613RD POV Hindi pa rin maawat ni Dylan si Anna habang nagwawala ito. Halos lahat ng gamit nila sa kanilang silid ay tinapon ni Anna. “Fvck! Ano bang problema mo?” Muling tanong niya rito habang masama siyang tiningnan ni Anna. “Ikaw ang problema ko Dylan! Bakit ba ang landi-landi mo? Sinubukan ko naman na maging mabait! Sinusunod ko lahat ng gusto mo! Pero bakit ibang babae pa rin ang gusto mo?” Umiyak na tanong sa kanya ni Anna, kaya napakunot ang noo niya. “Matagal na kaming tapos ni Britney.” Wika niya habang binato ni Anna ang unan.“Tapos? Pero bakit panay pa rin, ang ginawa niyang pagsunod sa yo? A-at bakit pakiramdam ko Hindi mo pa rin ako gusto…” Wika ni Anna habang umupo ito sa sahig. “Pakiramdam mo lang ‘yon..”“Hindi eh… Ramdam ko Dylan… Ramdam ko na hindi pa rin ako ang gusto mo!?.” Napahinga ng malalim si Dylan at tinalikuran si Anna. Alam niya na kahit anong paliwanag ang gagawin niya rito ay hindi pa rin ito makikinig sa kanya. Pumunta siya sa kanyang mini bar at
623RD POV“Kumusta siya” Tanong ni Recca, nang muli itong bumalik sa opisina ni Dylan. “She's fine.” “Baka sobrang stress na ang asawa mo.” Nag-angat ng mukha si Dylan sa kanya. “Siguro,” “Bakit mo ba kasi siya ginawang secretary mo?” “Akala ko kasi noong una, hindi siya papayag. Nagulat nga rin ako dahil pumayag siya.” “Hmm, minsan talaga, hindi mo maintindihan ang ugali niya.” “Sinabi mo pa, para na nga akong mababaliw.” Napakunot ang noo ni Recca dahil sa narinig niya kay Dylan. “Iniisip mo na naman ba, na hindi siya ang asawa mo?” Tumango si Dylan sa kanya. “Pero alam ko na kabaliwan lang ang iniisip ko Dude.” “Mabuti at alam mo.” “Impossible naman na maging dalawa sila.” “‘Yon nga ang iniisip ko.” “Hindi kaya, may sakit siya?” Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa sinabi ni Recca. “Noong una, ‘yon din ang iniisip ko. Pero pinaliwanag na sa akin ng doctor na wala siyang sakit.” “Kung titingnan mo naman ‘yong hitsura niya, ‘yong mukha niya, wala naman talagang nagbaba
63 3RD POV “Fvck! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Tanong ni Dylan habang hinawakan niya ang kamay ni Anna. Napatingin si Anna sa kamay niya at mabilis na hinawakan ang alaga ni Dylan na natatabunan sa suot nitong short. “Damn!” Napamura si Dylan habang napalingon sa paligid. Kunot-noo niyang tiningnan muli si Anna, habang may malawak itong ngiti sa labi niya. “Bakit? Akin naman ‘yan ‘di ba?” Inis niyang hinawakan si Anna at dali-dali na pinasok sa loob ng elevator. Hindi rin maintindihan ni Dylan ang sarili niya, dahil naramdaman na naman niya ang nararamdaman niya noon kay Anna. Nang akmang hahalikan niya si Anna ay mabilis na iniwas nito ang kanyang mukha. “Bakit?” Kunot-noo na tanong niya rito.“Wala! Ayaw ko lang na kahalikan ka, hindi ka naman masara-.” Hindi natapos ni Anna ang sasabihin niya nang bigla nalang siyang siilin ng halik ni Dylan sa labi niya. Gulat na napatingin si Dylan sa kanya ng buong lakas niya itong tinulak. “B-bakit?” Muling tanong ni Dylan habang naki
643RD POV“Dude.” Nilingon ni Dylan si Recca, habang busy si Anna sa pagbibigay sa mga pasalubong na binili niya para sa mga katulong nila. “Anong problema?” Tanong niya habang lumapit si Recca sa kanya. “Britney's need you.” Napakunot ang noo niya, dahil sa kanyang narinig. “Dude, alam mong hindi ko na siya pwede pang puntahan, dahil ayaw ko na masira muli ang tiwala ni Anna sa akin.” “Pero Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganun na sitwasyon ngayon si Britney!” Napalingon si Dylan dahil bahagya tumaas ang boses ni Recca. “Hindi ko na ‘yon kasalanan at alam mo ‘yon! Matagal na kaming wala, bakit ba pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa akin?” “Ikaw naman ang may gawa niyan? Kung sa una pa lang pina-intindi mo na sa kanya.” “Tapos na Dude! Alam mo naman ‘yon ‘di ba?” “Pero nangako ka sa kanya.” Napahawak si Dylan sa noo niya, dahil sa sinabi sa kanya ni Recca. “Kahit ngayon lang… Ako na ang nakiki-usap sa ‘yo.” Wika ni Recca bago siya tinalikuran. “Aalis lang ako.” Paalam
653RD POV“Bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Anna kay Dylan, habang sinalubong niya ito. “May inasikaso lang ako.” Sagot niya rito habang humalik si Anna sa pisngi niya. “Ayos na ba ngayon?” Tumango si Dylan sa kanya, habang umupo ito sa sofa. “Kumain na tayo.” “Mauna ka nalang kumain, busog pa ako.” “Sige, basta sabihan mo lang ako kapag nagugutom ka.” Tumango si Dylan sa kanya habang tatalikuran na sana niya ito, pero tinawag siya muli ni Dylan. “Muntik ko ng makalimutan, ‘di ba mahilig ka sa mga mamahalin na damit?” Tumango si Anna sa kanya habang hinawakan niya ang kamay ni Anna. “Baka pwede mo akong tulungan.” “Tulungan? Saan?” “Meron sana akong important na ipapagawa sa ‘yo.” “Ano ‘yon?” “Siguro kilala mo ang isa sa sikat na business woman sa business world.” “H-hindi ko siya kilala.”“Naalala mo ba ‘yong may ari ng Chantal boutique?” Tumango si Anna sa kanya. “Pwede kang lumapit sa kanya, dahil alam ko na kilala nun ang anak ni Helen Wang.” “Helen Wang?” “Oo, ‘di
663RD POV“Mr. Martinez?” Napatayo si Dylan habang inabot ang kamay ng babae na nasa kanyang harapan. “I'm Mia Liu.” Wika nito habang umupo sa upuan. “Anong gusto mong pagkain?” Tanong ni Dylan sa kanya habang umiling ito. “Tea nalang sa ‘kin.” Wika niya habang tumingin sa waiter. “So, ano ang kailangan mo sa akin Mr. Martinez?” Tanong niya habang nakatitig lang sa kanya si Dylan. “I can’t believe na isang magandang babae pala ang may-ari ng Chantal's boutique.” Wika niya, habang nailing ito sa kanya at ngumiti. “Well actually, hindi naman talaga ako ang owner sa boutique na ‘yon, ako lang ang pinagkatiwalaan ng may-ari.” “What do you mean?” “The real owner of that boutique was Aira Wang.” “Aira Wang? Kung ganun, Isa sa pagmamay-ari nila ang Chantal’s boutique?” Tumango si Mia sa kanya. “Then, bakit Ikaw ang pinapunta niya rito?” “Are you kidding?” Napakunot ang noo ni Dylan, dahil sa sinabi sa kanya ni Mia. “Hindi ka ganun ka importanteng tao para harapin ni Miss. Wang.”
