HINDI ALAM NI Veron kung saan nagmumula ang galit ni Agent Blue nang mga oras na iyon. Tila ba sinapian ito ng isang demonyo na bigla na lang nag-alboroto sa harapan niya. Samantala ay abot tainga naman ang pagkakangiti ni Mr. Thurn habang nakaangat ang noo na nakamasid sa pamangkin. Tila ba ipinagmamalaki nito ang ipinapakitang kademonyohan ng lalaki. “Ang lalaking iyan ang sumira ng lahat ng plano! Lahat-lahat ng plano namin ay nasira magmula nang makilala mo ang gag*ng ’yan!” pagpapatuloy ni Agent Blue. Kataka-takang wala man lang naging reaksyon si Ynzo hinggil sa mga pinagsasabi ng lalaking nakasuot ng maskara. Tanging lihim na pagtagis lamang ng kaniyang mga bagang ang nagagawa ni Ynzo habang matamang nakikinig sa lalaki. “Bakit, may karapatan ka bang pigilan ako? Wala naman, ’di ba?” tanging nasabi lang ni Veron habang matamang pinagmamasdan ang lalaki. Sa wakas ay humarap din ito sa direksyon niya. Ngunit hindi pa rin niya makita ang kabuuan ng hitsura nito. Maging ang mg
KATAKA-TAKANG WALA man lang anumang naging reaksyon si Ynzo nang makilala kung sino ang estranghero sa likod ng kulay itim na maskara. Taliwas iyon sa bumalatay na gulat at sakit sa kabuuan ni Veron. Dapat siguro ay mas inasahan na niya ang pinakamalalang sitwasyon upang maiwasan na niya ang masaktan ng ganoon ngunit ibang-iba pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na. “Skyler...” halos bulong lang sa hangin ang nagawa ni Veron nang banggitin iyon. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ang dating kasintahan pa ang gagawa sa kaniya ng ganito? She never expect this to happened. Muling nanariwa sa alaala ni Veron ang lahat ng pinagsamahan nila ni Skyler. Everything was just perfect and magical. Malayong-malayo sa isipan niyang mangyayari ito sa kanilang dalawa ngayon. “Hi, Veron...” malamig na bati ni Skyler. Tinitigan ito ni Veron sa mga mata at taliwas rin mula sa inaasahan niya ang ngayon ay pakikitungo nito sa kaniya. Punong-puno ng galit ang mga mata nito at maging ang sariling tin
“ILABAS SA SELDA ang babaeng ’yan! Hawakan niyo lang ng mabuti. Mas mahirap naman kung ang dalawang ito ang pakakawalan natin,” utos ni Mr. Thurn sa mga tauhan. Kaagad namang tumalima ang mga nakasuot ng itim na mga tauhan upang ilabas sa bakal na selda si Ginang Tolledo. Wala nang anumang sagabal sa katawan ni Annalisa Tolledo na labis na ikinahinga ng maluwag nina Ynzo at Veron. “Huwag kayong mag-alala. Walang alam sa pakikipaglaban si Mrs. Tolledo kaya safe kung pakakawalan niyo siya. Hayaan natin siyang makipagkuwentuhan sa dalawang iyan bago natin sila patayin.” Kasunod niyon ay humalakhak ng malakas ang matanda. “Mom...” bigkas ni Veron nang makalapit sa kaniya ang ina ni Ynzo. Sa halip na magalit ay isang mahigpit na yakap ang iginawad ng butihing ginang sa kaniya. “It’s okay, Anak. Everything will be alright...” bulong ni Ginang Tolledo sa kaniyang tainga. Nais niyang umiyak sa mga oras na iyon. Tila ba gumaan ang kaniyang pakiramdam nang yakapin siya at aluin ng ina ni
“AGENT REX AND Agent Vine, you are incharge on the systems area. Find ways to hack all of their systems from the surveillance cameras ’til the gate passwords. I need everything to be clear right away!” utos ng isang kagalang-galang na lalaking nakasuot ng black office suit. Kasalukuyang nagkakaroon ng mabilisang meeting at agenda ang buong kupunan ng ahensyang Gems Secret Agency Association upang iligtas ang butihing maybahay ng pinuno ng pinakasikat na ahensya ng gobyerno. Naging abala ang lahat sa harap ng kani-kanilang mga computer upang ma-trace ang bagong kinaroroonan nina Ynzo Abraham at Veron Stacey. Bigla na lang kasing nawala ang lokasyon ng mga ito matapos ang unang pag-track nila sa gps connection ng mag-asawang Ynzo at Veron. “Big boss, you have to see this,” bigkas ni Agent O at lumingon ang lahat sa napakalaking screen na biglang kumislap sa kanilang harapan. Makikita roon ang satellite image ng kabuuan ng gusaling kinaroroonan nina Ynzo at Veron sa mga oras na ito.
KAHIT KAILAN ay hindi binigo si Ynzo na mapahanga ng motorsiklo ni Veron. Hindi na siya nag-aksaya pa ng lakas upang mapatakbo ito. Sa halip ay ang motorsiklo na mismo ang kusang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ng amo nito. Nang tingnan ni Ynzo ang maliit na monitor sa unahang bahagi ng motorsiklo ay nakita niya ang agwat ng kulay pulang ilaw na naka-indikasyon doon. Palapit na sila nang palapit ngunit patuloy naman ang paglayo sa kinaroroonan nila ng pulang bagay na nasa monitor. Ibig sabihin lang niyon ay may sinasakyan si Veron sa mga oras na ito kung kaya ay naging mabilis ang paglayo nito sa kanila. Napakunot-noo si Ynzo. Sa lawak ng kagubatan na kinaroroonan nila, hindi magiging madali ang pagbyahe doon gamit ang kotse at iba pang sasakyang may apat na gulong lalo na’t naglalakihan ang ugat ng mga punong-kahoy na madadaanan doon. Muntik na nga siyang magsisi sa pagsakay sa motorsiklo ni Veron dahil kanina pa siya palukso-lukso habang nakasakay sa motorsiklo gawa ng mga naglal
“CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th
NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang