Dan
TSINETSEK KO ANG email ko habang naninigarilyo dito sa tapat ng tindahan. Bukas ay babalik na ako ng Manila para harapin ang nakabinbin na trabaho. Tadtad na ng text ng sekretarya ko ang inbox ko at tumawag pa kanina. Kanina ay kakwentuhan ko pa dito si Mang Berting. Tinawag lang sya ni Aling Cora para painumin ng gamot. Masarap kakwentuhan ang matanda. Marami ng experience sa buhay.May tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito. Si Austin pala. Umupo sya sa kaharap na bangko."Babalik ka na bukas sa Manila?" Tanong nya."Oo kailangan eh, ok ka naman na siguro dito." Sabi ko sa kanya at pinatay na ang cellphone. Hinithit ko ang sigarilyo saka dinutdot ang upos sa kahoy na bangko at tinapon sa basurahan na naroon. Binuga ko ang usok pataas. Napadako ang mata ko sa ikalawang palapag sa bintana ng kwarto ni Maggie. Napailing ako at napangisi. Lumalalim na ang gabi at masarap ang simoy ng hangin. Ibang iba sa hangin ng Manila."Ayos na ko dito, naiintindihan na ako nila itay at inay. Tanggap na nila ako. Si Mecaela na lang ang kailangan kong kausapin ng masinsinan kaya lang hindi naman ako pinapansin at panay ang irap." Napapakamot sa ulong sabi nya."Well atleast tanggap ka na ng mga future byenan mo, itay at inay na nga ang tawag mo." Nakangising sabi ko. Ngumisi din sya."Balak ko ring bumili ng lupa dito at patayuan ng bahay para sa amin ni Mika." Aniya at sinabi ang mga plano nya para sa kanilang dalawa ng nobya nya.Tumango tango na lang ako at nakikinig. Masaya na rin ako para sa kanya dahil nagkaroon ng direksyon ang buhay nyang puro babae at negosyo lang ang inaatupag. Lihim akong napangisi. Basta ako wala pa sa bokubularyo ko ang salitang kasal.Nagtagal pa kami ng isang oras sa labas habang nagkukwentuhan hanggang sa papasukin na kami ni Aling Cora para pagpahingahin na. Nagsarado na rin sya ng tindahan. Dito sa munti nilang sala ay may nakalatag ng banig at manipis na kuston saka dalawang unan. May electric fan na ring nakatutok. Bigla tuloy akong nakaramdam ng antok. Pwede naman kaming humanap ni Austin o ako ng malapit na inn para doon matulog. Pero nakakahiya namang tanggihan ang mag asawa na todo asikaso sa amin.Mayamaya pa ay bumaba si Aling Cora sa hagdan at may bibit na unan na may cartoon character ang punda. Inabot nya sa amin ang unan."Heto pa ang isang unan, kinuha ko lang yan sa kwarto ng anak ko.""Kaninong unan po iyan inay? Kay Mika?" Tanong ni Austin na nakatingin sa unan."Hindi, kay Maggie ito. Tatlo kasi ang unan nya eh, tamang tama tulog na sya kaya kinuha ko ang isa.""Salamat po Aling Cora." Sabi ko sabay kuha ng unan at niyakap. Malambot ang unan at mabango. Amoy shampoo at baby cologne. Napangisi ako. Baby pa nga."Wag kang mag alala iho, hindi amoy panis na laway yan. Malinis sa gamit nya ang bunso ko." Natatawang sabi ni Aling Cora."Mabango nga po eh." Natatawa na ring sabi ko.Naiiling na lang si Aling Cora. "O sige magpahinga na kayo, pasensya na kayo sa payak naming tahanan.""Wala po yun nay, ang importante tao nyo po kaming pinatuloy." Sabi ni Austin."At masasarap pa po ang pagkain nyo." Segunda ko naman.Napangiti naman si Aling Cora at nagpaalam ng papasok sa silid nilang mag asawa. Maaga pa daw kasi itong gigising para gumawa ng kakanin. Si Mang Berting ay kanina pa tulog. Mabilis daw itong nakakatulog sa gabi pagkatapos