Maggie
BUMIGAY TODO NA ko sa pagbirit ng kanta na uso ngayon sa videoke bilang request ng mga customer kong manginginom dito sa tindahan ni Aling Caring."Wooh! Galing galing talaga ni Maggie!" Puri ng ilang mga manginginom at ibang nanonood at pumalakpak pa ng matapos ako sa pagkanta."Salamat!" Sabi ko sa mic at in-off na ito sabay lapag sa lamesa ng mga umiinom."Isa pa!" Request pa nila."Oo nga, isa pa. Eto limampiso oh.""Tama na! Magbebenta pa ako ng kakanin. Nilalansi nyo lang ako eh, baka kuha kayo ng kuha sa basket hindi kayo nagbabayad." Sikmat ko sa kanila."Ganito na lang, papakyawin ko yang tinda mo basta kumanta ka lang." Sabi ni Mang Pido na may ari ng malaking sakahan sa baranggay namin at laging tambay dito sa tindahan ni Aling Caring."Talaga po?" Aba kung papakyawin nya ang lahat ng tinda ko kapalit ng pagkanta ko ay g ako dyan. Kesa naman magpagod pa ako sa kakalakad para magbenta."Oo, magkano ba lahat yan?""850 po lahat yan at bagong gawa yan ni nanay."Dinukot ni Mang Pido ang wallet sa bulsa at humugot ng isang libo sabay abot sa akin. "O ito, sayo na sukli."Agad ko itong kinuha bago pa magbago isip nya. "Yown! Sana laging ganito araw araw." Malaki ang ngiting sabi ko. Nakaubos na ako ng paninda may keep the change pa. May pambaon na ako bukas. Mabuti na lang nandito si Mang Pido na ninong ng lahat ng bata dito sa baranggay."O kumanta ka na ulit." Sabi ng mga kainuman ni Mang Pido na halatang lasing na ang iba. Kilala ko naman ang mga ito at kilala nila ako bilang anak ni Mang Berting na kilalang matapang dito sa baranggay namin. Kaya walang luko-luko sa kanila na bastusin ako o gulangan ako sa paninda ko dahil takot sila sa tatay ko na kahit hirap ng maglakad ay kaya pa ring manghabol ng itak kapag naagrabyado."Sige isalang nyo na yung request nyong kanta, kakantahin ko." Sabi ko sa kanila at kinuha na ang mic. Hindi sa pagyayabang pero maganda ang boses ko. Sa katunayan ay pambato ako ng baranggay namin sa kantahan tuwing pyesta ng bayan at tatlong taon na akong defending champion.Tumugtog na ang intro ng kantang Touch by Touch at kinanta ko na ito. Mabuti na lang at medyo kabisado ko ang tono nito dahil lagi kong naririnig na pinapatugtog ng kapitbahay namin. Nagsitayuan naman ang mga lasing at nagsisayaw.Alas sais na ako nakauwi. Mabuti na lang ay mga nakatulog na ang mga lasing kaya nakatakas na ako sa kanila pauwi. Siguradong matutuwa si nanay nito dahil nakaubos ako. Ang mga kakanin na pinakyaw ay pinagparte parte ng mga tambay din doon at mga mosang.Lunes bukas at pasukan na naman. Grade 11 senior high na kasi ako at sa bayan ang school na pinapasukan ko. Kapag walang pasok ay tumutulong ako kay nanay sa pagtitinda ng mga kakanin. Sa school naman ay nagpapaorder din ako, kung gusto nila ay ipi-pm lang nila ako at kinabukasan ay dadalhin ko. Karaniwang umoorder ay mga teacher, meron din namang mga estudyante at mga classmate ko. Ang kinita ay baon ko kapag may sobra ay hinuhulog ko sa alkansya. Mabuti nga ay hindi na kami ganoon kagipit kagaya dati. Na stroke kasi si tatay at hindi na masyadong makagalaw. Lifetime na rin ang gamutan nya kaya sobrang nagipit talaga kami noon. Hindi na nakapag trabaho si tatay at naibenta na rin ang kalahati ng lupa namin, natigil din sa pagaaral si ate Mikay at nagtrabaho na lang sa Maynila para makatulong. Importante kasi ang mga gamot ni tatay na sobrang mamahal. At yun ang pinagtatrabuhan ni ate pati na rin ang pagaaral ko. Kaya nga nangangako akong pagbubutihan ko ang pagaaral at pipilitin kong makapagtapos para masuklian man lang ang pagsasakripisyo ni ate sa pangangatulong sa Maynila. Kahit ayaw namin na malayo sya sa amin ay wala naman kaming magagawa. Dahil kung dito lang sya sa probinsya ay wala ding mangyayari. Maliit lang ang kita dito at hindi sasapat."Nay, Tay, nandito na po ako." Sabi ko ng nasa pinto na ako ng bahay at naghubad ng tsinelas. Bitbit ko ang dalawang basket na dahon na lang ng saging at plastic ang laman.Si tatay ay nasa loob ng tindahan at binebentahan ang batang kapitbahay namin. Lumapit ako sa kanya at nagmano."Kanina ka pa hinihintay ng nanay mo." Aniya at sumunod na rin sa akin papasok ng bahay habang akay ng kanyang tungkod."Ginabi ka Maggie, naistambay ka naman sa videokehan no." Sabi ni nanay na naghahain na sa lamesa."Opo nay, pero ayos lang nakaubos naman ako ng paninda." Sabi ko at nilapag na ang dalawang basket sa ibaba ng lamesa."Talaga?""Opo nay, si Mang Pido kasi pinakyaw basta daw kumanta ako. Eh di pinagbigyan ko na atleast nakaubos." Dinukot ko ang isang libo sa bulsa ng tokong shorts ko at inabot kay nanay. "Heto nay, 850 lahat ng kakanin may pa-keep the change pa."Kinuha ito ni nanay. "Ayos ah! Galante talaga yan si Pido. Pero anak wag kang basta basta makikihalubilo sa mga lasing.""Yun nga po nay ang maganda eh, mas madaling utuin ang mga lasing.""Kahit na baka mabastos ka.""May nambabastos ba sa'yo bunso?" Tanong ni tatay na nakaupo na sa harap ng lamesa. Ito pa naman si tatay overprotective sa amin ni ate."Wala po tay, saka wala pong magtatangka takot lang nila sayo.""Dapat lang! Dahil kahit pila-pilantod na kong maglakad pagtatagain ko sila." Banta ni tatay."At di rin ako papayag na mabastos tay noh! Baka ako na mismo ang tumaga sa kanila." Segunda ko.Tumango tango naman si tatay. "Tama yan anak, basta nasa tama ka walang mali na lumaban ka.""Kuh! Mag ama nga talaga kayo. Hala tama na yan at magsikain na tayo." Turan ni nanay at nilapag na ang bandehado ng kanin at ulam.Nanlaki ang mata ko at kiniskis ang palad ng makita ang ulam. "Wow! Ginataang tulingan." Para na akong naglalaway. Mapaparami na naman ang kain ko nito. Paborito ko kasi yung mga gata gata. Pero sa lahat ng ginataan ay pinakapaborito ko ang ginataang alimasag. Makapag request nga nun kay nanay sa susunod na araw."Hinay hinay lang anak, tumataba ka na oh." Natatawang puna sa akin ni nanay, pati si tatay nakitawa na rin habang ngumunguya.Sunod sunod kasi ang subo ko at pangalawang kanin ko na ito."Eh masarap kasi yung luto nyo nay eh." Sabi ko sa pagitan ng pagsubo."Kuh! Lahat naman sa'yo masarap."Napanguso na lang ako habang ngumunguya. "At saka hindi naman po ako mataba nay, malaman lang."Totoo naman yun. Hindi ako mataba at hindi payat. Mabibilog lang ang mga braso ko hita at binti. Pero makurba naman ang katawan ko. Sa edad na desi syete mabilog na ang pang upo ko at dibdib na binagayan pa ng maliit na bewang. Marami nga ang naiinggit sa katawan ko eh. Madalas nila akong mapagkamalan na nasa edad bente na. Maputi din ang kutis ko na namana ko kay nanay na kapag naarawan ay namumula. Mestisahin din ang hitsura ko at madalas din akong mapagkamalang may lahing banyaga. Kunsabagay si nanay kasi ay may lahing American, yung lolo nya Americano. Si tatay naman ang mga ninuno nya ay mga espanyol. Kaya heto may anak silang dalawang dyosa na pinagpala sa lahat.Nang matapos kaming makapaghapunan at makapaghugas ng pinggan ay magkasama kami ni tatay na nanonood ng tv. Si nanay naman ay nasa tindahan, sya ang tumao hanggang sa magsara mamaya."Ilipat mo nga muna anak sa basketball." Utos ni tatay sa akin.Kinuha ko naman ang remote at nilipat sa kabilang channel. Hindi sa mahilig kami sa basketball kaya kami nanonood kundi nanood kami para abangan ang final score. Baka kasi tumama kami sa ending. Isangdaan ang taya namin ni tatay, limang libo din yun kapag tumama ang numero namin. Dalawang minuto pa bago matapos ang laban ng dalawang koponan pero