Share

Chapter 2

Author: Lhiamaya
last update Huling Na-update: 2022-12-15 09:14:06

Maggie

AWANG AWA AKO kay ate Mikay sa kalagayan nya ngayon. Nabuntis sya ng isang manilenyo. Naging katulad sya ng ibang dalagang taga dito na nakipagsapalaran sa Manila at umuwing buntis.  Pero hindi naman namin sya sinisisi. Siguro ay mahal nya yung lalaki kaya nagawa nyang ibigay ang sarili nya. 

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ni ate Mikay. Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya. Namiss ko sya ng sobra.

"Ate, gising ka pa?" Tanong ko at dinikit ang tenga sa pinto para pakinggan kung gising pa sya, baka kasi tulog na makaistorbo lang ako. Pero may narinig akong singhot. Umiiyak sya?

"Ate?" Kinatok ko ulit ang pinto.

"Bukas yan Maggie, pasok ka." Medyo ngongo ang boses na sabi nya.

Mukhang umiiyak nga sya!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Naabutan ko syang pasimpleng nagpupunas ng ilong at matang namumula na. Nag alala naman ako.

"Ate ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?"

Umiling sya kasabay ng luha nyang muling pumatak. Mas lalo lang tuloy akong nag alala.

"Eh bakit ka umiiyak?"

Tumingin sya sa akin at mapait na ngumiti.

"Nalulungkot lang ako." Basag ang boses na sabi nya.

Bumuntong hininga ako. Halata naman eh. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod nya. Sobrang close namin ni ate at nalulungkot din ako na makitang nalulungkot din sya ng ganito. Sa aming dalawa ni ate ito ang pinakamabait at mahinhin. Opposite ang ugali naming dalawa. Kung may pagkakaparehas man kami yun ay ang pagmamahal namin sa mga magulang namin at pagiging masipag.

"I-I'm sorry.." Sambit nya at tumingin sa akin. "Binigo ko kayo."

Ngumiti ako sa kanya. "Wag mo ng isipin yun ate, hindi mo kami binigo."

Umiling iling sya habang sumisinghot. "Nahihiya ako sa inyo nila tatay at nanay. Ako na nga lang ang inaasahan nyo nabigo ko pa kayo at heto umuwing buntis." Muli syang ngumiti ng mapait.

"Ate."

"Pasensya ka na Maggie mukhang hindi ako makakatulong sa pagaaral mo. Pero wag kang mag alala maghahanap din ako agad ng trabaho sa bayan. Kahit anong trabaho papasukin ko kahit maliit ang sweldo."

"Ate, wag mo na kaming intindihan nila tatay at nanay. Yung sarili mo muna at ng baby mo ang isipin mo." Pag aalo ko sa kanya.

"Hindi pwedeng hindi ko kayo intindihan. Lalo na ang mga gamot ni tatay na ang mamahal pa naman."

Bumuntong hininga ako. "Kayang kayang itawid yan ate. Nakita mo yung tindahan natin? Malakas ang benta nun at kumikita rin talaga sa isang araw. Yung mga kakanin naman ni nanay lumalakas na din ang kita. Nagpapaorder din ako sa school pambaon ko para hindi na ako manghingi kay nanay. Sa pagkain naman natin, wala naman tayong poproblemahin dahil may mga tanim naman tayong gulay." Sabi ko sa kanya. Gusto ko lang ipaintindi sa kanya na lahat ng problema ay may solusyon.

Muli syang tumingin sa akin at ngumiti bagama't malungkot pa rin ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mga mata. Obvious naman na hindi lang sya malungkot dahil sa wala na syang trabaho, malungkot din sya panigurado dahil sa tatay ng baby sa tiyan nya. Malamang nga yun din ang dahilan kung bakit sya umiiyak. Naku pasalamat talaga ang lalaking yun nasa malayo sya kundi yari talaga sya kay tatay.

Wala naman akong maipapayo sa kanya. Dahil ano ba naman ang malay ko sa  ganyan. Ang tanging magagawa ko lang ay samahan sya at iparamdam na may karamay sya at hindi nag iisa.

"Wag ka ng masyadong mag isip at umiyak ate mai-stress ka lang nyan eh. Ayun sa napapanood ko masama daw sa buntis ang nai-stress. Sige ka baka lumabas ang pamangkin ko na mukha ding stress in short panget." Birong pananakot ko sa kanya.

Natawa naman sya sabay singhot. "Oo na."

"Yown! Ang problema kapag lagi mong iniisip lalo ka lang mamomroblema, parang nadadagdagan pa. Ang ending papangit ka lang."

Sa bandang huli ay medyo nagiging maaliwalas na ang mukha nya. Panay na rin ang ngiti at tawa nya sa mga kwento kong kalokohan. Kinuwentuhan ko lang sya ng kinuwentuhan para maaliw.

Dan

HINDI PA AKO nakakatatlong hakbang papalabas ng club bar ng may malambot na kamay na pumigil sa braso ko.

"Where are you going?" Malamyos na boses na tanong sa akin ni Evangeline. Mapungay na ang kanyang mga mata dahil sa iniinom na alak pero hindi pa naman ito lasing gaya ng dalawa pa nyang kaibigan na babae na kasama nya.

"I'm going home." Sabi ko at sinipat pa ang oras sa relo. Pasado alas nuebe na ng gabi.

Maaga pa naman talaga para umuwi. Pero wala akong kasamang uminom dahil ang mga kaibigan ko ay may kanya kanya yatang mga lakad at hindi sumipot. Mainam na rin yung umuwi na ako habang hindi pa lasing. Mahirap na.

