**Chapter 32** “Hey, you have work. Wake up.” Kanina pa gising si Belinda, pero hindi niya gustong bumangon. “Malalate ka na kung hindi ka pa babangon ngayon.” Sambit pa ni Van habang pinaglalaruan ang buhok ng asawa. Imbes na bumangon si Belinda ay niyakap niya lang ang asawa ng mas mahigpit habang hinahayaan ni Belinda ang sariling amuyin kung gaano kabango ang asawa. Van chuckled dahil alam din niya na kanina pa gising ang asawa. Pagod na pagod ang asawa niya kagabi at nakatulugan nito ang posisyon kagabi. “Baby, you have work,” bulong pa nito, pero hindi pa rin iyon pinansin ni Belinda. “Belinda.” This time, naging seryoso ang boses ni Van. Belinda looked at him. “Ayokong pumasok. Huwag na tayong pumasok.” This is the first time that Belinda said that word, na ayaw niyang pumasok. Belinda is a workaholic. Kung hindi niya kasama ang lola ay talagang sobra itong nakatutok sa trabaho, pero ngayon, after what happened, pagkatapos niyang makaramdam ng sobrang takot na baka makipa
Chapter 33Naubos ang oras ni Belinda at Van sa loob ng kanilang kwarto. They spent the time together and neither of them got bored. Sa sumunod na araw ay bumalik sa trabaho si Belinda at napagdesisyonan na kausapin ng masinsinan si Manager Xian, pero bago niya tuluyang madesisyonan iyon, sinabi niya muna kay Van ang plano at pumayag naman siya.“Belinda, about last night—”“Manager Xian, I have so much respect for you. Magaling kang manager ng department, but what you suddenly did is not really that good. May asawa akong tao, Manager Xian,” mabilis na sambit ni Belinda.Hindi gaanong pumapatol si Belinda lalo na tuwing may away at sagutan, but Belinda knows when to talk.“And kissing me even though you know that I am a married person is really making me disrespectful,” Belinda seriously said.Hindi na niya hinayaan si Manager Xian na magsalita at agad na siyang lumabas. She shouldn't be like that kasi baka ito pa ang rason baka mawalan siya ng trabaho, pero hindi hahayaan ni Belinda
Chapter 34Mag-iisang oras pa lang ay halos malasing na ang lahat. Even Lia is also drunk at pasayaw-sayaw na rin.Si Belinda lang ang kaisa-isang nakaupo at walang inom sa lahat.Ang pinagpasalamat lang ni Belinda ay nang sabihin ni Crizel na hindi sasama si Manager Xian sa kanila. Ang huling usap kasi ni Belinda at Manager Xian ay tungkol doon sa nangyari pa, at sa mga sumunod na araw nga ay hindi na kailanman pinatawag ni Manager Xian sa opisina si Belinda kahit na tungkol sa trabaho.“Belinda, bakit ba ang killjoy mo? Look at Lia, game na game, oh. Nag-eenjoy pa, eh ikaw? Anong balak mo, girl?” Crizel suddenly sat beside her.Nakainom na si Crizel, pero mukhang hindi naman ganoong kalasing gaya ng iba pa.“Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito,” sambit na lang ni Belinda na agad namang inirapan ni Crizel.“Ang boring mo. Here, try this one. Isa lang.” Mabilis na umiling si Belinda nang kunin ni Crizel ang isang basong may alak na nasa lamesa.“No. Hindi ako umiinom—”Inis na n
Crizel couldn't help but cry while leaving the parking lot. Nakokonsensya siya. Hindi ito pinanganak kahapon para hindi malaman kung anong balak ni Manager Xian kay Belinda at mas lalong hindi siya tanga.Sinubukan niyang isarado ang isip at isipin ang makukuha niyang promotion sa lunes, pero kahit anong isip niya ay napapangunahan siya ng konsensya niya.Galit siya kay Belinda, pero hindi kaya ng konsensya niya habang iniisip na iniwan niya ito kay Manager Xian habang nasa ilalim ng drugo.Kinakain na ito ng konsensya. Nilibot nito ang paningin at sinubukang mahanap ng makakatulong sa kanya para iligtas at bawiin si Belinda, pero halos mapahagulgol siya ng makitang puros nakainom na ang mga nakita niya.Pero nakahinga siya ng maluway nanv makita niya ang pamilyar na mukha ni Van na bumaba sa kotse niya ay agad siyang tumakbo papunta roon at agad pinaalam kay Van ang nangyari.Crizel knew that Van is one of the Engineers in RIVA Company kaya halos magpasalamat siya nang makita niya it