inabangan na rin namin. Habang papalapit na nga ang pagtatapos ng laban ay sumisigaw na kami ni tatay sa excitement. Sinasaway na nga kami ni nanay dahil ang ingay namin."I-shoot mo! I-shoot moo!" Sigaw namin ni tatay. Heto na. Amin na to!"Yessss!" Sabay naming sigaw ni tatay. May limang libo na kami!"Ang swerte mo talaga sa numero anak! Mabuti na lang pinalitan natin yung numero natin at wala pang nakakataya don." Tuwang tuwang sabi ni tatay."Syempre naman tay, swerte tong anak nyo eh.""Ano ba yan at ang ingay ingay nyong mag ama?" Sita sa amin ni nanay na nakapamewang ng pumasok."Cora, nanalo tayo sa ending!" Masayang balita ni tatay.Umaliwalas naman ang mukha ni nanay. "Talaga?""Opo nay, nanalo yung numero ko." Tuwang tuwa din na sabi ko. Kita mo nga naman ang swerte ngayong araw na to. Nakaubos na ako ng paninda tumama pa ang numero ko sa ending. Ilang beses na ngang nanalo ang mga hula kong numero eh. Gaya ng sabi ni tatay swerte daw ako sa numero. Naalala ko nga noong maliit pa ako lagi akong hinihingian ng mga kapitbahay ng mga numero at itataya nila sa jueteng o kaya ending. Swerte rin namang nananalo minsan at binabalatuhan nila ako. Tamang tama may dagdag panggastos kami at baon ko na rin. Sa susunod na linggo pa kasi ang padala ni ate.Wala pa ngang isang oras ay dumating na ang nagpapataya ng ending na kapitbahay lang din namin at inabot ang napanalunan namin. Syempre may balato din sya.NAGKUKWENTA AKO sa likod ng notebook ko ng napagbentahan ko ng suman at nilupak na kamoteng kahoy na inorder pa ng mga teacher at mga schoolmate ko sa akin. Naka 240 din ako. Ayos! Mamaya bago mag uwian aalukin ko ulit sila para bukas dadalhin ko."Margarette Caperiña." Tawag ni sir Alfie sa akin."Yes sir? O-order po kayo ng nilupak?" Tanong ko sa kanya ng mag angat ako ng mukha.Naghagalpakan naman sa pagtawa ang mga kaklase ko. Napabuntong hininga na lang si sir Alfie at namaywang. Doon ko lang na-gets ang lahat. Naginit ang pisngi ko sa hiya. Shet! Nakakahiya!"Kanina pa salita ng salita si sir Alfie sa harap girl, kanina pa rin sya tingin ng tingin sayo kasi hindi ka nakikinig." Pabulong na sabi ni Sandy na seatmate ko.Napakamot ako sa ulo. "Sorry po sir." Hinging paumanhin ko na lang.Napailing iling naman si sir. "Sige paorder na rin ako ng dalawang nilupak na kamoteng kahoy. At mamaya ka na magkwenta kwenta dyan pagkatapos ng klase ko." Aniya.Napangiti naman ako. "Ay thank you sir! Bukas ko po ng umaga dadalhin." Sinulat ko na ang pangalan ni sir at order nya sa likod ng notebook para hindi ko makalimutan. Yes! May order na akong dalawa."Ang lakas talaga ni Maggie kay sir oh! Samantalang ako nung nahuling di nakikinig pinalabas." Usal ng isa kong kaklase na lalaki."Eh kasi nga crush sya ni sir Alfie." Hirit naman ng isa kong kaklaseng babae. Kasunod nun ay umugong ang bulungan at tuksuhan. Nagngisihan ang mga kaklase kong lalaki pero ang iba kong kaklaseng nga babae ay tinaasan ako ng kilay, ang iba ay umirap pa. Wala akong alam sa sinasabi nila na crush ako ng batang bata at binata naming teacher na sir Alfie."Pinagsasabi nyo dyan?" Sabi ko sa kanila."Bakit girl? Di mo alam? Crush ka ni sir Alfie. " Pabungisngis na sabi ni Sandy."Aba malay ko, busy ako sa pagaaral at paghahanap ng pera. Wala akong oras sa mga intriga." Sabi ko sa kanila."Oy hindi intriga yun, totoo yun. Di ba sir?" Anang isa kong classmate na binabae."Ayieehh!" Umulan na naman ang tuksuhan.Tumingin naman sa akin si sir Alfie na namumula na ang mukha pero agad ding nag iwas ng tingin. "Quiet class!" Saway na lang niya sa mga kaklase ko. Nagsitahimik naman ang mga ito pero may panaka nakang mahihinang bulong.Ako naman ay napakamot na lang sa batok. Wala akong panahon sa mga crush crush na