“There. I want to talk about that,” tila ba nabitin ang ngiti ni Skyler nang sabihin iyon at inayos ang sarili. Tila ba napahiya ang lalaki dahil sa ginawa niyang pag-iwas dito. He was about to kiss her a while ago but she refused. “Noon, uupo ka pa lang sa tabi ko, ang dami-dami mo nang kuwento. Lahat ng naranasan mo at kahit pa maliliit na detalye ng mga kilos mo na wala ako, lahat ay kinukuwento mo. Ultimo pag-aaway niyo ni Ynzo, ang pagtrato ng mga magulang niya sa inyong dalawa, lahat... As in, lahat, Veron. Lahat sinasabi mo sa ’kin.”Napalunok siya ng sunod-sunod. Naka-first name basis na naman si Skyler at alam niyang may tinatago na itong sama ng loob ngayon. Bagay na hindi niya masisisi dahil kasalanan niya naman.“Have you notice that? Everytime we met, wala kang ibang bukambibig kundi si Ynzo. Si Ynzo na nakakainis. Si Ynzo na mayabang. Si Ynzo na isip-bata at nakakairita. Lahat ng kuwento mo puro si Ynzo. Lahat ng bagay sa inyo, ikukuwento mo...” dire-diretsong dagdag ni
“HEY! KUMUSTA ANG meet up? Ano ang ganap?” bungad na tanong ni Ynzo nang umuwi si Veron.Hindi alam ni Veron kung matutuwa ba siya o malulungkot dahil sa pagkikita nilang iyon ni Skyler. Wala man lang itong binitiwan na masasakit na salita sa kaniya at halos ito na ang nagbukas ng saloobin at hindi siya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng sundot ng konsensiya dahil sa kabutihan ng dating kasintahan. Ngayon ay tapos na ang ugnayan at relasyon nilang dalawa ni Skyler, dapat lang na maging masaya siya sa piling ni Ynzo. Pero dahil sa ginawa ng dating kasintahan, para bang nahihiya na siya kay Ynzo ngayon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Lumilipad ang isip niya patungo sa kinaroroonan ni Skyler ngayon.At nang dahil na rin sa pangungulit ni Ynzo ay kinuwento dito ni Veron ang lahat ng naganap sa pagkikita nila ni Skyler. Lahat ng ginawa nila ay nasabi niya maliban sa isa...“For old time sake, can I have a one last favor, Babe?” bigla ay tanong ni Skyler sa kaniya na ikinangiti ni Veron.
“A hearing device.”Nagulat si Ynzo sa sinabi niya at napaisip siya. Paano nagkaroon ng hearing device sa katawan niya? Wala siyang ibang nakasama sa buong maghapon kundi si Ynzo lang at si Skyler. Bakit magkakaroon siya no’n?“Huh? Bakit ibang-iba ang hitsura no’n sa hearing device na ginamit natin noon?” bigla ay tanong ni Ynzo.Nilukob ng kaba ang dibdib ni Veron. Muli niyang inisip kung ano ang hitsura ng hearing device na iyon at iisang tao lang ang alam niyang may ganoong klase ng device pero imposibleng makalapit sa kaniya ang taong iyon. Napatitig siya kay Ynzo. May inililihim ba ito sa kaniya?HALOS MAGKASALUBONG ANG mga kilay ni Mr. Thurn nang makita ang resulta ng buwanang antas ng kumpanya. Nananatili pa rin sa pinakamababa ang antas nito at ngayon nga ay nag-iinit na naman ang kaniyang ulo. Sa dinami-dami ng mga taong nais kumalaban sa kaniya, sino ang dapat niyang tutukan na siyang tuta ng Solomon Ace Nazareno na iyon? Walang ibang sumasalo sa mga sinuka niyang empleya
“YEAH, I LIKE this one,” anang amiga ni Ginang Annalisa Tolledo habang nag-s-shopping sila sa isang mall.Walang nagawa ang ginang nang yayain ito ng isang kaibigan na mamili at mag-shopping. Kauuwi lang kasi nito galing Switzerland at siya ang pinagkaabalahang yayain upang mamili.Hindi na nga niya nagawang magpaalam sa asawang si Ginoong Rodrigo dahil sa pagmamadali. Ang akala niyang pamamasyal lang ay nauwi na sa pamimili kasama ang mayaman at sosyal na amiga.Itinaas ng isang sopistikada’t maarteng ginang ang kamay nitong may suot na singsing.“What do you think?” Nilingon nito si Ginang Annalisa na ngayon ay nakangiting tumingin sa kamay nito.“Ruby really suits you. It’s pretty good,” kumento niya sa kasama.Ngumiti naman ang sopistikadang ginang at lumingon sa sales lady na nag-a-assists sa kanila. “I want to buy this,” bigkas nito sa babaeng sales lady. Kapagdaka ay nilingon siya. “Don’t you like to buy some? Choose what you love and I will buy it for you, Sis.”Napailing-ili
