MaggieTUMAWA NG malakas si kuya Ace. Ako naman ay napakunot ang noo sa sinabi ni manong. Hanudaw? Tatanggalin nya sa kumpanya nya si kuya Ian kapag nanligaw sa akin at sinagot ko. Narinig ko namang mahina syang napamura. "Sobrang strict naman ni manong Dan." Natatawa pang sabi ni kuya Ace. "Shut up Ace!" Asik ni manong kay kuya Ace na kunwari namang zinipper ang bibig. "I'm serious, kapag nanligaw yang lalaking yan sa'yo at sinagot mo tatanggalin ko yan sa kumpanya." Pagbabala nya ulit sa akin. "Bata ka pa, hindi ka pa pwedeng magpaligaw naiintindihan mo?" Dagdag pa nya sa istriktong tono. Seryosong seryoso ang mukha nya.Nagugulumihanang nakatingin lang ako sa kanya. Tumikhim naman si kuya Ace. "Makinig ka kay manong Dan Maggie kung ayaw mong mapalo sa pwet." Tiningnan ni manong si kuya Ace ng masama na ikinatahimik ulit nya. Kagat kagat nya ang labi at may naglalarong ngiti.Akmang sasagot ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni nanay na nasa kabilang lamesa kasama si tat
MaggieMATULIN NA lumipas ang panahon. Nakapanganak na si ate Mikay at isang taon na ang anak nilang babae ni kuya Austin na si baby Adelline. Ako naman ay nasa unang taon na ng kolehiyo sa kursong entrepreneurship at dito na ako sa Maynila nag aaral. Pinag aaral ako ni kuya Austin. Syempre grab the opportunity na. Bihira lang ang ganitong pagkakataon na may magpapaaral ng libre.Sinukbit ko ang backpack sa likod at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hawak ko sa isang kamay ang folder na naglalaman ng report. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas syete na ng umaga. Alas otso pa naman mag uumpisa ang klase. "Morning ma'am Magz!" Magiliw na bati sa akin ni ate Jing. Isa sa mga kasambahay dito sa bahay. Kasalukuyan syang nagba-vacuum. "Morning din ate Jing." Ganting bati ko. Ka-close ko ang tatlong kasambahay dito. Mababait din naman kasi sila at gaya namin ni ate Mikay ay laking hirap din sila."Ingat sa byahe at galingan mo sa school." Pahabol na sabi pa ni ate Jing. "Opo
Maggie AKMANG TATAWAGIN ko si manong ng biglang umusad ang jeep na sinasakyan ko. Kaya tinanaw ko na lang ng tingin ang kotseng itim na lulan nito at ng babae. Kelan ko ba sya huling nakita? Noong kasal yata ni ate Mikay. Pagkatapos nun ay wala na akong balita sa kanya, hindi na rin sya sumasama kanila ate Mikay at kuya Austin paguwi sa probinsya. Hinahanap nga sya ni tatay at nanay pero sobrang busy daw sya sa mga negosyo nya ayon kay kuya Austin. Pero mukhang hindi lang sya sa mga negosyo nya busy kundi pati sa girlfriend nya. Hmp! Pakelam ko ba? Inalis ko na sa isip ko si manong at ang jowa nya. Inaliw ko na lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa labas ng bintana ng jeep. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si ate Mikay at baby Adelline sa sala na naglalaro. Ng makita ako ni baby Adelline ay agad nitong binitawan ang hawak na laruan at tumakbong lumapit sa akin. "Tata!" Salubong nya sa akin sabay taas ng dalawang braso. Pero imbes na buhatin ay lumayo ako. Kagagaling ko la