yan. Busy ako sa pagraraket at pag aaral. Hindi ako kagaya ng mga kaklase ko na maaalwan ang mga buhay kaya hindi na namomroblema.Ng mag uwian na nga ay inalok ko na ang mga kaklase ko ng mga kakanin na dadalhin ko bukas pagpasok. Syempre ang dadalhin ko lang ay yung sakto lang sa inorder nila. May ilang mga kaklase ko na nga ang umoder. Sinulat ko ito sa likod ng notebook. Nagpost na rin ako sa f* sa gustong umorder. Syempre hindi araw araw ay maraming order, nakakasawa din naman ang puro kakanin sa araw araw. Nagiisip na nga ako ng ibang pwedeng ibenta eh."Magz gusto mong sumama sa amin sa sabado? Pupunta kami ng Camp Samal." Aya sa akin ng kaklase kong lalaki na si Ronnie. Kasama nya ang mga barkada nya na mga kaklase namin. Apat silang lalaki at tatlong babae na mga plastikada, kunwari ngiting ngiti sa akin pero nahuhuli ko namang pasimpleng umiirap, sarap dukutin ng mga mata eh. Kapag pinalagan ko naman mga bahag ang buntot."Naku sorry di ako pwede dyan. Wala akong pera." Tanggi ko. Hindi talaga ako makakasama dahil maraming gawain kapag sabado, maglilinis ng bahay, maglalaba, maggagapas sa maliit naming taniman at kung ano ano pa."Walang problema, ililibre kita." Nakangiting sabi pa ni Ronnie.Napakamot ako sa ulo. May pagkasamakulit din sya."Hindi rin talaga ako pwede Ronnie, marami kasi akong gagawin sa sabado." Giit ko at binigyan sya ng kiming ngiti.Nabura naman ang ngiti nya sa labi at nalungkot ang mukha. "Ganun ba.""Wag mo na syang pilitin Ronnie kung ayaw nyang sumama. Kj kasi yan si Maggie." Anang kaklase kong babae na barkada ni Ronnie na Lucresia ang totoong pangalan. Tumawa sya at ang dalawa pang babae na katabi nya sabay bulungan. Halata naman na ayaw nila akong kasama."Ay talaga ba Lucresia? Mas kj naman ang pangalan mo lukring." Bira ko sa kanya.Sumimangot naman sya sabay irap sa akin. May pakj-kj ka pang nalalaman eh shunga ka naman. Ngali ngaling sabihin ko.Wala ng nagawa si Ronnie dahil hindi nya ako mapilit. Inaya na lang nya ang barkada nya palabas ng classroom. Si lukring ay umirap pa sa akin, pinakyu ko lang sya."Dapat lang na hindi ka sumama sa mga yan, baka pagtulungan ka lang ng tatlong yun." Komento ni Sandy na inaayos ang mga gamit nya sa bag."Hindi nila ako kaya." Sabi ko at inayos na rin ang mga gamit sa bag. Sinuklay ko muna ang buhok bago sinukbit ang bag pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanyang mauuna na.Paglabas ko ng gate ng school ay maraming mga nagtitinda ng street food. Nakaramdam ako ng gutom. Pinuntahan ko ang isang nagtitinda ng fishball at bumili ng halagang bente. Medyo bitin pa nga yun eh pero keri na nagtitipid ako eh. Sa bahay na lang ako kakain ng marami. Ng mailagay ko na sa malaking cup ang fishball na binili ko ay nilagyan ko na ito ng hot sauce saka nagbayad kay manong. Habang nagaabang ng jeep ay nilalantakan ko na ang bagong lutong fishball. Agad kong pinara ang paparating na jeep at sumakay. Sa unahan na lang ako umupo para baba agad kapag nakarating na ako sa amin. Wala pa namang sampung minuto ang byahe pauwi sa amin."Tay, Nay, nandito na po ko." Sabi ko habang hinuhubad ang sapatos sa pintuan. Ngunit may napansin akong dalawang pares ng doll shoes na maayos na nakasandal sa gilid ng pinto. May bisita kami?Pumasok na ako sa loob para makita ang bisita. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang bisita, hindi pala basta bisita lang."Ate!"*****Maggie AWANG AWA AKO kay ate Mikay sa kalagayan nya ngayon. Nabuntis sya ng isang manilenyo. Naging katulad sya ng ibang dalagang taga dito na nakipagsapalaran sa Manila at umuwing buntis. Pero hindi naman namin sya sinisisi. Siguro ay mahal nya yung lalaki kaya nagawa nyang ibigay ang sarili nya. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ni ate Mikay. Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya. Namiss ko sya ng sobra."Ate, gising ka pa?" Tanong ko at dinikit ang tenga sa pinto para pakinggan kung gising pa sya, baka kasi tulog na makaistorbo lang ako. Pero may narinig akong singhot. Umiiyak sya? "Ate?" Kinatok ko ulit ang pinto. "Bukas yan Maggie, pasok ka." Medyo ngongo ang boses na sabi nya. Mukhang umiiyak nga sya! Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Naabutan ko syang pasimpleng nagpupunas ng ilong at matang namumula na. Nag alala naman ako. "Ate ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" Umiling sya kasabay ng luha nyang muling pumatak. Mas lalo lang tuloy akong
Maggie NAKAKALOKA ANG aga aga ang daming ganap. Nagising ako sa ingay sa labas tapos pagbukas ko ng bintana nakita ko si tatay na hinahabol ng taga ang gwapong malaking mama. Kaya dali dali kong ginising si ate dahil hindi kakayanin ni nanay na awatin si tatay. Mahirap pa namang awatin si tatay kapag galit na galit. Boyfriend pala ni ate yung gwapong malaking mama na hinahabol ni tatay ayon sa gwapong malaking mama din na nakaupo sa harap ng tindahan at kumakain na ng suman. "Halika na Maggie awatin natin si tatay baka mataga nya si Austin." Sabi ni ate Mikay na natataranta na. "Ikaw na lang ate, makikinig naman sa'yo si tatay eh. Dito na lang ako may customer tayo." Sabi ko. Mahirap na, ang laking tao pa naman nitong mamang to malamang malakas din itong kumain. Tumakbo na si ate Mikay papunta kanila tatay at nanay na papaikot na sa likod ng bahay namin. Magaling din umilag yung boyfriend ni ate eh. Kung iba iba yun malamang naliligo na sa sariling dugo. Tiningnan ko naman ang m
Dan TSINETSEK KO ANG email ko habang naninigarilyo dito sa tapat ng tindahan. Bukas ay babalik na ako ng Manila para harapin ang nakabinbin na trabaho. Tadtad na ng text ng sekretarya ko ang inbox ko at tumawag pa kanina. Kanina ay kakwentuhan ko pa dito si Mang Berting. Tinawag lang sya ni Aling Cora para painumin ng gamot. Masarap kakwentuhan ang matanda. Marami ng experience sa buhay. May tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito. Si Austin pala. Umupo sya sa kaharap na bangko. "Babalik ka na bukas sa Manila?" Tanong nya. "Oo kailangan eh, ok ka naman na siguro dito." Sabi ko sa kanya at pinatay na ang cellphone. Hinithit ko ang sigarilyo saka dinutdot ang upos sa kahoy na bangko at tinapon sa basurahan na naroon. Binuga ko ang usok pataas. Napadako ang mata ko sa ikalawang palapag sa bintana ng kwarto ni Maggie. Napailing ako at napangisi. Lumalalim na ang gabi at masarap ang simoy ng hangin. Ibang iba sa hangin ng Manila. "Ayos na ko dito, naiintindihan na ako nila itay at inay
MaggieMATULIN NA lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sumama na si ate Mikay kay kuya Austin sa Manila. Pero pabalik balik sila dito sa Isabela para asikasuhin ang kanilang kasal. Dito kasi nila gustong ikasal at syempre isa ako sa abay. Yun nga lang minsan kapag uuwi sila ate Mikay at kuya Austin dito ay kasama nila si manong Dan na malakas mangasar. Nasisira tuloy ang araw ko. Tapos madalas pa syang kampihan ni tatay. Sobrang close na nga nila ni tatay. Pati si nanay close na rin nya. Apakafeeling talaga. Ibang iba sya kay kuya Ace na sobrang bait sa akin. Gaya ngayon, nandito na naman sya sa bahay. Kasama sya nila ate Mikay at kuya Austin umuwi. Kakwentuhan nya si tatay sa harap ng tindahan. Tuwang tuwa pa nga si tatay sa kwento nya eh. Binibida nya yung mga karanasan nya noong nagti-training sya sa pagsusundalo. Pinasok daw kasi sya ng lolo nya dahil pangarap daw nito na maging sundalo sya. Si tatay naman all ears sa pakikinig sa kanya dahil pangarap din nito magsundalo dati.