67 3RD POV “Ano ng balak mo?” Tanong sa kanya ni Recca habang nakaupo siya sa sofa. “Anong balak ang pinag-usapan niyo?” Taka na tanong ni Britney sa kanila. “‘Wag niyong sabihin na gusto niyo pa rin na kilalanin ang anak ng mga Wang?” “Kilala na namin siya.” Napalingon si Britney kay Recca, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Talaga? Anong itsura niya?”“Tama ka, masyado siyang pangit at napakataba.” Natawa na wika ni Recca sa kanya.“Sinabi ko naman sa inyo, kaya nga nagtatago siya sa publiko. Isa pa, ang pangit na nga ng ugali niya ang pangit pa ng itsura niya.” Ngiting wika ni Britney. “Ano bang nagawa na kasalanan ng daddy mo sa kanya?” Seryoso na tanong ni Dylan, kaya napatingin si Britney sa kanya. “Hindi ko rin alam, kung tutuusin nga, mas lamang naman ang business nila kaysa sa amin.” Malungkot na wika niya. “Bakit hindi sinubukan ng daddy mo na kausapin siya?” “Sa tingin mo ba, kakausapin niya si Daddy? Alam mo bang masyadong mayabang ang pangit na ‘yon?” Sagot niya ka
683RD POV “Ate!” Tuwang wika niya, habang mahigpit na niyakap ang kapatid niya.“Malungkot ka na naman? Dahil na naman ba ‘to sa kanya?” Malungkot niyang tanong habang umupo si Anna sa upuan. “Bakit ka na naman ba narito? Hindi mo ba alam na hinahanap ka niya?” Wika niya habang bakas sa mukha niya ang takot. “Takot ka na naman ba sa kanya? Bakit ba kasi hindi mo nalang siya iwan?” “Bakit ba pinipilit mo ‘yan?! Alam mo naman na hindi ko ‘yon kayang gawin! Alam mo bang pilit kung kinaya ang lahat… Kahit pa… Kahit pa alam ko na hindi talaga ako ang mahal niya.” Umiyak na wika sa kanya ni Anna. “Binigyan na kita ng pagkakataon, ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na iwan mo na siya. Bakit ba ang dali lang sa ‘yo na kalimutan ang lahat ng ginawa niya sa ‘yo noon? Alam mo bang araw-araw akong natatakot na baka tuluyan ka nang mawala sa amin, dahil lang sa kanya!” Napatitig si Anna sa kanya habang pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata. “Natatakot ba talaga kayong mawala ako?”
350 3RD POV “Anong ginagawa mo rito? At nasa’n ang Anak ko?!” Galit na sigaw ni Alicia, matapos niyang makita si Noah. “Danilo!” Sigaw nito, habang tinatawag din ang mga tauhan niya. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Danilo, sa kanya. “Tingnan mo, kung sino ang nandito? At nasa’n na ba ang mga tauhan natin? Bakit nila hinayaan na makapasok dito ang taong ‘yan?” “Anong ginawa mo rito?” Tanong sa kanya ng kanyang amang si Danilo. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng umuwi, sa sarili kung bahay?” Sagot niya sa kanyang ama, kaya kunot-noo siyang tiningnan nito. “Bahay? Nagpapatawa kaba?” Taas kilay na wika sa kanya ni Alicia. “Mukha ba akong nagpapatawa? ‘Wag niyong sabihin na nakalimutan niyo, na sa akin na kapangalan ang bahay na ‘to, dahil ako ang nag-iisang anak ni Sofia.” Nagkatinginan si Alicia at Danilo, dahil sa sinabi sa kanila ni Noah. “Noah! Baka nakalimutan mo na ako ang iyong ama?!” Galit na sigaw sa kanya ni Danilo. “Bakit Dad? Kailan niyo ba ako itinuturing na anak?!”
