It's fake. Muling naglakbay sa dibdib niya ang sakit. Halos manikip ulit ang dibdib ni Belinda habang iniisip ang mga nangyari, pero pinilit niya ang lahat para umaktong normal. She didn't want to end up crying again dahil gusto niya ng maging maayos at matapang. “You didn't cry hard when Danilo cheated on you, pero si Van, you almost…” Biglang natigilan si Lia at halos mapapikit. Hindi niya nagawang pigilan ang sarili niya na sabihin ang mga katagang iyon. “I'm sorry.” Lia immediately also said nang harapan na niya si Belinda at mapagtanto ang sinabi niya. Hindi talaga niya intention na sabihin iyon, pero tuluyan na lang iyon lumabas sa bibig niya. Lia saw Belinda smile a little bit, pero punong puno pa rin talaga ng sakit ang mata niya. At hanggang ngayon nga ay namumugto pa rin iyon. “You're right. Hindi nga ako umiyak ng sobra noon. Umiyak nga ako, pero hindi iyong tipong halos nagkulong ako sa kwarto ko at mabaliw sa kakaisip. Oo, sigurado ako na nasaktan ako, pero..." Natig
“Apo? Ikaw ba 'yan? Belinda, apo ko?” Ang boses ng lola ni Belinda ang pumutol ng katahimikan.Hindi mapigilan ni Belinda ang tumitig sa ina niya na ngayon ay nakatitig na rin mismo sa kanya. Kitang-kita ni Belinda na nangilid ang luha sa mata ng kanyang ina habang nakatingin sa kanya. Belinda really don't know what to feel. Kung magiging masaya ba siya? Kung magagalit kasi iyong ina niya na gustong gusto niyang makita noon pa na kahit kailan hindi nagpakita sa kanya ay nandito na. Hindi niya talaga alam.Her lola is right, magkamukhang-magkamukha sila ng kanyang ina.“Sa labas lang ako.” She heard that from Lia, pero hindi na niya iyon magawang pagtuunan ng pansin.Belinda is already 25 years old at bata pa lang siya nang iwan siya ng kanyang ina, so it feels really like a dream now that her mother was here, watching her.“Nandito na ang mama mo, Belinda. Hindi mo na siya kailangang hanapin pa.” Rinig na rinig ni Belinda ang masayang boses ng kanyang lola kaya naman nalipat ang tingi
“Ayos lang bang mag-order muna tayo bago tayo mag-usap? You can order whatever you want,” Cylvia said and tried to smile at Belinda.Pumunta sila sa malapit na coffee shop at doon nag-usap. Naiwan naman si Lia sa hospital at sinabing maghihintay na lang doon. Belinda nodded to what her mother said, but she kept looking at the bodyguards standing outside. Halos lima sila at lahat ng iyon ay bodyguard ng kanyang ina.Thinking that those are hired from Van's father really made Belinda sigh. Hindi niya maiwasang isipin na ang asawa ng mama niya ngayon ay ang papa ni Van. She wanted to ask that immediately to her mom, pero alam niyang may tamang oras para doon at ang oras na iyon ay hindi pa ngayon.“Ang laki-laki mo na. Naalala ko noon, napakaiyakin mo tapos ngayon.” Nakangiting ani ni Cylvia at talagang tinitigan ang anak niya.“I’m happy na lumaki kang maayos. Nakapagtapos ka, hindi ba, ng interior design? I'm proud of you sa lahat ng narating mo,” sambit pa niya at nakangiti pa rin, pe