Maggie ARAW NGAYON NG kasal ni ate Mikay at kuya Austin. At talaga nga namang bongga ang lahat. Mula dito sa lumang simbahan ng bayan na namumutiktik sa bulaklak at sa reception sa bahay. Syempre ang pinaka gusto ko sa lahat ay maraming iba't ibang klase ng pagkain. Marami akong nakitang mga pagkain kanina na sa social media ko lang nakikita at hindi pa natitikman. Di bale mamaya, magiging laman na sila ng tiyan ko. Ang alam ko tatlong catering services ang kinuha galing pa ng Maynila at talagang bongga at sosyal ang pagkakaayos sa reception. Sinakop ba naman ang katabing malawak na lupain namin. Maraming mga bisita ang dumating. Karamihan ay taga Maynila, mga kamag anak at kaibigan ni kuya Austin. Halatang mga sosyal at mayayaman. Bumuntong hininga ako at inimpis ang naiipit na tiyan sa suot kong green na dress na hanggang sakong at hapit sa katawan ko. Dapat pala hindi ako kumain kanina. Napanguso ako at hinimas himas ang tiyan."O anak, bakit nanghahaba na ang nguso mo dyan. Wag
MaggieTUMAWA NG malakas si kuya Ace. Ako naman ay napakunot ang noo sa sinabi ni manong. Hanudaw? Tatanggalin nya sa kumpanya nya si kuya Ian kapag nanligaw sa akin at sinagot ko. Narinig ko namang mahina syang napamura. "Sobrang strict naman ni manong Dan." Natatawa pang sabi ni kuya Ace. "Shut up Ace!" Asik ni manong kay kuya Ace na kunwari namang zinipper ang bibig. "I'm serious, kapag nanligaw yang lalaking yan sa'yo at sinagot mo tatanggalin ko yan sa kumpanya." Pagbabala nya ulit sa akin. "Bata ka pa, hindi ka pa pwedeng magpaligaw naiintindihan mo?" Dagdag pa nya sa istriktong tono. Seryosong seryoso ang mukha nya.Nagugulumihanang nakatingin lang ako sa kanya. Tumikhim naman si kuya Ace. "Makinig ka kay manong Dan Maggie kung ayaw mong mapalo sa pwet." Tiningnan ni manong si kuya Ace ng masama na ikinatahimik ulit nya. Kagat kagat nya ang labi at may naglalarong ngiti.Akmang sasagot ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni nanay na nasa kabilang lamesa kasama si tat
MaggieMATULIN NA lumipas ang panahon. Nakapanganak na si ate Mikay at isang taon na ang anak nilang babae ni kuya Austin na si baby Adelline. Ako naman ay nasa unang taon na ng kolehiyo sa kursong entrepreneurship at dito na ako sa Maynila nag aaral. Pinag aaral ako ni kuya Austin. Syempre grab the opportunity na. Bihira lang ang ganitong pagkakataon na may magpapaaral ng libre.Sinukbit ko ang backpack sa likod at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hawak ko sa isang kamay ang folder na naglalaman ng report. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas syete na ng umaga. Alas otso pa naman mag uumpisa ang klase. "Morning ma'am Magz!" Magiliw na bati sa akin ni ate Jing. Isa sa mga kasambahay dito sa bahay. Kasalukuyan syang nagba-vacuum. "Morning din ate Jing." Ganting bati ko. Ka-close ko ang tatlong kasambahay dito. Mababait din naman kasi sila at gaya namin ni ate Mikay ay laking hirap din sila."Ingat sa byahe at galingan mo sa school." Pahabol na sabi pa ni ate Jing. "Opo
Maggie AKMANG TATAWAGIN ko si manong ng biglang umusad ang jeep na sinasakyan ko. Kaya tinanaw ko na lang ng tingin ang kotseng itim na lulan nito at ng babae. Kelan ko ba sya huling nakita? Noong kasal yata ni ate Mikay. Pagkatapos nun ay wala na akong balita sa kanya, hindi na rin sya sumasama kanila ate Mikay at kuya Austin paguwi sa probinsya. Hinahanap nga sya ni tatay at nanay pero sobrang busy daw sya sa mga negosyo nya ayon kay kuya Austin. Pero mukhang hindi lang sya sa mga negosyo nya busy kundi pati sa girlfriend nya. Hmp! Pakelam ko ba? Inalis ko na sa isip ko si manong at ang jowa nya. Inaliw ko na lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa labas ng bintana ng jeep. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si ate Mikay at baby Adelline sa sala na naglalaro. Ng makita ako ni baby Adelline ay agad nitong binitawan ang hawak na laruan at tumakbong lumapit sa akin. "Tata!" Salubong nya sa akin sabay taas ng dalawang braso. Pero imbes na buhatin ay lumayo ako. Kagagaling ko la
