96 3RD POV “Dylan Anak!” Malakas na sigaw ni Sandro, kaya mabilis na napalingon ang mga tao sa loob sa kanya. “Pakawalan niyo ang anak ko!” Muling sigaw ni Sandro, kaya malakas na napa-halakhak ang matanda. “Sino ka para utusan ako?” Natingin si Sandro Kay Dylan, habang hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa sa kanyang anak, dahil bugbog sarado ang mukha nito. “Hindi mo pa ako lubusang kilala! Kaya bitawan niyo ang anak ko!” Malakas na sigaw niya at akmang susungurin sila. Pero mabilis siyang pinigilan ni Max. “‘Wag kang padalos-dalos Pare, masyadong mapanganib ang matandang ‘yan at alam mo ‘yan!” Wika ni Max sa kanya. “Ang kapal din ng mukha mo para magpakita rito?!” Galit na wika niya habang tiningnan niya si Max. “Hindi ka pa rin ba nadala sa ginawa ko sa ‘yo noon?” Napakuyom ang kamao ni Max dahil sa sinabi ng matanda sa kanya.“Sobra na talaga ang kasamaan mo Mrs. Bernadith Wang!” Malakas na sigaw ni Max sa kanya. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging masama! Kung hi
973RD POV “Kumusta sila?” Tanong ni Recca kay Anna, habang napatingin si Anna sa mga bata na nakatulog na. “Ayos naman sila at tulog na.” “Magpahinga ka muna.” Wika ni Recca habang umiling si Anna sa kanya. “Bakit ayaw mong magpahinga? Kailangan mo ng pahinga Anna.” “Paano ako makapag-pahinga Recca? Kung ang isip ko ay nando'n kay Ate Dylan at Mommy?” Iyak na wika ni Anna sa kanya. “Wala tayong magagawa? Paano kung magkasakit ka? Sino ang mag-aalaga sa kanila?” Napahinga ng malalim si Anna dahil sa sinabi ni Recca sa kanya. “Hayaan mong ako muna ang pupunta sa kanila. Dito ka muna at magpahinga kasama ang mga bata.” Wika ni Recca habang hinaplos ang braso ni Anna. Tumango naman si Anna kaya napangiti si Recca sa kanya. Alam niya kasi na sobrang pagod na si Anna, dahil kung wala ito sa hospital ay sa mga bata naman ito nag-aalaga. Nang makita ni Recca na mahimbing na natutulog si Anna, ay agad niya itong binilin sa katulong, dahil kailangan niya na pumunta sa hospital. “Tita
983RD POV “Mom! Ilang ulit ko bang sabihin sa inyo na ayokong magpakasal sa Anna na ‘yan!” Malakas na sigaw ni Dylan kaya nang pumasok muli si Kim sa kwarto niya. Galit naman na tiningnan ni Aira si Dylan at pinunasan nito ang kanyang luha. “Hindi ako si Anna! At sa ayaw at gusto mo ikakasal ka sa akin!” Malakas na sigaw ni Aira sa kanya habang napa-awang ang kanyang labi matapos nitong ibagsak ang pinto. “Nakita mo ba ‘yon Mom? Ganun klase bang babae ang ipapakasal mo sa akin?” Kunot-noo na tanong ni Dylan habang nailing si Kim sa kanya. Nang makalabas si Dylan sa hospital ay agad na siyang pumasok sa kanyang opisina. Panay rin ang pangungulit niya kay Recca, para hanapin si Britney, dahil simula ng magkamalay siya ay hindi niya maiwasan na magtaka, kung bakit hindi man lang siya nagawang dalawin ni Britney. “Bakit ka nandito?” Galit na wika niya ng makita si Aira sa harapan niya. “Ako ‘yong bago mong secretary.” Taas kilay na wika ni Aira sa kanya. “Secretary?” Natatawa na