Maggie BAHAGYANG NAPAAWANG ang labi ko habang nakatingalang nakatingin din kay manong Dan na nakatayo sa harapan ko. Ilang dangkal lang ang pagitan namin. Naaamoy ko ang gamit nyang pabango na masarap sa ilong. Mahigit isang taon ko na rin syang hindi nakikita. Alam kong gwapo na sya noon pero parang mas gumuwapo pa sya ngayon sa kabila ng edad nya. Mapupungay ang mga matang kulay tsokolate na mangasulngasul kapag tinatamaan ng liwanag, malalantik na pilik mata, matangos na ilong na parang sa banyaga, manipis na labi na mamula mula, medyo pangahan na binagayan pa ng balbas at bigote nyang patubo. Alam ko magkasing edad lang sila ni kuya Austin eh."Bakit nandito ka?" Kunot noong tanong nya na di pa rin inaalis ang tingin sa akin. Napakunot noo na rin ako sa tanong nya. "Dito ako nakatira." Sagot ko "Yeah.. Pero.. kelan ka pa nandito?" Tanong uli nya na parang hindi talaga makapaniwala na nandito ako. "Matagal na. Ilang buwan na." Lalong nangunot ang noo ko sa tanong at reaksyon n
MAGGIENAPATANGA AKO sa sinabi ni manong. Sinusundo daw nya ako. "Bakit mo ko sinusundo? Asan si manong Sitong?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Kung may magsusundo man sa akin ay si manong Sitong dapat yun. Ang driver ni kuya Austin."Wala sya. May ginagawa kaya ako na ang susundo sa'yo." Pormal na sabi nya. Kahit nakasuot pa ng itim na itim na shades ay ramdam ko ang init ng tingin nya sa akin. Ano na naman kaya ang trip nya at bigla akong sinundo? O baka naman inutusan sya ni kuya Austin."Inutusan ka ba ni kuya Austin na sunduin ako?" Tanong ko.Kumamot sya sa ulo. "Oo, baka daw kasi gabihin ka." Tiningnan ko naman ang suot na relo. Pasado alas singko na nga ng hapon. Bumuntong hininga ako at hinarap si Lili at Kokoy. Si Lili ay parang namatanda na titig na titig kay manong. Siniko ko sya. "Mauna na ako sa inyong dalawa." Paalam ko sa kanila. Tumango naman si Kokoy at kumaway pa. Si Lili naman ay kumaway din sa akin bagama't hindi pa rin inaalis ang tingin kay manong. Napaili
DANPASIPOL SIPOL ako habang binabasa ang proposal na binigay ni Austin sa akin. Nandito ako sa office nya para personal na pag usapan ang pinaplano naming collaboration sa bagong project ng kumpanya ko. "Mukhang good mood na good ka ngayon ah." Untag ni Austin sa akin.Ngumisi ako. "Maganda lang ang gising ko." Ngumisi din sya. "Yung hitsura mo para kang nakarating sa ikapitong langit kagabi." Natawa ako sa sinabi nya. Ganun ba ang hitsura ko ngayon? Maganda lang talaga ang mood ko pagkagising ko kahit medyo kulang sa tulog. "Sya nga pala pare, nagpaalam sa amin ni Mika si Maggie. Mamamasyal daw kayo sa linggo." Nag angat ako ng tingin sa kanya pero mabilis din nagbaba ng tingin ng masalubong ko ang matiim nyang mata. "Oo, sinabi nya kasing hindi pa sya gaanong nakakapamasyal dito sa Manila. Marami daw syang gustong puntahan eh wala naman daw syang kasama. Nahihiya naman daw syang mangistorbo sa inyong mag asawa. Eh naawa naman ako kaya nagpresinta na akong samahan syang mamasy
MAGGIEANG LAKAS ng kalabog ng dibdib ko. Sinundan ko ng tingin ang asong papalayo."Ano ba yan manong? Muntik na tayong makasagasa ng aso. Hindi ka kasi tumitingin sa kalsada eh." Sermon ko kay manong. "Bakit ako? Ikaw yung nagtatanong sa akin dyan na tingnan ko yung labi mo kung masyadong mapula eh." Angal nya. "Eh ang bagal mong sumagot eh, nakatitig ka lang." "Tsk!" Palatak nya at hindi na nagsalita. Pinausad na nya ang sasakyan. Tinatahak na namin ngayon ang malawak na kalsada ng metro manila. "Bakit ba kasi naglalagay ka pa ng ganyan?" Biglang tanong nya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Ngumuso ako. "Syempre para maganda ako." "Hindi mo na kailangan ng ganyan dahil maganda ka na." Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala na sinabihan nya akong maganda. Baka inuuto lang nya ako. Ngumuso ako. "Weh di nga? Sabi mo noong una tayong nagkita sa bahay pangit ako." Lumingon sya sa akin at ngumisi. "Nagbibiro lang ako nun." Tinaasan ko sya ng kilay. "Talaga