FIVE YEARS LATER.. DAN"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata. "Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya. "Margo anak -- ""Dadadadada!" Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa. Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila. "Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko. "Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede. "Dada mama." Daldal naman ni Dami
MAGGIETUWANG TUWA ako sa pinapanood ko sa cellphone habang kumakain ng makopa. Ala sais na ng gabi pero bigla akong naglaway sa makopa. Mabuti na lang nagpadala kahapon si ate Nika ng makopa sa driver nya. Naubos na kasi yung hiningi ni Dan noong isang linggo. Hinimas himas ko ang malaki ko ng tiyan. Walong buwan na ang tiyan ko pero nagkicrave pa rin ako. Kumuha ulit ako mg makopa sa bowl at sinawsaw sa asin. Napapaungol pa ako sa sarap ng makopa. "Maggie, anong gusto mo sa sinigang may gabi o wala?" Tanong ni manang Oreng na galing sa kusina at may suot na apron. "Yung may gabi po manang." Sabi ko. "O sige, lalagyan ko ng gabi." Aniya at bumalik na sa kusina. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood sabay tawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Isa syang korean reality show. At talaga nga namang nakakaaliw ang mga pinaggagawa ng mga cast. "Mahal, I'm home!" Lumingon ako ng marinig ang malaking boses ni Dan. Nakauwi na pala sya at may bitbit na brown bag. Mal
MAGGIE"WUHOOO! MABUHAY ang bagong sakal -- este kasal!" Malakas na boses na sabi ni kuya Pierre at tinaas ang hawak na champagne glass. "Mabuhay!" Sabay sabay na sabi naman nila kuya Austin, kuya Ace, kuya Lex, kuya Seb at Dan at pinagpingki ang mga champagne glass na hawak nila. Kami namang mga asawa na nasa tabi nila ay nagpalakpakan. Mesa yata namin ang pinakamaingay dito sa reception. Sila tatay at nanay naman ay nasa kabilang mesa kasalo sila lolo Alberto at uncle Ben. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa ibang mesa din na di malayo sa amin at maingay. Kasalo nila si Sandy at ilang mga kaklase ko noong senior high. Mabilis agad silang nagkasundo lahat. Napapansin ko pa nga si Jude at Sandy na madalas mag usap. Mukhang magkakadevelopan pa ang dalawa. Wala namang masama dahil parehas silang single. Hinapit ako ni Dan sa bewang sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya at nginitian. Ngumiti din sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. Inulan naman kami ng tuksuhan. Nag i
WEDDING DAY.. DANPABALIK BALIK ako sa salamin habang sinisipat ang hitsura ko kung ayos na. Lalo na ang barong na suot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong bagong gupit. Bagong ahit din ako kaya malinis na malinis ang mukha ko ngayon. Gusto kong maayos ang hitsura ko at gwapong gwapo kapag nagkita kami ni Maggie sa harap ng altar mamaya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako na nae-excite. Ito ang pinakahinihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni mahal. Tok! Tok! Nilingon ko ang pinto. Bumukas ito at sumilip ang binabaeng staff ng wedding planner na inupahan ko. "Sir, oras na po para bumaba." Aniya sa malambot na boses. Ngumiti ako. "Bababa na ko." Tumango lang ang staff at ngumiti saka sinarado ang pinto. Muli kong tiningnan ang sarili sa life sized mirror. Inayos ko ang manggas pati ang relong suot.Natawa ako sa sarili ko. Dati wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko sa suot ko kahit kameeting ko pa ang mga executives. Ganun ako kaconfident. P
MAGGIENAGMANO SI Dan at kuya Austin sa matandang foreigner na bagong dating. Kami namang naroon ay curious sa kung sino ang matanda. Humarap sa akin si Dan katabi ang matandang lalaki na nakangiti na. "Lo, sya ang girlfriend ko. Si Margarette Caperiña. Mahal, ang lolo ko si Alberto Acosta." Pakilala sa akin ni Dan sa matandang lalaki na lolo pala nya. Tumayo ako at nahihiyang lumapit. Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano. "Nice to meet you po sir." Magalang na sabi ko at kiming ngumiti."Lolo na lang din ang itawag mo sa akin iha and nice to meet you too. Tama nga ang apo napakaganda mo at mukhang bata pa." Magiliw na sabi ni Lolo Alberto. Bigla ay nawala ang pagkailang ko dahil sa mabait nyang ngiti. Hinapit ako ni Dan sa bewang at hinalikan sa sentido. "Ah lo, sila naman ang mga magulang ni Margarette. Si tay Berting at nay Cora." Pagpapakilala naman ni Dan sa mga magulang ko na tumayo din at lumapit. "Kamusta ho sir." Magalang na bati ni tatay at nakipag kamay kay lolo