349 3RD POV “Nakakainis!” Napahawak si Dell, sa labi niya, habang nasa harapan ng salamin. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya. “Sh!t! Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kung lakasan ang loob ko, kahit nakakahiya na.” Wika niya at muling naghilamos sa mukha niya. Nang buksan niya ang pinto ng banyo ay sumilip muna si Dell. Tiningnan niya kung nasa labas ba si Noah. Pero napakunot ang noo niya, nang hindi niya ito makita. “Noah!” Tawag niya rito, at tiningnan sa kama. Pero hindi niya ito nakita, kaya agad siyang lumabas. “Beth, nakita mo ba si Noah?” Tanong niya rito. “Umalis na po si Sir Noah, Ma’am Dell.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sagot ni Beth, sa kanya. “Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?” “Ang sabi niya po, mauna na raw po tayong bumalik sa syudad, dahil may mahalaga lang daw po siyang gagawin.” “Mahalagang gawin? Dapat hindi ka pumayag, o ‘di kaya, dapat sinundan mo siya.” “Ayaw niya po na iwan ko kayo.” Yukong wika ni Beth. “Kung ganun, u
348 3RD POV “Manloloko ka Mommy!” Galit na sigaw ni Noah, habang mahigpit na hinawakan ang braso nito. Hindi rin niya pinapansin ang mga tauhan ni Alicia, na sumu-suntok sa katawan niya. “Tama na Noah!!” Malakas na sigaw ni Dell, kaya bigla siyang natigilan. “Papa!” Narinig niyang iyak ni Marie. Mabilis naman na naagaw ni Beth si Marie, sa tauhan ni Alicia. Nang matalo ng mga tauhan ni Dell, ang mga tauhan ni Alicia, ay roon pa binitawan ni Noah, ang braso nito. “Alam mong kahit kailan ay hindi kita mamahalin Noah.” Wika nito, kaya galit niya itong tiningnan. “Paano ko mamahalin, ang anak ng mortal kung kaaway noon?” Ngiting wika nito, kaya napakuyom ang kanyang kamao. “Alam mo bang tulad mo rin ang iyong ina. Isang tanga!” Sigaw niya kay Noah. “Mga bata pa lang kami, ay naiinggit na ako sa kanya, dahil lahat sila, ay siya ang gusto! Kahit pa ang mga magulang namin.” “Pero hindi ko sila kayang sumbatan, dahil sino ba ako, para manumbat. Isa lang akong hamak na ampon.” Iling
347 3RD POV “Noah..” Sambit ni Dell, habang napatitig si Noah, sa kanya. “D-Dell.” Wika niya, habang bumangon. “Si Lester? Nasa’n siya?” Napatitig si Dell, sa kanya. Habang napatingin ito sa paligid. “Ayos lang siya.” Sagot niya rito. “Sandali, sa’n ka pupunta?” Taranta na wika ni Dell, nang makita niya itong tumayo at nagmamadali na isuot ang kanyang sapatos. “Hahanapin ko ang Anak natin.” Mabilis na sumunod si Dell, kay Noah. Matapos itong lumabas sa pinto. “Pwede bang magpahinga ka muna! Hindi pa magaling ang mga sugat at mga pasa mo.” Nag-alala na wika niya rito. “Ayos lang ako Dell, ang mahalaga sa akin, ay makita ko ang Anak ko.” “Sa’n mo ba siya iniwan?” Tanong niya, habang nauna na naglalakad papunta sa garahe. “Ikaw na ang magmaneho.” Wika niya, habang inabot dito ang susi ng kanyang kotse. “Dito ka lang, baka mapahamak ka.” “Hindi pwede, kailangan na may gawin din ako, para makita natin ang Anak natin.” Wika niya, habang sumakay sa front seat. “Isa pa, hinahan