993RD POV “Bakit ba ang tagal mo? Saan ka ba galing? At bakit ako tinatawag ng mga bata na ‘yon na daddy?” Tanong sa kanya ni Dylan ng makapasok siya sa loob ng opisina nito.“‘Wag mo nalang silang pansinin.” “At bakit hindi? Alam mo bang lalong sumasakit ang ulo ko sa kaiisip?” “Bakit mo ba kasi iisipin? Bakit hindi ka nalang manahimik?” Inis na wika ni Aira habang umupo sa kanyang mesa. Pero natigilan siya ng makita niya ang mga pagkain na nasa harapan niya. “Ano ‘to?” Tanong niya kay Dylan habang tiningnan niya ito. “Wala akong magawa kanina. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nagluluto.” Sagot ni Dylan sa kanya, habang malawak na napangiti si Aira. Hindi rin nito pinansin ang mga luha niya na nag-uunahan sa pagbagsak habang sinubo isa-isa ang mga pagkain na niluto ni Dylan. Namimis na niya ang mga luto nito.“Pangit ba ang lasa?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya, habang umiling si Aira. Nang sumapit ang hapon ay nauna na lumabas si Dylan sa kanya. Hind
1003RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG “Sorry.” Mabilis na kinuha ni Aira ang kanyang kamay at akmang talikuran na sana si Dylan, pero mabilis na hinawakan ni Dylan ang kanyang kamay, kaya nilingon niya ito. “Baki-.” Namilog ang kanyang mga mata ng sunggaban ni Dylan ng halik ang kanyang labi. Gusto niyang mag-pumiglas pero wala siyang lakas para gawin ito, dahil nangingibabaw pa rin ang sinisigaw ng kanyang puso, kahit pa sinasabi ng utak niya na mali, dahil hindi pa bumalik ang alaala ni Dylan. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Kusang gumalaw ang labi ni Aira at gumanti ito ng halik kay Dylan. Napahawak si Dylan sa bewang niya, habang nagpapalitan sila ng halik. Agad na bumaba ang labi ni Dylan sa leeg ni Aira, habang napapatingala si Aira. Ramdam niya ang libu-libong boltahe ng kuryente sa katawan niya. “Ohh…” Parang mababali na ang bewang ni Aira habang mahigpit siyang napapakapit sa leeg ni Dylan. Patuloy naman ang ginawang pagsips*p ni Dylan sa itaas ng kanyan
1013RD POV Nagising si Aira na wala na si Dylan sa kanyang tabi, kaya agad na siyang nagbihis. Nang makalabas siya ng silid ay roon niya lang napansin na nasa condo pala siya ni Dylan. Nang makita niya ang kanyang phone ay tinawagan niya agad ang Ate Anna niya. Naalala niya kasi kagabi na ito ang kasama niya na pumunta sa bar. “Ate..” Sambit niya ng sagutin ni Anna ang kabilang linya. “Nasaan ka ba Aira? Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ng mga anak mo!” Napakunot ang noo niya ng marinig niya ang sinabi ni Anna. Iba kasi ang tuno nito at parang galit. “Hinahanap? Bakit naman nila ako hahanapin Ate?” “Aba! Malay ko sa mga anak mo! I text ko nalang sa ‘yo ang location namin ngayon, sumunod ka nalang okay?” Magsasalita pa sana siya. Pero mabilis na pinatay ni Anna ang kabilang linya. Nang tumunog ang kanyang phone ay mabilis na napakunot ang noo niya nang makita ang address na nilagay ni Anna. “Anong ginagawa nila sa lugar na ‘to?” Wika niya at mabilis na kinuha ang kanyang sl
1023RD POV Maluha-luha na nakatingin si Helen sa mga anak niya na nakasuot ng gown. Ngayon ang araw ng kasal ni Anna at Aira. Hindi niya akalain na magkatotoo na ikakasal ang kambal niya sa mga anak ng kaibigan ni Max. “Mare.” Sambit ni Gloria sa kanya. “Bakit ka ba umiiyak? Hindi ka ba natutuwa?” Tanong ni Gloria sa kanya, habang nag-punas din ito sa kanyang mga luha.Napangiti si Helen sa kanya, habang pinunasan din nito ang mga luha niya. “Ang akala ko hindi sila magkakatuluyan.” Wika ni Kim. “Dahil ba isa silang Wang?” Tanong ni Helen, kaya mabilis na tumango si Kim. “Sobra naman kayo sa amin.” Nag-tawanan si Helen at Gloria dahil sa narinig nila kay Helen. Aaminin nila na kinatatakutan nila noon ang pamilya ni Helen, lalo na sa larangan ng business, dahil isa sila sa may pinakamalaking negosyo sa buong bansa at lagi silang nangunguna, kaya kapag may kumakalaban sa kanila ay agad itong pinapabagsak nila. “Pero alam niyo na nagtatampo pa rin ako.” Nilingon nila si Gloria da