[WARNING SPG]DANNAKAAWANG ANG labi ko at impit na umuungol habang umiindayog sa kandungan ko si Maggie. Nakahawak sya sa balikat ko at nakaawang din ang labi. Umaalog din ang malulusog nyang dibdib na kay sarap susuhin. "Fuck mahal.. ganyan nga nghh.." Ungol ko ng igiling pa nya ang balakang. Naiipit ang pagkalalaki ko sa loob nya at tila hinihigop. Nakadagdag pa sa init ng nararamdaman ko ang hitsura nya. Nakasuot sya ng uniform nya. Bukas ang blouse at nakataas ang palda hanggang bewang. Dati pantasya ko lang ang angkinin sya na suot ang uniform nya na ngayon ay nangyayari na.Sinapo ko ang dalawang dibdib nyang umaalog at piniga piga ng marahan. Sinubo ko ang isa nyang utong at sinipsip. Salit salitan kong ginawa yun sa dalawa nyang dibdib. "Ahmmm babe.. hmph! Hmmph!" Ungol nya at mabilis na nagtaas baba sa pagkalalaki ko. Nararamdaman kong mas sumisikip pa sya lalo. Anumang sandali ay labasan na naman sya. "Yes mahal, cum for me!" Daing ko. Hinawakan ko ang balakang nya at i
MAGGIEPAGLABAS NAMIN ng presinto ay sakto namang pababa ng sasakyan si ate Mikay at kuya Austin. Agad na lumapit sa akin si ate Mikay kasunod si kuya Austin. Bakas ang pag aalala sa mukha nya. "Ano nang nangyari?" Tanong agad nya. Sinipat sipat pa nya ang mukha ko at katawan. Kanina ay nag call back sya. Nasa clinic nga sila ni kuya Austin at katatapos lang ng check up. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. "Ayos na ate, hindi ako makukulong." Nakangiwing sabi ko. Natatakot akong baka pagalitan nya ako tapos isumbong kanila tatay at nanay. "Dan pare kamusta?" Tanong naman ni kuya Austin."Nakipag areglo na lang si tita Gina at Camila. Takot silang sampahan ko rin sila ng kaso sa pananakit nila kay Maggie. Hindi na sila magsasampa. Pero sinagot ko na rin ang pampagamot ni Camilla." Sabi ni Dan. "Malala ba ang lagay ng Camilla na yun at talagang binalak pa nilang sampahan ng kaso ang kapatid ko?" Tanong naman ni ate Mikay."Paling ang ilong at putok ang labi." Sagot ni Dan. Napayuko na
MAGGIE"AY JUSKO! Camilla anak!" Natatarantang dinaluhan ng ginang si Camilla na nakabulagta at tulog. Lumapit naman ang ibang naroon at nakiusyoso. "Ay nakatulog." "Buti nga. Matapobre eh." "Bagay lang yan sa kanya. Masama ugali." "Wala pala sya eh." "Dapat pati yang matapobreng nanay inumbagan din eh." Mga komento ng mga naroon. Lumapit naman si ate Pinky at ibang mga crew ng coffee shop para saklolohan si Camill'ang nakabulagta. "Omg ka baks! Pinacquiao mo si Mystica." Bulalas ni Lily ng makalapit sa akin. Doon naman ako tila nahimasmasan sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang pananakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok kay Camilla. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakabulagta. Dapat sampal lang yun eh. Di ko alam bakit naging suntok. Kinakabahang nilingon ko si Lily. "B-Baks hindi ko sinasadyang masuntok sya. Dapat sampal lang yun eh." "Dapat naman talaga suntok baks. Bruhang babae yan eh. Buti nga sa kanya. Galing mong sumuntok." Pabulong na sabi niya na tuwang tuwa pa.
DANNGITING NGITI AKO habang tutok ang mata sa kalsada at tumatango tango sa anumang sabihin ni Maggie. Nakayakap sya sa braso ko at nakahilig ang pisngi. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa isang hita nya. Simula ng may nangyari sa amin isang linggo na ang nakakaraan ay naging clingy na sya sa akin na syang gustong gusto ko naman. Wala syang pasok ngayong araw na to pero may lakad sila ng kaibigan nya. Kaya sinundo ko na rin sya para ihatid sa meeting place nila."Kapag nakapag ipon na ako magtatayo talaga ako ng grocery sa amin sa probinsya. Para hindi na babyahe sa kabilang bayan ang mga taga sa amin para lang bumili ng supply nila." Aniya. Sinasabi nya sa akin ang mga plano nya kapag nakagraduate sya at nagkatrabaho. Inaalok ko nga syang sa akin na lang magtrabaho pero ayaw naman nya. Ayaw nya dahil lagi ko lang daw syang papaboran. Ayaw nyang magkaroon ng conflict sa mga emplayado kung sakali dahil lang sa akin. Naiintindihan ko naman sya. Isa din yun sa nagustuhan ko sa k