"Going home? Seryoso ka? Maaga pa ah!" Natatawang sabi ni Evangeline. Nakitawa na rin ang dalawa nyang kaibigan.

Si Evangeline ay isa din sa mga babaeng nakadate ko at may ilang beses ding may nangyari sa amin. Pero dumistansya sya sa akin simula ng away awayin sya ni Lauren dahil sa selos. At noong nalaman nya na lumipad na pa-Amerika si Lauren ay agad nya akong kinontak sa pag aakala nya na kailangan ko ng kadamay. Hanggang sa nangungulit na nga sya sa akin at pinupuntahan pa ako kung minsan sa office. Pinagbigyan ko na sya ng isang beses para tumigil sya pero lalo lang nangulit. At mukhang inabangan pa nga ako dito sa club bar.

"Kailangan. Maaga pa ako bukas sa office eh. May meeting pa akong dadaluhan." Sabi ko.

Ngumuso sya na tila nagpapacute. "Ikaw naman ang may ari ng kumpanya mo eh. Kaya ok lang siguro na malate ka. Samahan mo muna ako dito please." Malambing na ungot nya at lumapit pa ng husto sa akin. Halos dumikit na sa katawan ko ang s**o nyang hindi natural. Ang kamay nya ay nanghihibong humahaplos sa braso ko. Kinuha ko ito at inalis sa braso ko. Kahit sinong lalaki ay titigasan sa pang aakit nya. Ngunit sa parte ko ay wala akong maramdaman ngayon. Ni hindi nga nagreact ang nasa loob ng pantalon ko eh. Siguro ay nanawa na rin ito sa kanya dahil sa kakulitan. Tama na ang pinagbigyan ko uli sya ng isang beses. Baka lalo lang syang maghabol sa akin kapag pinagbigyan ko sya ulit.

Hinawakan ko ang kamay nya at inalis sa braso ko. "Sorry Evangeline, next time na lang siguro. Excuse me."  Sabi ko at muling humakbang palabas ng club. Dinig ko pa ang pagtawag nya sa akin. Nagkunwari na lang akong hindi sya naririnig.

NASA KASARAPAN na ako ng pagtulog ng maalimpungatan dahil sa tunog ng cellphone ko. Antok na antok na kinapa ko ito sa ibabaw ng night stand. Nang maramdaman na ito ng kamay ko ay kinuha ko ito. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot ito.

"Hello." Antok na antok at magaspang na boses na bati ko sa kabilang linya.

"Dan pare, I need your help."

"Huh?" Kunot noong nilayo ko ang cellphone sa tenga at tiningnan kung sino ang tumawag. "Austin." Shit! Antok na antok pa talaga ako.

"Yeah."

Kinusot ko ang mga mata ng daliri. Tiningnan ko ang oras sa malaking costumize wall clock. Ala una na ng madaling araw.

Napaungol ako. "What help do you want? Gabing gabi na, nasa kasarapan na ako ng tulog."

"Puntahan mo ko dito."

"Ha? Saan? Sa bahay mo?" Mukhang balak pa yata nyang gumimik.

"Nope, I'm in somewhere.. I don't know.. Di ko alam kung nasaan lugar na ako."

"Ano? Ang gulo mo pare. Lasing ka ba?" Napapakamot sa ulong sabi ko. Hindi naman sya boses lasing. Pero parang problemado sya.

"Hindi ako lasing. Basta nandito ako sa isang highway, hindi ko lang alam ang eksaktong lugar. Papunta akong Isabela."

"Isabela? Ano naman ang gagawin mo sa Isabela at sa ganitong oras bumiyahe ka pa?" Sermon ko sa kanya habang kumakamot sa ulo.

"Basta! Puntahan mo na lang ako, ikwento ko na lang sa'yo mamaya."

Napamura ako. "Istorbo ka naman pare, inaantok pa ko eh." Angal ko.

May sinabi pa sya sa kabilang linya.

"Oo na sige na. Pupunta na ko dyan. Buksan mo lang ang gps mo para ma-track kita."

"Thanks pare."

"Wag kang mag-thank you, sisingilin kita." Sabi ko sabay patay ng cellphone. Kahit gustong gusto ko pang matulog ay hindi ko naman pwedeng pabayaan ang kaibigan kong yun.

Tumayo na ako tinungo ang walk-in closet. Humugot ako ng t-shirt na puti at pantalon saka sinuot. Kinuha ko sa shoe rack ang combat boots at mabilis din itong sinuot. Humugot ako ng isang jacket at lumabas na ng walk in closet. Dinampot ko ang mga susi ng mga sasakyan ko na nakapatong sa night table pati na rin ang cellphone at agad ng lumabas ng kwarto.

Raptor ang napili kong gamitin dahil mas convenient itong gamitin sa mahaba habang byahe. Binuhay ko ang makina at minaniobra na palabas ng driveway. Automatic naman na bumukas ang gate. At ng tuluyan ng makalabas ay pinasibad ko na ito. Iti-text ko na lang mamaya si manang Oreng. Binuhay ko ang cellphone para i-track ang kinaroroonan ni Austin. Napapakamot pa ako sa ulo.

one hour later..

IPINARADA KO ang raptor ko sa harapan ng kotse ni Austin. Bumaba na ako ng hindi pinapatay ang makina. Malayo na tong lugar na to papuntang Norte. Puro talahib ang nasa paligid bagama't may mga ilaw naman ang mga poste.

"Anyare pare? Tumirik ba ang kotse mo?" Tanong ko sa kanya ng lumapit ako at tinapik sya sa braso. Mukha nga syang problemado, gulo gulo pa ang buhok.

"Na-flat yung isang gulong. Wala akong dalang spare tire." Kunot noong sabi nya at namaywang. Sinipa sipa pa nya ang na-flat na gulong.

"Tsk tsk! Hindi mo naman sinabi nung tumawag ka na-flat-an ka pala ng gulong. Eh di sana nagdala ako ng spare tire." Kakamot kamot sa ulong sabi ko.

"Pasensya na pare, nawala sa isip ko."

Tumango tango ako. "Hilahin na lang natin yan sa kalapit na gasolinahan at dun muna natin iwan. Wala ng bukas na talyer ngayon. Samahan na lang kita kung saan ka man pupunta."

"Salamat pare, nagmamadali na rin talaga ako eh."

Kinuha ko na ang lubid na nasa malaking tool box sa likod ng raptor ko. Buti na lang lagi akong handa.

"Sabi mo pupunta ka ng Isabela. Ano ba gagawin mo dun?" Tanong ko sa kanya habang tinatali na ang lubid sa nguso ng mamahalin nyang kotse.

"Susunduin ko si Mika."

Si Mika ay ang magandang kasambahay nya na inakit nya kaya naging girlfriend nya.

"Pero gabing gabi na pare, pwede mo namang bukas na sya sunduin." Sabi ko at itinali naman ang kabilang dulo ng lubid sa likod ng raptor ko.

"Hindi pwede, kailangan ngayon na."

"Madaling madali ka ah! Hindi na makapag hintay ng bukas." Ngunit natigilan ako ng may naisip. "Teka, nag away ba kayo?" Tanong ko sa kanya at nilingon sya sabay ngisi. 

Bumuntong hininga naman sya. "Hindi lang kami nagkaintindihan." Sabi nya.

Napailing iling ako. Ngayon ko lang itong nakitang mamroblema ng ganito sa babae. At ngayon ko lang din ito nakitang naghabol. Mukhang seryoso na nga talaga ito sa nobya nya.

Ng maitali ko na ng maayos ang sasakyan nya ay inalis na namin ito sa lugar na yun at tinungo ang pinakamalapit na gasolinahan. Ibinilin muna namin iyon sa mga attendant doon. Syempre binigyan din namin sila ng tip para mabantayang maigi. 

"Teka, alam mo ba ang eksaktong address ng bahay ng nobya mo?" Tanong ko sa kanya habang tinatahak na namin ang daan pa Norte. Siguradong umaga na kami makakarating ng Isabela mabuti na lang at may mga alam akong short cut.

"Oo." Tipid na sagot nya at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. Halatang pagod sya at mukhang wala pang pahinga.

"Pwede mo namang gamitin ang company helicopter nyo para mabilis kang makarating sa bahay ng nobya mo."

"Gabi na masyado baka mahirapan ang piloto."

Nilingon ko sya. "Pwede rin naman bukas mo na lang syang puntahan."

"Hindi pwede, kailangan nya ako pare. Buntis sya."

"What?" Bulalas ko. Tama ba ang narinig ko? Buntis na si Mika?

Tumingin sya sa akin. "Buntis si Mika pare, magkakababy na kami." Aniya sabay ngiti.

"Oh wow. Ginulat mo naman ako pare. Congrats! Talagang sumunod ka na sa yapak ni Pierre ha." Natatawang sabi ko. Talagang nagulat ako sa binalita nya. Well, nasa tamang edad naman na sya para magkapamilya. Magkaedad lang pala kami, pero wala pa sa isip ko ang magkapamilya. Enjoy pa ako sa pagiging binata.

"Wala pa naman talaga sa plano ko ang mabuntis sya, pero nangyari na. At iniisip nya siguro na ayaw ko sa baby namin kaya nya ako nilayasan. Kasalanan ko rin naman eh. Kaya kailangan ko talaga syang puntahan para kausapin at ibalik sa bahay ko."

"So anong plano mo sa kanya at sa baby nyo?" Usisa ko.

"I'll marry her of course." Mabilis na sagot nya.

Napasipol naman ako.

"I love her pare." Dugtong nya.

Muli akong napasipol. Tinamaan na nga talaga sya.

"Sya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mali, sya lang ang babaeng minahal ko. Ayokong mawala sya sa akin."

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagkomento. Malay ko ba sa mahal mahal na yan. Hindi ko pa yan naranasan sa kahit sinong babae.

Paputok na ang araw ng makarating na kami ng Isabela. Pinuntahan namin ang bayan kung saan nakatira ang nobya nya at nagtanong tanong sa mga taong dumadaan. Ng makarating na kami sa baranggay kung nasaan ang address ay nagtanong tanong ulit kami.

"Magandang umaga po, pwede pong magtanong?" Tanong ko sa aleng  may bitbit na basket na may lamang mga sariwang gulay.

"Ano iyon iho?"

"May kilala po kayong Mecaela -- " Binalingan ko si Austin. "Ano nga ulit apelido ni Mika?"

"Caperiña." Sagot nya at nagtanong din sa mamang nagdaan.

"Mecaela Caperiña po, may kilala po kayo?"

"Mecaela Caperiña?" Ulit ng ale sa tanong ko.

Tumango tango naman ako.

"Parang pamilyar sa akin ang apelido eh."

Nabuhayan naman ako ng loob. Sa mga baranggay sa probinsya kasi ay halos magkakakilala ang mga tao.

Kinalabit ko si Austin. "Pare, pahiram ng cellphone mo ipapakita ko lang yung picture ni Mika." Inabot naman nito sa akin ang cellphone.

"Ito po sya." Sabi ko sa ale at pinakita ang picture ni Mika sa screen.

Tinaasan ko pa ang brightness ng cellphone para malinaw na makita ng ale. Kumunot ang noo ng ale.

"Ay kilala ko yan! Si Mikay yan anak ni Mang Berting at Aling Cora." Sabi ng ale.

Mukhang yun ang palayaw ni Mika dito sa kanila at mga magulang nya siguro ang tinutukoy ng ale.

"Talaga po? Saan po sila nakatira?" Si Austin na ang nagtanong.

"Nalampasan nyo na mga iho. Doon sila nakatira." Sabay turo ng ale sa nalampasan na nga naming direksyon. Bumaba naman ng raptor si Austin at tiningnan ang tinuturo ng ale.

"Yung nag iisang may tindahan sa hilera ng mga bahay. Yun, doon nakatira sila Mang Berting." Sabi ng ale.

Kumunot ang noo ko. Pero hindi naman si Mang Berting ang hinahanap namin eh.

"Si Mecaela Caperiña po ang hinahanap namin." Sabi ko.

"Oo nga, yung nasa picture sa cellphone. Si Mikay nga yun anak ni Mang Berting doon nakatira." Paliwanag ng ale.

"Puntahan na lang natin Dan." Sabi ni Austin. "Salamat po ale."

"Walang anuman."

Bumalik na si Austin sa loob ng sasakyan. Nagpalasamat na rin ako sa ale at ni-u turn ang sasakyan pabalik sa dinaanan namin. Patingin tingin kami sa mga bahay na nasa kabilang kalsada. Tinitingnan namin yung may tindahan. Puro may dalawang palapag ang mga bahay. Yari sa bato ang unang palapag at kahoy naman sa ikalawa. Hindi naman dikit dikit ang mga bahay. May mga malaking espasyo ito.

"Dan hayun!" Ani Austin sabay turo sa unahan. Sa bahay na may dalawang palapag din at may bukas na tindahan. Inusad ko pa ng kaunti ang sasakyan ko.

"Sigurado kayang ito na yun?" Tanong ko habang pasilip silip sa bahay na nasa kabilang kalsada. Sana nga ito na yun. Para makapag pahinga naman kami. Pagod na ako at nagugutom na.

"Oo siguradong ito na yun ayon sa aleng napagtanungan natin kanina." Siguradong sigurado na sabi nya at halata sa boses ang excitement.

Kunsabagay sabi ng ale kanina nagiisang tindahan daw eh. E itong bahay lang ang nakikita kong may tindahan.

"O ano pang hinihintay natin, bumaba na tayo para makauwi na." Tinanggal na namin ang seatbelt at halos sabay na bumaba.

Tinawid na namin ang kalsada. Napansin ko pa ang ilang mga taong dumadaan na patingin tingin sa amin. Alam nilang dayo kami sa lugar na ito. Pumasok na kami sa bakuran ng bahay na may bukas na tindahan. May pumasok ding bata at bumili. Pinagbentahan ito ng isang may edad ng lalaki. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at ako na ang nagtanong.

"Magandang umaga po." Bati ko sa may edad na lalaki at sinilip pa ito sa loob ng tindahan.

"Ano hong hanap nila?" Kunot noong tanong ng matanda.

"Ah ito po ba ang bahay ni Mecaela Caperiña?" Magalang na tanong ko.

Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki at lumabas ng tindahan. Medyo hirap na itong kumilos at akay ng baston.

"Anong kailangan nyo sa anak ko?" Medyo mabalasik na tanong nito. Palipat lipat ang tingin nito sa amin ni Austin. Ngunit napalunok ako ng tumalim ang tingin nito sa akin.

Lumapit ng bahagya si Austin. "Ah tay ako po pala si Austin -- "

"Ikaw ba ang ama ng pinagbubuntis ng anak ko?" Biglang sikmat sa akin ng matanda. Rumehistro na ang galit sa mukha nito. Kinabahan naman ako.

"Aba'y gago kang damuho ka! May gana ka pang pumunta dito sa bahay ko at hanapin ang anak ko!" Galit na galit na sabi ng matanda sabay hampas ng baston sa hita ko na aking ikinabigla.

"Aray ko! Teka lang po!" Hawak hawak ko ang hitang tinamaan ng baston nito at ginalingan ang pag ilag sa mga palo nito.

Anak ng lintek! Napagkamalan nga ako.

Naawat lang ang may edad na lalaki ng may lumabas na may edad ding babae na malaki ang pagkakahawig kay Mika. Pati ito ay mukhang napagkamalan din ako. Kaya sinabi ko na sa kanila na hindi ako ang nakabuntis sa anak nila kundi si Austin. Nagpakilala na rin naman si Austin. Akala ko ay ok na. Ngunit bumalik ang lalaki sa loob ng bahay at paglabas ay may hawak na itong itak at inambaan si Austin. Nanlaki naman ang mata ng kaibigan ko at humakbang palayo sa tatay ni Mika na awat awat ng asawa nito. Tumingin pa sa kin si Austin na nanghihingi ng tulong.

