933RD POV “Ate kailan ka ulit babalik?” Tanong ni Aira kay Anna habang hinatid nila ito sa airport. Hindi na rin niya pinasama ang mga bata dahil alam niya na iiyak ang mga ito, sa tuwing aalis si Anna. “Kapag hindi na ako busy Aira, at alam mo naman na kailangan natin mag-ingat.” Napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. “Kahit sobrang ingat pa nga natin nahuli pa rin nila tayo.” Natatawa na wika ni Aira. “Kaya nga eh! Kaya tanggapin mo na na mas matalino sila kaysa sa ‘yo.” Natatawa na wika ni Anna, habang sumama namam ang mukha ni Aira. Ayaw na ayaw niya kasi na may lalamang sa kanya. “‘Wag ka na magalit, jowa mo naman siya.” Tinapik ni Anna ang balikat niya habang hiyakap niya ito. “Ingat ka ro’n Ate ha, ‘wag ka nang pumayag na may mang-aapi pa sa ‘yo.” Tumango si Anna sa kanya habang malawak ito napangiti. “Ikaw!” Gulat na napatingin si Recca sa kanya, dahil sa lakas ng kanyang boses. “Ingatan mo si Ate ha? ‘Wag mo siyang pabayaan. Kapag may mang-aapi sa kanya,
943RD POV Napabalikwas si Dylan ng makarinig ito ng ilang putok ng baril. Agad din na tumayo si Aira, habang mabilis na tumakbo patungo sa kwarto ng mga anak nila. “Anong nangyari?” Tanong niya habang papalapit sa kanila ang isa niyang tauhan. “Ma'am may nakapasok po, at kasama nila si Ma'am Mia.” Gulat na napatingin si Aira kay Dylan dahil sa narinig niya. “Dylan, tumakas na kayo! Dalhin mo ang mga bata, magtago kayo Dylan!” Takot na wika ni Aira sa kanya. Habang naguguluhan pa rin si Dylan na nakatingin sa kanya. “Dylan! Naririnig mo ba ako?! Lumayo na kayo rito at dalhin mo ang mga bata!” “No! Hindi ko gagawin ‘yon! At hinding-hindi kita iiwan Aira! Ayaw ko na maranasan ulit ang naranasan ko noon dahil sa pagkawala mo!” Galit na sigaw sa kanya ni Dylan habang hinawakan niya ito sa braso. Nag-iyakan naman ang kanilang mga anak, dahil sa narinig na malakas na putok ng baril. “Dylan, makinig ka naman sa akin oh! Parang awa mo na.. Umalis na kayo ay dalhin mo sila. Ito lang an
95 3RD POV “Mommy!” Masayang wika ni Anna nang makita niya si Helen. “May problema ba?” Kunot-noo na wika niya matapos niya itong lapitan. “Anna, anak.. Sabihin mo sa akin ang totoo, buhay pa ba ang kapatid mo?” Tanong nito sa kanya habang hinawakan ang kanyang mga kamay. “Anak sabihin mo sa akin ang totoo!” Iyak na sigaw nito sa kanya, habang hindi napigilan ni Anna na mapa-iyak habang tumango ito sa kanya. “Totoong buhay ang kapatid mo?” Muling tumango sa kanya si Anna, kaya lalong napa-iyak si Helen. “K-kailangan natin magmadali Anak…” Taka na napatingin si Anna sa kanyang ina dahil sa sinabi nito sa kanya. “Magmadali? Pero bakit Mommy?” “Anna, nanganganib ang kapatid mo ngayon at baka mapahamak ang mga taong nakapaligid sa kanya, dahil alam ko na hindi siya mapapatawad ni Mommy dahil sa pagpapanggap na ginawa niya.” “Ano po bang ibig niyong sabihin Mom?” “Basta bilisan mo na! Sino ang kasama niya?” “S-si Dylan Mommy..” Napasinghap si Helen, dahil sa sinabi ni Anna. “K
96 3RD POV “Dylan Anak!” Malakas na sigaw ni Sandro, kaya mabilis na napalingon ang mga tao sa loob sa kanya. “Pakawalan niyo ang anak ko!” Muling sigaw ni Sandro, kaya malakas na napa-halakhak ang matanda. “Sino ka para utusan ako?” Natingin si Sandro Kay Dylan, habang hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa sa kanyang anak, dahil bugbog sarado ang mukha nito. “Hindi mo pa ako lubusang kilala! Kaya bitawan niyo ang anak ko!” Malakas na sigaw niya at akmang susungurin sila. Pero mabilis siyang pinigilan ni Max. “‘Wag kang padalos-dalos Pare, masyadong mapanganib ang matandang ‘yan at alam mo ‘yan!” Wika ni Max sa kanya. “Ang kapal din ng mukha mo para magpakita rito?!” Galit na wika niya habang tiningnan niya si Max. “Hindi ka pa rin ba nadala sa ginawa ko sa ‘yo noon?” Napakuyom ang kamao ni Max dahil sa sinabi ng matanda sa kanya.“Sobra na talaga ang kasamaan mo Mrs. Bernadith Wang!” Malakas na sigaw ni Max sa kanya. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging masama! Kung hi