Chapter 36It was already a week since that happened. Tuluyang nakulong si Manager Xian dahil sa ginawa niya, rason din kaya hindi na siya matatawag na Manager sa department nila. In that week, kasalukuyan na silang nagha-hire ng pwedeng maging Manager.Habang si Crizel naman ay hindi na tinuloy na pinakulong ni Belinda.Belinda didn't want what Crizel did, na kahit si Lia ay sinubukang kumbinsihin si Belinda na ipakulong si Crizel dahil kahit saan tignan, naging kasabwat siya ni Manager Xian sa masamang balak nito, pero sa huli ay hindi na nagsampa ng kaso si Belinda.Ang pagbalik ni Crizel para iligtas siya at bawiin ay malaking bagay na kay Belinda, and she also saw how Crizel regretted what she did kaya talagang hindi na naisip ni Belinda na sampahan at ipakulong si Crizel. Sapat na sa kanya na nagsisi ito sa pakikipagsabwatan kay Manager Xian.“Ngayon daw ang dating ng bagong Manager at bali-balitang babae raw,” Belinda heard that from Cindy.Nagkumpol-kumpol ang mga katrabaho ni
“Ma, I told you, ako na ang bahala. You don't need to come here, tapos nagpalagay ka pa sa posisyon na ‘yan?” Van couldn't help but say to his mom while she was slicing the ingredients for cooking. Seryoso lang siyang tinignan ng Mama niya at saka tinuloy ang paghihiwa ng mga rekado na gagamitin nito sa pagluluto. “Ma, you don't need to come here. Sinabi ko na, ako na ang bahala.” Van almost begged. Nalaman ni Van ang pagdating ng kanyang ina galing sa ibang bansa. Hindi lang iyon, nalaman niya rin na nagpalagay siya sa posisyon bilang Manager sa department kung nasaan si Belinda. Ang bagong Manager nila Belinda ay ang Mama ni Van na anak mismo ng Chairman. “Ikaw ang bahala? It's been a month since you told me na igaganti mo ako! But why are you still with her? Bakit parang wala kang ginagawa para pahirapan ang anak ng babae ng Papa mo?” Napasinghap si Van sa narinig. “I just…” Tumigil si Van sa pagsasalita at saka huminga ng malalim. “Kailangan ko pang mas kunin ang loob
Chapter 38“Oh? Engineer Van? Anong ginagawa mo rito? Belinda is already sleeping.” Nagtataka man si Lia kung paano nakapasok si Van gayong bawal sa building ang outsider. It's a rule in this building na kung hindi ka tumitira mismo sa building ay bawal itong pumasok.“Can I go in her room?”Napakamot si Lia sa batok at tinignan ang labas. Nang makitang walang tao, agad na niluwagan ni Lia ang pinto para makapasok si Van.“Nasa gitnang pinto ang kwarto niya, Engineer Van,” sambit ni Lia na agad na tinanguan ni Engineer Van. Dahil alam naman ni Lia na asawa ni Belinda si Van, hinayaan at pinayagan na niya ito.Napangiti naman si Lia nang maisip na magugulat ang kaibigan kapag nakita nito ang asawang nasa loob ng kwarto niya.Engineer Van entered Belinda's room. Kahit na halos nanghihina sa lahat ng nangyayari, hindi nito naiwasang matawa nang makita nitong nakanganga si Belinda habang tulog.Van removed his tsinelas at agad na humiga sa tabi ng asawa. Van was already ready to sleep a w
Pumasok pa rin si Belinda kahit na late na. Van needs to go somewhere and it's important, that is what Van told Belinda.Pero pagpasok niya ay agad na pinatawag ng bagong Manager si Belinda at Lia at sinabing dalhin lahat ng papeles at designs na natapos nila.“So this is the project you are telling me about? Are you two serious? Kahit high school student ay kayang-kayang gawin ang bagay na ito, tapos ipinagmamalaki niyo? I don't know why the CEO approved this one; kitang-kita naman na basura!” Parehong hindi nakapagsalita si Belinda at Lia sa sinabi ng bago nilang Manager, na ang totoo ay anak ng Chairman at mama ni Van.Cecilla, or the new Manager, looked at Belinda. Hindi maiwasan ni Cecilla ang tignan ng masama at kamuhian ang babaeng nakatayo sa harap niya, na kamukhang-kamukha ng taong sumira sa buong pamilya niya.Humigpit ang hawak ni Cecilla sa mga papeles at ginawa ang lahat para hindi itapon sa pagmumukha ni Belinda ang mga iyon.Magkamukhang-magkamukha sila; parehong inos