'Kaya mo na yan galingan mo na lang umilag.' Sabi ko ng walang boses. Masakit pa nga yung hita ko sa palo ng baston eh.

Umupo ako sa bangkong nasa harap ng tindahan habang pinapanood si Austin na umiilag sa bawat wasiwas ng itak ng tatay ni Mika. Hinilot hilot ko ang natamaang hita.

Nakarinig naman ako ng tunog na parang may nagbukas ng bintana. Tumingala ako at napanganga ng makita ang isang magandang babaeng dumungaw na bagong gising, magulo ang buhok at pupungas pungas pa. Inayos nito ang magulong buhok at nilibot ang mata dito sa baba. Nagtama ang mata namin. Napalunok naman ako at parang may kung anong sumipa sa puso ko at pumintig ito ng mabilis. Akmang ngingitian ko sya at kakawayan ng ismiran ako nito.

"Hala! Tay nay!" Sigaw nito at nanlaki ang mata ng makita ang komosyon sa pagitan ni Austin at ng tatay nya.

Fuck! Pati boses nya parang sya! Parehong maganda.

Umalis ito sa bintana.  Nakaramdam ako ng panghihinayang..

*****

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Da Yang Jaguar
anu po kwento ni Austin at ung ate marg?
goodnovel comment avatar
Jadexanne
nku Dan sabi sayo mani wala ka sa hula sayo NG matanda...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Sweet Karma   Chapter 3

    Maggie NAKAKALOKA ANG aga aga ang daming ganap. Nagising ako sa ingay sa labas tapos pagbukas ko ng bintana nakita ko si tatay na hinahabol ng taga ang gwapong malaking mama. Kaya dali dali kong ginising si ate dahil hindi kakayanin ni nanay na awatin si tatay. Mahirap pa namang awatin si tatay kapag galit na galit. Boyfriend pala ni ate yung gwapong malaking mama na hinahabol ni tatay ayon sa gwapong malaking mama din na nakaupo sa harap ng tindahan at kumakain na ng suman. "Halika na Maggie awatin natin si tatay baka mataga nya si Austin." Sabi ni ate Mikay na natataranta na. "Ikaw na lang ate, makikinig naman sa'yo si tatay eh. Dito na lang ako may customer tayo." Sabi ko. Mahirap na, ang laking tao pa naman nitong mamang to malamang malakas din itong kumain. Tumakbo na si ate Mikay papunta kanila tatay at nanay na papaikot na sa likod ng bahay namin. Magaling din umilag yung boyfriend ni ate eh. Kung iba iba yun malamang naliligo na sa sariling dugo. Tiningnan ko naman ang m

    Huling Na-update : 2022-12-23
  • My Sweet Karma   Chapter 4

    Dan TSINETSEK KO ANG email ko habang naninigarilyo dito sa tapat ng tindahan. Bukas ay babalik na ako ng Manila para harapin ang nakabinbin na trabaho. Tadtad na ng text ng sekretarya ko ang inbox ko at tumawag pa kanina. Kanina ay kakwentuhan ko pa dito si Mang Berting. Tinawag lang sya ni Aling Cora para painumin ng gamot. Masarap kakwentuhan ang matanda. Marami ng experience sa buhay. May tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito. Si Austin pala. Umupo sya sa kaharap na bangko. "Babalik ka na bukas sa Manila?" Tanong nya. "Oo kailangan eh, ok ka naman na siguro dito." Sabi ko sa kanya at pinatay na ang cellphone. Hinithit ko ang sigarilyo saka dinutdot ang upos sa kahoy na bangko at tinapon sa basurahan na naroon. Binuga ko ang usok pataas. Napadako ang mata ko sa ikalawang palapag sa bintana ng kwarto ni Maggie. Napailing ako at napangisi. Lumalalim na ang gabi at masarap ang simoy ng hangin. Ibang iba sa hangin ng Manila. "Ayos na ko dito, naiintindihan na ako nila itay at inay

    Huling Na-update : 2022-12-24
  • My Sweet Karma   Chapter 5

    MaggieMATULIN NA lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sumama na si ate Mikay kay kuya Austin sa Manila. Pero pabalik balik sila dito sa Isabela para asikasuhin ang kanilang kasal. Dito kasi nila gustong ikasal at syempre isa ako sa abay. Yun nga lang minsan kapag uuwi sila ate Mikay at kuya Austin dito ay kasama nila si manong Dan na malakas mangasar. Nasisira tuloy ang araw ko. Tapos madalas pa syang kampihan ni tatay. Sobrang close na nga nila ni tatay. Pati si nanay close na rin nya. Apakafeeling talaga. Ibang iba sya kay kuya Ace na sobrang bait sa akin. Gaya ngayon, nandito na naman sya sa bahay. Kasama sya nila ate Mikay at kuya Austin umuwi. Kakwentuhan nya si tatay sa harap ng tindahan. Tuwang tuwa pa nga si tatay sa kwento nya eh. Binibida nya yung mga karanasan nya noong nagti-training sya sa pagsusundalo. Pinasok daw kasi sya ng lolo nya dahil pangarap daw nito na maging sundalo sya. Si tatay naman all ears sa pakikinig sa kanya dahil pangarap din nito magsundalo dati.