uminom ng gamot.Pumwesto na ako sa higaan at pinagpag ang isang unan. Hindi man kasing lambot ng kama ko ang kutson ay pwede na rin. Makakatulog pa rin ako ng maayos. Hindi maalinsangan at may electric fan naman. Humiga na ako ng maayos habang yakap ang unan ni Maggie."Ikaw pare, hindi ka pa matutulog? Ako inaantok na maaga pa akong aalis bukas." Sabi ko.Bumuntong hininga naman sya at umupo sa pwesto nya. "Tsk! Dapat si Mika ang katabi ko eh hindi ikaw." Reklamo nya habang inaayos ang unan.Ngumisi naman ako. "Pwede naman. Magpaalam ka lang kay Mang Berting." Pangaasar ko sa kanya."Gagu. Matulog ka na nga at lumayas ka na bukas." Sabi nya at humiga na.Tinawanan ko lang sya. "Goodnight pare. Tangina, sa lahat ng pwede kong makakatabi ngayong gabi ikaw pa talaga. Wag mo kong gapangin ah, baka mamaya managinip kang katabi mo si Mika bigla mo kong sagpangin." Pang aasar ko pa sa kanya."Pakyu ka! Matulog ka na." Sabi nya sabay hugot ng unan at hampas sa akin. Amoy efficascent oil pa yung unan nya. Siguro unan yun ni Mang Berting."Sige na matutulog na ko." Natatawang sabi ko at tumagilid na ng higa habang yakap yakap ang malambot na unan ni Maggie. Sinubsob ko pa ang ilong ko at inamoy amoy. Hmm amoy baby.At ilang sandali pa nga ay tuluyan na akong nilamon ng antok.MaggieKAKAMOT KAMOT SA ulo at humihikab pa ako ng tumayo sa kama ko. Niligpit ko na ang higaan ko at pinagpag ang mga unan. Kaso nga lang yung isang unan parang kakaiba ang amoy. Inamoy amoy ko ito. Pamilyar ang amoy. Hindi naman sya amoy panis na laway. Amoy mamahaling pabango ng lalaki. Eh wala naman ganitong pabango si tatay. Baka sa dalawang malaking mama na bisita namin.Napasinghap ako at nanlaki ang mata sa napagtanto. Ginamit nila tong unan ko! Siguro ay pinagamit ni nanay nung tulog ako. Nakasimangot na tinanggal ko ang punda at pinalitan ng bago. Ayoko kasi ng may ibang amoy sa mga gamit ko.Bumaba na ako at naabutan kong nagaalmusal na sila tatay, nanay, ate Mikay at kuya Austin. Wala yung kaibigan ni kuya Austin."Morning po tay, nay, ate, kuya Austin." Bati ko sa kanila at dumiretso ng lababo para magmumog at maghilamos. Binati din nila ako."Maupo ka na anak para mag almusal." Aya sa akin ni nanay.Kinuha ko muna ang tasa ko saka umupo. Inabot ko ang garapon ng Milo at sumandok ng tatlong kutsara at kalahating kutsarang asukal. Sumabay na rin akong mag almusal sa kanila dahil may pasok pa ako mamaya. Napansin ko naman nag uusap na sila ate Mikay at kuya Austin. Mukhang ok na sila dahil nakakangiti na si ate. Mabuti naman. Yung kaibigan pala ni kuya Austin na malakas kumain ay umuwi na pala dahil may emergency sa trabaho nito. Mabuti naman. Wala na akong kalaban sa lamesa.Pagkatapos kong mag almusal ay naligo na ako at naggayak papasok sa school. Syempre hindi ko kinalimutan ang mga pa-order. Medyo kaunti nga lang ngayon pero ok lang."Tay, nay papasok na po ako." Paalam ko sa kanila at binitbit na ang eco bag na may lamang mga kakanin."May baon ka ba? Manghingi ka na lang sa tatay mo sa tindahan." Sabi ni nanay na nasa kusina."Meron pa nay.""O sige mag iingat ka anak."Dumiretso muna ako ng tindahan para magpaalam kay tatay. Nakita ko naman sila ate Mikay at kuya Austin sa labas at naglalakad lakad sa gilid ng kalsada habang nag uusap. Nagpaalam din ako sa kanila. Mabait naman si kuya Austin at palangiti. Ng