“Huwag lang siyang magkakamaling saktan si Mom dahil ako mismo ang magpapaulan ng bala sa katawan ng hay*p na ’yon!” nanggagalaiti sa galit na bulalas ni Ynzo. Nabigla naman si Veron nang makita ang nag-aapoy na mga mata ng asawa. Ngayon niya lang ulit nakita ang nag-aapoy na mga mata ni Ynzo matapos ang gabing iyon na kumain sila kasama ang matanda. Ngayon lang ulit nagalit ng ganoon si Ynzo. Halos magsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Pakiramdam ni Veron ay nakatatakot na galitin ang asawa anumang oras.“I hope so, Son. Sana lang ay huwag nilang saktan ang mommy ninyo dahil ako mismo ang maghahatid sa kaniya sa impyerno,” nagtatagis ang mga bagang na bulalas ni Ginoong Tolledo na ikinabigla ni Veron.Kung si Ynzo ay katakot-takot na ang hitsura kapag nagagalit, mas katakot-takot at makapanindig balahibo ang awra ng ama nito. Nang tingnan niya ang mag-ama ay tila ba nais na rin niyang mahawa sa mga ito. Ngayon pa nga lang ay nag-iinit na ang buo niyang katawan sa labis na ga
NAGKATINGINAN SINA Ynzo Abraham, Veron Stacey at Ginoong Tolledo nang biglang tumunog ang telepono sa munting sala ng bahay ng mag-asawa. Ramdam na nila kung sino man ang tumatawag sa mga oras na iyon.Napatayo silang tatlo at halos mag-unahang lumapit sa tumutunog na telepono. Akmang kukuhanin na iyon ni Ginoong Tolledo ngunit nauna si Ynzo sa paghablot sa naturang aparato.“Hello?” bungad na tanong ng asawang lalaki.Sa halip na tumugon ay isang nakabibinging halakhak ang bumungad sa pandinig ni Ynzo. Naikuyom niya ang kamao at halos magtagis ang kaniyang mga bagang sa labis na galit na nararamdaman. Ang halakhak na iyon. Sino nga ba ang hindi makalilimot sa klase ng pagtawa nito? Huli niyang narinig ang ganoong klase ng pagtawa noong mangyari ang trahedya sa kaniyang asawa at sa sana ay magiging anak nila.“Mr. Thurn...” tugon ni Ynzo. Hindi na kailangan pang itanong kung sino iyon. Sa tono pa lang ng pagtawa nito na tila ba pang-demonyong nasusunog sa impyerno ay alam na ng kahit
MABILISANG NAGHANDA NG sarili ang mag-asawang Ynzo at Veron. Halos punuin nila ang katawan ng mga makabagong kagamitang naimbento ng mga magulang ni Veron. Lahat ng maaaring gamitin sa pakikipaglaban ay sinuot na nila at alam niyang hindi iyon magiging madali dahil matalinong tao rin ang makakalaban nila.Handa na rin ang motorsiklong si Bembem upang ihatid sila sa lugar na pupuntahan nila. Tiningnan ni Veron ng mabuti ang kabuuan ng motorsiklo at ipinagpasalamat niyang walang anumang sira ang anumang parte ng sasakyang iyon.“Wow, ibang klase talaga ang parents mo, Wifey. They are both genius at nagawa nilang pagaanin ang buhay mo,” kumento ni Ynzo hinggil sa mga kagamitang high-tech na ngayon ay nakalatag sa ibabaw ng kama. Sa dami ng mga iyon ay hindi alam ng lalaki kung ano ang una niyang dadamputin. Para sa kaniya ay napakatalino ng mga magulang ni Veron at siguradong magiging sikat na inventors ang mga ito sa hinaharap kung hindi lang kaagad binawian ng buhay ang mga ito.“Than
KARAMIHAN SA MGA eksenang kinikidnap at hino-hostage ay dinadala sa mga abandonadong lugar ngunit kakaiba ang eksenang nararanasan nina Veron Stacey at Ynzo Abraham ngayon. Mula sa mala-underground na pasilyo ay binaybay ng kanilang mga paa ang kailaliman ng batuhang iyon.Madilim roon ngunit habang tumatagal ay may natatanaw na rin silang liwanag sa dulo ng daanang iyon. Walang puwang ang takot at pag-atras sa puso ng mag-asawa. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang mailigtas ang buhay ng kanilang ina na ngayon ay nanganganib sa mga kamay ni Mr. Thurn. Kilala nila ang taong iyon na walang sinasantong kahit na sino. Kaya nitong pumatay ng kahit na sino sa isang iglap lang.“Welcome to hell, Agents!” Tunog iyon mula sa pintuan na tila isang portal na napasukan nilang dalawa. Halos magkasalubong ang mga kilay ni Veron nang bumulaga sa kanilang paningin ang purong kulay puting silid. Nagliliwanag ang dingding at maging ang kisame niyon dahil sa sobrang kinang.Pasimpleng hinawakan ni Ver
SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k
NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th
“CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i