    Huling Na-update : 2022-12-26
  • My Sweet Karma   Chapter 6

    Maggie ARAW NGAYON NG kasal ni ate Mikay at kuya Austin. At talaga nga namang bongga ang lahat. Mula dito sa lumang simbahan ng bayan na namumutiktik sa bulaklak at sa reception sa bahay. Syempre ang pinaka gusto ko sa lahat ay maraming iba't ibang klase ng pagkain. Marami akong nakitang mga pagkain kanina na sa social media ko lang nakikita at hindi pa natitikman. Di bale mamaya, magiging laman na sila ng tiyan ko. Ang alam ko tatlong catering services ang kinuha galing pa ng Maynila at talagang bongga at sosyal ang pagkakaayos sa reception. Sinakop ba naman ang katabing malawak na lupain namin. Maraming mga bisita ang dumating. Karamihan ay taga Maynila, mga kamag anak at kaibigan ni kuya Austin. Halatang mga sosyal at mayayaman. Bumuntong hininga ako at inimpis ang naiipit na tiyan sa suot kong green na dress na hanggang sakong at hapit sa katawan ko. Dapat pala hindi ako kumain kanina. Napanguso ako at hinimas himas ang tiyan."O anak, bakit nanghahaba na ang nguso mo dyan. Wag

    Huling Na-update : 2022-12-26
  • My Sweet Karma   Chapter 7

    MaggieTUMAWA NG malakas si kuya Ace. Ako naman ay napakunot ang noo sa sinabi ni manong. Hanudaw? Tatanggalin nya sa kumpanya nya si kuya Ian kapag nanligaw sa akin at sinagot ko. Narinig ko namang mahina syang napamura. "Sobrang strict naman ni manong Dan." Natatawa pang sabi ni kuya Ace. "Shut up Ace!" Asik ni manong kay kuya Ace na kunwari namang zinipper ang bibig. "I'm serious, kapag nanligaw yang lalaking yan sa'yo at sinagot mo tatanggalin ko yan sa kumpanya." Pagbabala nya ulit sa akin. "Bata ka pa, hindi ka pa pwedeng magpaligaw naiintindihan mo?" Dagdag pa nya sa istriktong tono. Seryosong seryoso ang mukha nya.Nagugulumihanang nakatingin lang ako sa kanya. Tumikhim naman si kuya Ace. "Makinig ka kay manong Dan Maggie kung ayaw mong mapalo sa pwet." Tiningnan ni manong si kuya Ace ng masama na ikinatahimik ulit nya. Kagat kagat nya ang labi at may naglalarong ngiti.Akmang sasagot ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni nanay na nasa kabilang lamesa kasama si tat

    Huling Na-update : 2022-12-26
  • My Sweet Karma   Chapter 8

    MaggieMATULIN NA lumipas ang panahon. Nakapanganak na si ate Mikay at isang taon na ang anak nilang babae ni kuya Austin na si baby Adelline. Ako naman ay nasa unang taon na ng kolehiyo sa kursong entrepreneurship at dito na ako sa Maynila nag aaral. Pinag aaral ako ni kuya Austin. Syempre grab the opportunity na. Bihira lang ang ganitong pagkakataon na may magpapaaral ng libre.Sinukbit ko ang backpack sa likod at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hawak ko sa isang kamay ang folder na naglalaman ng report. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas syete na ng umaga. Alas otso pa naman mag uumpisa ang klase. "Morning ma'am Magz!" Magiliw na bati sa akin ni ate Jing. Isa sa mga kasambahay dito sa bahay. Kasalukuyan syang nagba-vacuum. "Morning din ate Jing." Ganting bati ko. Ka-close ko ang tatlong kasambahay dito. Mababait din naman kasi sila at gaya namin ni ate Mikay ay laking hirap din sila."Ingat sa byahe at galingan mo sa school." Pahabol na sabi pa ni ate Jing. "Opo

    Huling Na-update : 2022-12-26
  • My Sweet Karma   Chapter 9

    Maggie AKMANG TATAWAGIN ko si manong ng biglang umusad ang jeep na sinasakyan ko. Kaya tinanaw ko na lang ng tingin ang kotseng itim na lulan nito at ng babae. Kelan ko ba sya huling nakita? Noong kasal yata ni ate Mikay. Pagkatapos nun ay wala na akong balita sa kanya, hindi na rin sya sumasama kanila ate Mikay at kuya Austin paguwi sa probinsya. Hinahanap nga sya ni tatay at nanay pero sobrang busy daw sya sa mga negosyo nya ayon kay kuya Austin. Pero mukhang hindi lang sya sa mga negosyo nya busy kundi pati sa girlfriend nya. Hmp! Pakelam ko ba? Inalis ko na sa isip ko si manong at ang jowa nya. Inaliw ko na lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa labas ng bintana ng jeep. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si ate Mikay at baby Adelline sa sala na naglalaro. Ng makita ako ni baby Adelline ay agad nitong binitawan ang hawak na laruan at tumakbong lumapit sa akin. "Tata!" Salubong nya sa akin sabay taas ng dalawang braso. Pero imbes na buhatin ay lumayo ako. Kagagaling ko la

