“Ma, I told you, ako na ang bahala. You don't need to come here, tapos nagpalagay ka pa sa posisyon na ‘yan?” Van couldn't help but say to his mom while she was slicing the ingredients for cooking. Seryoso lang siyang tinignan ng Mama niya at saka tinuloy ang paghihiwa ng mga rekado na gagamitin nito sa pagluluto. “Ma, you don't need to come here. Sinabi ko na, ako na ang bahala.” Van almost begged. Nalaman ni Van ang pagdating ng kanyang ina galing sa ibang bansa. Hindi lang iyon, nalaman niya rin na nagpalagay siya sa posisyon bilang Manager sa department kung nasaan si Belinda. Ang bagong Manager nila Belinda ay ang Mama ni Van na anak mismo ng Chairman. “Ikaw ang bahala? It's been a month since you told me na igaganti mo ako! But why are you still with her? Bakit parang wala kang ginagawa para pahirapan ang anak ng babae ng Papa mo?” Napasinghap si Van sa narinig. “I just…” Tumigil si Van sa pagsasalita at saka huminga ng malalim. “Kailangan ko pang mas kunin ang loob
Chapter 38“Oh? Engineer Van? Anong ginagawa mo rito? Belinda is already sleeping.” Nagtataka man si Lia kung paano nakapasok si Van gayong bawal sa building ang outsider. It's a rule in this building na kung hindi ka tumitira mismo sa building ay bawal itong pumasok.“Can I go in her room?”Napakamot si Lia sa batok at tinignan ang labas. Nang makitang walang tao, agad na niluwagan ni Lia ang pinto para makapasok si Van.“Nasa gitnang pinto ang kwarto niya, Engineer Van,” sambit ni Lia na agad na tinanguan ni Engineer Van. Dahil alam naman ni Lia na asawa ni Belinda si Van, hinayaan at pinayagan na niya ito.Napangiti naman si Lia nang maisip na magugulat ang kaibigan kapag nakita nito ang asawang nasa loob ng kwarto niya.Engineer Van entered Belinda's room. Kahit na halos nanghihina sa lahat ng nangyayari, hindi nito naiwasang matawa nang makita nitong nakanganga si Belinda habang tulog.Van removed his tsinelas at agad na humiga sa tabi ng asawa. Van was already ready to sleep a w
Pumasok pa rin si Belinda kahit na late na. Van needs to go somewhere and it's important, that is what Van told Belinda.Pero pagpasok niya ay agad na pinatawag ng bagong Manager si Belinda at Lia at sinabing dalhin lahat ng papeles at designs na natapos nila.“So this is the project you are telling me about? Are you two serious? Kahit high school student ay kayang-kayang gawin ang bagay na ito, tapos ipinagmamalaki niyo? I don't know why the CEO approved this one; kitang-kita naman na basura!” Parehong hindi nakapagsalita si Belinda at Lia sa sinabi ng bago nilang Manager, na ang totoo ay anak ng Chairman at mama ni Van.Cecilla, or the new Manager, looked at Belinda. Hindi maiwasan ni Cecilla ang tignan ng masama at kamuhian ang babaeng nakatayo sa harap niya, na kamukhang-kamukha ng taong sumira sa buong pamilya niya.Humigpit ang hawak ni Cecilla sa mga papeles at ginawa ang lahat para hindi itapon sa pagmumukha ni Belinda ang mga iyon.Magkamukhang-magkamukha sila; parehong inos
“What the hell, Van? Come on. Where's your balls? Zy is here, yet you just sit there?” Kian said, one of Van's cousins. Walang nagawa si Van kundi pumunta sa party sa Tagaytay. It's Vero's birthday. Vero is also one of Van's cousins. “Oh, shut up. Just mind your own business,” mariing ani ni Van sa pinsan. “And, what the hell? Kailan ka pa naging mahina sa pag-inom?” sambit pa nito na sinamaan na lang ni Van ng tingin. Van didn't expect that his fiancée, Zy, would come here to the Philippines today. Tumawag siya kaninang umaga at nagpapasundo sa airport. Gustong ipasundo na lang ni Van si Zy sa mga driver, pero alam nito na makakarating sa mama niya kung gagawin niya iyon kaya wala itong nagawa kundi iwan si Belinda para sunduin si Zy. Van can't help but think of Belinda. Pumasok pa rin si Belinda sa trabaho at hindi maiwasang ipagdasal ni Van na walang pagpapahirap na gawin ang ina niya rito. “Do we have a problem?” Napasulyap si Van sa tabi niya nang magsalita si Zy. Van