1033RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG“Ano ba kasi ang pumasok d’yan sa isip mo?” Galit na tanong ni Anna kay Recca habang nasa loob na sila sa kanilang hotel room. “Bakit ba? Sexy naman ako ah?” Nang-aasar na wika nito kay Anna. “Ah! Ganun. Sexy pala ha?” Napasigaw si Recca ng biglang kurutin ni Anna ang kanyang itl*g. Tanging brief lang kasi ang suot nito, dahil mabilis nitong hinubad ang damit niya. “Bakit mo ba ‘yan sinasaktan? Alam mo naman na kanina pa ‘yan nag-aantay sa ‘yo!” “Ah! Nag-aantay pala? Pero kanina ka pa nagpapa-sexy sa harap ng mga bisita natin! Hindi ka ba nahihiya?” “Bakit naman ako mahihiya? Ang sexy ko kaya… Aray! Love naman, bakit ba marunong ka nang manakit sa akin ngayon?” “Pano naman kasi! Sumosobra na rin ‘yang kakulitan mo?” Iling na napangiti si Recca habang tinitigan niya si Anna. “Ano?” Malawak siyang napangiti habang hinaplos ang makinis at maamo nitong mukha. “Alam mo, unti-unti ka na talagang naging si Aira.” Napakunot ang noo ni Anna
CHAPTER 3 3RD POV “Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo, na ‘wag mo nalang akong puntahan.” Inis na wika ni Jameson, kaya nagyuko ng mukha si Ellie. “Isang linggo na kasi na hindi kita nakita, tinatawagan kita, hindi ka rin sumasagot.” Wika niya, kaya masama siyang tiningnan nito. “Hindi kaba talaga nakakaintindi? Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo, na busy ako! ‘Yan talaga ang mahirap, kapag wala kang alam sa business.” “Gusto lang naman kitang makita.” Napapitlag siya, nang bigla nalang hampasin nito ang lamisa. “Hindi na tayo, mga bata Ellie! Kaya ‘wag kang umasta na parang bata.” Galit na wika nito sa kanya. “Baby... Ayaw mo na ba sa akin?” Hikbing wika niya, at napansin niya na tigilan ito. “Sh!t! Hindi sa ayaw. Ang akin lang sumunod ka sa akin, kapag sinabi ko. Na ‘wag kang pumunta, pwede ba, sumunod ka sa akin.” Wika nito, kaya tumango siya rito. “Sorry na, pwede bang ‘wag ka nang magalit..” Mahina na wika niya, habang tumayo. “Aalis kana?”
CHAPTER 2 3RD POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay lalo pang minahal ni Ellie, si Jameson. Tinutulungan niya ito, sa balak nitong buksan na negosyo, at pati mga luho nito ay binibili niya. “Ang galing mo talaga Baby, tinatanggap agad ang proposal ko, ilang araw nalang ma-umpisahan ko na ang negosyo ko.” Tuwang wika nito, habang niyakap siya ng mahigpit. “Nagawan mo na ba ng paraan ang sinabi ko?” Wika nito, habang hinalikan siya sa kanyang leeg. Hindi naman maiwasan ni Ellie, na mapangiti, lalo na at nakikiliti siya. “Oo naman Baby, alam mo naman na malakas ka sa akin.” Ngiting wika niya, at humarap dito. “Talaga Baby? Ibig sabihin, binili mo na ‘yong building na sinabi ko?” Tanong nito, habang tumango siya. “Yes! Ang swerte ko talaga sa asawa ko!!” Malakas na sigaw nito, habang pilit siyang binuhat. “Ano kaba! Alam mo naman na hindi mo ako kayang buhatin.” Natatawa na wika ni Ellie. “Yayakapin nalang kita, nang mahigpit na mahigpit.” Wika nito, at hinalikan siya sa kanyang lab
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK IX CHAPTER 1“Tama na ‘yan.” Wika ni Elijah, sa kambal niya na si Ellie. “Gusto ko pa ngang kumain!” Galit na sigaw nito sa kapatid niya. “Hayaan mo na siya.” Wika ni Clyde, habang umupo ito. “Ang taba-taba na nga ni Ate, Kuya.” Iling na wika ni Eloise, kaya masama siyang tiningnan ni Ellie. “Ano bang pakialam mo? Ikaw nga payatot!” Wika niya habang nilabas ang dila. “Kuya o! Si Ate, nang-aaway na naman!” Sombong niya sa kapatid niyang si Clyde. “Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo kay Ate.” Kunot-noo na wika ni Charles, sa kanya. “Ano bang kaguluhan ‘yan?” Tanong ni Evo, sa mga anak niya. “Kasi Dad, si Ellie, ang taba-taba na nga, kain pa rin ng kain.” Sagot ni Elijah, sa kanilang ama. “Anak, hayaan mo na ‘yang kapatid mo, sadyang masarap lang talaga ako magluto, kaya tumataba kayo.” Ngiting wika ng kanilang inang si Kai, habang nilagyan sila ng pagkain. “Ayan kana naman Mommy, kaya sobrang taba ni Ellie, ang pangit niya tulo-.” “Elijah!” Napatingin
354 WAKAS 3RD POV “Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga tao, matapos na pumasok si Dell at Noah, sa hotel, katatapos lang ng kanilang kasal at tuwang-tuwa ang anak nilang si Marie at ang mga pinsan nito nang, makita nila ang mga bulaklak at lobo. “Sinabi ko naman sa ‘yo noon Hija, na kayo ang magkatuluyan ‘di ba?” Ngiting wika sa kanya ng kanyang lola Paula. Napangiti naman si Dell, dito habang humalik sa pisngi nito. “Salamat po Lola..” Wika niya habang niyakap siya nito. “Payaw-ayaw ka pa noon.” Iling na wika ng lola Helen niya, kaya hindi niya mapigilan na mapangiti. “Lola naman..” Malambing na wika niya rito. “Paano naman ako Apo? Hindi mo ba ako yayakapin?” Nagtatampo na wika ni Kim. “Lola, yayakapin naman talaga kita.” Wika niya at nilapitan ito. “Alam mo bang palagay na ang loob ko ngayon Apo? Lalo na at may pamilya kana. Alam mo naman na kahit hindi ako gaanong tumatawag sa ‘yo, ay lagi ko pa rin na tinatanong sa iyong ama, kung maayos ka lang ba.” “A
353 3RD POV “Kababata namin.” Malungkot na sagot nito habang tumayo. Nang makatayo si Noah, ay binuhat niya si Dell, papasok sa banyo. “Kababata? Nasa’n siya? Bakit hindi ko siya nakita?” Tanong ni Dell, matapos niya itong ilagay sa bathtub. “’Wag ka nang tumayo, ako na ang mag-papaligo sa ‘yo.” Wika ni Noah, habang kinuha ang shampoo. “Bakit ‘yan? Dapat sabon muna.” Wika ni Dell, kaya napatingin siya sa kanyang hinawakan. “Hayaan muna.” Ngiting wika nito, habang pumwesto ito sa likod niya. “Hindi mo pa, sinasagot ang tanong ko.” Wika ni Dell, habang nilagyan ni Noah, ng shampoo ang buhok niya. “Hindi mo siya makikita.” Sagot nito, kaya nilingon niya ito. “Dell, pwede bang ‘wag kang malikot.” Wika sa kanya ni Noah, kaya inaayos niya ang pagka-upo niya sa loob ng bathtub. “Bakit hindi ko siya makikita?” Kunot-noo na tanong niya.“Dahil wala na siya Dell.” Natigilan si Dell, dahil sa narinig niya mula kay Noah. “Wala? P-paanong nawala?” Curious na tanong niya rito. “No’ng lu
352 WARNING MATURED CONTEXT!! SPG3RD POV “Lalabas ka pa ba?” Tanong niya, habang nakita niyang napalunok si Noah. “Hindi naman ako lalabas. Ni-lock ko lang ang pinto.” Sagot nito, habang malawak na ngumiti, at lumapit sa kanya. Namilog naman ang mga mata ni Dell, nang mahigpit na hinawakan ni Noah, ang kamay niya. “Bakit mo hinawakan ang kamay ko?” Taka na tanong niya habang tumingin ito sa kanya. “’Wag ka nalang mag-tanong.” Sagot nito at siniil ang labi niya. “Umm..” Hindi napigilan ni Dell, na mapa-ungol, habang hindi pa rin binitawan ni Noah, ang labi niya. Gusto niya sana na sabihin kay Noah, na bitawan ang kanyang kamay, dahil kanina niya pa gustong haplusin ang katawan ni Noah. “Ahhh..” Pero imbis na mag-salita siya, ay puro ungol ang lumalabas sa labi niya, dahil sa ginawang pag-dila ni Noah, sa kanyang leeg. Kinawag niya ang kanyang mga kamay, para bitawan ito ni Noah, pero mahigpit pa rin itong hinawakan ni Noah, habang patuloy siya sa ginagawa niyang paghalik at p
