“ILABAS SA SELDA ang babaeng ’yan! Hawakan niyo lang ng mabuti. Mas mahirap naman kung ang dalawang ito ang pakakawalan natin,” utos ni Mr. Thurn sa mga tauhan. Kaagad namang tumalima ang mga nakasuot ng itim na mga tauhan upang ilabas sa bakal na selda si Ginang Tolledo. Wala nang anumang sagabal sa katawan ni Annalisa Tolledo na labis na ikinahinga ng maluwag nina Ynzo at Veron. “Huwag kayong mag-alala. Walang alam sa pakikipaglaban si Mrs. Tolledo kaya safe kung pakakawalan niyo siya. Hayaan natin siyang makipagkuwentuhan sa dalawang iyan bago natin sila patayin.” Kasunod niyon ay humalakhak ng malakas ang matanda. “Mom...” bigkas ni Veron nang makalapit sa kaniya ang ina ni Ynzo. Sa halip na magalit ay isang mahigpit na yakap ang iginawad ng butihing ginang sa kaniya. “It’s okay, Anak. Everything will be alright...” bulong ni Ginang Tolledo sa kaniyang tainga. Nais niyang umiyak sa mga oras na iyon. Tila ba gumaan ang kaniyang pakiramdam nang yakapin siya at aluin ng ina ni
“AGENT REX AND Agent Vine, you are incharge on the systems area. Find ways to hack all of their systems from the surveillance cameras ’til the gate passwords. I need everything to be clear right away!” utos ng isang kagalang-galang na lalaking nakasuot ng black office suit. Kasalukuyang nagkakaroon ng mabilisang meeting at agenda ang buong kupunan ng ahensyang Gems Secret Agency Association upang iligtas ang butihing maybahay ng pinuno ng pinakasikat na ahensya ng gobyerno. Naging abala ang lahat sa harap ng kani-kanilang mga computer upang ma-trace ang bagong kinaroroonan nina Ynzo Abraham at Veron Stacey. Bigla na lang kasing nawala ang lokasyon ng mga ito matapos ang unang pag-track nila sa gps connection ng mag-asawang Ynzo at Veron. “Big boss, you have to see this,” bigkas ni Agent O at lumingon ang lahat sa napakalaking screen na biglang kumislap sa kanilang harapan. Makikita roon ang satellite image ng kabuuan ng gusaling kinaroroonan nina Ynzo at Veron sa mga oras na ito.
KAHIT KAILAN ay hindi binigo si Ynzo na mapahanga ng motorsiklo ni Veron. Hindi na siya nag-aksaya pa ng lakas upang mapatakbo ito. Sa halip ay ang motorsiklo na mismo ang kusang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ng amo nito. Nang tingnan ni Ynzo ang maliit na monitor sa unahang bahagi ng motorsiklo ay nakita niya ang agwat ng kulay pulang ilaw na naka-indikasyon doon. Palapit na sila nang palapit ngunit patuloy naman ang paglayo sa kinaroroonan nila ng pulang bagay na nasa monitor. Ibig sabihin lang niyon ay may sinasakyan si Veron sa mga oras na ito kung kaya ay naging mabilis ang paglayo nito sa kanila. Napakunot-noo si Ynzo. Sa lawak ng kagubatan na kinaroroonan nila, hindi magiging madali ang pagbyahe doon gamit ang kotse at iba pang sasakyang may apat na gulong lalo na’t naglalakihan ang ugat ng mga punong-kahoy na madadaanan doon. Muntik na nga siyang magsisi sa pagsakay sa motorsiklo ni Veron dahil kanina pa siya palukso-lukso habang nakasakay sa motorsiklo gawa ng mga naglal
“CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th
NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis