67 3RD POV “Ano ng balak mo?” Tanong sa kanya ni Recca habang nakaupo siya sa sofa. “Anong balak ang pinag-usapan niyo?” Taka na tanong ni Britney sa kanila. “‘Wag niyong sabihin na gusto niyo pa rin na kilalanin ang anak ng mga Wang?” “Kilala na namin siya.” Napalingon si Britney kay Recca, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Talaga? Anong itsura niya?”“Tama ka, masyado siyang pangit at napakataba.” Natawa na wika ni Recca sa kanya.“Sinabi ko naman sa inyo, kaya nga nagtatago siya sa publiko. Isa pa, ang pangit na nga ng ugali niya ang pangit pa ng itsura niya.” Ngiting wika ni Britney. “Ano bang nagawa na kasalanan ng daddy mo sa kanya?” Seryoso na tanong ni Dylan, kaya napatingin si Britney sa kanya. “Hindi ko rin alam, kung tutuusin nga, mas lamang naman ang business nila kaysa sa amin.” Malungkot na wika niya. “Bakit hindi sinubukan ng daddy mo na kausapin siya?” “Sa tingin mo ba, kakausapin niya si Daddy? Alam mo bang masyadong mayabang ang pangit na ‘yon?” Sagot niya ka
683RD POV “Ate!” Tuwang wika niya, habang mahigpit na niyakap ang kapatid niya.“Malungkot ka na naman? Dahil na naman ba ‘to sa kanya?” Malungkot niyang tanong habang umupo si Anna sa upuan. “Bakit ka na naman ba narito? Hindi mo ba alam na hinahanap ka niya?” Wika niya habang bakas sa mukha niya ang takot. “Takot ka na naman ba sa kanya? Bakit ba kasi hindi mo nalang siya iwan?” “Bakit ba pinipilit mo ‘yan?! Alam mo naman na hindi ko ‘yon kayang gawin! Alam mo bang pilit kung kinaya ang lahat… Kahit pa… Kahit pa alam ko na hindi talaga ako ang mahal niya.” Umiyak na wika sa kanya ni Anna. “Binigyan na kita ng pagkakataon, ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na iwan mo na siya. Bakit ba ang dali lang sa ‘yo na kalimutan ang lahat ng ginawa niya sa ‘yo noon? Alam mo bang araw-araw akong natatakot na baka tuluyan ka nang mawala sa amin, dahil lang sa kanya!” Napatitig si Anna sa kanya habang pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata. “Natatakot ba talaga kayong mawala ako?”
69 3RD POV“Dylan.” “Who are you?” Palipat-lipat ang kanyang mga mata, sa dalawang babaeng nasa harapan niya. “You miss me?” Napalingon si Anna sa kakambal niyang si Aira habang masama itong tiningnan. “Dylan… Magpapaliwanag ako.” Wika niya, hinawakan muli ang kamay ni Dylan, pero mabilis niya itong winaksi. “Surprise! Na-surprise ka ba?” Ngiting wika ni Aira, habang nilapitan siya ni Dylan. “Sino ka?” Galit na tanong niya rito habang tinitigan lang siya nito. “Sagutin mo ako!” Malakas na tanong ni Dylan, habang sininyasan ni Aira si Mia na ‘wag makialam. “Ako si Anna..” Mahina niyang wika habang malawak na ngumisi.Mabilis na lumapit sa kanila si Anna at akmang ilalayo si Aira kay Dylan, pero mabilis siyang tinulak ni Dylan. Nang makita ito ni Aira ay agad niyang itinaas ang tuhod niya sa gitna ni Dylan, kaya namilipit agad ito sa sakit, dahil sa ginawa ni Aira sa kanya. Nang lapitan niya si Anna at tutulungan sana itong tumayo, ay itinulak siya nito. “Umalis ka na..” Mahin