may dumaan na jeep ay agad ko na itong pinara.Marami ng estudyante pagdating ko sa school. Bente minutos na lang ay mag uumpisa na ang klase kaya binilisan ko na ang lakad. Dumaan muna ako sa faculty room para ibigay sa mga teacher ang mga inorder nilang kakanin."Buti pa tong si Margarette hindi nahihiyang magtinda ng mga ganito." Sabi ni ma'am Santos na umorder sa akin ng tatlong nilupak na kamoteng kahoy. Paborito nya kasi iyon. Minsan ay nag uuwi pa sya sa bahay nila. Isa sya sa mga suki kong teacher."Kailangan po ma'am eh, syempre hindi naman kami mayaman. Kailangan ko ding dumiskarte para makabawas sa alalahin sa bahay." Sabi ko at kinuha ang inabot ni ma'am Santos na trente pesos na bayad nya."Sana all na estudyante kagaya mo." Sabat naman ni ma'am Ana na medyo may edad na pero single pa. Inabot din nya ang bayad nya sa inorder nyang biko."At dahil dyan plus point ka sa akin." Dagdag pa ni ma'am Ana."Talaga ma'am? Sinabi nyo yan ah!""Pero depende sa mood ko."Napanguso na lang ako. "Ang gara talaga nito ni ma'am, paasa."Nagtawanan na lang ang iba pang teachers na naroon."Kaya nga paboritong estudyante ko yang si Margarette eh. Hindi lang matalino at masipag, madiskarte pa." Singit ni sir Alfie na inaabot na sa akin ang singkwenta pesos na bayad din sa inorder nya."At maganda pa." Sabat ni ma'am Santos."Yan tayo eh!" Ani sir Luis ang teacher na binabae.Napansin ko namang namula ang mukha ni sir Alfie. "Huy tigil tigilan nyo yan nakakahiya, ang aga aga intriga kayo.""Huu! Hindi ba totoo?" Tanong na may halong panunukso ni sir Luis na sinegundahan naman ng ibang teacher.Clueless naman ako sa pinaguusapan nila. Minsan talaga mahirap sabayan ang usapan ng matatanda kaya ang mga bata ay hindi dapat nakikisali."Ewan ko sa inyo." Sabi na lang ni sir Alfie na kakamot kamot sa ulo."O tama na yan at baka may magselos." Sabi naman ni ma'am Santos.Napansin ko namang napasimangot si ma'am Emma. Ang isa sa pinakabatang teacher dito sa school. Maganda ito at mabait. Ang tsismis nga noon eh magjowa sila ni sir Alfie dahil lagi silang nakikitang magkasama. Ngumiti ito sa akin ng mapansing nakatingin ako. Nginitian ko din sya.Ng maibigay ko na ang mga order at makuha ang mga bayad ay pumunta na ako sa classroom ko. Binigay ko na rin sa mga kaklase ko ang mga inorder nila at siningil. Mababait naman ang mga kaklase ko at suportado nila ako sa pa-order ko ng kakanin. Yun nga lang may ilan ilan din akong mga kaklase na plastik gaya ng mga barkadang babae ni Ronnie. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sa lahat ng classmates ko ay si Sandy talaga ang pinaka close ko. Kahit may pagka chismosa ito ay mabait naman.Dumating na ang teacher namin sa unang subject kaya nagsibalikan na sa kanya kayang upuan ang mga kaklase ko at natahimik.***NANGUNOT ANG NOO ko ng pagbaba ko ng jeep ay nagkukumpulan ang mga kapitbahay namin sa kabilang kalsada. May helicopter kasing nakalapag sa bakanteng lote."Ate Maggie may bisita kayong mayaman." Sabi sa akin ni Noknok na nakiusyoso din kasama ang mga kalaro. Manang mana talaga ito sa nanay nyang tsismosa eh."Pa'no mo naman nasabing bisita namin?" Tanong ko sa kanya."Eh pumasok sa bahay nyo eh, may dalang dalawang malaking bilao na nakabalot. Siguro pagkain ang laman nun yung parang sa mga handaan sa binyag. Tapos may cake pa." Sabi nya."Tsismoso ka talaga eh." Sabi ko sa kanya."Eh tsismosa din ang nanay ko eh.""Buti alam mo." Sabi ko at iniwan na sila."Penge kami duhat ha!" Pahabol na sabi nya.Tinanguan ko na lang sya at pumasok sa bakuran namin. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay may bisita nga kami. Halatang mayayaman dahil sa mga suot at hitsura. Isang matandang babae na nakasuot ng magarang damit, alahas at may kolorete sa mukha. Sa kabila ng edad ay mababakas pa rin ang ganda sa mukha nito. Ang kasama naman nito ay isang matangkad na lalaki na may matipunong pangangatawan. Gwapo ito at medyo kahawig ni kuya Austin. Kumakain sila ng kakanin habang kausap si tatay."O Maggie nandyan ka na pala." Untag ni nanay na lumabas ng kusina bitbit ang isang bilao na may lamang kakain. Mukhang pupurgahin ni nanay ng kakanin ang mga bisita.Lumapit ako sa kanya at nagmano, ganun din kay tatay."Anak, sila ang pamilya ni kuya Austin mo. Dumalaw sila para mamanhikan. Si ma'am Amelia ang lola ni Austin at si sir Ace naman ang nakababatang kapatid ni Austin." Sabi ni tatay.Napaawang ang labi ko. "Magpapakasal na po si ate?""Oo anak, ah ma'am Amelia, sir Ace ito pala si Maggie ang bunso namin." Pagpapakilala ni tatay sa akin sa pamilya ni kuya Austin."Good afternoon po." Magalang na bati ko sa kanila."Good afternoon din iha, maganda rin itong bunso nyo Berting. Tisay na tisay." Puri ni ma'am Amelia. Si kuya Ace naman na kumakain ay ngumiti at kumaway lang sa akin."Salamat ma'am Amelia, wala kasi sa lahi namin ang pangit." Birong sabi ni tatay habang natatawa."Sa amin din walang pangit kaya panigurado magaganda at pogi ang magiging apo ko sa tuhod." Natatawa ding sabi ni ma'am Amelia. Mukhang magkasundo na sila ni tatay.Wala naman si ate Mikay at kuya Austin. Umalis daw at pumuntang pamilihan. Hindi muna ako nagbihis at tinulungan si nanay sa pag estima sa mga bisita. Mayaman pala ang pamilya ni kuya Austin. Hindi naman sila maarte sa bahay namin at sa pagkaing hinahain namin. Nagugustuhan pa nga nila eh.Mayamaya pa ay dumating na sila ate Mikay at kuya Austin. Halatang nagulat pa si ate na makita ang pamilya ni kuya Austin. Pero mukhang kasundo naman na nya. Pinagusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal. Nakikinig lang ako sa kanila habang kinakain ang pasalubong na cake ng mga bisita.*****MaggieMATULIN NA lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sumama na si ate Mikay kay kuya Austin sa Manila. Pero pabalik balik sila dito sa Isabela para asikasuhin ang kanilang kasal. Dito kasi nila gustong ikasal at syempre isa ako sa abay. Yun nga lang minsan kapag uuwi sila ate Mikay at kuya Austin dito ay kasama nila si manong Dan na malakas mangasar. Nasisira tuloy ang araw ko. Tapos madalas pa syang kampihan ni tatay. Sobrang close na nga nila ni tatay. Pati si nanay close na rin nya. Apakafeeling talaga. Ibang iba sya kay kuya Ace na sobrang bait sa akin. Gaya ngayon, nandito na naman sya sa bahay. Kasama sya nila ate Mikay at kuya Austin umuwi. Kakwentuhan nya si tatay sa harap ng tindahan. Tuwang tuwa pa nga si tatay sa kwento nya eh. Binibida nya yung mga karanasan nya noong nagti-training sya sa pagsusundalo. Pinasok daw kasi sya ng lolo nya dahil pangarap daw nito na maging sundalo sya. Si tatay naman all ears sa pakikinig sa kanya dahil pangarap din nito magsundalo dati.