    Huling Na-update : 2022-12-26
  • My Sweet Karma   Chapter 10

    Maggie BAHAGYANG NAPAAWANG ang labi ko habang nakatingalang nakatingin din kay manong Dan na nakatayo sa harapan ko. Ilang dangkal lang ang pagitan namin. Naaamoy ko ang gamit nyang pabango na masarap sa ilong. Mahigit isang taon ko na rin syang hindi nakikita. Alam kong gwapo na sya noon pero parang mas gumuwapo pa sya ngayon sa kabila ng edad nya. Mapupungay ang mga matang kulay tsokolate na mangasulngasul kapag tinatamaan ng liwanag, malalantik na pilik mata, matangos na ilong na parang sa banyaga, manipis na labi na mamula mula, medyo pangahan na binagayan pa ng balbas at bigote nyang patubo. Alam ko magkasing edad lang sila ni kuya Austin eh."Bakit nandito ka?" Kunot noong tanong nya na di pa rin inaalis ang tingin sa akin. Napakunot noo na rin ako sa tanong nya. "Dito ako nakatira." Sagot ko "Yeah.. Pero.. kelan ka pa nandito?" Tanong uli nya na parang hindi talaga makapaniwala na nandito ako. "Matagal na. Ilang buwan na." Lalong nangunot ang noo ko sa tanong at reaksyon n

    Huling Na-update : 2022-12-26

Pinakabagong kabanata

  • My Sweet Karma   Special Chapter 2

    FIVE YEARS LATER.. DAN"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata. "Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya. "Margo anak -- ""Dadadadada!" Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa. Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila. "Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko. "Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede. "Dada mama." Daldal naman ni Dami

  • My Sweet Karma   Special Chapter 1

    MAGGIETUWANG TUWA ako sa pinapanood ko sa cellphone habang kumakain ng makopa. Ala sais na ng gabi pero bigla akong naglaway sa makopa. Mabuti na lang nagpadala kahapon si ate Nika ng makopa sa driver nya. Naubos na kasi yung hiningi ni Dan noong isang linggo. Hinimas himas ko ang malaki ko ng tiyan. Walong buwan na ang tiyan ko pero nagkicrave pa rin ako. Kumuha ulit ako mg makopa sa bowl at sinawsaw sa asin. Napapaungol pa ako sa sarap ng makopa. "Maggie, anong gusto mo sa sinigang may gabi o wala?" Tanong ni manang Oreng na galing sa kusina at may suot na apron. "Yung may gabi po manang." Sabi ko. "O sige, lalagyan ko ng gabi." Aniya at bumalik na sa kusina. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood sabay tawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Isa syang korean reality show. At talaga nga namang nakakaaliw ang mga pinaggagawa ng mga cast. "Mahal, I'm home!" Lumingon ako ng marinig ang malaking boses ni Dan. Nakauwi na pala sya at may bitbit na brown bag. Mal

  • My Sweet Karma   END

    MAGGIE"WUHOOO! MABUHAY ang bagong sakal -- este kasal!" Malakas na boses na sabi ni kuya Pierre at tinaas ang hawak na champagne glass. "Mabuhay!" Sabay sabay na sabi naman nila kuya Austin, kuya Ace, kuya Lex, kuya Seb at Dan at pinagpingki ang mga champagne glass na hawak nila. Kami namang mga asawa na nasa tabi nila ay nagpalakpakan. Mesa yata namin ang pinakamaingay dito sa reception. Sila tatay at nanay naman ay nasa kabilang mesa kasalo sila lolo Alberto at uncle Ben. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa ibang mesa din na di malayo sa amin at maingay. Kasalo nila si Sandy at ilang mga kaklase ko noong senior high. Mabilis agad silang nagkasundo lahat. Napapansin ko pa nga si Jude at Sandy na madalas mag usap. Mukhang magkakadevelopan pa ang dalawa. Wala namang masama dahil parehas silang single. Hinapit ako ni Dan sa bewang sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya at nginitian. Ngumiti din sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. Inulan naman kami ng tuksuhan. Nag i

  • My Sweet Karma   Chapter 45

    WEDDING DAY.. DANPABALIK BALIK ako sa salamin habang sinisipat ang hitsura ko kung ayos na. Lalo na ang barong na suot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong bagong gupit. Bagong ahit din ako kaya malinis na malinis ang mukha ko ngayon. Gusto kong maayos ang hitsura ko at gwapong gwapo kapag nagkita kami ni Maggie sa harap ng altar mamaya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako na nae-excite. Ito ang pinakahinihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni mahal. Tok! Tok! Nilingon ko ang pinto. Bumukas ito at sumilip ang binabaeng staff ng wedding planner na inupahan ko. "Sir, oras na po para bumaba." Aniya sa malambot na boses. Ngumiti ako. "Bababa na ko." Tumango lang ang staff at ngumiti saka sinarado ang pinto. Muli kong tiningnan ang sarili sa life sized mirror. Inayos ko ang manggas pati ang relong suot.Natawa ako sa sarili ko. Dati wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko sa suot ko kahit kameeting ko pa ang mga executives. Ganun ako kaconfident. P

  • My Sweet Karma   Chapter 44

    MAGGIENAGMANO SI Dan at kuya Austin sa matandang foreigner na bagong dating. Kami namang naroon ay curious sa kung sino ang matanda. Humarap sa akin si Dan katabi ang matandang lalaki na nakangiti na. "Lo, sya ang girlfriend ko. Si Margarette Caperiña. Mahal, ang lolo ko si Alberto Acosta." Pakilala sa akin ni Dan sa matandang lalaki na lolo pala nya. Tumayo ako at nahihiyang lumapit. Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano. "Nice to meet you po sir." Magalang na sabi ko at kiming ngumiti."Lolo na lang din ang itawag mo sa akin iha and nice to meet you too. Tama nga ang apo napakaganda mo at mukhang bata pa." Magiliw na sabi ni Lolo Alberto. Bigla ay nawala ang pagkailang ko dahil sa mabait nyang ngiti. Hinapit ako ni Dan sa bewang at hinalikan sa sentido. "Ah lo, sila naman ang mga magulang ni Margarette. Si tay Berting at nay Cora." Pagpapakilala naman ni Dan sa mga magulang ko na tumayo din at lumapit. "Kamusta ho sir." Magalang na bati ni tatay at nakipag kamay kay lolo

