Dan
"WAIT DAN! Please! Wag mo namang gawin sa akin to." Mangiyak ngiyak na sabi ni Lauren at pinigilan ako sa braso.Humugot ako ng malalim na hininga at hinarap sya. Namumula na ang mata nya at nagbabadya ang luha. Naaawa ako sa kanya pero kailangan ko ng tapusin to hangga't hindi pa lumalalim ang anumang nararamdaman nya sa akin."Sinabi ko na sa'yo noong una pa lang, wag kang mahuhulog sa akin dahil hindi kita kayang saluhin." Mahinahong sabi ko sa kanya.Humikbi sya. "I-I'm sorry, hindi ko napigilan.""That's why we need to stop this.""No!" Humigpit ang hawak nya sa braso ko.Humugot akong muli ng malalim na hininga. Ayoko rin namang matapos ang kung anumang meron kami. Sa loob ng isang taon na naging constant fuck buddy ko sya ay naging mag kaibigan din kami. Hindi naman puro fuck lang ginagawa namin kapag magkasama kami. At hindi lang naman sya ang babaeng nakakaulayaw ko sa kama pero sya lang ang nagtagal at binabalikbalikan ko dahil nagkakasundo kami sa maraming bagay. Sa una ay wala namang problema sa kanya ang bagay na yun dahil wala naman kaming relasyon at malinaw ang estado namin sa isa't isa, maging sya ay may iba ding lalaking nakakasama sa kama at ayos lang sa akin yun basta siguraduhin nyang protektado ang lalaking nakakaulayaw. Ngunit nitong nakaraang mga buwan ay madalas na kaming magtalo dahil inaaway nya ang mga babaeng nakakadate ko at madalas na syang magselos. At heto nga, umamin syang mahal na nya ako. Nilinaw ko na sa kanya ang lahat noong una na wag syang mai-inlove sa akin dahil masasaktan lang sya."Listen Lauren, we need to stop this ok. Bago ka pa masaktan ng sobra. Thank you for loving me but I'm sorry I can't love you. Sa umpisa pa lang sinabi ko na sa'yo yan. Hindi ko kayang magmahal." Paliwanag ko sa kanya."Tuturuan kita, I'll make you fall in love with me babe." Determinadong sabi nya.Umiling iling ako. "Marami ng sumubok nyan pero wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay, maging ikaw. Masasaktan ka lang ng sobra kaya tama na to.""No! No no, ayokong matapos to, hindi ko kaya Dan please. Wag mo namang gawin sa kin to. Hindi ba sapat ang isang taon na pinagsamahan natin para matutunan mo kong mahalin?" Nagsusumo ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Pumatak na rin ang luha nya sa pisngi.Umiling iling ako. "I'm sorry Lauren, sa iba mo na lang ibaling yang nararamdaman mo. Tapos na ang kung anumang meron tayo." Pinal na sabi ko at inalis ang kamay nyang nakakapit sa braso ko sabay talikod at bukas ng pinto ng unit nya."Dan please!"Tila wala akong narinig at walang lingong nagtuloy tuloy sa paglabas..Paglabas ko ng convenience store ay agad kong binuksan ang isang pakete ng sigarilyong binili ko. Humugot ako ng isang stick at sinindihan ito ng lighter. Ng magbaga ito ay hinithit ko at binuga ang usok sa hangin. Binalik ko ang lighter sa bulsa ng pantalon. Paglabas ko sa condo ni Lauren ay pinasibad ko ang kotse ko at dito muna ako dumiretso sa convenience store para makasagap ng ibang hangin.Sumandal ako sa kotse ko at sinuksok sa bulsa ang isang kamay. Muli akong humithit sa sigarilyo at binuga sa hangin. Tumingin ako sa kulay kahel na langit. Palubog na ang araw at maraming tao ang nagdadaan na mga pauwi sa kani-kanilang tahanan ang iba naman ay papasok pa lang sa trabaho. May mga estudyante din na maiingay na dumadaan. Ramdan ko ang ilang mga matang nakatingin sa akin at sinusuri ako. Ang ilang estudyanteng mga dalagita pa nga ay tinatawag akong kuya at kapag lilingon ako sa kanila ay magtitilian sila na tila kilig na kilig. Nginisihan ko na lang sila at napailing iling. Sanay na ako sa mga ganitong atensyon.Muling bumalik ang isip ko sa unit ni Lauren. Alam kong umiiyak sya ngayon. Panay din ang tunog ng cellphone ko kanina dahil tumatawag sya kaya pinatay ko ito. Gusto ko syang balikan at aluin pero kapag ginawa ko yun ay maga-assume lang sya. Lalo lang syang mahihirapan. Lauren is a nice woman. She has everything, beauty and money. Madali nyang nakukuha ang gusto nya kaya alam kong mabilis syang makaka-move on."Pogi, palimos naman ng kaunting barya pambili ko lang ng tinapay."Nagbalik ang isip ko sa kasalukuyan ng may kumalabit sa akin. Isang matanda na tila wala sa sarili dahil nagsasalita itong mag isa ng walang kausap. Malinis sya sa isang pangkaraniwang pulubi. May sukbit syang eco bag na may lamang puro plastic at isang lumang payong na may tatak pa ng logo ng isang banko. Neat na neat ang pagkakatirintas ng halos puti na nyang buhok, nakapulbos din sya at nakalipstick. Ang suot nya ay isang blouse at tokong na bulaklakin, nakadoll shoes din sya bagama't luma na. Hindi sya mukhang pulubi."Pogi, baka may barya ka kako dyan palimos naman pambili lang ng tinapay." Untag ng matanda sa akin ng hindi ako kumilos."Oh sorry lola, wait." Hinagis ko muna sa semento ang upos ng sigarilyo at tinapakan ito saka dinampot at hinagis sa basuran. Dinukot ko ang bulsa pero natigilan din ako. Oo nga pala wala akong barya dahil hindi ko na kinuha ang sukli sa loob ng convenience store. Dinukot ko na lang ang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon. Puro tigiisang libo lang ang meron ako. Humugot ako ng isa at inabot sa kanya. "Here lola."Hindi nya ito kinuha at tiningnan lang na parang may mali. Tumingala sya sa akin."Papel naman yan pogi ang sabi ko barya lang."Kumamot ako sa ulo. "Wala po akong barya eh, ito lang ang meron ako.""Baka isampal sa akin yan ng tinderang pangit na laging nakasimangot kapag pinambayad ko yan."Bumuntong hininga ako. "Eh di dyan na lang kayo sa convenience store bumili, may tinapay naman po dyan."Umiling iling sya. "Ayoko dyan, bukod sa mahal luma pa ang tinapay. Doon ako sa amin bibili dahil laging bago ang tinapay nila tuwing umaga."Muli akong kumamot sa ulo ko at ngumiti. "Eh di tanggapin nyo na lang po ito. Marami kayong tinapay na mabibili nyan."Sa huli ay kinuha na rin nya ito. "Sige na nga. Salamat na rin. Hindi ka lang nuknukan ng gwapo, napakabait mo rin." Aniya at tinupi na ang perang papel."Maliit na bagay lola." Natatawang sabi ko."Pero ang pagiging babaero mo malaking bagay."Nawala ang ngiti ko at napakunot ng noo. "Pa'no nyo naman po nasabi na babaero ako?" Nakangising tanong ko.Tumitig sya sa mukha ko. "Kitang kita ko sa mukha mo, yang ganyang mukha ay habulin ng babae at alam ko rin na may pinaiyak kang babae."Nawala ang ngisi ko sa sinabi nya. May sa manghuhula ba ang matandang to? Pero hindi ako naniniwala sa hula. Pwede ko namang itanggi ang sinasabi nya ngunit parang madali lang nyang malaman kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.Ngumisi ako ulit. "Hindi ko sya pinaiyak la, kusa syang umiyak." Sabi ko."Umiyak sya dahil sa'yo, hay kayo talagang mga lalaki. Kay dali lang sa inyo magpaiyak ng mga babaeng nagmamahal lang naman sa inyo.""Hindi ko nga po sya pinaiyak." Giit ko sa matanda."Akin na ang palad mo babasahin ko." Aniya."Po? Huhulaan nyo ako? Di ako naniniwala dyan lola." Ngingisi ngising sabi ko."Nahulaan ko nga na may pinaiyak kang babae eh ngayon ka pa hindi maniniwala. Akina yang kamay mo, ito na lang ang kapalit sa isang libo mo. Babasahin ko ang kapalaran mo."Wala na akong nagawa ng kunin nya ang kamay ko at ibuka. Napakamot na lang ako sa ulo habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo nya na parang may nakitang kakaiba sa palad ko. Natawa na lang ako."Nakow! Yari ka pogi. Paparating na ang karma mo."Tuluyan na akong natawa sa sinabi nya. "Hindi po ako naniniwala sa karma lola, tao lang ang gumagawa nyan.""Maniwala ka dahil paparating na." Giit nya."O sige nga po, kung totoo man yan anong karma naman yan?" Pagsasakay ko na lang."Hindi ano, sino. Isang babae ang karma mo."Tinaasan ko sya ng kilay. "Sinong babae? Yung umiyak dahil sa akin?""Hindi, ibang babae. Sya ang babaeng wiwindang at magpapasakit sa bato mong puso. Iibig ka sa kanya pero hindi ganun kadali para mapaibig mo sya. Aabutin ng ilang taon bago mo sya mapaibig."Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas sa sinabi nya. Napapatingin na nga ang ilang taong dumadaan sa amin."Sige lang pogi tumawa ka, iiyak ka rin."Binawi ko na ang kamay sa matanda at napailing iling na lang. "Ang mabuti pa po umuwi na kayo, pagabi na baka nagugutom na kayo." Baka nga nagugutom na sya kaya kung ano ano ang sinasabi."Hindi ka naniniwala sa akin, bahala ka.""Nanay Sitang! Andyan lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap." Anang isang may edad na babae na papalapit sa amin. Mukhang kilala nya ang matanda."Naku pasensya na po kayo sir, mukhang kinulit kayo ni nanay Sitang." Hinging paumanhin sa akin ng babae."Ayos lang.""Hindi ko sya kinulit, hinulaan ko lang sya kapalit ng isang libong binigay nya." Sabi ni lola at pinakita ang isang libo na binigay ko."Naku, ibalik nyo yan sa kanya nay Sitang nakakahiya.""Hindi ayos lang, bigay ko yan sa kanya. Pambili nya ng tinapay at gatas." Sabi ko."O ang bait ni pogi di ba, kahit ubod ng babaero. Sige pogi, uuwi na kami ng pamangkin ko." Paalam ni lola."Sige po mag ingat kayo.""Salamat po sir, at pasensya na po."Tinanguan ko lang sila. Dumadaldal na naman ang matanda. Napahilot na lang ako sa batok. Makaalis na nga.Pumasok na ako sa kotse ko at binuhay ang makina. Inatras ko ito palabas ng parking ng convenience store. Tinahak ko ang daan patungo sa club bar na tambayan naming magkakaibigan.Maaga pa lang pero marami ng tao sa loob ng club bar. Pumapailanlang ang Jazz music sa loob ng club bar. Tinungo ko ang paborito naming pwestong magkakaibigan kapag nandito kami sa bar. Nasa malayo pa lang ako ay hagip na ng mata ko si Austin na nakikipag bulungan sa katabi nyang babae. Napangisi ako. Siguradong kamanyakan na naman ang binubulong nya. Lumapit na ako sa kanila. At tama nga ang hinala ko, may kanya kanya silang karay na babae. Dalawa nga lang ang kay Lex. Napailing na lang ako."O pare buti nakarating ka." Bati sa akin ni Seb na may akbay na babae.Nagkipag fist bump ako sa kanya at umupo sa pinakadulo. Tinawag ko ang waiter at umorder ng paborito kong beer."Si Pierre na lang pala ang kulang at mukhang hindi darating." Ani Austin."Hindi na talaga darating yun, busy yun sa sa baby nya." Nakangising sabat naman ni Lex.Nagngisihan din kaming tatlo. Malapit na kasing ikasal ang kaibigan naming iyon sa isang desi otsong kolehiyala. Mukhang seryoso na nga talaga sya dahil pakakasalan na nya. Natakot yatang makahap ng mas bata sa kanya ang nobya."Ikaw pare, himalang wala kang kasama." Untag sa akin ni Seb.Sakto namang dumating ang inorder kong beer. Kinuha ko ito at agad na tinungga. Kibit balikat lang ang sinagot ko kay Seb."Hulaan ko, nag away na naman kayo ni Lauren no." Ani Austin na nakahimas na sa legs ng babaeng kasama na hindi ko kilala. Paiba iba naman kasi ng babae ito."If you want pare, samahan ka muna ni Bernadette para hindi ka mag isa." Suhestiyon ni Lex at binulungan ang isang babaeng katabi na nakatingin sa akin at may nang aakit na ngiti.Napangisi naman ako at umiling. "Nah, pass muna, ayoko muna ng sakit ng ulo."Napasimangot naman ang katabi nyang babae. Tumawa naman si Lex at muling binulungan ang babae. Bumalik naman ang ngiti nito at humilig sa balikat nya. Ang isang babaeng katabi naman nya ang bumulong sa kanya.Nilingon ko naman ang dalawa kong kaibigan na nakikipagbulungan na rin sa mga katabi nilang babae. Langya! Dapat pala hindi na lang ako pumunta.Napailing iling na lang ako at muling tinungga ang hawak na bote ng beer..*****Maggie BUMIGAY TODO NA ko sa pagbirit ng kanta na uso ngayon sa videoke bilang request ng mga customer kong manginginom dito sa tindahan ni Aling Caring. "Wooh! Galing galing talaga ni Maggie!" Puri ng ilang mga manginginom at ibang nanonood at pumalakpak pa ng matapos ako sa pagkanta. "Salamat!" Sabi ko sa mic at in-off na ito sabay lapag sa lamesa ng mga umiinom. "Isa pa!" Request pa nila. "Oo nga, isa pa. Eto limampiso oh." "Tama na! Magbebenta pa ako ng kakanin. Nilalansi nyo lang ako eh, baka kuha kayo ng kuha sa basket hindi kayo nagbabayad." Sikmat ko sa kanila. "Ganito na lang, papakyawin ko yang tinda mo basta kumanta ka lang." Sabi ni Mang Pido na may ari ng malaking sakahan sa baranggay namin at laging tambay dito sa tindahan ni Aling Caring. "Talaga po?" Aba kung papakyawin nya ang lahat ng tinda ko kapalit ng pagkanta ko ay g ako dyan. Kesa naman magpagod pa ako sa kakalakad para magbenta. "Oo, magkano ba lahat yan?" "850 po lahat yan at bagong gawa yan ni nanay
Maggie AWANG AWA AKO kay ate Mikay sa kalagayan nya ngayon. Nabuntis sya ng isang manilenyo. Naging katulad sya ng ibang dalagang taga dito na nakipagsapalaran sa Manila at umuwing buntis. Pero hindi naman namin sya sinisisi. Siguro ay mahal nya yung lalaki kaya nagawa nyang ibigay ang sarili nya. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ni ate Mikay. Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya. Namiss ko sya ng sobra."Ate, gising ka pa?" Tanong ko at dinikit ang tenga sa pinto para pakinggan kung gising pa sya, baka kasi tulog na makaistorbo lang ako. Pero may narinig akong singhot. Umiiyak sya? "Ate?" Kinatok ko ulit ang pinto. "Bukas yan Maggie, pasok ka." Medyo ngongo ang boses na sabi nya. Mukhang umiiyak nga sya! Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Naabutan ko syang pasimpleng nagpupunas ng ilong at matang namumula na. Nag alala naman ako. "Ate ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" Umiling sya kasabay ng luha nyang muling pumatak. Mas lalo lang tuloy akong
Maggie NAKAKALOKA ANG aga aga ang daming ganap. Nagising ako sa ingay sa labas tapos pagbukas ko ng bintana nakita ko si tatay na hinahabol ng taga ang gwapong malaking mama. Kaya dali dali kong ginising si ate dahil hindi kakayanin ni nanay na awatin si tatay. Mahirap pa namang awatin si tatay kapag galit na galit. Boyfriend pala ni ate yung gwapong malaking mama na hinahabol ni tatay ayon sa gwapong malaking mama din na nakaupo sa harap ng tindahan at kumakain na ng suman. "Halika na Maggie awatin natin si tatay baka mataga nya si Austin." Sabi ni ate Mikay na natataranta na. "Ikaw na lang ate, makikinig naman sa'yo si tatay eh. Dito na lang ako may customer tayo." Sabi ko. Mahirap na, ang laking tao pa naman nitong mamang to malamang malakas din itong kumain. Tumakbo na si ate Mikay papunta kanila tatay at nanay na papaikot na sa likod ng bahay namin. Magaling din umilag yung boyfriend ni ate eh. Kung iba iba yun malamang naliligo na sa sariling dugo. Tiningnan ko naman ang m
Dan TSINETSEK KO ANG email ko habang naninigarilyo dito sa tapat ng tindahan. Bukas ay babalik na ako ng Manila para harapin ang nakabinbin na trabaho. Tadtad na ng text ng sekretarya ko ang inbox ko at tumawag pa kanina. Kanina ay kakwentuhan ko pa dito si Mang Berting. Tinawag lang sya ni Aling Cora para painumin ng gamot. Masarap kakwentuhan ang matanda. Marami ng experience sa buhay. May tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito. Si Austin pala. Umupo sya sa kaharap na bangko. "Babalik ka na bukas sa Manila?" Tanong nya. "Oo kailangan eh, ok ka naman na siguro dito." Sabi ko sa kanya at pinatay na ang cellphone. Hinithit ko ang sigarilyo saka dinutdot ang upos sa kahoy na bangko at tinapon sa basurahan na naroon. Binuga ko ang usok pataas. Napadako ang mata ko sa ikalawang palapag sa bintana ng kwarto ni Maggie. Napailing ako at napangisi. Lumalalim na ang gabi at masarap ang simoy ng hangin. Ibang iba sa hangin ng Manila. "Ayos na ko dito, naiintindihan na ako nila itay at inay
MaggieMATULIN NA lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sumama na si ate Mikay kay kuya Austin sa Manila. Pero pabalik balik sila dito sa Isabela para asikasuhin ang kanilang kasal. Dito kasi nila gustong ikasal at syempre isa ako sa abay. Yun nga lang minsan kapag uuwi sila ate Mikay at kuya Austin dito ay kasama nila si manong Dan na malakas mangasar. Nasisira tuloy ang araw ko. Tapos madalas pa syang kampihan ni tatay. Sobrang close na nga nila ni tatay. Pati si nanay close na rin nya. Apakafeeling talaga. Ibang iba sya kay kuya Ace na sobrang bait sa akin. Gaya ngayon, nandito na naman sya sa bahay. Kasama sya nila ate Mikay at kuya Austin umuwi. Kakwentuhan nya si tatay sa harap ng tindahan. Tuwang tuwa pa nga si tatay sa kwento nya eh. Binibida nya yung mga karanasan nya noong nagti-training sya sa pagsusundalo. Pinasok daw kasi sya ng lolo nya dahil pangarap daw nito na maging sundalo sya. Si tatay naman all ears sa pakikinig sa kanya dahil pangarap din nito magsundalo dati.