MAGGIE"NAG ENJOY ka ba?" Tanong sa akin ni ate pagpasok ko ng gate. "Oo ate, marami din kaming napuntahan at marami din akong nakain." Nakangiting sabi ko. "Mukhang naspoil ka ni Dan ah." Nakangising sabi ni ate at tiningnan ang sasakyan ni manong na nasa labas pa rin ng gate. Nilingon ko rin ito at muling kinawayan. Pinaandar na nito ang sasakyan at bumusina. Hinintay muna naman ito ni ate na umalis bago pumasok sa loob. "O hipag andyan ka na pala. Kamusta ang date -- este pamamasyal ninyo ni pareng Dan?" Bati at tanong sa akin ni kuya Austin. Buhat buhat nya si baby Adelline na dumedede sa bote at mukhang inaantok na. "Ayos lang kuya, sobrang nag enjoy ako. Busog na busog nga rin ako eh." Nakangiting sabi ko. "Mabuti naman dahil kung hindi isusumbong ko yun kay tatay." Nakangising sabi ni kuya Austin. "Mabait naman si manong at galante, malakas lang talaga mang asar." "Nakukyutan lang kasi sa'yo yun kaya inaasar ka." Ngumuso ako. Ngayon ko lang narealize. Siguro nga. "Hind
FIVE YEARS LATER.. DAN"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata. "Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya. "Margo anak -- ""Dadadadada!" Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa. Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila. "Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko. "Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede. "Dada mama." Daldal naman ni Dami
MAGGIETUWANG TUWA ako sa pinapanood ko sa cellphone habang kumakain ng makopa. Ala sais na ng gabi pero bigla akong naglaway sa makopa. Mabuti na lang nagpadala kahapon si ate Nika ng makopa sa driver nya. Naubos na kasi yung hiningi ni Dan noong isang linggo. Hinimas himas ko ang malaki ko ng tiyan. Walong buwan na ang tiyan ko pero nagkicrave pa rin ako. Kumuha ulit ako mg makopa sa bowl at sinawsaw sa asin. Napapaungol pa ako sa sarap ng makopa. "Maggie, anong gusto mo sa sinigang may gabi o wala?" Tanong ni manang Oreng na galing sa kusina at may suot na apron. "Yung may gabi po manang." Sabi ko. "O sige, lalagyan ko ng gabi." Aniya at bumalik na sa kusina. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood sabay tawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Isa syang korean reality show. At talaga nga namang nakakaaliw ang mga pinaggagawa ng mga cast. "Mahal, I'm home!" Lumingon ako ng marinig ang malaking boses ni Dan. Nakauwi na pala sya at may bitbit na brown bag. Mal