  • My Sweet Karma   Chapter 43

    [WARNING SPG]DANNAKAAWANG ANG labi ko at impit na umuungol habang umiindayog sa kandungan ko si Maggie. Nakahawak sya sa balikat ko at nakaawang din ang labi. Umaalog din ang malulusog nyang dibdib na kay sarap susuhin. "Fuck mahal.. ganyan nga nghh.." Ungol ko ng igiling pa nya ang balakang. Naiipit ang pagkalalaki ko sa loob nya at tila hinihigop. Nakadagdag pa sa init ng nararamdaman ko ang hitsura nya. Nakasuot sya ng uniform nya. Bukas ang blouse at nakataas ang palda hanggang bewang. Dati pantasya ko lang ang angkinin sya na suot ang uniform nya na ngayon ay nangyayari na.Sinapo ko ang dalawang dibdib nyang umaalog at piniga piga ng marahan. Sinubo ko ang isa nyang utong at sinipsip. Salit salitan kong ginawa yun sa dalawa nyang dibdib. "Ahmmm babe.. hmph! Hmmph!" Ungol nya at mabilis na nagtaas baba sa pagkalalaki ko. Nararamdaman kong mas sumisikip pa sya lalo. Anumang sandali ay labasan na naman sya. "Yes mahal, cum for me!" Daing ko. Hinawakan ko ang balakang nya at i

  • My Sweet Karma   Chapter 42

    MAGGIEPAGLABAS NAMIN ng presinto ay sakto namang pababa ng sasakyan si ate Mikay at kuya Austin. Agad na lumapit sa akin si ate Mikay kasunod si kuya Austin. Bakas ang pag aalala sa mukha nya. "Ano nang nangyari?" Tanong agad nya. Sinipat sipat pa nya ang mukha ko at katawan. Kanina ay nag call back sya. Nasa clinic nga sila ni kuya Austin at katatapos lang ng check up. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. "Ayos na ate, hindi ako makukulong." Nakangiwing sabi ko. Natatakot akong baka pagalitan nya ako tapos isumbong kanila tatay at nanay. "Dan pare kamusta?" Tanong naman ni kuya Austin."Nakipag areglo na lang si tita Gina at Camila. Takot silang sampahan ko rin sila ng kaso sa pananakit nila kay Maggie. Hindi na sila magsasampa. Pero sinagot ko na rin ang pampagamot ni Camilla." Sabi ni Dan. "Malala ba ang lagay ng Camilla na yun at talagang binalak pa nilang sampahan ng kaso ang kapatid ko?" Tanong naman ni ate Mikay."Paling ang ilong at putok ang labi." Sagot ni Dan. Napayuko na

  • My Sweet Karma   Chapter 41

    MAGGIE"AY JUSKO! Camilla anak!" Natatarantang dinaluhan ng ginang si Camilla na nakabulagta at tulog. Lumapit naman ang ibang naroon at nakiusyoso. "Ay nakatulog." "Buti nga. Matapobre eh." "Bagay lang yan sa kanya. Masama ugali." "Wala pala sya eh." "Dapat pati yang matapobreng nanay inumbagan din eh." Mga komento ng mga naroon. Lumapit naman si ate Pinky at ibang mga crew ng coffee shop para saklolohan si Camill'ang nakabulagta. "Omg ka baks! Pinacquiao mo si Mystica." Bulalas ni Lily ng makalapit sa akin. Doon naman ako tila nahimasmasan sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang pananakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok kay Camilla. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakabulagta. Dapat sampal lang yun eh. Di ko alam bakit naging suntok. Kinakabahang nilingon ko si Lily. "B-Baks hindi ko sinasadyang masuntok sya. Dapat sampal lang yun eh." "Dapat naman talaga suntok baks. Bruhang babae yan eh. Buti nga sa kanya. Galing mong sumuntok." Pabulong na sabi niya na tuwang tuwa pa.

  • My Sweet Karma   Chapter 40

    DANNGITING NGITI AKO habang tutok ang mata sa kalsada at tumatango tango sa anumang sabihin ni Maggie. Nakayakap sya sa braso ko at nakahilig ang pisngi. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa isang hita nya. Simula ng may nangyari sa amin isang linggo na ang nakakaraan ay naging clingy na sya sa akin na syang gustong gusto ko naman. Wala syang pasok ngayong araw na to pero may lakad sila ng kaibigan nya. Kaya sinundo ko na rin sya para ihatid sa meeting place nila."Kapag nakapag ipon na ako magtatayo talaga ako ng grocery sa amin sa probinsya. Para hindi na babyahe sa kabilang bayan ang mga taga sa amin para lang bumili ng supply nila." Aniya. Sinasabi nya sa akin ang mga plano nya kapag nakagraduate sya at nagkatrabaho. Inaalok ko nga syang sa akin na lang magtrabaho pero ayaw naman nya. Ayaw nya dahil lagi ko lang daw syang papaboran. Ayaw nyang magkaroon ng conflict sa mga emplayado kung sakali dahil lang sa akin. Naiintindihan ko naman sya. Isa din yun sa nagustuhan ko sa k

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status