bigla ay bigkas ni Ynzo nang mahuli siya sa gitna ng pagtakbo.Napangiti si Veron nang malawak. “Ano ba ’yon, Hubby?”Inakay siya ni Ynzo na maupo sa isang bermuda grass sa isang parke. Doon na sila dinala ng kanilang mga paa matapos ang mahabang pakikipaghabulan sa isa’t isa. Nagsialisan na ang mga tao na namamasyal sa parke at naghanap ng masisilungan samantalang silang dalawa ay mas piniling magpaulan upang mas matamasa ang
Saka pa lang napansin ni Ynzo ang mga tao sa labas na abala sa paglalaba at pagdi-dis-infect ng mga damit at gamit na ibinebenta roon. Naroon din ang baklang ipinagtabuyan kanina. Paglalabada pala ang trabaho nito sa ukay-ukay na iyon.“Let’s go, Hubby. I dare you! Sa halagang two hundred pesos, pagandahan tayo ng outfit ngayon,” panghahamon ni Veron.“Seriously, Wifey?” halos manlaki ang mga mata ni Ynzo at hindi makapaniwala sa sinabi ng asawa.Para kay Ynzo ay napaka-imposible yata niyon dahil ultimo underwear na sinusuot niya ay nagkakahalaga na ng libo-libo. Paano niya mapagkakasya ang dalawang daang piso para sa buong kasuotan? Nang lingunin ni Ynzo si Veron ay napataas at baba ang mga kilay nito habang malawak ang pagkakangiti.“Ahm, excuse me, Sir and Ma’am. May tinda rin po kaming underwear, brand new po. Twenty pesos lang po ang isa. Baka lang po kasi kailanganin niyo rin,” pagsingit ng isang babae na nag-a-assist doon.Tinitigan sila nito mula ulo hanggang paa at nakumpirm
“SAMAHAN NA KITA, Wifey. Kahit na ihatid lanh kita doon,” muling alok ni Ynzo sa asawa na muli namang tinanggihan ni Veron.“Hubby, hayaan mo akong ayusin ang gulong ito. You don’t have to worry,” paniniguro niya habang nag-aayos ng sarili.Tinawagan niya si Skyler upang makausap ito nang masinsinan. Nais nitong sabihin na niya sa telepono ang kailangan niyang sabihin ngunit mas nais ni Veron na sabihin iyon sa personal mismo upang makahingi na rin ng kapatawaran sa lalaki.Napagdesisyunan na niyang sabihin kay Skyler ang totoong nararamdaman hinggil sa namuo at hindi inaasahang damdamin niya para kay Ynzo. Ngayon pa lang ay sobra na ang nadarama niyang kaba at takot. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Skyler? Kung saka-sakali man, handa siyang tanggapin lahat ng masasakit sa salitang bibitiwan nito sa kaniya. Natural lang naman kasi na magalit ito dahil hindi siya nanindigan sa damdamin niya para kay Skyler hanggang sa huli.“Sige na, Wifey. Gusto ko lang masiguro na ayos kang makarar