893RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!“Bakit hindi mo sinabi sa akin na buhay ang kakambal mo?” Wika ni Recca matapos silang makapasok sa isang kwarto. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” “Tsk, akala ko ba isa ako sa mga taong pinagkatiwalaan mo?” “Isa nga sana, pero tingnan mo nga ‘yong ginagawa mo?” “Bakit? Ano bang ginagawa ko sa ‘yo?” “Bakit mo ako sinusundan?” “Si Dylan ang may gusto nun.” “Tapos sumunod ka naman?” “Alam mong wala akong magawa!” “Manahimik ka nga!” “Alam mo, napapansin ko, nahawa ka na talaga sa ugali ng kambal mo.” “Anong nahawa?” “Bakit kasi kapag kaharap mo ang ibang tao lalo na si Dylan ang bait mo? Pero pag sa akin nagbago ka? Hindi na Ikaw ‘yong dati na laging nakangiti sa akin? Dahil lagi ka nang galit?” “Sino ba kasi sa palagay mo ang matutuwa sa ginawa niyo? Alam mo bang muntik na kaming mapasok dito ng mga masasamang tao, dahil sa kagagawan niyo” “Sa tingin mo papayag ako na may gagawin sila sa inyo? Lalo na sa ‘yo?” “Alam mo, puro ka nama
903RD POV Taka na napangin si Dylan kay Recca, habang may malawak itong ngiti. “Anong meron?” Tanong sa kanya ni Dylan habang hindi naiwasan na magulat ni Dylan dahil sa pagyakap ni Recca sa kanya. “Bitawan mo nga ako! Nababakla ka na ba?” Inis na tanong niya rito matapos niya itong itulak. “Magsalita ka nga? Bakit ba, ngiti ka lang d’yan ng ngiti?” “Wala Dude, sobrang saya ko lang ngayon.” Kunot noo siyang tinitigan ni Dylan, dahil sa kanyang sinabi. “Teka lang, aalis ka ba?” “Ipasyal ko ang mga bata.” Sagot ni Dylan sa kanya. “Mabuti at nagkaayos na kayo ni Aira.” “Ayaw niya pa rin na sumama sa akin pabalik.” “Bakit daw?” “Hindi ko alam.” “Anong balak mo?” “Balak kung tumira na rin dito kasama sila.” “Paano naman ang negosyo ng pamilya mo?” “Nando’n naman si Daddy at ikaw, alam ko naman na maasahan kita.” “Iba pa rin kapag ikaw ang nando'n, at sa tingin mo ba papayag ang mga magulang mo, na basta ka nalang mawala sa paningin nila?” “Hayaan mong ako na ang magsasabi
913RD POV “Anong nakakatawa?” Taka na tanong ni Dylan sa kanya. “Hindi mo pa nga talaga sila kilala Dylan.” Iling na wika ni Aira at inutusan ang driver na patakbuhin na ang kotse. “Mommy! Ito gusto namin ‘to lahat!” Tuwang wika ng dalawa Kay Anna, kaya nailing si Aira, lahat kasi ng gusto nila ay binibili ni Anna, kaya sa kanya sila nagsasabi. “Lahat ng gusto niyo mga anak, bibilhin natin, kung gusto niyo pa, pati itong mall.” Wika ni Dylan kaya malakas na napasigaw ang dalawa. “Sira ka talaga.” Ngiting wika ni Aira sa kanya. “Bakit? Nakalimutan mo na ba, na lahat ng gusto mo rati binili ko?” Napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan. Habang napatingin si Dylan sa mga anak niya na kasama ni Anna at Recca. “Alam mo, ganun talaga ako minsan Dylan, gusto kung bilhin lahat ng mga gusto ko. Pero ang nakakalungkot, dahil minsan ayaw nila akong pagbigyan, lalo na kapag ayaw nila sa gusto ko.” Malungkot na wika ni Aira. “Alam mo bang binibilhan ako ng mga anak natin ng laruan?” Nap
923RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!Malawak na napangiti si Dylan habang nakatingin sa mga anak niya, na masayang naglalaro. Si Evo ay gustong umakyat sa robot na binili niya, habang si Aaron ay sa laruan nitong sasakyan. “Tuwang-tuwa ka pa?” Nailing na wika ni Recca sa kanya. “Wala akong magawa, ganun na talaga sila.” “Iba rin ‘ang trip mo.” “Bakit?” “Anong bakit? Alam mo naman na sobrang natakaot ang may-ari ng robot na ‘yan kanina, dahil sa sinabi mong ipapasara mo ang tindahan nila.” “Talaga naman, gagawin ko ‘yon.” Muling nailing si Recca sa kanya. “Babalik na pala kami ni Anna sa Manila.” Napatingin si Dylan sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Bakit ang bilis? Akala ko ba, rito muna kayo?” “Tinawagan na siya ng mommy nila, nagtataka na rin siguro.” “Siya lang Pala 'yong tinawagan, bakit ka pa sasama?” “Dude naman, alam mo naman na tapos na ang misyon ko sa ‘yo.” Si Dylan naman ang nailing dahil sa kanyang sinabi. “Dylan!” Malakas na sigaw ni Aira, kaya mabilis siya
933RD POV “Ate kailan ka ulit babalik?” Tanong ni Aira kay Anna habang hinatid nila ito sa airport. Hindi na rin niya pinasama ang mga bata dahil alam niya na iiyak ang mga ito, sa tuwing aalis si Anna. “Kapag hindi na ako busy Aira, at alam mo naman na kailangan natin mag-ingat.” Napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. “Kahit sobrang ingat pa nga natin nahuli pa rin nila tayo.” Natatawa na wika ni Aira. “Kaya nga eh! Kaya tanggapin mo na na mas matalino sila kaysa sa ‘yo.” Natatawa na wika ni Anna, habang sumama namam ang mukha ni Aira. Ayaw na ayaw niya kasi na may lalamang sa kanya. “‘Wag ka na magalit, jowa mo naman siya.” Tinapik ni Anna ang balikat niya habang hiyakap niya ito. “Ingat ka ro’n Ate ha, ‘wag ka nang pumayag na may mang-aapi pa sa ‘yo.” Tumango si Anna sa kanya habang malawak ito napangiti. “Ikaw!” Gulat na napatingin si Recca sa kanya, dahil sa lakas ng kanyang boses. “Ingatan mo si Ate ha? ‘Wag mo siyang pabayaan. Kapag may mang-aapi sa kanya,
943RD POV Napabalikwas si Dylan ng makarinig ito ng ilang putok ng baril. Agad din na tumayo si Aira, habang mabilis na tumakbo patungo sa kwarto ng mga anak nila. “Anong nangyari?” Tanong niya habang papalapit sa kanila ang isa niyang tauhan. “Ma'am may nakapasok po, at kasama nila si Ma'am Mia.” Gulat na napatingin si Aira kay Dylan dahil sa narinig niya. “Dylan, tumakas na kayo! Dalhin mo ang mga bata, magtago kayo Dylan!” Takot na wika ni Aira sa kanya. Habang naguguluhan pa rin si Dylan na nakatingin sa kanya. “Dylan! Naririnig mo ba ako?! Lumayo na kayo rito at dalhin mo ang mga bata!” “No! Hindi ko gagawin ‘yon! At hinding-hindi kita iiwan Aira! Ayaw ko na maranasan ulit ang naranasan ko noon dahil sa pagkawala mo!” Galit na sigaw sa kanya ni Dylan habang hinawakan niya ito sa braso. Nag-iyakan naman ang kanilang mga anak, dahil sa narinig na malakas na putok ng baril. “Dylan, makinig ka naman sa akin oh! Parang awa mo na.. Umalis na kayo ay dalhin mo sila. Ito lang an
95 3RD POV “Mommy!” Masayang wika ni Anna nang makita niya si Helen. “May problema ba?” Kunot-noo na wika niya matapos niya itong lapitan. “Anna, anak.. Sabihin mo sa akin ang totoo, buhay pa ba ang kapatid mo?” Tanong nito sa kanya habang hinawakan ang kanyang mga kamay. “Anak sabihin mo sa akin ang totoo!” Iyak na sigaw nito sa kanya, habang hindi napigilan ni Anna na mapa-iyak habang tumango ito sa kanya. “Totoong buhay ang kapatid mo?” Muling tumango sa kanya si Anna, kaya lalong napa-iyak si Helen. “K-kailangan natin magmadali Anak…” Taka na napatingin si Anna sa kanyang ina dahil sa sinabi nito sa kanya. “Magmadali? Pero bakit Mommy?” “Anna, nanganganib ang kapatid mo ngayon at baka mapahamak ang mga taong nakapaligid sa kanya, dahil alam ko na hindi siya mapapatawad ni Mommy dahil sa pagpapanggap na ginawa niya.” “Ano po bang ibig niyong sabihin Mom?” “Basta bilisan mo na! Sino ang kasama niya?” “S-si Dylan Mommy..” Napasinghap si Helen, dahil sa sinabi ni Anna. “K
