“YEAH, I LIKE this one,” anang amiga ni Ginang Annalisa Tolledo habang nag-s-shopping sila sa isang mall.Walang nagawa ang ginang nang yayain ito ng isang kaibigan na mamili at mag-shopping. Kauuwi lang kasi nito galing Switzerland at siya ang pinagkaabalahang yayain upang mamili.Hindi na nga niya nagawang magpaalam sa asawang si Ginoong Rodrigo dahil sa pagmamadali. Ang akala niyang pamamasyal lang ay nauwi na sa pamimili kasama ang mayaman at sosyal na amiga.Itinaas ng isang sopistikada’t maarteng ginang ang kamay nitong may suot na singsing.“What do you think?” Nilingon nito si Ginang Annalisa na ngayon ay nakangiting tumingin sa kamay nito.“Ruby really suits you. It’s pretty good,” kumento niya sa kasama.Ngumiti naman ang sopistikadang ginang at lumingon sa sales lady na nag-a-assists sa kanila. “I want to buy this,” bigkas nito sa babaeng sales lady. Kapagdaka ay nilingon siya. “Don’t you like to buy some? Choose what you love and I will buy it for you, Sis.”Napailing-ili
“Huwag lang siyang magkakamaling saktan si Mom dahil ako mismo ang magpapaulan ng bala sa katawan ng hay*p na ’yon!” nanggagalaiti sa galit na bulalas ni Ynzo. Nabigla naman si Veron nang makita ang nag-aapoy na mga mata ng asawa. Ngayon niya lang ulit nakita ang nag-aapoy na mga mata ni Ynzo matapos ang gabing iyon na kumain sila kasama ang matanda. Ngayon lang ulit nagalit ng ganoon si Ynzo. Halos magsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Pakiramdam ni Veron ay nakatatakot na galitin ang asawa anumang oras.“I hope so, Son. Sana lang ay huwag nilang saktan ang mommy ninyo dahil ako mismo ang maghahatid sa kaniya sa impyerno,” nagtatagis ang mga bagang na bulalas ni Ginoong Tolledo na ikinabigla ni Veron.Kung si Ynzo ay katakot-takot na ang hitsura kapag nagagalit, mas katakot-takot at makapanindig balahibo ang awra ng ama nito. Nang tingnan niya ang mag-ama ay tila ba nais na rin niyang mahawa sa mga ito. Ngayon pa nga lang ay nag-iinit na ang buo niyang katawan sa labis na ga
NAGKATINGINAN SINA Ynzo Abraham, Veron Stacey at Ginoong Tolledo nang biglang tumunog ang telepono sa munting sala ng bahay ng mag-asawa. Ramdam na nila kung sino man ang tumatawag sa mga oras na iyon.Napatayo silang tatlo at halos mag-unahang lumapit sa tumutunog na telepono. Akmang kukuhanin na iyon ni Ginoong Tolledo ngunit nauna si Ynzo sa paghablot sa naturang aparato.“Hello?” bungad na tanong ng asawang lalaki.Sa halip na tumugon ay isang nakabibinging halakhak ang bumungad sa pandinig ni Ynzo. Naikuyom niya ang kamao at halos magtagis ang kaniyang mga bagang sa labis na galit na nararamdaman. Ang halakhak na iyon. Sino nga ba ang hindi makalilimot sa klase ng pagtawa nito? Huli niyang narinig ang ganoong klase ng pagtawa noong mangyari ang trahedya sa kaniyang asawa at sa sana ay magiging anak nila.“Mr. Thurn...” tugon ni Ynzo. Hindi na kailangan pang itanong kung sino iyon. Sa tono pa lang ng pagtawa nito na tila ba pang-demonyong nasusunog sa impyerno ay alam na ng kahit
MABILISANG NAGHANDA NG sarili ang mag-asawang Ynzo at Veron. Halos punuin nila ang katawan ng mga makabagong kagamitang naimbento ng mga magulang ni Veron. Lahat ng maaaring gamitin sa pakikipaglaban ay sinuot na nila at alam niyang hindi iyon magiging madali dahil matalinong tao rin ang makakalaban nila.Handa na rin ang motorsiklong si Bembem upang ihatid sila sa lugar na pupuntahan nila. Tiningnan ni Veron ng mabuti ang kabuuan ng motorsiklo at ipinagpasalamat niyang walang anumang sira ang anumang parte ng sasakyang iyon.“Wow, ibang klase talaga ang parents mo, Wifey. They are both genius at nagawa nilang pagaanin ang buhay mo,” kumento ni Ynzo hinggil sa mga kagamitang high-tech na ngayon ay nakalatag sa ibabaw ng kama. Sa dami ng mga iyon ay hindi alam ng lalaki kung ano ang una niyang dadamputin. Para sa kaniya ay napakatalino ng mga magulang ni Veron at siguradong magiging sikat na inventors ang mga ito sa hinaharap kung hindi lang kaagad binawian ng buhay ang mga ito.“Than