Maggie ARAW NGAYON NG kasal ni ate Mikay at kuya Austin. At talaga nga namang bongga ang lahat. Mula dito sa lumang simbahan ng bayan na namumutiktik sa bulaklak at sa reception sa bahay. Syempre ang pinaka gusto ko sa lahat ay maraming iba't ibang klase ng pagkain. Marami akong nakitang mga pagkain kanina na sa social media ko lang nakikita at hindi pa natitikman. Di bale mamaya, magiging laman na sila ng tiyan ko. Ang alam ko tatlong catering services ang kinuha galing pa ng Maynila at talagang bongga at sosyal ang pagkakaayos sa reception. Sinakop ba naman ang katabing malawak na lupain namin. Maraming mga bisita ang dumating. Karamihan ay taga Maynila, mga kamag anak at kaibigan ni kuya Austin. Halatang mga sosyal at mayayaman. Bumuntong hininga ako at inimpis ang naiipit na tiyan sa suot kong green na dress na hanggang sakong at hapit sa katawan ko. Dapat pala hindi ako kumain kanina. Napanguso ako at hinimas himas ang tiyan."O anak, bakit nanghahaba na ang nguso mo dyan. Wag
MaggieTUMAWA NG malakas si kuya Ace. Ako naman ay napakunot ang noo sa sinabi ni manong. Hanudaw? Tatanggalin nya sa kumpanya nya si kuya Ian kapag nanligaw sa akin at sinagot ko. Narinig ko namang mahina syang napamura. "Sobrang strict naman ni manong Dan." Natatawa pang sabi ni kuya Ace. "Shut up Ace!" Asik ni manong kay kuya Ace na kunwari namang zinipper ang bibig. "I'm serious, kapag nanligaw yang lalaking yan sa'yo at sinagot mo tatanggalin ko yan sa kumpanya." Pagbabala nya ulit sa akin. "Bata ka pa, hindi ka pa pwedeng magpaligaw naiintindihan mo?" Dagdag pa nya sa istriktong tono. Seryosong seryoso ang mukha nya.Nagugulumihanang nakatingin lang ako sa kanya. Tumikhim naman si kuya Ace. "Makinig ka kay manong Dan Maggie kung ayaw mong mapalo sa pwet." Tiningnan ni manong si kuya Ace ng masama na ikinatahimik ulit nya. Kagat kagat nya ang labi at may naglalarong ngiti.Akmang sasagot ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni nanay na nasa kabilang lamesa kasama si tat
MaggieMATULIN NA lumipas ang panahon. Nakapanganak na si ate Mikay at isang taon na ang anak nilang babae ni kuya Austin na si baby Adelline. Ako naman ay nasa unang taon na ng kolehiyo sa kursong entrepreneurship at dito na ako sa Maynila nag aaral. Pinag aaral ako ni kuya Austin. Syempre grab the opportunity na. Bihira lang ang ganitong pagkakataon na may magpapaaral ng libre.Sinukbit ko ang backpack sa likod at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hawak ko sa isang kamay ang folder na naglalaman ng report. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas syete na ng umaga. Alas otso pa naman mag uumpisa ang klase. "Morning ma'am Magz!" Magiliw na bati sa akin ni ate Jing. Isa sa mga kasambahay dito sa bahay. Kasalukuyan syang nagba-vacuum. "Morning din ate Jing." Ganting bati ko. Ka-close ko ang tatlong kasambahay dito. Mababait din naman kasi sila at gaya namin ni ate Mikay ay laking hirap din sila."Ingat sa byahe at galingan mo sa school." Pahabol na sabi pa ni ate Jing. "Opo
Maggie AKMANG TATAWAGIN ko si manong ng biglang umusad ang jeep na sinasakyan ko. Kaya tinanaw ko na lang ng tingin ang kotseng itim na lulan nito at ng babae. Kelan ko ba sya huling nakita? Noong kasal yata ni ate Mikay. Pagkatapos nun ay wala na akong balita sa kanya, hindi na rin sya sumasama kanila ate Mikay at kuya Austin paguwi sa probinsya. Hinahanap nga sya ni tatay at nanay pero sobrang busy daw sya sa mga negosyo nya ayon kay kuya Austin. Pero mukhang hindi lang sya sa mga negosyo nya busy kundi pati sa girlfriend nya. Hmp! Pakelam ko ba? Inalis ko na sa isip ko si manong at ang jowa nya. Inaliw ko na lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa labas ng bintana ng jeep. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si ate Mikay at baby Adelline sa sala na naglalaro. Ng makita ako ni baby Adelline ay agad nitong binitawan ang hawak na laruan at tumakbong lumapit sa akin. "Tata!" Salubong nya sa akin sabay taas ng dalawang braso. Pero imbes na buhatin ay lumayo ako. Kagagaling ko la