973RD POV “Kumusta sila?” Tanong ni Recca kay Anna, habang napatingin si Anna sa mga bata na nakatulog na. “Ayos naman sila at tulog na.” “Magpahinga ka muna.” Wika ni Recca habang umiling si Anna sa kanya. “Bakit ayaw mong magpahinga? Kailangan mo ng pahinga Anna.” “Paano ako makapag-pahinga Recca? Kung ang isip ko ay nando'n kay Ate Dylan at Mommy?” Iyak na wika ni Anna sa kanya. “Wala tayong magagawa? Paano kung magkasakit ka? Sino ang mag-aalaga sa kanila?” Napahinga ng malalim si Anna dahil sa sinabi ni Recca sa kanya. “Hayaan mong ako muna ang pupunta sa kanila. Dito ka muna at magpahinga kasama ang mga bata.” Wika ni Recca habang hinaplos ang braso ni Anna. Tumango naman si Anna kaya napangiti si Recca sa kanya. Alam niya kasi na sobrang pagod na si Anna, dahil kung wala ito sa hospital ay sa mga bata naman ito nag-aalaga. Nang makita ni Recca na mahimbing na natutulog si Anna, ay agad niya itong binilin sa katulong, dahil kailangan niya na pumunta sa hospital. “Tita
983RD POV “Mom! Ilang ulit ko bang sabihin sa inyo na ayokong magpakasal sa Anna na ‘yan!” Malakas na sigaw ni Dylan kaya nang pumasok muli si Kim sa kwarto niya. Galit naman na tiningnan ni Aira si Dylan at pinunasan nito ang kanyang luha. “Hindi ako si Anna! At sa ayaw at gusto mo ikakasal ka sa akin!” Malakas na sigaw ni Aira sa kanya habang napa-awang ang kanyang labi matapos nitong ibagsak ang pinto. “Nakita mo ba ‘yon Mom? Ganun klase bang babae ang ipapakasal mo sa akin?” Kunot-noo na tanong ni Dylan habang nailing si Kim sa kanya. Nang makalabas si Dylan sa hospital ay agad na siyang pumasok sa kanyang opisina. Panay rin ang pangungulit niya kay Recca, para hanapin si Britney, dahil simula ng magkamalay siya ay hindi niya maiwasan na magtaka, kung bakit hindi man lang siya nagawang dalawin ni Britney. “Bakit ka nandito?” Galit na wika niya ng makita si Aira sa harapan niya. “Ako ‘yong bago mong secretary.” Taas kilay na wika ni Aira sa kanya. “Secretary?” Natatawa na
993RD POV “Bakit ba ang tagal mo? Saan ka ba galing? At bakit ako tinatawag ng mga bata na ‘yon na daddy?” Tanong sa kanya ni Dylan ng makapasok siya sa loob ng opisina nito.“‘Wag mo nalang silang pansinin.” “At bakit hindi? Alam mo bang lalong sumasakit ang ulo ko sa kaiisip?” “Bakit mo ba kasi iisipin? Bakit hindi ka nalang manahimik?” Inis na wika ni Aira habang umupo sa kanyang mesa. Pero natigilan siya ng makita niya ang mga pagkain na nasa harapan niya. “Ano ‘to?” Tanong niya kay Dylan habang tiningnan niya ito. “Wala akong magawa kanina. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nagluluto.” Sagot ni Dylan sa kanya, habang malawak na napangiti si Aira. Hindi rin nito pinansin ang mga luha niya na nag-uunahan sa pagbagsak habang sinubo isa-isa ang mga pagkain na niluto ni Dylan. Namimis na niya ang mga luto nito.“Pangit ba ang lasa?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya, habang umiling si Aira. Nang sumapit ang hapon ay nauna na lumabas si Dylan sa kanya. Hind