Parehas silang umiiyak, pero si Belinda ay pinanatili ang seryosong expression habang pumapatak ang luha. Belinda let her tears fall, but she remained serious.Laking pasalamat ni Belinda na nagagawa pa rin niyang maging seryoso sa kabila ng mga halo-halong nararamdaman niya ngayon. She really just didn't want to look more miserable right now.Habang si Cylvia naman ay humigpit ang hawak kay Belinda, and because she was holding Belinda's hand, hindi niya maiwasang titigan ang singsing ni Belinda. Malungkot na ngumiti si Cylvia at inangat ang tingin sa anak niya.“Your ring is beautiful. Grabe, subrang pabaya kong ina.” Hinaluan ni Cylvia iyon ng pagtawa, pero rinig na rinig naman ang lungkot at subrang pagsisisi.“I don't even know that you are already married. I'm sorry, anak. Sorry, ang laki ng pagkukulang ko sa 'yo.” Cylvia cried more and even kissed Belinda's hand nang maidugtong niya iyon.Napapikit naman si Belinda at agad na hinila ang kamay niya. Hearing that was too awkward k
“A-Anak, what happened? Anong ginawa niya sa 'yo? Tell me.” Tumayo na si Cylvia sa pag-aalala at agad nilapitan ang anak.Alam ni Cylvia kung gaano kagalit si Cecilla sa kanya, kaya hindi niya maiwasang mas mag-alala sa kung anong ginawa ni Cecilla. Malalim na huminga si Cylvia nang maalala niya ang huling pag-uusap nila ni Cecilla and it wa already 3 years ago at hanggang ngayon ay masyado pa ring malinaw sa isip niya ang galit ni Cecilla sa kanya."What did she do to you, Belinda?" Cylvia ask again.“Via,” it was from Edie Francisco nang maupo si Cylvia sa paanan ni Belinda at hawakan ang kamay nito.“I'm sorry—”“Is that your way to get money? To get rich? Ang umagaw ng asawa ng may asawa?” Belinda was already too emotional to stop herself from saying those words to her mom.Natigilan saglit si Cylvia sa sinabi ng kanyang anak. Hearing that from her own daughter ay talaga namang napakasakit.Kitang-kita ni Belinda sa mata ni Cylvia na nasaktan ito sa lahat ng sinabi ni Belinda, but
“Matagal ng magulo ang pagsasama namin ni Cecilia bago magtrabaho si Cylvia sa bahay, and Van knows that.” That was the first thing Edie said to them.Hawak-hawak ni Edie ang kamay ng kanyang asawa na ngayon ay tahimik na din, pero may luha pa rin sa mata.Hindi nagsalita si Van pagkarinig non dahil alam niya ang bagay na iyon. Araw-araw na nag-aaway si Cecilia at Edie, pero sa mga panahong iyon ay bata pa lang si Van at hindi alam kung ano ba ang pinag-aawayan ng dalawa. Pero dahil sa palaging magkaaway at sa huli ay ang ina niya ang umiiyak, namuo ang galit niya sa kanyang ama.“Cylvia and I already knew each other before that day. We used to be boyfriend and girlfriend when we were in college.”Belinda just stayed silent at nakinig na lang, pero si Van naman ay hindi nagustuhan iyon. Umigting ang panga ni Van sa narinig at mas lalong naging seryoso.“What the hell? We are not here to hear how you two met in college, and then met again in an unexpected year. Why don't you just get s
“Listen, Van. Everything is really shocking, but I want you to hear meAt dito na papasok kung bakit kailangan kitang ipatawag rito.” Kitang-kita ang malungkot na ngiti ni Edie.Hirap siyang sabihin ang bagay na gusto niyang sabihin dahil ayaw niyang magbago ang tingin ni Van sa kanya at tuluyang mawala ang itinuring niyang anak.“You're not my son.”Napakurap-kurap si Belinda sa narinig at agad na tinignan si Van. Kitang-kita ni Belinda kung paano dumaan ang sakit sa mata ni Van.He was just wishing that, after this, they still see each other and he is still able to call him son. Ayaw niyang may magbago sa pagitan sa kanila. Oo at galit si Van sa kanya, but he still feels that Van is his son. Minsan ay tumatawag siya kay Van, and they can still talk casually, pero ang mga katotohanan ngayon ay alam niyang magkakaroon ng apekto sa relasyon nila.Muling natigilan si Van, pero agad ding namang padarag na tumayo.“This is bullshit. Pinaglalaruan niyo kami. Why don't you just simply say na
Chapter 107“Here. Baka mamayang gabi pa ang uwi ni Via so we have time to drink a little,” binigay ni Edie ang hawak na wine sa harap ng lamesa at inangat ang tingin kay Van na nakapikit at nakapatong ang ulo sa headrest ng sofa.They are already in Edie's house in Manila. Pagkatapos ng nangyari, inaya ni Edie si Van dahil gusto niyang makasama si Van pagkatapos ng nakita niya, habang si Cylvia ay bumalik sa ospital para sundan ang anak na si Belinda at siyempre para sa kanyang ina na nasa ospital."Hindi ka ba hahanapin ng mama mo kung magtatagal ka?" Edie couldn't help to ask that dahil kilala niya si Cecilla, malalamn at malalaman ni Cecilla ang pagkikita nila ni Van at paniguradong magagalit iyon.Inangat ni Van ang ulo at tinignan ang nilapag ni Edie sa lamesa. Isang buntong hininga na lang ang ginawa ni Edie habang pinapanood si Van na lagyan ang baso ng alak at agad nilagok.“It's 99% alcohol content, huwag mong subrahan. Malalasing ka kaagad,” sabi ni Edie at umupo na rin nam
Chapter 16Hindi makapaniwalang tinitigan ni Cheska si Azrael, ang isang kilay niya ay bahagyang nakataas habang pilit niyang inuunawa ang ikinikilos nito. Kanina lang ay nakaupo ito sa kabilang dulo ng sofa, pero ngayon ay nasa tabi na niya—nakaakbay pa na parang walang pakialam sa mundo. Hindi niya maiwasang magtaka sa biglaang pagbabago ng mood nito.“Problema mo?” tanong ni Cheska, at sa hindi mawaring dahilan, halos matawa na siya sa inasal ng binata.“Hindi kita pinapasweldo para magtanong. Just stay quiet and sit beside me,” mariin at masungit na sabi ni Azrael.Napanguwi si Cheska sa narinig dahil kailan ay subrang sungit nito, pero hindi maintindihan ni Cheska ang sarili kung bakit niya tinanggal ang kamay ni Azrael.Kung ibang lalaki siguro ang lumapit sa kanya nang ganito kalapit, malamang ay siniko na niya ito, o kaya’y nasapatusan. Pero sa halip na gawin iyon, napahinga lang siya nang malalim at pinagmasdan ang iritadong ekspresyon ni Azrael—ang nakakunot nitong noo, ang
Chapter 15Gusto pang magmatigas ni Cheska dahil para sa kanya ay hassle ang magpalit pa ng damit gayong para sa kanya ay maayos naman na ang damit na suot, pero wala naman siyang magagawa gayong boss naman niya ang nagsabi at nag-utos. At saka kahit naman binabara bara niya iyon at sinsagotsagot ay takot pa rin ito na baka biglang magbago ang isip nito. Plano din kasi ni Cheska na kausapin si Azrael tungkol sa pagpapagamot ng kapatid niya kaya talagang hindi niya maipagkakailang masaya siya sa pagtawag nito.Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating na ang damit na ipinadala ni Azrael. Walang nagawa si Cheska kundi isuot ito, kahit pa ramdam niyang hindi niya ito kailanman isusuot kung siya ang masusunod.Paglabas niya mula sa restroom, agad niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng telang bumabalot sa katawan niya. Isang itim na fitted dress ang suot niya—hapit na hapit ito sa kanyang katawan, dinidikitan ang bawat hubog niya sa paraang hindi siya sanay. Ang tela ay manipi