Maggie ARAW NGAYON NG kasal ni ate Mikay at kuya Austin. At talaga nga namang bongga ang lahat. Mula dito sa lumang simbahan ng bayan na namumutiktik sa bulaklak at sa reception sa bahay. Syempre ang pinaka gusto ko sa lahat ay maraming iba't ibang klase ng pagkain. Marami akong nakitang mga pagkain kanina na sa social media ko lang nakikita at hindi pa natitikman. Di bale mamaya, magiging laman na sila ng tiyan ko. Ang alam ko tatlong catering services ang kinuha galing pa ng Maynila at talagang bongga at sosyal ang pagkakaayos sa reception. Sinakop ba naman ang katabing malawak na lupain namin. Maraming mga bisita ang dumating. Karamihan ay taga Maynila, mga kamag anak at kaibigan ni kuya Austin. Halatang mga sosyal at mayayaman. Bumuntong hininga ako at inimpis ang naiipit na tiyan sa suot kong green na dress na hanggang sakong at hapit sa katawan ko. Dapat pala hindi ako kumain kanina. Napanguso ako at hinimas himas ang tiyan."O anak, bakit nanghahaba na ang nguso mo dyan. Wag
MaggieTUMAWA NG malakas si kuya Ace. Ako naman ay napakunot ang noo sa sinabi ni manong. Hanudaw? Tatanggalin nya sa kumpanya nya si kuya Ian kapag nanligaw sa akin at sinagot ko. Narinig ko namang mahina syang napamura. "Sobrang strict naman ni manong Dan." Natatawa pang sabi ni kuya Ace. "Shut up Ace!" Asik ni manong kay kuya Ace na kunwari namang zinipper ang bibig. "I'm serious, kapag nanligaw yang lalaking yan sa'yo at sinagot mo tatanggalin ko yan sa kumpanya." Pagbabala nya ulit sa akin. "Bata ka pa, hindi ka pa pwedeng magpaligaw naiintindihan mo?" Dagdag pa nya sa istriktong tono. Seryosong seryoso ang mukha nya.Nagugulumihanang nakatingin lang ako sa kanya. Tumikhim naman si kuya Ace. "Makinig ka kay manong Dan Maggie kung ayaw mong mapalo sa pwet." Tiningnan ni manong si kuya Ace ng masama na ikinatahimik ulit nya. Kagat kagat nya ang labi at may naglalarong ngiti.Akmang sasagot ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni nanay na nasa kabilang lamesa kasama si tat
MaggieMATULIN NA lumipas ang panahon. Nakapanganak na si ate Mikay at isang taon na ang anak nilang babae ni kuya Austin na si baby Adelline. Ako naman ay nasa unang taon na ng kolehiyo sa kursong entrepreneurship at dito na ako sa Maynila nag aaral. Pinag aaral ako ni kuya Austin. Syempre grab the opportunity na. Bihira lang ang ganitong pagkakataon na may magpapaaral ng libre.Sinukbit ko ang backpack sa likod at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hawak ko sa isang kamay ang folder na naglalaman ng report. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas syete na ng umaga. Alas otso pa naman mag uumpisa ang klase. "Morning ma'am Magz!" Magiliw na bati sa akin ni ate Jing. Isa sa mga kasambahay dito sa bahay. Kasalukuyan syang nagba-vacuum. "Morning din ate Jing." Ganting bati ko. Ka-close ko ang tatlong kasambahay dito. Mababait din naman kasi sila at gaya namin ni ate Mikay ay laking hirap din sila."Ingat sa byahe at galingan mo sa school." Pahabol na sabi pa ni ate Jing. "Opo
FIVE YEARS LATER.. DAN"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata. "Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya. "Margo anak -- ""Dadadadada!" Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa. Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila. "Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko. "Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede. "Dada mama." Daldal naman ni Dami