703RD POV Napatingin si Recca kay Anna, nang bigla itong tumayo. “Hey!” Wika niya habang hindi siya pinakinggan ni Anna at dali-dali itong lumabas sa kanyang kwarto. “Dylan!” Sigaw niya habang pumasok sa kwarto ni Dylan. “What are you doing here?” Walang emosyon na tanong ni Dylan sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at mabilis itong winaksi ni Dylan. “Patawarin mo na ako Dylan… Hindi ko naman ‘yon sinadya…” “Hindi?! Ano ba talaga ang tingin mo sa akin tanga! Umalis ka na Anna, at ‘wag ka nang babalik pa rito!” “Ayoko! Dylan… ‘Wag mong gawin sa ‘kin ‘to please… Dylan asawa mo ako…” “Asawa?” Wika ni Dylan habang tiningnan siya ng nakaka-insulto. “Alam mong asawa lang kita sa papel, kaya sa oras na makapag-file ako ng divorce siguraduhin kung maibabalik ko kayo sa basurang pinanggagalingan niyo.” Wika ni Dylan sa kanya at tinulak siya. “Dylan… Pwede bang makinig ka muna sa akin…” Mahina niyang wika habang tumayo. Nang makalapit siya kay Dylan ay aagad na itinaas ni Dylan
713RD POV “Sino itong magandang babae na kasama mo?” Nagyuko agad si Anna sa mukha niya, dahil nahihiya siya sa babaeng nasa kanyang harapan. “Mom, she’s Anna.” “Anna? Ang ganda ng pangalan.” Ngiting wika ng babae, kaya nag-angat ng mukha si Anna. “‘Wag kang mahiya sa akin Hija, ako si Sharon ang ina ni Recca.” Ngiting wika nito sa kanya, habang pilit na ngumiti sa kanya si Anna. Hindi pa rin kasi maiwasan ni Anna na mahiya rito. “Pumasok na muna kayo.” Muling wika nito, habang nasa bewang niya ang braso ni Recca. Matapos nilang kumain ay hinatid ni Recca si Anna sa guest room, hindi niya rin iniwanan at nagpasya siya na sa sofa na matutulog. “Pwede ka naman matulog sa kwarto mo.” Yukong wika ni Anna sa kanya. “Ayos lang naman ako rito.” “Recca..” Mahina na sambit ni Anna, kaya napatingin si Recca sa kanya. “Bakit mo pala ginawa sa akin ‘to? Bakit mo ako tinutulungan?” Tanong niya rito. “Ayaw lang kitang makitang nahihirapan at nasasaktan.” “Salamat ha.. Mabuti ka pa.” Ma
723RD POV “Love, pwede ba tama na ‘yang pag-iinom mo.” Wika ni Britney habang hinahaplos ang dibdib ni Dylan. “Kalimutan mo nalang kasi ang ginawa ng Anna na ‘yon sa ‘yo.” Masama na tiningnan ni Dylan si Britney dahil sa sinabi nito.“Wala kang alam, kaya manahimik ka.” Madiin na wika niya, kaya natahimik si Britney. KINABUKASAN ay wala na si Dylan sa tabi ni Britney. Mabilis niya itong tiningnan sa buong condo unit niya, pero hindi niya ito makita, kaya tinawagan niya ito, pero naka ilang dial na siya ay hindi pa rin sumasagot si Dylan sa kanya. “Sa’n ka ba nanggaling? Bakit pinabayaan mo ang kompanya?” Galit na tanong ng kanyang ama.“Kahit ilang taon pa akong mawawala rito, hindi pa rin ‘to malulugi lalo na at nand'yan ka Dad.” “Naririnig mo ba ‘yang sarili mo Dylan? Ang akala ko pa naman handa ka na hawakan ang buong kumpanya natin! Pero tingnan mo ‘yang sarili mo!” “Kaya ako nagkakaganito dahil sa kagagawan niyo Dad!” Napakunot ang noo ng kanyang ama, dahil sa sinabi ni Dy
733RD POV “Ano nang balita? Tanong niya sa P.I niya habang nakatayo ito sa harapan niya. “Wala pa rin Sir, sadyang mahirap po talagang hagilapin si Miss. Aira.” “Aira?” Kunot-noo na tanong ni Britney habang nilapitan sila. “‘Wag mong sabihin na si Aira Wang ang dahilan kung bakit ka nandito Love?” Tanong niya habang tahimik lang si Dylan na nakaupo sa sofa. “Gusto ko rin siyang makita. Love gumawa ka ng paraan para makaganti ako sa babaeng ‘yan! Dahil nagdusa ang pamilya ko, lalo na ako ng dahil sa kanya.” Wika ni Britney habang napatingin si Dylan sa kanya. Ngayon lang din naintindihan ni Dylan kung bakit ginawa ‘yon ni Aira sa kumpanya ng pamilya ni Britney. “Ako na ang mag-hahanap sa kanya.* Wika ni Dylan habang tumayo. “Sasama ako.” Mabilis na sumunod si Britney sa kanya. Habang nasa isang hotel, ay panay ang tingin ni Britney sa paligid. Hindi rin niya maiwasan na magtaka dahil kanina pa sila tumatambay ni Dylan dito. Kanina pa rin siya nagtatanong kay Dylan pero wala si
743RD POV“Fvcking damn it!” Hindi maipinta ang mukha ni Dylan habang natatapilok siya. “Kung gusto mo, magpaa ka nalang.” Ngiting wika ni Aira sa kanya. Inis niya itong tiningnan habang naiisip na sakaling ito. “Hmm, ang bango naman.” Wika nito habang tinungo ang isang nagtitinda sa tabi ng kalsada. Inis na sinundan ito ni Dylan habang tinanggal ang sandal sa kanyang paa. Wala rin siyang pakialam kung sino man ang natamaan niya ng ibato niya ito dahil sa inis. Nakatingin lamang siya, habang sarap na sarap si Aira na kumain. Hindi niya rin alam kung anong kalse na pagkain ang kinakain nito. Panay rin ang paglingon siya, para sana makita ang mga tauhan niya. Palagay niya kasi, mahihirapan sila na kilalanin sila, lalo na siya, dahil ginawa siyang bakla ni Aira. Wala rin siyang magawa kun'di sumunod dito, dahil ayaw niya na mapahamak ang mga magulang niya. “Ayaw mo bang kumain?” Tanong nito sa kanya, kaya napatingin siya rito. Napakunot din ang noo niya nang makita ang maraming stic
2813RD POV Nang magising si Dell, ay hindi niya pa rin maidilat ang mga mata niya. Kinakapa niya ang paligid habang nagtataka. Kanina lang ay nasa likuran sila ng pabrika, pero ngayon ay nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Gulat niyang kinapa ang kanyang sarili, ng napagtanto ang lugar na kinalalagyan niya. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa sarili niya, kaya nakahinga siya ng maluwag. “Walang hiya ang lalaki na ‘yon!” Inis na wika niya, habang napakuyom siya sa kamao niya. “Alam mo bang mas walang hiya pa kayo sa akin?” Narinig niyang wika ni Noah. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Naguguluhan wika niya, pero hindi na niya ito narinig pa na nagsalitang muli. Ngayon niya lang din naisip ang sinabi ni Kyla, sa kanya. ‘Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nagka-ganun si Kyla? At hindi kaya totoo ang sinabi niya tungkol sa kanya? Nakakainis! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit ba hindi ako nakinig sa kanya! Kaya pala lagi ko siyang nakiki
2803RD POV “Kyla…” Sambit niya, habang tulala itong nakatingin sa kisame. “Hindi ko alam paano, tawagan ang mga magulang o pamilya mo, kaya ako nalang ang nandito.” Wika niyang muli, habang nakikita niya na naglalandas ang mga luha sa mata ni Kyla.“Bakit hindi mo sinabi sa akin, na buntis ka?” Tanong niya pero wala pa rin siyang nakuhang sagot, mula kay Kyla. “H-hay*p siya…” Mahina na wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “S-sino?” Tanong niya rito. Napatingin naman siya sa kamay nito, matapos hawakan ni Kyla, ang kanyang braso. “‘Wag kang lumapit sa kanya, layuan mo siya!” Iyak na sigaw nito. “Sino ba ang ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya, habang patuloy na itong umiiyak. “Kyla!!” Napalingon siya sa isang ginang na pumasok. Mabilis nitong niyakap si Kyla, habang humagulgol ng iyak. Tumayo naman si Dell, at iniwan sila sa kwarto. Hindi niya rin maiwasan na napa-isip dahil sa sinabi ni Kyla. KINABUKASAN ay maaga na pumunta si Dell, sa pabrika nila. Patuloy siyang nag