KARAMIHAN SA MGA eksenang kinikidnap at hino-hostage ay dinadala sa mga abandonadong lugar ngunit kakaiba ang eksenang nararanasan nina Veron Stacey at Ynzo Abraham ngayon. Mula sa mala-underground na pasilyo ay binaybay ng kanilang mga paa ang kailaliman ng batuhang iyon.Madilim roon ngunit habang tumatagal ay may natatanaw na rin silang liwanag sa dulo ng daanang iyon. Walang puwang ang takot at pag-atras sa puso ng mag-asawa. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang mailigtas ang buhay ng kanilang ina na ngayon ay nanganganib sa mga kamay ni Mr. Thurn. Kilala nila ang taong iyon na walang sinasantong kahit na sino. Kaya nitong pumatay ng kahit na sino sa isang iglap lang.“Welcome to hell, Agents!” Tunog iyon mula sa pintuan na tila isang portal na napasukan nilang dalawa. Halos magkasalubong ang mga kilay ni Veron nang bumulaga sa kanilang paningin ang purong kulay puting silid. Nagliliwanag ang dingding at maging ang kisame niyon dahil sa sobrang kinang.Pasimpleng hinawakan ni Ver
“SALAMAT SA DIYOS at nagising rin ang ating bida!” Umalingawngaw ang tinig ni Mr. Thurn sa pandinig ni Veron nang magkamalay siya. Kasunod niyon ay sinundan nito ng sunod-sunod na pagpalakpak ang sinabi na tila ba nasa gitna ito ng isang palatuntunan.Inilibot ni Veron ang paningin at kaagad na nakita ang sarili na nakagapos ang mga kamay at paa sa isang kadenang bakal. Nasa gayunding sitwasyon si Ynzo na nasa di-kalayuan lang, wala rin itong malay na nakasalampak sa sahig. Maya-maya lang ay tila ba naalimpungatan rin si Ynzo at unti-unting idinilat ang mga mata upang magkamalay. Pilit na rin nitong inaalis ang sarili mula sa pagkakagapos sa kadenang bakal.“Wala na kayong magagawa, lovebirds! Kahit na anong gawin ninyo ay mamamatay lang din kayo pagkatapos nito!” humahalakhak na sigaw ng demonyong matanda. Halos mapuno ng usok ang kinatatayuan nito gawa ng tabakong binubuga nito maya’t maya. Halos maubo pa ang matanda dahil sa ginawang pagtawa at malulon ang usok na hinihithit nito.
HALOS MANLAKI ANG mga mata ni Veron sa gulat nang ipakilala ni Mr. Thurn ang estrangherong biglang sumipot sa harapan nila kanina. Halos mamilog ang kaniyang mga mata at labi sa labis na gulat nang banggitin nito ang code name ng taong kanina pa niya hinihintay.‘I heard it, right? Is he really Agent Blue?’ hindi makapaniwalang tanong ni Veron sa sarili.Sa tinagal-tagal ng komunikasyon nila ni Agent Blue, ni minsan ay hindi niya pa ito nakita nang harapan. Ang alam lang niya ay isa ito sa mga pinagkakatiwalaang secret agent sa Gem Secret Agency Association at hindi naman lahat ng taong namumuno sa asosasyong iyon ay kilala niya. Mahigpit ang ginagawa ng mga namumuno hinggil sa pagtatago ng seguridad at pagkatao ng mga importanteng tao sa loob ng ahensyang iyon. Kung madali lang gawin iyon, marahil ay matagal na niyang nagawa. Ngunit hindi magiging madali ang lahat hanggat wala siyang nakukuhang kasama at katuwang upang magkaroon ng kaalaman hinggil sa mga bagay-bagay sa loob ng asosa
HINDI ALAM NI Veron kung saan nagmumula ang galit ni Agent Blue nang mga oras na iyon. Tila ba sinapian ito ng isang demonyo na bigla na lang nag-alboroto sa harapan niya. Samantala ay abot tainga naman ang pagkakangiti ni Mr. Thurn habang nakaangat ang noo na nakamasid sa pamangkin. Tila ba ipinagmamalaki nito ang ipinapakitang kademonyohan ng lalaki. “Ang lalaking iyan ang sumira ng lahat ng plano! Lahat-lahat ng plano namin ay nasira magmula nang makilala mo ang gag*ng ’yan!” pagpapatuloy ni Agent Blue. Kataka-takang wala man lang naging reaksyon si Ynzo hinggil sa mga pinagsasabi ng lalaking nakasuot ng maskara. Tanging lihim na pagtagis lamang ng kaniyang mga bagang ang nagagawa ni Ynzo habang matamang nakikinig sa lalaki. “Bakit, may karapatan ka bang pigilan ako? Wala naman, ’di ba?” tanging nasabi lang ni Veron habang matamang pinagmamasdan ang lalaki. Sa wakas ay humarap din ito sa direksyon niya. Ngunit hindi pa rin niya makita ang kabuuan ng hitsura nito. Maging ang mg