96 3RD POV “Dylan Anak!” Malakas na sigaw ni Sandro, kaya mabilis na napalingon ang mga tao sa loob sa kanya. “Pakawalan niyo ang anak ko!” Muling sigaw ni Sandro, kaya malakas na napa-halakhak ang matanda. “Sino ka para utusan ako?” Natingin si Sandro Kay Dylan, habang hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa sa kanyang anak, dahil bugbog sarado ang mukha nito. “Hindi mo pa ako lubusang kilala! Kaya bitawan niyo ang anak ko!” Malakas na sigaw niya at akmang susungurin sila. Pero mabilis siyang pinigilan ni Max. “‘Wag kang padalos-dalos Pare, masyadong mapanganib ang matandang ‘yan at alam mo ‘yan!” Wika ni Max sa kanya. “Ang kapal din ng mukha mo para magpakita rito?!” Galit na wika niya habang tiningnan niya si Max. “Hindi ka pa rin ba nadala sa ginawa ko sa ‘yo noon?” Napakuyom ang kamao ni Max dahil sa sinabi ng matanda sa kanya.“Sobra na talaga ang kasamaan mo Mrs. Bernadith Wang!” Malakas na sigaw ni Max sa kanya. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging masama! Kung hi
2213RD POV “Kumain ka.” Wika niya, pero umiling lang ito, at muli na naman na umiyak. “Sh!t! Ano ba kasi ang gusto mo?” Tanong niya, habang hindi pa rin ito tumigil. Kinuha niya ang phone niya, dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi na kasi ito tumigil sa kakaiyak simula kanina. “Nasa bahay ba kayo?” Tanong niya kay Rey, matapos nitong sagutin ang kanyang tawag. “Oo, bakit?” “Pwede bang puntahan niyo muna si Rafael, kanina pa kasi umiyak.” Nag-alala na wika niya. “Sige, hintayin mo nalang kami.” Wika ni Reymart, at agad na binaba ang kanyang phone. Binuhat niya ulit si Rafael, habang patuloy pa rin ito na umiyak. Namamaga na rin ang mga mata, nito dahil hindi pa rin ito tumigil. “Ano ba kasi ang gusto mo? Bakit hindi ka sumasagot?” Tanong niya, dahil naninibago talaga siya sa kanyang anak. Lalo na at marunong naman itong magsalita. “Ano bang nangyari?” Nag-alala na tanong ni April. Pero lalo pang umiyak si Rafael, kaya lalo pang nagtataka si Reymart.Napakunot nam
2203RD POV Sa paglipas ng ilang taon ay hindi maiwasan ni Judith na mainis kay Reymart, dahil nakatuon lamang ang atensyon nito sa anak niya. Pakiramdam niya, ay parang naba-balewala na rin siya rito.“Hi!” Bati niya kay Reymart. Matapos siyang makapasok sa opisina nito. Rito na rin siya nagtatrabaho bilang Isa sa mga head ng HR. Nang mag-angat ng kanyang mukha si Reymart, ay agad itong ngumiti sa kanya. “May dala akong pagkain, kumain ka muna.” Wika nito at habang kinuha ang mga pagkain na dala niya. “Halika na. Kumain na tayo.” Yaya sa kanya ni Judith. Tumayo naman si Reymart at lumapit sa kanya. “Nasa’n pala si Rafael?” Tanong nito, habang umupo sa tabi niya. “Sumama kay Mommy, may pupuntahan daw sila.” Sagot ni Reymart sa kanya habang nag-umpisa na itong kumain. “Ganun ba, alam mo Reymart, siguro panahon na para bigyan mo ng buong pamilya ang si Rafael.” Wika niya kaya natigilan si Reymart. “Lumalaki na kasi siya, kaya kailangan niya rin ng kalinga ng isang ina.” “‘Wag ka
2193RD POV “Ano ‘to?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa secretary niya. “Need niyo pong pirmahan ‘yan Sir.” Sagot nito sa kanya, kaya kinuha niya ito at tiningnan. Napakunot lalo ang kanyang noo, dahil sa nakita niya. “Divorce paper? Ni wala pa nga kaming isang buwan, tapos…” “Madali lang po ‘yan kay Ma'am Diana, Sir Reymart. Alam niyo pong isa rin ang pamilya nila, sa mayayaman sa buong mundo.” Wika nito, kaya masama niya itong tiningnan. “Alam ko ‘yon, kaya lumabas kana.” Inis na wika niya rito. Nang makalabas ang secretary niya, ay pinunit niya ang divorce paper na nasa kanyang mga kamay.“Hinding-hindi ka makakawala sa akin Diana!” Inis na wika niya habang binato ang papel na kanyang pinunit. ***“Nasa'n si Diana?” Tanong niya sa mga katulong nila. “Umalis po Sir.” “Umalis? Saan pumunta?” Tanong niya rito. “Ang sabi po ni Ma'am, hindi na raw po siya babalik dito.” Napakunot ang noo niya, at naalala ang sinabi ng katulong sa kanya, noong binigay nito ang susi. Ang akala