Maggie BAHAGYANG NAPAAWANG ang labi ko habang nakatingalang nakatingin din kay manong Dan na nakatayo sa harapan ko. Ilang dangkal lang ang pagitan namin. Naaamoy ko ang gamit nyang pabango na masarap sa ilong. Mahigit isang taon ko na rin syang hindi nakikita. Alam kong gwapo na sya noon pero parang mas gumuwapo pa sya ngayon sa kabila ng edad nya. Mapupungay ang mga matang kulay tsokolate na mangasulngasul kapag tinatamaan ng liwanag, malalantik na pilik mata, matangos na ilong na parang sa banyaga, manipis na labi na mamula mula, medyo pangahan na binagayan pa ng balbas at bigote nyang patubo. Alam ko magkasing edad lang sila ni kuya Austin eh."Bakit nandito ka?" Kunot noong tanong nya na di pa rin inaalis ang tingin sa akin. Napakunot noo na rin ako sa tanong nya. "Dito ako nakatira." Sagot ko "Yeah.. Pero.. kelan ka pa nandito?" Tanong uli nya na parang hindi talaga makapaniwala na nandito ako. "Matagal na. Ilang buwan na." Lalong nangunot ang noo ko sa tanong at reaksyon n
MAGGIENAPATANGA AKO sa sinabi ni manong. Sinusundo daw nya ako. "Bakit mo ko sinusundo? Asan si manong Sitong?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Kung may magsusundo man sa akin ay si manong Sitong dapat yun. Ang driver ni kuya Austin."Wala sya. May ginagawa kaya ako na ang susundo sa'yo." Pormal na sabi nya. Kahit nakasuot pa ng itim na itim na shades ay ramdam ko ang init ng tingin nya sa akin. Ano na naman kaya ang trip nya at bigla akong sinundo? O baka naman inutusan sya ni kuya Austin."Inutusan ka ba ni kuya Austin na sunduin ako?" Tanong ko.Kumamot sya sa ulo. "Oo, baka daw kasi gabihin ka." Tiningnan ko naman ang suot na relo. Pasado alas singko na nga ng hapon. Bumuntong hininga ako at hinarap si Lili at Kokoy. Si Lili ay parang namatanda na titig na titig kay manong. Siniko ko sya. "Mauna na ako sa inyong dalawa." Paalam ko sa kanila. Tumango naman si Kokoy at kumaway pa. Si Lili naman ay kumaway din sa akin bagama't hindi pa rin inaalis ang tingin kay manong. Napaili
DANPASIPOL SIPOL ako habang binabasa ang proposal na binigay ni Austin sa akin. Nandito ako sa office nya para personal na pag usapan ang pinaplano naming collaboration sa bagong project ng kumpanya ko. "Mukhang good mood na good ka ngayon ah." Untag ni Austin sa akin.Ngumisi ako. "Maganda lang ang gising ko." Ngumisi din sya. "Yung hitsura mo para kang nakarating sa ikapitong langit kagabi." Natawa ako sa sinabi nya. Ganun ba ang hitsura ko ngayon? Maganda lang talaga ang mood ko pagkagising ko kahit medyo kulang sa tulog. "Sya nga pala pare, nagpaalam sa amin ni Mika si Maggie. Mamamasyal daw kayo sa linggo." Nag angat ako ng tingin sa kanya pero mabilis din nagbaba ng tingin ng masalubong ko ang matiim nyang mata. "Oo, sinabi nya kasing hindi pa sya gaanong nakakapamasyal dito sa Manila. Marami daw syang gustong puntahan eh wala naman daw syang kasama. Nahihiya naman daw syang mangistorbo sa inyong mag asawa. Eh naawa naman ako kaya nagpresinta na akong samahan syang mamasy
FIVE YEARS LATER.. DAN"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata. "Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya. "Margo anak -- ""Dadadadada!" Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa. Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila. "Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko. "Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede. "Dada mama." Daldal naman ni Dami