1003RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG “Sorry.” Mabilis na kinuha ni Aira ang kanyang kamay at akmang talikuran na sana si Dylan, pero mabilis na hinawakan ni Dylan ang kanyang kamay, kaya nilingon niya ito. “Baki-.” Namilog ang kanyang mga mata ng sunggaban ni Dylan ng halik ang kanyang labi. Gusto niyang mag-pumiglas pero wala siyang lakas para gawin ito, dahil nangingibabaw pa rin ang sinisigaw ng kanyang puso, kahit pa sinasabi ng utak niya na mali, dahil hindi pa bumalik ang alaala ni Dylan. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Kusang gumalaw ang labi ni Aira at gumanti ito ng halik kay Dylan. Napahawak si Dylan sa bewang niya, habang nagpapalitan sila ng halik. Agad na bumaba ang labi ni Dylan sa leeg ni Aira, habang napapatingala si Aira. Ramdam niya ang libu-libong boltahe ng kuryente sa katawan niya. “Ohh…” Parang mababali na ang bewang ni Aira habang mahigpit siyang napapakapit sa leeg ni Dylan. Patuloy naman ang ginawang pagsips*p ni Dylan sa itaas ng kanyan
1613RD POV Napahawak si Hanma, sa pisngi niya. Habang niyakap siya ni Elijah at Ellie. “Daddy, bakit mo siya sinaktan?” Sigaw ni Ellie sa kanya. “Dahil tanga siya!”“Daddy, ‘wag mo na siyang sigawan.” Iyak na wika ni Elijah. Napahinga ng malalim si Aaron, at pilit na ngumiti sa mga bata. “Sorry, masyado lang talagang mainit ang ulo ni Daddy.” Ngiting wika niya sa mga bata at tinawag ang kanyang mga tauhan. “Mauna na kayo sa kotse.” Utos niya sa kanila. Nang makalabas na ang kanyang mga tauhan at ang mga bata, ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Hanma. “Bakit ba ang b*bo mo?” Galit na tanong niya rito. “Hindi mo ba nakikita na aalis ako?” “Nakikita po…” Umiiyak na sagot ni Hanma sa kanya. “‘Yon naman pala? Tapos, bakit ang mga bata lang ang binihisan mo? Sino ba ang gusto mong magbantay sa kanila?” “A-akala ko po.. Hindi niyo ako isasam-.” Muling napahawak si Hanma, sa pisngi niya ng sampalin siya muli ni Aaron. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nag-angat ng muk
1603RD POV Ilang linggo na na hindi pa rin bumalik si Hanma, sa condo ni Aaron, hindi niya maiwasan na magtaka. Aaminin niya, na na-miss na rin niya ang mga luto nito. Kinuha ni Aaron, ang kanyang phone, at tinawagan ang number ni Hanma. Pero katulad noong una, ay hindi pa rin ito matawagan. “Puntahan mo si Hanma, sa bahay nila.” Utos niya sa kanyang tauhan. “Sabihin mo, sa kanya na kailangan na niyang bumalik.” Muling wika ni Aaron, at agad na tumango ang kanyang tauhan. Matapos maka-alis ang tauhan niya, ay naisipan niya na pumasok muna sa kanyang silid, para tingnan ang kanyang email. Pero natigilan siya ng biglang bumukas ang pinto. “Bakit ngayon ka lan-.” Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin, nang makita si Evo, Kai at ang tatlo nilang anak.“Daddy!” Malakas na sigaw ng tatlo, habang yumakap sa kanya. Isa-isa niya naman silang hinalikan, at pagkatapos ay binuhat si Ellie. “Bakit kayo nandito?” Tanong sa kapatid niyang si Evo. “Na-miss ka raw ng mga bata.” Ngiting wi
1593RD POV “Akala ko pa naman, ang asawa mo ‘yon.” Natatawang wika ni Evo, sa kanya. Hindi sumagot si Aaron, habang ininom niya ang alak na nasa kanyang baso. Panay din ang tingin niya kay Hailey, habang kasama nito ang kanyang nobyo. “Bakit ba, hindi mo alam. Kung ilan silang magkakapatid Bro?” Muling tanong ni Evo. “Wala akong pakialam, kung ilan sila. Isa pa, hiwalayan ko rin naman ang kapatid nila.” Sagot ni Aaron sa kanya. “Talaga? Pero bakit? Sayang naman.” Masamang tiningnan ni Aaron, si Evo, dahil sa kanyang sinabi. “‘Wag mong sabihin, pinagnanasahan mo si Hanma?” Kunot-noo na tanong niya sa kanyang kapatid. “Hindi siya, hindi naman ‘yon maganda. Namimili pa nga ako sa dalawa niyang kamba-.” “Gusto mo bang tamaan?” Galit na wika ni Aaron, habang tinaas nito ang kamao niya. Hindi napigilan ni Evo, na matawa dahil sa ginawa ng kambal niya. “Hindi ka takot? Sabihin ko nalang sa asaw-.” “‘Wag! Hindi ka naman mabiro!” Inis na wika ni Evo, habang muli siyang pina-upo nito.
1583RD POV “Good morning.” Napakunot ang noo ni Aaron, nang makita niya si Helena, na nakaupo sa gilid ng kanyang opisina. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya, habang tumayo ito at malawak na ngumiti sa kanya. “Pinalitan ko ang kapatid ko.” Balewala na wika nito, habang inabot sa kanya ang isang tablet.“Nand’yan na lahat ng schedule mo Sir.” “Bilib din ako sa kapal ng pagmumukha mo.” Insulto na wika ni Aaron, sa kanya.“Mas mabuti ng makapal ang mukha, kaysa walang mukha ‘diba?” Ngiting wika nito, kaya inis niya itong tiningnan. “Lumayas kana, kung ayaw mong masaktan.” “Nakikita mo ba ‘to?” Wika niya, habang itinaas ang isang papel. Napakunot naman ang noo ni Aaron, habang nakatingin dito. “Baka lang kasi nakalimutan mo. Five years pa ang contract ko, bilang secretary mo.” Ngising wika ni Helena, sa kanya. “Kaya, wala kang karapatan na palayasin ako, aalis ako kung kailan ko gusto.” Wika nito at tinalikuran siya. Inis niya itong tiningnan, habang binuksan nito ang pinto ng
1573RD POV Agad na nag-bawi ng tingin si Hanma, sa kanya at muli itong kumain. “Para ‘yon, sa kaligtasan nila.” Wika ni Hanma, at itinuon na nito ang atensyon niya, sa kanyang pagkain. Gustong iwasan ni Aaron, ang pamilya niya, dahil kinakahiya niya si Hanma. Gusto niya rin sana na iwanan na ito, pero naisip niya, ang pakiusap ng daddy Recca niya sa kanya. “Magbihis ka.” Wika niya rito, habang naka-upo ito sa sahig. “Bakit po Sir?” Tanong ni Hanma, habang tumayo ito. “‘Wag kana ngang magtanong! Isa pa, bakit ba r'yan ka naka-upo? Gusto mo bang pagalitan na naman ako nila Daddy?” “S-sorry po Sir.. Baka po kasi magalit kayo, kapag sa sofa ako uupo.” Inis niya itong tiningnan at iniwan. “Bilisan mo!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya. “Ang Dami pang palusot, akala mo naman maawa ako sa kanya.” Inis na wika niya, habang kinuha ang kanyang bag. “Tapos kana ba?” Tanong niya rito, at agad naman na tumango si Hanma, sa kanya. “Wala kabang ibang damit?” Tanong niya rito, habang u
1563RD POV Lumipas ang isang linggo, na hindi nagpakita si Hanma, kay Aaron. Labis naman ang tuwa na nararamdaman ni Aaron, dahil sa hindi pagpapakita nito. Naiirita kasi siya, sa tuwing nakikita ito. Lalo na ngayon. Hindi pa rin niya naiisip kung paano niya na-pakasalan si Hanma. Sa tuwing iniisip niya ang itsura nito ay nandidiri siya. “Dad.” Wika niya, nang masagot niya ang tawag sa kanyang phone. “Aaron, bakit wala sa condo niyo ang asawa mo?” Napakunot ang noo niya, dahil sa tanong ng kanyang ama. “Anong ginagawa niyo, r’yan Dad?” “Hindi ako ang pumunta ro'n, ang daddy Recca mo. Ang sabi niya, wala raw doon ang asawa mo.” “Matagal na siyang hindi bumalik sa condo, Dad. Hindi ko alam kung nasa'n siya.”“Anong ibig mong sabihin? Ni hindi mo man lang siya hinanap?” Galit na tanong ni Dylan, sa kanya. “Dad, hindi ko naman kagustuhan na maikasal sa kanya, kaya wala akong pakialam kung sa’n, man siya magpunta, dahil hindi ko siya responsibilidad.” “Aaron!” Sigaw ni Dylan, sa k
1553RD POV “S-Sir.. Nasasaktan po ako…” Napahawak si Hanma, sa kamay ni Aaron. Habang sinakal siya nito. “Paano mo nagawa ‘yon?!” Galit na sigaw ni Aaron, sa kanya. “H-hindi ko po kayo maintindihan…” Iyak na wika niya, kaya mabilis siyang sinampal ni Aaron. “Palampa-lampa ka lang pala! Tapos niloloko mo ako!” “A-ano pong sinasab-.” Nahihirapan na tanong ni Hanma, sa kanya. “Bro! Bitawan mo siya, baka mapatay mo ‘yan!” Awat ni Evo, sa kanya. “Talagang mapapatay ko ang pangit na ‘yan!!” Galit na sigaw ni Aaron, at hindi pa rin, binitawan ang leeg ni Hanma. “Tama na ‘yan Aaron!” Sigaw ni Dylan. Habang galit na nilapitan nito si Aaron. Tinulak ni Dylan, ang anak niyang si Aaron, nang hindi ito nakinig sa kanya. Napahawak naman si Hanma, sa leeg niya habang tinulungan siya ni Dylan, na tumayo. “Bakit mo siya sinaktan?!” Galit na sigaw ng kanyang ama sa kanya. “Dahil manloloko siya Dad!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya. “Wala akong ginawang masama sa ‘yo Sir Aaron…” “Man
154 3RD POV “Aaron.” Agad na napatayo si Aaron, habang papalapit sa kanya ang kanyang ina. “Mom.” Lumapit siya kay Aira, at humalik dito.“Bakit, wala na naman ang secretary mo? Pinalayas mo na naman ba?” Galit na tanong ni Aira sa kanya. “Hindi ko siya pinalayas Mom,” “Kung ganun, nasa'n siya? Bakit wala akong makita sa labas?” “Wala, dahil ginawa ko siyang katulong.” Napakunot ang noo ni Aira, dahil sa sinabi ng anak niyang si Aaron, sa kanya. “Bakit mo naman siya, ginawang katulong? Hindi mo ba alam na matalino ang batang ‘yon? Isa pa, graduate rin siya sa paaralan na pinasukan niyo noon.” Napatingin si Aaron, sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hindi naman, kasi siya ang na-hire niyo. ‘Yong mayabang niyang kambal.” “Kahit na, mabait naman si Hanma.” “Ano bang gagawin ko sa mabait Mom? Kung tatanga-tanga naman ito?” “Aaron,” “Mom, don't worry, kaya ko naman kahit wala akong secretary. Isa pa, mas magaling naman ‘yon sa bahay, kaya ro'n ko nalang siya nilagay
153 3RD POV “Daddy!!” Malakas na sigaw ng mga bata, habang papalapit ito sa kanya.Isa-isa niyang hinalikan ang mga bata, habang malawak na ngumiti si Evo, sa kanya. “Akala ko hindi ka pupunta rito Bro.” Wika nito, habang hinawakan siya sa balikat. Winaksi naman ni Aaron, ang kamay ni Evo. “Wala ka pa rin talagang pagbabago.” Iling na wika ni Evo sa kanya. “Ikaw ba meron?” “Naman! alam mong may asawa at mga anak na ako, kaya balewala na sa akin, ‘yang mga babae na ‘yan.” “Ikaw nga ang walang pagbabago. Puro babae pa rin talaga ‘yang nasa isip mo.” “Shhh! Manahimik ka nga Bro, baka marinig tayo ni Kai, gusto mo bang malagot ako sa kanya?” “Tinatanong mo pa talaga.” Ngiting wika ni Aaron, sa kanya, kaya masama siyang tiningnan ni Evo. “Kuya!” Mahigpit na yumakap si Dell kay Evo. “Hi my Princess.” Ngiting wika ni Evo. “Ang tagal niyo naman bumalik dito.” Himig nagtatampo na wika ni Dell, kaya napakunot ang noo ni Aaron. “Umuwi kaba rito?” Tanong niya habang mabilis na tumang