351 3RD POV Hindi maiwasan ni Dell, na magtaka, dahil masyadong tahimik ang bahay nila. Nagpa-alam lang siya saglit sa kanyang mga magulang na pumunta muna sa opisina niya, dahil may kailangan siyang kunin. “Manong, nasa’n sila?” Tanong niya, sa security guard nila.“Hindi ko po alam Ma’am.” Sagot nito sa kanya. “Hindi mo alam?” Inis na wika ni Dell, at muling bumalik sa loob. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang phone number, nang kanyang ina at ama. Hindi niya kasi maiwasan na mag-alala, dahil baka may nangyari sa anak niya. Alam ni Dell, na malikot ang anak niya, at mahilig itong umalis sa bahay. Binuksan niya ang ilaw sa sala, dahil masyadong madilim. Ito ang kauna-unahan na pagkakataon, na walang ilaw ang buong bahay nila. “Mama!!” Gulat siyang napatingin sa sala, matapos niyang buksan ang ilaw at marinig ang boses ng kanyang anak. “A-anon-.” Natigilan si Dell, habang nakita si Noah, na may hawak na bulaklak at papalapit sa kanya. “N-Noah..” Utal na sambit niya,
350 3RD POV “Anong ginagawa mo rito? At nasa’n ang Anak ko?!” Galit na sigaw ni Alicia, matapos niyang makita si Noah. “Danilo!” Sigaw nito, habang tinatawag din ang mga tauhan niya. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Danilo, sa kanya. “Tingnan mo, kung sino ang nandito? At nasa’n na ba ang mga tauhan natin? Bakit nila hinayaan na makapasok dito ang taong ‘yan?” “Anong ginawa mo rito?” Tanong sa kanya ng kanyang amang si Danilo. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng umuwi, sa sarili kung bahay?” Sagot niya sa kanyang ama, kaya kunot-noo siyang tiningnan nito. “Bahay? Nagpapatawa kaba?” Taas kilay na wika sa kanya ni Alicia. “Mukha ba akong nagpapatawa? ‘Wag niyong sabihin na nakalimutan niyo, na sa akin na kapangalan ang bahay na ‘to, dahil ako ang nag-iisang anak ni Sofia.” Nagkatinginan si Alicia at Danilo, dahil sa sinabi sa kanila ni Noah. “Noah! Baka nakalimutan mo na ako ang iyong ama?!” Galit na sigaw sa kanya ni Danilo. “Bakit Dad? Kailan niyo ba ako itinuturing na anak?!”
349 3RD POV “Nakakainis!” Napahawak si Dell, sa labi niya, habang nasa harapan ng salamin. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya. “Sh!t! Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kung lakasan ang loob ko, kahit nakakahiya na.” Wika niya at muling naghilamos sa mukha niya. Nang buksan niya ang pinto ng banyo ay sumilip muna si Dell. Tiningnan niya kung nasa labas ba si Noah. Pero napakunot ang noo niya, nang hindi niya ito makita. “Noah!” Tawag niya rito, at tiningnan sa kama. Pero hindi niya ito nakita, kaya agad siyang lumabas. “Beth, nakita mo ba si Noah?” Tanong niya rito. “Umalis na po si Sir Noah, Ma’am Dell.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sagot ni Beth, sa kanya. “Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?” “Ang sabi niya po, mauna na raw po tayong bumalik sa syudad, dahil may mahalaga lang daw po siyang gagawin.” “Mahalagang gawin? Dapat hindi ka pumayag, o ‘di kaya, dapat sinundan mo siya.” “Ayaw niya po na iwan ko kayo.” Yukong wika ni Beth. “Kung ganun, u