MAGGIETUWANG TUWA ako sa pinapanood ko sa cellphone habang kumakain ng makopa. Ala sais na ng gabi pero bigla akong naglaway sa makopa. Mabuti na lang nagpadala kahapon si ate Nika ng makopa sa driver nya. Naubos na kasi yung hiningi ni Dan noong isang linggo. Hinimas himas ko ang malaki ko ng tiyan. Walong buwan na ang tiyan ko pero nagkicrave pa rin ako. Kumuha ulit ako mg makopa sa bowl at sinawsaw sa asin. Napapaungol pa ako sa sarap ng makopa. "Maggie, anong gusto mo sa sinigang may gabi o wala?" Tanong ni manang Oreng na galing sa kusina at may suot na apron. "Yung may gabi po manang." Sabi ko. "O sige, lalagyan ko ng gabi." Aniya at bumalik na sa kusina. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood sabay tawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Isa syang korean reality show. At talaga nga namang nakakaaliw ang mga pinaggagawa ng mga cast. "Mahal, I'm home!" Lumingon ako ng marinig ang malaking boses ni Dan. Nakauwi na pala sya at may bitbit na brown bag. Mal
MAGGIE"WUHOOO! MABUHAY ang bagong sakal -- este kasal!" Malakas na boses na sabi ni kuya Pierre at tinaas ang hawak na champagne glass. "Mabuhay!" Sabay sabay na sabi naman nila kuya Austin, kuya Ace, kuya Lex, kuya Seb at Dan at pinagpingki ang mga champagne glass na hawak nila. Kami namang mga asawa na nasa tabi nila ay nagpalakpakan. Mesa yata namin ang pinakamaingay dito sa reception. Sila tatay at nanay naman ay nasa kabilang mesa kasalo sila lolo Alberto at uncle Ben. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa ibang mesa din na di malayo sa amin at maingay. Kasalo nila si Sandy at ilang mga kaklase ko noong senior high. Mabilis agad silang nagkasundo lahat. Napapansin ko pa nga si Jude at Sandy na madalas mag usap. Mukhang magkakadevelopan pa ang dalawa. Wala namang masama dahil parehas silang single. Hinapit ako ni Dan sa bewang sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya at nginitian. Ngumiti din sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. Inulan naman kami ng tuksuhan. Nag i
WEDDING DAY.. DANPABALIK BALIK ako sa salamin habang sinisipat ang hitsura ko kung ayos na. Lalo na ang barong na suot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong bagong gupit. Bagong ahit din ako kaya malinis na malinis ang mukha ko ngayon. Gusto kong maayos ang hitsura ko at gwapong gwapo kapag nagkita kami ni Maggie sa harap ng altar mamaya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako na nae-excite. Ito ang pinakahinihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni mahal. Tok! Tok! Nilingon ko ang pinto. Bumukas ito at sumilip ang binabaeng staff ng wedding planner na inupahan ko. "Sir, oras na po para bumaba." Aniya sa malambot na boses. Ngumiti ako. "Bababa na ko." Tumango lang ang staff at ngumiti saka sinarado ang pinto. Muli kong tiningnan ang sarili sa life sized mirror. Inayos ko ang manggas pati ang relong suot.Natawa ako sa sarili ko. Dati wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko sa suot ko kahit kameeting ko pa ang mga executives. Ganun ako kaconfident. P
MAGGIENAGMANO SI Dan at kuya Austin sa matandang foreigner na bagong dating. Kami namang naroon ay curious sa kung sino ang matanda. Humarap sa akin si Dan katabi ang matandang lalaki na nakangiti na. "Lo, sya ang girlfriend ko. Si Margarette Caperiña. Mahal, ang lolo ko si Alberto Acosta." Pakilala sa akin ni Dan sa matandang lalaki na lolo pala nya. Tumayo ako at nahihiyang lumapit. Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano. "Nice to meet you po sir." Magalang na sabi ko at kiming ngumiti."Lolo na lang din ang itawag mo sa akin iha and nice to meet you too. Tama nga ang apo napakaganda mo at mukhang bata pa." Magiliw na sabi ni Lolo Alberto. Bigla ay nawala ang pagkailang ko dahil sa mabait nyang ngiti. Hinapit ako ni Dan sa bewang at hinalikan sa sentido. "Ah lo, sila naman ang mga magulang ni Margarette. Si tay Berting at nay Cora." Pagpapakilala naman ni Dan sa mga magulang ko na tumayo din at lumapit. "Kamusta ho sir." Magalang na bati ni tatay at nakipag kamay kay lolo