Chapter 14Hindi na nagpalit si Cheska ng damit. Kung ano ang suot niya kanina habang nasa kalsada kasama si Cris, iyon na rin ang dinala niya sa mamahaling bar kung saan siya pinatawag ni Azrael. Naka-itim siyang t-shirt na kupas at maluwag sa kanya, halos mahulog na sa balikat. Ang suot niyang shorts ay mukhang hiniram niya pa sa kung sinong lalaki—lampas tuhod at luma na rin. Naka-black cap siya, pero hindi nito tuluyang natakpan ang mahaba niyang buhok na nakalugay, bumabagay sa overall niyang pormang parang tambay sa kanto.At ngayon, habang naglalakad siya sa loob ng bar, hindi niya maipinta ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng mga tao roon. Napapailing si Cheska dahil parang nanliliit ang mga matang nakatingin sa kanya, na animo’y sa tingin pa lang ay sinasabi nang hindi siya bagay sa lugar na iyon.Napapalatak si Cheska. “Ano bang problema ng mga ‘to? Saka ano namang pake nila?” bulong niya sa sarili at medyo nakaramdam ng inis.Ang mga babae sa paligid ay nakasuot ng mga f
“Huhulaan ko, nag-away na naman kayo ng Mama mo, no?”Hindi tinignan ni Cheska si Cris nang marinig niya ang boses nito. Sa halip tignan ito, nanatili siyang nakatitig sa kalsada, pinagmamasdan ang walang-humpay na daloy ng mga sasakyan. Ang ilaw mula sa mga headlight ay sumasalamin sa kanyang mga mata, pero hindi iyon sapat para tabunan ang lungkot na nararamdaman niya sa lahat ng masasakit na salita mula sa kanyang ina.“Wala siya ngayon, pero kahapon, oo. Ano pa nga ba? Wala namang bago doon. Himala na lang siguro kung hindi kami mag-aaway o magtatalo ng isang araw. Palagi naman kasing mainit ang ulo niya.” Mahina at sarkastikong sagot ni Cheska, kasabay ng mapait na ngiti.Napabuntong-hininga si Cris at umiling. "Masyado ka kasing mabait sa Mama mo. Halos ikaw na lahat ang gumagawa ng pera para kapatid mo at pati sa pagsusugal ni Tita. Huwag mo namang hayaang abusuhin ka niya, Cheska.""Hindi ko naman kayang maging matigas, Cris. Mama ko iyon, eh. Kahit ganoon iyon, mama ko pa r
Chapter 12Zara. Iyon ang pangalan ng kanilang ina.Palaging ganoon ang ina ni Cheska sa kanilang magkapatid. Sa kabila ng pagsusumikap ni Cheska na makatulong sa gastusin, puro masasakit na salita lang ang natatanggap nila mula sa kanilang ina at paulit ulit na panunumbat na walang katapusan.Paulit-ulit na binabanggit ng kanyang ina kung paano siya nagsisisi na sumama sa ama nila noong maayos pa ang buhay nito. Para bang isang pagkakamali ang kanilang pagdating sa mundo. Palagi nitong pinaparamdam na sila ang mismong sumira sa buhay nito.Alam din ni Cheska na dating guro ang kanyang ina sa kanilang probinsya. Lagi nitong sinasabi na may ibang lalaking gusto sana niyang pakasalan noon—at kung siya raw ang nasunod, hindi sana naging ganito ang buhay niya. Isang masakit na katotohanang palaging itinatanim sa isip ni Cheska, na para bang kasalanan nilang magkapatid kung bakit ganoon ang sinapit ng kanilang ina.“A-Ate, magpapagamot na po ako?”Kitang-kita ni Cheska ang pagningning ng mg
Chapter 11“Gwapo sana, kaso ang gago-gago niya.”Napabuntong-hininga si Cheska habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Napapailing na lang siya sa inis at halo halong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ito o hindi—baka kasi may makita na naman siyang hindi niya magugustuhan. Kahit pa pilit niyang iwaksi sa isip ang nakita niya, patuloy itong bumabalik, paulit-ulit, na parang isang sirang plaka ang narinig niya kanina na talaga namang paulit ulit na lang sa isip ni Cheska.“Nagbibigay ng cellphone, tapos may nagbebembangan? Kinikilabutan pa rin ako. Ang gandang cellphone tapos may b0ld. Tanga na, gago pa. Paano na lang kung si Tita Daviah ang nakakuha at nagbukas ng phone? Ang tanga niya, sobra.”Napapailing siya habang kinakausap ang sarili at alam din naman niya na mukha na siyang tanga habang kausap ang sarili, pero talagang hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi lang inis ang nararamdaman niya—may halong kilamot talaga. Hindi niya inakalang makakakita siya