2793RD POV “Kuya naman eh! Bakit kaba nanggugulat?” Inis na wika niya, kay Evo. “Bakit ba?” Natatawa na tanong nito sa kanya. “Anong bakit? Baka may makakita sa atin?”“Ano naman?”“Ayoko kasi na malaman nila na magkapatid tayo.” Napakunot ang noo ni Evo, dahil sa sinabi ni Dell. “Bakit hindi pwede?” “Kuya, gusto ko pang mag-stay rito, kaya ayokong malaman nila. Baka kasi mailang sila sa akin.” “Kung gusto mo tanggalin ko silang lahat dito.” “Kuya, ‘wag mo ngang gawin ‘yan. Mas gusto ko pa silang makilala.” Ngiting wika ni Dell. “Sige, basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako.” Ngiting wika ni Evo, kaya agad niya itong niyakap. “Salamat Kuya.” Ngiting wika niya, habang nag-angat siya ng kanyang mukha.“Basta ikaw Princess.” Ngiting wika niya. “Paano, uuwi na ako.” Napakunot ang noo niya, habang bumitaw dito. “Bakit?” “Alam mo naman ang Ate mo.” “Sos! Ang bilis mo naman siyang ma-miss.” “Ganun talaga.” Ngiting wika ni Evo, sa kanya. Matapos silang mag-usap ay umu
278 3RD POV “Sagutin mo nga ako!” Hinihingal na tanong ni Dell, sa kanya. “Nilalayo lang kita sa kanila.” “Nilalayo? Pero bakit? Wala naman tayong masamang ginawa? Isa pa kakain lang naman tayo?” “Sinasagot mo kasi sila. Alam mo bang pwede nila tayong tanggalin sa trabaho natin, dahil sa ginawa mo?” Nailing si Dell, habang napangiti. “Wala kabang tiwala sa akin?” “Wala sa tiwala ‘yan. Halika na, maghahanap nalang tayo ng iba.” “‘Wag na, nawalan na ako ng gana.” Wika ni Dell. “Uuwi nalang ako. Pagod na rin kasi ako.” Muling wika niya rito. “Paano, mauna na ako sa 'yo. Magkita nalang tayo bukas.” Wika ni Dell, habang tinalikuran siya at kinawayan. Napatitig naman ito sa likuran niya habang napangisi. ****“Ma'am Dell, kumain na po kayo.” Wika ng katulong niya. “Sige po, ako na po ang bahala. Magpahinga nalang po kayo.” Wika niya rito. Habang nakaupo si Dell, sa harapan ng mesa ay napatingin siya sa kanyang phone. Balak niya sana na ipatanggal ang mag-asawa na ‘yon, sa kump
2773RD POV “Pasensya kana.” Yukong wika nito, kaya nilapitan ito ni Dell. “Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginagawang masama?” Nag-angat ito ng mukha niya, at napatitig sa kanya. “H-hindi ka galit?” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang saya. “Hindi, bakit naman ako magagalit. Upo ka.” Yaya ni Dell, sa kanya. Mabilis naman itong umupo sa kanyang tabi. “Gusto mo?” Alok ni Dell, sa kanya. Hindi niya naman maiwasan na mapatitig dito, dahil sa nakatingin lang ito sa hawak niya. “Sige lang sa 'yo nalang ‘yan.” Ngiting wika nito sa kanya. “Nakakapunta kana pala sa hotel dito?” Tanong niya, at kita niya sa mukha nito ang gulat. “O-oo..” “Kung ganun, pwede mo ba akong ipasyal do’n?” Ngiting wika niya, habang hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa kanya. “I-ibig mong sabihin, sasama ka sa akin?” “Oo naman, bakit hindi? Maganda nga ‘yon, may tour guide ako.” “Dell!” Malakas na sigaw ni Kyla, hindi niya ito napansin na nasa likuran na nila ito. “Halika! At ‘wag
2763RD POV “Bakit kaba nakikipag-usap sa kanya?” Tanong ni Kyla. “Anong masama?” Balewala na tanong niya rito. “Alam mo bang ang weird ng taong ‘yan, kaya hindi namin siya pinapansin. Ang sabi-sabi pa nga ng iba, ay bal*w siya.” Napatingin si Dell, sa lalaki na busy sa trabaho nito. “Normal naman siya.” Sagot niya kay Kyla. “Anong normal? Hindi siya normal. Sa mga naririnig ko, ay isa siyang killer.” Hindi napigilan ni Dell, na matawa, dahil sa sinabi ni Kyla, kaya napatingin sa kanila ang lahat ng kasamahan nila. Sinaway naman siya ni Kyla, kaya siya tumigil. “Anong nakakatawa?” Tanong ni Kyla, sa kanya. “Paano mo kasi na isip na isa siyang mamamatay tao?” Natatawa pa rin na wika ni Dell. “‘Yon kasi ang sabi nila, isa pa. Mukha naman na totoo, kasi tingnan mo naman ang kanyang itsura.” “‘Wag mo siyang husgahan, dahil lang sa itsura niya, malay mo. Kapag inayos na niya ang sarili niya, baka ma-inlove ka sa kanya.” Si Kyla, naman ang natawa dahil sa kanyang sinabi. “Malabo