[WARNING SPG]DANNAKAAWANG ANG labi ko at impit na umuungol habang umiindayog sa kandungan ko si Maggie. Nakahawak sya sa balikat ko at nakaawang din ang labi. Umaalog din ang malulusog nyang dibdib na kay sarap susuhin. "Fuck mahal.. ganyan nga nghh.." Ungol ko ng igiling pa nya ang balakang. Naiipit ang pagkalalaki ko sa loob nya at tila hinihigop. Nakadagdag pa sa init ng nararamdaman ko ang hitsura nya. Nakasuot sya ng uniform nya. Bukas ang blouse at nakataas ang palda hanggang bewang. Dati pantasya ko lang ang angkinin sya na suot ang uniform nya na ngayon ay nangyayari na.Sinapo ko ang dalawang dibdib nyang umaalog at piniga piga ng marahan. Sinubo ko ang isa nyang utong at sinipsip. Salit salitan kong ginawa yun sa dalawa nyang dibdib. "Ahmmm babe.. hmph! Hmmph!" Ungol nya at mabilis na nagtaas baba sa pagkalalaki ko. Nararamdaman kong mas sumisikip pa sya lalo. Anumang sandali ay labasan na naman sya. "Yes mahal, cum for me!" Daing ko. Hinawakan ko ang balakang nya at i
MAGGIEPAGLABAS NAMIN ng presinto ay sakto namang pababa ng sasakyan si ate Mikay at kuya Austin. Agad na lumapit sa akin si ate Mikay kasunod si kuya Austin. Bakas ang pag aalala sa mukha nya. "Ano nang nangyari?" Tanong agad nya. Sinipat sipat pa nya ang mukha ko at katawan. Kanina ay nag call back sya. Nasa clinic nga sila ni kuya Austin at katatapos lang ng check up. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. "Ayos na ate, hindi ako makukulong." Nakangiwing sabi ko. Natatakot akong baka pagalitan nya ako tapos isumbong kanila tatay at nanay. "Dan pare kamusta?" Tanong naman ni kuya Austin."Nakipag areglo na lang si tita Gina at Camila. Takot silang sampahan ko rin sila ng kaso sa pananakit nila kay Maggie. Hindi na sila magsasampa. Pero sinagot ko na rin ang pampagamot ni Camilla." Sabi ni Dan. "Malala ba ang lagay ng Camilla na yun at talagang binalak pa nilang sampahan ng kaso ang kapatid ko?" Tanong naman ni ate Mikay."Paling ang ilong at putok ang labi." Sagot ni Dan. Napayuko na
MAGGIE"AY JUSKO! Camilla anak!" Natatarantang dinaluhan ng ginang si Camilla na nakabulagta at tulog. Lumapit naman ang ibang naroon at nakiusyoso. "Ay nakatulog." "Buti nga. Matapobre eh." "Bagay lang yan sa kanya. Masama ugali." "Wala pala sya eh." "Dapat pati yang matapobreng nanay inumbagan din eh." Mga komento ng mga naroon. Lumapit naman si ate Pinky at ibang mga crew ng coffee shop para saklolohan si Camill'ang nakabulagta. "Omg ka baks! Pinacquiao mo si Mystica." Bulalas ni Lily ng makalapit sa akin. Doon naman ako tila nahimasmasan sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang pananakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok kay Camilla. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakabulagta. Dapat sampal lang yun eh. Di ko alam bakit naging suntok. Kinakabahang nilingon ko si Lily. "B-Baks hindi ko sinasadyang masuntok sya. Dapat sampal lang yun eh." "Dapat naman talaga suntok baks. Bruhang babae yan eh. Buti nga sa kanya. Galing mong sumuntok." Pabulong na sabi niya na tuwang tuwa pa.
DANNGITING NGITI AKO habang tutok ang mata sa kalsada at tumatango tango sa anumang sabihin ni Maggie. Nakayakap sya sa braso ko at nakahilig ang pisngi. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa isang hita nya. Simula ng may nangyari sa amin isang linggo na ang nakakaraan ay naging clingy na sya sa akin na syang gustong gusto ko naman. Wala syang pasok ngayong araw na to pero may lakad sila ng kaibigan nya. Kaya sinundo ko na rin sya para ihatid sa meeting place nila."Kapag nakapag ipon na ako magtatayo talaga ako ng grocery sa amin sa probinsya. Para hindi na babyahe sa kabilang bayan ang mga taga sa amin para lang bumili ng supply nila." Aniya. Sinasabi nya sa akin ang mga plano nya kapag nakagraduate sya at nagkatrabaho. Inaalok ko nga syang sa akin na lang magtrabaho pero ayaw naman nya. Ayaw nya dahil lagi ko lang daw syang papaboran. Ayaw nyang magkaroon ng conflict sa mga emplayado kung sakali dahil lang sa akin. Naiintindihan ko naman sya. Isa din yun sa nagustuhan ko sa k