218 3RD POV “Kanina pa kita hinihintay.” Ngiting wika ni Diana. Habang naka-kunot ang noo ni Reymart. “Pasensya kana. Medyo traffic kasi.” Sagot nito sa kanya. “Sino pala siya Diana? Bakit hindi mo siya ipapakilala sa amin?” Wika ni Judith, kaya nilingon siya ni Diana. “Si Rodel, Rodel si Judith, best friend ko at si R-Reyamrt. Boyfriend niya.” Wika ni Diana, habang hindi tumingin kay Reymart. “Hoy! Ano ka ba naman Diana, hindi pa kami ni Reymart.” Ngiting wika ni Judith. Nagulat naman si Diana, dahil sa sinabi niya. Medyo naguguluhan kasi ito kay Judith, dahil ang sinabi nito sa kanya, ay nagkabalikan na sila ni Reymart. “Kumusta Mr. Johnson.” Wika ni Rodel, habang nilahad ang kamay nito kay Reymart. Kinuha naman niya ito. “Maupo na muna tayo.” Ngiting wika ni Judith. Habang nasa upuan ay hindi napigilan ni Reymart ang mainis dahil panay ang bulungan ni Judith at Rodel sa harapan niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya, kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng
2173RD POV “Gising kana pala?” Wika ni Reymart, habang hindi tumingin si Diana sa kanya. “Nandamay ka pa talaga ng tao, para sa kalokohan mo?” Napatingin siya kay Reymart, dahil sa sinabi nito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Inis na tanong niya rito. “Anong napala mo sa pag-inom?” Muling tanong nito, habang hindi sinagot ang tanong niya kanina. “Wala kang pakialam.” Sagot niya, habang kumuha ng tubig at uminom. Matapos niyang uminom ay muli na siyang tinalikuran ni Diana. “Sa'n ka pupunta?” Inis na tanong ni Reymart. Nilingon siya ni Diana, at napahinga ng malalim.“Ito naman ang gusto mo ‘diba? Ang hindi ako makita.” Sagot niya at tinalikuran siya. Inis na napatingin sa kanya, si Reymart, dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa kanya. Isa pang kinaiinisan niya rito ay hindi man lang nito naalala ang nangyari kagabi. “Ihanda mo ang sasakyan.” Utos niya sa kanyang tauhan. Habang tumayo, dahil kailangan pa niyang puntahan ang bar, bago siya pumunta sa kanyang opisina. Isa pa nan
216WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Ibaba mo siya.” Wika ni Reymart, habang nakatingin sa lalaki. Buhat nito si Diana, at papasok na sana ito sa isang VIP room. “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Galit na tanong nito sa kanya. “Sundin mo nalang ang sinabi ko kung ayaw mong masaktan.” Madiin na wika ni Reymart. Napangiti ang lalaki sa kanya, habang insulto siyang tiningnan. “Maghanap ka ng sarili mong babae. Hindi mo ba alam, na pinaghirapan kung kunin ang babaeng ‘to?” Napakuyom si Reymart, sa kamao niya dahil sa sinabi nito. Nilingon naman ni Reymart, ang kanyang mga tauhan at suminyas ito. “Teka lang! Sino ba kayo?” Gulat na tumingin ang lalaki sa mga tauhan ni Reymart, dahil pinalibutan siya nito. “Ibaba mo na siya, kung ayaw mong masaktan.” Muling wika ni Reymart, kaya agad na binaba ng lalaki si Diana, at mabilis itong tumakbo. “Dalhin mo siya sa loob.” Utos niya sa isang tauhan niya. Matapos mailagay ng tauhan niya si Diana sa loob ng VIP room, ay lumabas na ito.