MAGGIETUWANG TUWA ako sa pinapanood ko sa cellphone habang kumakain ng makopa. Ala sais na ng gabi pero bigla akong naglaway sa makopa. Mabuti na lang nagpadala kahapon si ate Nika ng makopa sa driver nya. Naubos na kasi yung hiningi ni Dan noong isang linggo. Hinimas himas ko ang malaki ko ng tiyan. Walong buwan na ang tiyan ko pero nagkicrave pa rin ako. Kumuha ulit ako mg makopa sa bowl at sinawsaw sa asin. Napapaungol pa ako sa sarap ng makopa. "Maggie, anong gusto mo sa sinigang may gabi o wala?" Tanong ni manang Oreng na galing sa kusina at may suot na apron. "Yung may gabi po manang." Sabi ko. "O sige, lalagyan ko ng gabi." Aniya at bumalik na sa kusina. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood sabay tawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Isa syang korean reality show. At talaga nga namang nakakaaliw ang mga pinaggagawa ng mga cast. "Mahal, I'm home!" Lumingon ako ng marinig ang malaking boses ni Dan. Nakauwi na pala sya at may bitbit na brown bag. Mal
MAGGIE"WUHOOO! MABUHAY ang bagong sakal -- este kasal!" Malakas na boses na sabi ni kuya Pierre at tinaas ang hawak na champagne glass. "Mabuhay!" Sabay sabay na sabi naman nila kuya Austin, kuya Ace, kuya Lex, kuya Seb at Dan at pinagpingki ang mga champagne glass na hawak nila. Kami namang mga asawa na nasa tabi nila ay nagpalakpakan. Mesa yata namin ang pinakamaingay dito sa reception. Sila tatay at nanay naman ay nasa kabilang mesa kasalo sila lolo Alberto at uncle Ben. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa ibang mesa din na di malayo sa amin at maingay. Kasalo nila si Sandy at ilang mga kaklase ko noong senior high. Mabilis agad silang nagkasundo lahat. Napapansin ko pa nga si Jude at Sandy na madalas mag usap. Mukhang magkakadevelopan pa ang dalawa. Wala namang masama dahil parehas silang single. Hinapit ako ni Dan sa bewang sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya at nginitian. Ngumiti din sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. Inulan naman kami ng tuksuhan. Nag i
WEDDING DAY.. DANPABALIK BALIK ako sa salamin habang sinisipat ang hitsura ko kung ayos na. Lalo na ang barong na suot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong bagong gupit. Bagong ahit din ako kaya malinis na malinis ang mukha ko ngayon. Gusto kong maayos ang hitsura ko at gwapong gwapo kapag nagkita kami ni Maggie sa harap ng altar mamaya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako na nae-excite. Ito ang pinakahinihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni mahal. Tok! Tok! Nilingon ko ang pinto. Bumukas ito at sumilip ang binabaeng staff ng wedding planner na inupahan ko. "Sir, oras na po para bumaba." Aniya sa malambot na boses. Ngumiti ako. "Bababa na ko." Tumango lang ang staff at ngumiti saka sinarado ang pinto. Muli kong tiningnan ang sarili sa life sized mirror. Inayos ko ang manggas pati ang relong suot.Natawa ako sa sarili ko. Dati wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko sa suot ko kahit kameeting ko pa ang mga executives. Ganun ako kaconfident. P
MAGGIENAGMANO SI Dan at kuya Austin sa matandang foreigner na bagong dating. Kami namang naroon ay curious sa kung sino ang matanda. Humarap sa akin si Dan katabi ang matandang lalaki na nakangiti na. "Lo, sya ang girlfriend ko. Si Margarette Caperiña. Mahal, ang lolo ko si Alberto Acosta." Pakilala sa akin ni Dan sa matandang lalaki na lolo pala nya. Tumayo ako at nahihiyang lumapit. Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano. "Nice to meet you po sir." Magalang na sabi ko at kiming ngumiti."Lolo na lang din ang itawag mo sa akin iha and nice to meet you too. Tama nga ang apo napakaganda mo at mukhang bata pa." Magiliw na sabi ni Lolo Alberto. Bigla ay nawala ang pagkailang ko dahil sa mabait nyang ngiti. Hinapit ako ni Dan sa bewang at hinalikan sa sentido. "Ah lo, sila naman ang mga magulang ni Margarette. Si tay Berting at nay Cora." Pagpapakilala naman ni Dan sa mga magulang ko na tumayo din at lumapit. "Kamusta ho sir." Magalang na bati ni tatay at nakipag kamay kay lolo