MAGGIE"WUHOOO! MABUHAY ang bagong sakal -- este kasal!" Malakas na boses na sabi ni kuya Pierre at tinaas ang hawak na champagne glass. "Mabuhay!" Sabay sabay na sabi naman nila kuya Austin, kuya Ace, kuya Lex, kuya Seb at Dan at pinagpingki ang mga champagne glass na hawak nila. Kami namang mga asawa na nasa tabi nila ay nagpalakpakan. Mesa yata namin ang pinakamaingay dito sa reception. Sila tatay at nanay naman ay nasa kabilang mesa kasalo sila lolo Alberto at uncle Ben. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa ibang mesa din na di malayo sa amin at maingay. Kasalo nila si Sandy at ilang mga kaklase ko noong senior high. Mabilis agad silang nagkasundo lahat. Napapansin ko pa nga si Jude at Sandy na madalas mag usap. Mukhang magkakadevelopan pa ang dalawa. Wala namang masama dahil parehas silang single. Hinapit ako ni Dan sa bewang sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya at nginitian. Ngumiti din sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. Inulan naman kami ng tuksuhan. Nag i
WEDDING DAY.. DANPABALIK BALIK ako sa salamin habang sinisipat ang hitsura ko kung ayos na. Lalo na ang barong na suot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong bagong gupit. Bagong ahit din ako kaya malinis na malinis ang mukha ko ngayon. Gusto kong maayos ang hitsura ko at gwapong gwapo kapag nagkita kami ni Maggie sa harap ng altar mamaya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako na nae-excite. Ito ang pinakahinihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni mahal. Tok! Tok! Nilingon ko ang pinto. Bumukas ito at sumilip ang binabaeng staff ng wedding planner na inupahan ko. "Sir, oras na po para bumaba." Aniya sa malambot na boses. Ngumiti ako. "Bababa na ko." Tumango lang ang staff at ngumiti saka sinarado ang pinto. Muli kong tiningnan ang sarili sa life sized mirror. Inayos ko ang manggas pati ang relong suot.Natawa ako sa sarili ko. Dati wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko sa suot ko kahit kameeting ko pa ang mga executives. Ganun ako kaconfident. P
MAGGIENAGMANO SI Dan at kuya Austin sa matandang foreigner na bagong dating. Kami namang naroon ay curious sa kung sino ang matanda. Humarap sa akin si Dan katabi ang matandang lalaki na nakangiti na. "Lo, sya ang girlfriend ko. Si Margarette Caperiña. Mahal, ang lolo ko si Alberto Acosta." Pakilala sa akin ni Dan sa matandang lalaki na lolo pala nya. Tumayo ako at nahihiyang lumapit. Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano. "Nice to meet you po sir." Magalang na sabi ko at kiming ngumiti."Lolo na lang din ang itawag mo sa akin iha and nice to meet you too. Tama nga ang apo napakaganda mo at mukhang bata pa." Magiliw na sabi ni Lolo Alberto. Bigla ay nawala ang pagkailang ko dahil sa mabait nyang ngiti. Hinapit ako ni Dan sa bewang at hinalikan sa sentido. "Ah lo, sila naman ang mga magulang ni Margarette. Si tay Berting at nay Cora." Pagpapakilala naman ni Dan sa mga magulang ko na tumayo din at lumapit. "Kamusta ho sir." Magalang na bati ni tatay at nakipag kamay kay lolo
[WARNING SPG]DANNAKAAWANG ANG labi ko at impit na umuungol habang umiindayog sa kandungan ko si Maggie. Nakahawak sya sa balikat ko at nakaawang din ang labi. Umaalog din ang malulusog nyang dibdib na kay sarap susuhin. "Fuck mahal.. ganyan nga nghh.." Ungol ko ng igiling pa nya ang balakang. Naiipit ang pagkalalaki ko sa loob nya at tila hinihigop. Nakadagdag pa sa init ng nararamdaman ko ang hitsura nya. Nakasuot sya ng uniform nya. Bukas ang blouse at nakataas ang palda hanggang bewang. Dati pantasya ko lang ang angkinin sya na suot ang uniform nya na ngayon ay nangyayari na.Sinapo ko ang dalawang dibdib nyang umaalog at piniga piga ng marahan. Sinubo ko ang isa nyang utong at sinipsip. Salit salitan kong ginawa yun sa dalawa nyang dibdib. "Ahmmm babe.. hmph! Hmmph!" Ungol nya at mabilis na nagtaas baba sa pagkalalaki ko. Nararamdaman kong mas sumisikip pa sya lalo. Anumang sandali ay labasan na naman sya. "Yes mahal, cum for me!" Daing ko. Hinawakan ko ang balakang nya at i