Chapter 10"Iha, pasensya na kung marami kami ngayon dito. I am really just happy that my son already has a girlfriend, kaya talagang sinabihan ko ang lahat tungkol sayo. Mas marami pa sana ito kung hindi lang nasa ibang bansa at busy ang iba. And also, my husband is not here dahil may dinaluhang meeting, kaya hindi mo siya makikilala ngayon."Halos nawala lahat ng tapang ni Cheska nang makita niya kung gaano karami ang pamilya ni Azrael. Mukhang alam na ni Cheska kung bakit ganito kalaki at kalawak ang condo ni Azrael—dahil kung maliit ito, hindi sila magkakasya lahat."O-Okay lang po at saka m-masaya naman po akong makilala kayo," sinubukan ni Cheska na ngumiti at maging normal ang kilos, pero halos hindi niya magawa nang mabuti dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi totoo ang lahat ng ito.Nang matapos sabihin ni Cheska iyon, agad siyang dinumog at nagpakilala isa-isa. Ang iba ay sabay-sabay pa nga sa pagsasabi ng pangalan, kaya halos wala nang matandaan si Cheska sa mga pang
Chapter 9Gulo?Matatawag ba itong gulo kung malaki ang halagang makukuha niya at maipapagamot na niya ang kapatid niya? Iyon ang hindi mapigilan ni Cheska na isipin. Kanina pa siya parang wala sa katinuan, para kasing ang daming nangyari sa isang gabi lang, na para bang nananaginip lang siya na ewan—at ngayon, may pampaopera na ang kapatid niya.Napabuntong-hininga siya at napaupo sa gilid ng kama ni Azrael. Lumingon siya sa paligid, sa magarbong kwarto na ngayon na talaga namang kahit kailan ay hindi inisip ni Cheska na mapupuntahan niya. Nakakabingi ang katahimikan. Hanggang sa bumukas bigla ang pinto. “Here!” Gulat na sinalo ni Cheska ang hinagis na damit ni Azrael. Halatang kagagaling lang nito sa labas, at siya naman ay nanatili sa loob ng kwarto matapos siyang utusan na huwag lumabas. Napakunot-noo siya.“Ano ’to?” tanong niya bago pa man tingnan ang damit. “Malamang damit. Isn’t that obvious? Magpalit ka na at nagdadatingan na ang pamilya ko. Fix yourself, and please
Chapter 8 “Ano bang problema mo!” inis na ani ni Cheska kay Azrael at agad na hinila ang kamay. Agad kasing hinila ni Azrael si Cheska para dalhin sa kwarto niya, at nang makapasok ay agad ngang hinila ni Cheska ang kamay niya at tinignan ito nang masama. At ngayong silang dalawa na lang, hindi niya napigilang ipakita ang pagkainis niya sa nangyare. “I'm sorry—” Pero bago pa matapos ni Azrael ang sasabihin ay sumabog na ng tuluyan si Cheska. “Pake ko sa sorry mo? Mag-explain ka na lang kung bakit mo sinabi iyon sa mama mo. Ako? Girlfriend mo? Ibang klase ka ah, nagkita lang tayo kahapin tapos girlfriend mo an agad ako? Saka wala akong pakealam kong mayaman ka o ano! Ano ka? Sinuswerte?! Ako? Girlfriend mo agad! ha! Asa ka!” Napapailing na ani ni Cheska at halos hindi na huminga sa subrang inis at pag-aalburoto, at halos sumakit ang ulo niya habang iniisip ang bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi inisip ni Cheska ang pumasok sa isang relasyon, tapos biglang ganito? Pinakilala siya