2153RD POV “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka rito?” Tanong nito ni Reymart, habang wala siyang pakialam dito. “Hindi mo ba ako naririnig?” Galit na wika nito habang hinawakan ang kanyang braso. “Wala ka namang pakialam kung lumipat ako ‘diba?” “May pakialam ako dahil asawa kita!” Natawa si Diana, dahil sa sinabi ni Reymart. “Asawa? Ni hindi mo nga ako itinuturing na asawa!” “Paano kita ituturing na asawa? Alam mong pinakasalan lang kita, dahil sa utang na loob!” “Kung ganun, dapat maghiwalay na tayo.” Bahagyang nagulat si Reymart, dahil sa sinabi ni Diana. “Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa kanya. “Nauntog ba ‘yang ulo mo?” Tanong nito habang hindi siya sumagot kay Reymart. “Sa bagay si Rey naman talaga ang gusto mo at hindi ako ‘diba? Kaya ka siguro nagkaganyan.” “Ayaw mo pa nun, maging malaya na kayo ni Judith?” Lalong napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Nagseselos kaba sa kanya?” Natatawa na tanong n
2143RD POV “Diana.” Ngiting wika ni Judith at niyakap siya. Hilaw siyang napangiti rito habang tumingin siya kay Reymart. “Bakit kayo magkasama?” Tanong niya habang ang kanyang mga mata ay nanatili kay Reymart. “Niyaya niya ako rito.” Tuwang wika ni Judith. Habang napakuyom ang kamao niya. “Ganun ba, mabuti ka pa.” Inis na napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Ako ba hindi niyo yayain?” Muling wika niya, kaya napatingin si Judith kay Reymart. Namilog naman ang mga mata ni Diana, nang Nakita na pinulupot nito ang kanyang isang kamay sa braso ng asawa niya. “Pwede bang isama natin si Diana?” Ngiting tanong nito, habang nakangiti rin sa kanya si Reymart. “‘Wag na, baka busy siya.” Sagot nito habang tumingin sa kanya. “Sa sunod ka nalang sumama Diana ha, susulitin muna namin ang araw na ito.” Bulong nito sa kanya at agad na silang nagpa-alam. Gustong-gusto ni Diana ang sumigaw dahil sa galit. Pero hindi niya ito ginawa, at hinayaan nalang ang kanyang mga luha
2133RD POV “Hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo Reymart.” Wika ni Anna sa anak niya, habang nasa hapag na sila ng kainan. “Pwede ba, hayaan mo nalang ‘yang anak natin. Alam mo naman ang ugali niya.” Wika ni Recca, kaya masama niya itong tiningnan. “Hindi pwede ‘yang ginagawa niya Recca. Alam mong may asawa na siya.” “Mommy, ayos lang po ako, wala naman po siyang ginawa na masama sa akin.” Napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Matapos silang kumain ay agad ng umalis si Reymart. Hindi rin siya nagpaalam kay Diana, at sa kanyang ina lang siya humalik. Habang naglalakad papunta sa taas upang gamitin ni Reymart, ang kanyang helicopter, ay hinawakan ni Anna ang kamay ni Diana. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Hija. Ang totoo, mabait naman ‘yang si Reymart.” Wika niya habang ngumiti lang sa kanya si Diana.***“Diana!” Tawag ni Judith, sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na magulat. “Anong ginagawa mo rito?” Taka na tanong niya, hindi niya kasi akalain na maki