MAGGIEPAGLABAS NAMIN ng presinto ay sakto namang pababa ng sasakyan si ate Mikay at kuya Austin. Agad na lumapit sa akin si ate Mikay kasunod si kuya Austin. Bakas ang pag aalala sa mukha nya. "Ano nang nangyari?" Tanong agad nya. Sinipat sipat pa nya ang mukha ko at katawan. Kanina ay nag call back sya. Nasa clinic nga sila ni kuya Austin at katatapos lang ng check up. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. "Ayos na ate, hindi ako makukulong." Nakangiwing sabi ko. Natatakot akong baka pagalitan nya ako tapos isumbong kanila tatay at nanay. "Dan pare kamusta?" Tanong naman ni kuya Austin."Nakipag areglo na lang si tita Gina at Camila. Takot silang sampahan ko rin sila ng kaso sa pananakit nila kay Maggie. Hindi na sila magsasampa. Pero sinagot ko na rin ang pampagamot ni Camilla." Sabi ni Dan. "Malala ba ang lagay ng Camilla na yun at talagang binalak pa nilang sampahan ng kaso ang kapatid ko?" Tanong naman ni ate Mikay."Paling ang ilong at putok ang labi." Sagot ni Dan. Napayuko na
MAGGIE"AY JUSKO! Camilla anak!" Natatarantang dinaluhan ng ginang si Camilla na nakabulagta at tulog. Lumapit naman ang ibang naroon at nakiusyoso. "Ay nakatulog." "Buti nga. Matapobre eh." "Bagay lang yan sa kanya. Masama ugali." "Wala pala sya eh." "Dapat pati yang matapobreng nanay inumbagan din eh." Mga komento ng mga naroon. Lumapit naman si ate Pinky at ibang mga crew ng coffee shop para saklolohan si Camill'ang nakabulagta. "Omg ka baks! Pinacquiao mo si Mystica." Bulalas ni Lily ng makalapit sa akin. Doon naman ako tila nahimasmasan sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang pananakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok kay Camilla. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakabulagta. Dapat sampal lang yun eh. Di ko alam bakit naging suntok. Kinakabahang nilingon ko si Lily. "B-Baks hindi ko sinasadyang masuntok sya. Dapat sampal lang yun eh." "Dapat naman talaga suntok baks. Bruhang babae yan eh. Buti nga sa kanya. Galing mong sumuntok." Pabulong na sabi niya na tuwang tuwa pa.
DANNGITING NGITI AKO habang tutok ang mata sa kalsada at tumatango tango sa anumang sabihin ni Maggie. Nakayakap sya sa braso ko at nakahilig ang pisngi. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa isang hita nya. Simula ng may nangyari sa amin isang linggo na ang nakakaraan ay naging clingy na sya sa akin na syang gustong gusto ko naman. Wala syang pasok ngayong araw na to pero may lakad sila ng kaibigan nya. Kaya sinundo ko na rin sya para ihatid sa meeting place nila."Kapag nakapag ipon na ako magtatayo talaga ako ng grocery sa amin sa probinsya. Para hindi na babyahe sa kabilang bayan ang mga taga sa amin para lang bumili ng supply nila." Aniya. Sinasabi nya sa akin ang mga plano nya kapag nakagraduate sya at nagkatrabaho. Inaalok ko nga syang sa akin na lang magtrabaho pero ayaw naman nya. Ayaw nya dahil lagi ko lang daw syang papaboran. Ayaw nyang magkaroon ng conflict sa mga emplayado kung sakali dahil lang sa akin. Naiintindihan ko naman sya. Isa din yun sa nagustuhan ko sa k