Hindi maiwasang magtaka ni Belinda sa kinikilos ni Van. Wala man sinasabi, pero biglang naramdaman ni Belinda na may mali kay Van.Pagod at inaantok man siya, pero napansin niya agad iyon. Nakagat niya tuloy ang labi at saka huminga ng malalim.“Gusto ko sana, pero marami pa kasi akong gagawin at kailangang tapusin. Hindi pa ako pwedeng umuwi,” Belinda gently said to Van.Tinanggal niya ang yakap at medyo lumayo para tignan si Van. Napatitig siya kay Van. Gulo ang buhok nito at talagang kapansin-pansin na may kung ano sa kanya.“Are you okay? May nangyari ba?” Nag-alalang tanong ni Belinda nang hindi na niya mapigilan ang sarili at hinawakan ang pisngi ni Van para matignan ito ng maayos.Mapungay na tinignan ni Van si Belinda. Naninikip pa rin ang dibdib ni Van sa guilty na nararamdaman niya.“I'm fine,” tanging nasambit ni Van kay Belinda habang nakatitig ito mismo sa mukha ni Belinda. They both looked at each other's faces.“Come on. What is it? Sa trabaho ba? May problema sa trabaho
“Where are you? Kanina pa kita hinahanap rito. Bakit umalis ka agad? Ni hindi mo ako sinabihan na aalis ka pala.” Van tiredly looks at Belinda who is peacefully sleeping inside his car.“May ginagawa lang ako. Wala na ako sa Tagaytay. Let's just see each other the next day. May mga gagawin pa kasi ako at hindi pwedeng—”“But, Van, you need to come back here. Hindi ba nasabi ni Tita Cecilla na pupunta sila rito? Pupunta rin ang parents ko rito for breakfast, baka nga nandito na sila, eh.”Napahilot sa noo si Van.“Iha, good morning!” Until he heard his mom on the other line.“Your Mama is here na. Please, come back here right now. Tita Cecelia, good morning po.” After that, the call ended.Van looks at Belinda again before closing his eyes dahil alam niyang kailangan niyang iwan ulit si Belinda at pumunta sa Tagaytay. The last thing he doesn't want to happen is his mother getting angry again and getting hysterical.At hindi rin gusto ni Van na malaman ng ina niya ang pagiging malambot
“Van, pinapatawag ka ni lolo. He is waiting for you in his room." Nang marinig ni Van iyon ay napaayos siya sa pagkakaupo.He was planning to talk to his lolo and he thought that it was the best time to do so. Pagpasok na pagpasok ni Van sa kwarto ng lolo niya ay tinapunan siya agad ng masamang tingin ng lolo.“You left here earlier and what? Pinuntahan mo ang babaeng iyon? Kasama pa ba iyan sa planong saktan siya?” Mariin at mabilis na tanong ng lolo ni Van sa kanya, hindi man lang niya hinayaang magsalita si Van.Van sighed.“Lolo, hindi ba pwedeng huwag na natin ituloy? Ni hindi alam ni Belinda kung nasaan ang mama niya and yet, we are here? Going to do something—” Napalunok na lang si Van nang ihagis ng lolo niya ang nahawakang gamit mula sa lamesa sa tabi niya.“Nababaliw ka na ba?! We already talked yet you are still trying to convince me for something like that?!” galit na bulyaw ng lolo niya.“I want to stop this. I don't want to hurt Belinda, lolo,” matapang na ani ni Van sa
Halos mawalan sa katinuan si Belinda nang marinig ang bagay na iyon. She never expected or even thought that Van would say those three words.I love you. Shit!“Sinabi ba niyang I love you?” Wala sa sariling tanong ni Belinda at hinarap si Warren nang tuluyang maibaba ni Van ang tawag dahil may tumawag sa pangalan niya.“What the heck are you saying?” Takang tanong ni Warren dahil hindi niya gaanong narinig ang sinabi ni Belinda.Napatakip si Belinda sa labi at hindi mapigilan ang tumili. Biglang wala siyang pakialam kung may tao sa harap niya. She can't help but shout after those words sink into her head.“He said he loves me!” Parang tangang sambit ni Belinda kay Warren. Umawang ang labi ni Warren at hindi alam ang sasabihin at iisipin.Bago pa makapagsalita si Warren ay nagtatakbo na si Belinda papunta sa taas habang hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi. Ang tanging nagawa na lang tuloy ni Warren ay panoorin si Belinda na subrang sayang umaakyat. Napabuntong-hininga na lang i
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag
Chapter 46Parang may sumabog na bomba sa utak ni Cheska habang nananatiling nakadikit ang labi niya sa labi ni Azrael. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw—o bakit hindi niya kayang pigilan ang sarili.Ang lakas ng tibok ng puso niya, parang may tambol sa loob ng dibdib niya. Mainit ang labi ni Azrael. Banayad ang halik nito sa una, pero unti-unting naging mapusok. Nilipat niya sa kabilang side ang ulo nito at mas pinalalim ang halik.Naramdaman ni Cheska ang kamay ni Azrael na lumapat sa pisngi niya, habang ang isang kamay nito ay dahan-dahang humawak sa bewang niya para mapalapit pa siya. Nadulas siya ng kaunti sa sofa kaya’t tuluyang napalapit ang katawan niya rito. Ramdam niya ang init ng katawan nito at ang lalim ng hininga ng binata sa pagitan ng halik.“Sh*t...” Mahinang bulong ni Cheska sa sarili nang bahagya siyang lumayo para makahinga. Pero hindi siya nakalayo nang husto. Agad siyang sinundan ni Azrael, parang ayaw siyang paalisin sa sandaling iyon.“Don’t,” mah
Chapter 45Nadatnan ni Cheska si Azrael na nananatili pa rin sa pwesto nito kanina—nakasandal sa sofa, nakapikit, at halatang pinipilit maging kalmado kahit halatang hindi komportable. Parang wala talaga itong plano na gamutin ang sariling sugat o kaya magpagamot. Sa muling pagbukas ng pinto at pagpasok niya, minulat ni Azrael ang isa nitong mata at napatingin sa kanya.“What? Didn’t I tell you to leave? Bakit ka bumalik? May naiwan ka? ” Tanong nito na may halong inis at pagod, bago muling ipinikit ang mata. "Kung ano man yang naiwan mo, kunin mo na at saka ka umalis."Napairap si Cheska. Hindi na siya sumagot at dumiretso na lang sa kabinet kung saan niya naalala inilagay ang first aid kit na ginamit noong una silang nagkaharap sa ganitong sitwasyon. Tahimik siyang gumalaw, hindi man lang siya tiningnan ni Azrael, pero narinig nito ang pagbukas ng kabinet kaya’t minulat muli ang mga mata.Napansin ni Azrael na hindi man lang siya pinansin ni Cheska kaya umayos ito sa pagkakaupo, per
Parang may kung anong humigop sa lakas ni Cheska nang marinig iyon. Kung kanina ay gusto nitong manatili siya, ngayon ay pinapaalis na siya, reason why Cheska stopped for a while and look at Azrael face. Kinagat niya ang labi niya. Dapat masaya siya na makakaalis na siya, na papaalisin na siya, na makakabalik na siya sa ospital para bantayan ang kapatid niya—lalo na’t kanina pa niya gustong gawin iyon. Pero bakit ganito? Bakit parang may parte sa kanya ang nanghinayang?"Alis na. Alis na daw, Cheska." Sa isip ni Cheska, pilit na inuutusan ang sariling umalis na gaya ng sabi ni Azrael.Parang may bumagsak na malaking bato sa balikat niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman—relief ba o lungkot? Relief dahil aalis na siya at hindi na niya kailangang makipagtalo dito, o lungkot kasi... Pinigilan ni Cheska ang mag-isip pa ng mas malalim.Tinignan ni Cheska ang sugat ni Azrael. Gusto pa niyang magsalita, pero...“Umalis ka na. Huwag kang mag-alala, at wala ka naman dapat a
Chapter 43“Baliw ka ba? Tinatanong mo talaga iyan?” Nang makabawi sa gulat sa tanong nito ay nagawa niyang itanong iyon na may halo pa ring galit. Nakakunot ang noo ni Cheska, at punong-puno pa rin ng inis ang dibdib niya habang nakatitig kay Azrael.Mukha atang hindi na maalis ang inis na nararmdaman niya pagkatapos ng mga nangyare ngayong gabi.Binasa ni Azrael ang labi sa tanong na iyon ni Cheska, tila pinipigilan ang pagngiti dahil sa mga namumuong mga palaisipan sa isip nito. Halatang sinusubukan niyang manatiling kalmado kahit halata sa mata niyang may ibang iniisip. Si Cheska naman ay napasulyap sa labi ni Azrael, at hindi niya napigilang maramdaman ang bahagyang pagkabog ng dibdib habang napakurap kurap. Nahigit niya ang paghinga at mabilis na nag-iwas ng tingin.Muling sumiklab ang galit niya nang maalala ang eksena kanina—ang halikan nina Azrael at Veronica. Hindi lang simpleng halik dahil ang halik na iyon ay may kasamang bulungan at landian na mukhang may mga sariling mun