[WARNING SPG]DANNAKAAWANG ANG labi ko at impit na umuungol habang umiindayog sa kandungan ko si Maggie. Nakahawak sya sa balikat ko at nakaawang din ang labi. Umaalog din ang malulusog nyang dibdib na kay sarap susuhin. "Fuck mahal.. ganyan nga nghh.." Ungol ko ng igiling pa nya ang balakang. Naiipit ang pagkalalaki ko sa loob nya at tila hinihigop. Nakadagdag pa sa init ng nararamdaman ko ang hitsura nya. Nakasuot sya ng uniform nya. Bukas ang blouse at nakataas ang palda hanggang bewang. Dati pantasya ko lang ang angkinin sya na suot ang uniform nya na ngayon ay nangyayari na.Sinapo ko ang dalawang dibdib nyang umaalog at piniga piga ng marahan. Sinubo ko ang isa nyang utong at sinipsip. Salit salitan kong ginawa yun sa dalawa nyang dibdib. "Ahmmm babe.. hmph! Hmmph!" Ungol nya at mabilis na nagtaas baba sa pagkalalaki ko. Nararamdaman kong mas sumisikip pa sya lalo. Anumang sandali ay labasan na naman sya. "Yes mahal, cum for me!" Daing ko. Hinawakan ko ang balakang nya at i
MAGGIEPAGLABAS NAMIN ng presinto ay sakto namang pababa ng sasakyan si ate Mikay at kuya Austin. Agad na lumapit sa akin si ate Mikay kasunod si kuya Austin. Bakas ang pag aalala sa mukha nya. "Ano nang nangyari?" Tanong agad nya. Sinipat sipat pa nya ang mukha ko at katawan. Kanina ay nag call back sya. Nasa clinic nga sila ni kuya Austin at katatapos lang ng check up. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. "Ayos na ate, hindi ako makukulong." Nakangiwing sabi ko. Natatakot akong baka pagalitan nya ako tapos isumbong kanila tatay at nanay. "Dan pare kamusta?" Tanong naman ni kuya Austin."Nakipag areglo na lang si tita Gina at Camila. Takot silang sampahan ko rin sila ng kaso sa pananakit nila kay Maggie. Hindi na sila magsasampa. Pero sinagot ko na rin ang pampagamot ni Camilla." Sabi ni Dan. "Malala ba ang lagay ng Camilla na yun at talagang binalak pa nilang sampahan ng kaso ang kapatid ko?" Tanong naman ni ate Mikay."Paling ang ilong at putok ang labi." Sagot ni Dan. Napayuko na
MAGGIE"AY JUSKO! Camilla anak!" Natatarantang dinaluhan ng ginang si Camilla na nakabulagta at tulog. Lumapit naman ang ibang naroon at nakiusyoso. "Ay nakatulog." "Buti nga. Matapobre eh." "Bagay lang yan sa kanya. Masama ugali." "Wala pala sya eh." "Dapat pati yang matapobreng nanay inumbagan din eh." Mga komento ng mga naroon. Lumapit naman si ate Pinky at ibang mga crew ng coffee shop para saklolohan si Camill'ang nakabulagta. "Omg ka baks! Pinacquiao mo si Mystica." Bulalas ni Lily ng makalapit sa akin. Doon naman ako tila nahimasmasan sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang pananakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok kay Camilla. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakabulagta. Dapat sampal lang yun eh. Di ko alam bakit naging suntok. Kinakabahang nilingon ko si Lily. "B-Baks hindi ko sinasadyang masuntok sya. Dapat sampal lang yun eh." "Dapat naman talaga suntok baks. Bruhang babae yan eh. Buti nga sa kanya. Galing mong sumuntok." Pabulong na sabi niya na tuwang tuwa pa.
DANNGITING NGITI AKO habang tutok ang mata sa kalsada at tumatango tango sa anumang sabihin ni Maggie. Nakayakap sya sa braso ko at nakahilig ang pisngi. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa isang hita nya. Simula ng may nangyari sa amin isang linggo na ang nakakaraan ay naging clingy na sya sa akin na syang gustong gusto ko naman. Wala syang pasok ngayong araw na to pero may lakad sila ng kaibigan nya. Kaya sinundo ko na rin sya para ihatid sa meeting place nila."Kapag nakapag ipon na ako magtatayo talaga ako ng grocery sa amin sa probinsya. Para hindi na babyahe sa kabilang bayan ang mga taga sa amin para lang bumili ng supply nila." Aniya. Sinasabi nya sa akin ang mga plano nya kapag nakagraduate sya at nagkatrabaho. Inaalok ko nga syang sa akin na lang magtrabaho pero ayaw naman nya. Ayaw nya dahil lagi ko lang daw syang papaboran. Ayaw nyang magkaroon ng conflict sa mga emplayado kung sakali dahil lang sa akin. Naiintindihan ko naman sya. Isa din yun sa nagustuhan ko sa k