My Mysterious Wife Book VIII Chapter 2753RD POV “Nasa’n kana naman?” Wika ng kanyang ina, matapos niyang sagutin ang phone niya. “Mommy, nasa probinsya ako.” Sagot niya rito. “Probinsya? Bakit nand’yan kana naman? Nakalimutan mo ba ang nangyari sa ‘yo noon?” Wika ni Aira sa kanya. “Mommy, kalimutan niyo na po ‘yon, Isa pa. Wala naman nakakakilala sa akin dito.” “'Yon nga ang inaalala ko. Lalo na at wala ka pang dalang bodyguard.” Napangiti si Dell, dahil sa narinig niya, mula sa kanyang ina. Hindi pa kasi ito nasanay sa kanya. “Mom, ako na po ang bahala sa sarili ko, Isa pa wala naman pong nakakakilala sa akin dito.”“Kaya nga, bakit ba kasi ang hilig mo sa lugar na ganyan? Pwede ka naman sana rito?” “Mom, hayaan niyo na po muna ako, I love you Mommy..” Malambing na wika ni Dell, kaya napahinga ng malalim si Aira, bago nito pinutol ang tawag niya. Noon paman ay ito na talaga ang hilig ni Dellemarre. Ang pumunta sa mga probinsya, at magmasid sa mga tauhan nila. “Napa-angat s
274WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV Napahigpit ang pag-kapit ni Hanma, sa kanyang unan, nang umpisan ni Aaron, na sips*pin ang isang ut*ng niya. Habang ang isang kamay nito ay minamasahe ang kabila.“Ohhh..” Malakas siyang napa-ungol ng ilabas ni Aaron, ang dila niya, at dinila*n ang kanyang dibdib at ang ut*ng niya. Napahawak naman siya sa ulo ni Aaron, at mas diniin niya pa ito sa kanyang dibdib. Nang mag-sawa sa Aaron, ay ang kabila naman ang kanyang sinips*p at dinilaan. Unti-unti na bumaba ang kanyang labi, patungo sa t'yan ni Hanma, at puson. Habang nasa puson nito ang kanyang labi, ay dinidila*n niya ang ilalim ng pusod nito at dahan-dahan na sinips*p. Parang mababaliw si Hanma, dahil sa sarap na nararamdaman niya, na pinapalasap sa kanya ni Aaron. Nang muling bumaba ang labi nito, papunta sa kanyang p********e, ay bigla siyang napasinghap, kaya natigilan si Aaron, at napatingin ito sa kanya. “Pwede ba?” Parang bata na tanong niya rito. Namula naman ang pisngi ni H
273 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Aaron, saan ba tayo pupunta? Bakit tayo umalis do’n? Baka magalit si Mommy Aira, kapag nalaman niya na umalis tayo at hindi man lang nagpaalam sa kanya.” Wika ni Hanma, matapos silang sumakay sa kotse ni Aaron. “Pupuntahan tayo sa lugar na tayo lang. ‘Yong walang istorbo.” Ngiting wika nito sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Hanma, habang tinitigan siya. “Alam mo ikaw, ang laki talaga ng pagbabago mo. Mas pilyo kapa yata ngayon kay Evo.” “Ganito naman ako, lalo na kapag kasama ko ang pinakamahal kung babae.” Hindi maiwasan ni Hanma, ang mapangiti, dahil sa sinabi ni Aaron. “Isa pa ‘yan, naging bolero kana rin katulad ni Rey, ang akala ko noon, naiiba ka sa kanila.” “Malabong mangyari ‘yon, dahil iisa lang ang mga dugo namin.” Kindat na wika niya habang nailing sa kanya si Hanma. “Paano naman ako? Baka nakalimutan mo na kadugo ko rin sila.” “Malayo naman kayo.” Hinampas niya si Aaron, dahil sa sinabi nito sa kanya. Napalingon nama