Chapter 42“Siguraduhin mong hindi ito makakarating sa pamilya ko. Clear all the things and everything,” mariing utos ni Azrael kina Sean at sa mga tauhan niya habang nasa loob na sila ng condo niya.Hindi lang tatlo—lima ang umatake sa kanya kanina. At kung hindi dumating agad ang mga tauhan niya, baka mas malala pa ang nangyari. Buti na lang at umatras din ang mga iyon sa huli.Napatingin si Cheska sa mga kamay niya—nanginginig ito nang bahagya. Wala man lang siyang nagawa. Bodyguard siya, pero bakit gano’n? Parang siya pa ang kinailangan protektahan.“Susubukan ko, pero mahihirapan tayo this time, Azrael,” seryosong sagot ni Sean habang nakakunot ang noo. “Maraming nakakita kanina. Posibleng nakarating na sa mga magulang mo. Kay Tito at Tita.”“Just do something, Sean,” ani Azrael sa malamig na tinig. Tumango si Sean at malalim na huminga. Napatingin siya kay Cheska na tahimik lang, tulala habang nakaupo sa sofa.Napasulyap si Azrael kay Sean—isang tingin lang at alam na nito ang i
“Pumasok ka na sa loob,” utos pa nito bago magpaputok sa direksyon ng pinanggagalingan ng baril.“T-teka! Ako ang bodyguard mo! Ikaw ang pumasok sa loob—”Muling may nagpaputok, at kung hindi siya hinila ni Azrael para magtago sa poste sa gilid, baka napuruhan na sila.“Ano bang problema mo! Give me the gun at ikaw ang pumasok sa loob!” inis at galit na ani Cheska, pero hindi siya pinakinggan ni Azrael at nagpatuloy sa pakikipagputukan habang pinoprotektahan siya.“Azrael!” galit na sigaw ni Cheska, at napamura na lang nang makitang may dugo ang balikat nito.“Call someone. Nasa loob ng kotse ang phone ko. Haharangan kita habang pumupunta ka ro’n.” ani Azrael, parang wala lang ang sugat sa balikat niya.“Tanga ka ba? Tanga ka nga!” inis na ani Cheska nang muntik na naman silang matamaan.Gusto pa sanang makipagtalo ni Cheska. Gusto niyang ipilit na siya ang bodyguard—na siya dapat ang humaharang ng bala. Pero wala siyang magawa. Si Azrael ang may hawak ng baril, at sa kabila ng dugo s
Habang nakaupo si Cheska sa mas madilim na bahagi ng bar, hawak pa rin ang baso ng alak, isang lalaking hindi pamilyar ang lumapit sa kanya. Matangkad, maputi, at mukhang may kaya rin sa buhay. May suot itong branded na relo at ang aura nito ay parang isa sa mga lalaking sanay sa atensyon. Tila ba nakita na niya ito noon—siguro sa isa sa mga lugar na pinuntahan nila ni Azrael—pero hindi niya maalala kung saan.Napaayos siya sa pagkakaupo at hindi ito pinansin, lalo na nang naupo ito sa tabi niya na parang close na sila. Nakangiti pa nga ito sa kanya kaya napatingin siya sa suot niya. Kumpara sa mga suot ng ibang babae na naroon, masyadong nakakapagtaka na lumapit ito sa kanya.At nang itaas ng lalaki ang kamay, tila ba para na itong magpapakilala sa kanya, ay napakurap-kurap si Cheska.“I’m—” Hindi nito natapos ang sasabihin nang may magsalita sa gilid nila.“Let’s go,” malamig at matalim ang boses na dumaan sa tenga ni Cheska. Kahit hindi tumingin ay kilala niya kung sino iyon. Paimp
“Wow, look at you. Dedicated bilang bodyguard,” sabay tawa nito nang makalapit sa tabi niya.“Ayaw ko ng away—” Pero bago pa natapos si Cheska sa pagsasalita ay nagsalita na ulit si Veronica habang nilalabas ang lipstick niya sa bag."Ako ba gusto ko ng away? Come on, Cheska, sinasabi ko lang na subrang dedicated na bodyguard ka and that's a compliment huh kaya dapat maging masaya at isipin iyon bilang achievement." Nakangiting ani nto na animo'y subrang sincere ito sa sinsabi na compliment iyon.Binasa ni Cheska ang labi at ayaw ng patulan ito.“Nakatayo lang doon na parang aso, waiting for your boss’ command. Bagay sa'yo,” ani niya at muli siya nitong nginitian na para bang malapit sila sa isa’t isa.Narinig ni Cheska iyon ng maayos. Pero hindi siya kumibo. Hinigpitan lang niya ang hawak sa bag strap niya. Hindi siya magpapakita ng kahinaan.“Nasaan iyong tapang na pinakita mo noon? Napahiya ka, no? You didn’t expect na sasabihin ni Azrael sa akin ang tungkol sa pagpapanggap mo, na