3463RD POV “Papa, bakit ka po umiiyak?” Tanong sa kanya ni Marie, kaya agad niyang pinunasan ang mga luha niya, sa kanyang mga mata. “Papa, hindi na ba babalik si Mama?” Malungkot na tanong nitong muli sa kanya. “Hindi na Marie, kaya ‘wag ka nang umasa pa, na babalikan niya tayo.” Sagot sa kanya ni Noah. “Papa, gusto ko kasama ko si Mama.” Hikbing wika nito, kaya niyakap niya ang anak niya. Ito ang isa sa kinatatakutan ni Noah, ang masanay ang anak nila, na nasa paligid lang si Dell. “Hindi ba tayo mahal ni Mama, Papa?” Tanong nitong muli, habang nag-angat ito nang mukha at tumingin sa kanya. “Mahal ka niya, Marie.” “Ikaw Papa?” Nag-iwas ng tingin si Noah, at hindi na sumagot pa. “Anong nangyari?” Tanong niya, nang bigla nalang huminto ang kotse na sinasakyan nila. “N-nasundan po tayo Sir Noah.” Sagot ng kanyang driver. “Dito ka lang, at ‘wag kang umalis.” Wika niya sa kanyang anak at hinalikan ang noo ito. “Ikaw na ang bahala sa Anak ko, ilayo mo siya rito. Gawin mo ang l
345 3RD POV “Kuya.” Ngiting wika nito at niyakap si Evo. “L-Lester, paano ka nakarating dito?” Taka na wika ni Dell, habang lumapit ito sa kanya. “Susunduin na kita Dell, dahil bukas na ang kasal natin.” Gulat siyang napatingin kay Lester, at nilingon si Noah. “K-kasal? A-anong kasal ang pinagsasabi mo?” Utal na wika niya, habang kinuha ni Noah, sa kanya si Marie. “Teka lang Noah! Sa’n kayo pupunta?” Tanong niya, at susundan sana sila, pero mabilis na hinawakan ni Lester, ang braso niya. “Umuwi na tayo Dell.” Wika nito, habang niyakap siya. “S-sige, uuwi na tayo.” Sagot niya rito, kaya bakas sa mukha nito ang tuwa, habang tumingin sa kanya. “Dell.” Sambit ni Evo, habang sakay sila sa kotse. Naihatid na rin nila si Lester, sa mansion nila. “Totoo ba ‘yong sinabi mo? Na anak mo ang batang ‘yon?” Tanong sa kanya ni Evo, kaya nilingon niya ito. Napakunot naman ang noo nito, matapos nitong makita na umiiyak siya. “May problema ba?” Tanong nito, habang yumakap siya rito. “Totoo
3443RD POV “Kumusta ang inutos ko sa ‘yo?” Tanong ni Dell, kay Beth. “Hindi pa po tumawag ang mga tauhan natin Ma’am Dell.” Sagot nito, kaya napahinga siya ng malalim. “Sabihin mo sa kanila, na bilisan, dahil gusto ko nang malaman, kung sino ang taong ‘yon.” Inis na wika ni Dell. “Anong meron?” Napalingon siya at nakita si Noah. “Wala.” Sagot niya, habang tumayo. Si Beth, naman ay agad na nagpa-alam sa kanya. “Si Marie?” Tanong niya rito. “Nasa silid niya.” Sagot ni Noah, habang umupo, kaya iniwan niya ito. Papasok na sana siya sa kanyang silid, nang marinig niya ang tunog. Sa pinto ng silid ng anak niya, kaya napatingin siya rito. “Marie!” Wika niya, habang binuksan ang pinto. Nang makita niya na mahimbing itong natutulog, ay nilapitan ito ni Dell, at hinalikan sa noo. “Sa’n ka galing?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah, nang makasalubong niya ito. “Sa silid ni Marie, narinig ko kasi na tumunog ang pinto.” Sagot niya, habang kita niya ang gulat sa mukha ni Noah. “Teka
343 3RD POV “Damn it! Ano ba ‘tong ginagawa mo?” Galit na wika sa kanya ni Noah, kaya masama niya itong tiningnan. “Nakita mo kung ano ang ginawa ko ‘di ba? Bakit nagtatanong ka pa?” Maldita na sagot niya, habang nilapitan ang pinto at binuksan ito. “Halika.” Ngiting wika niya sa kanyang anak at kinuha ito kay Beth. “Bakit mo kinuha ang gamit niya?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah. “Uuwi na kami.” “Nagpapatawa kaba? Hindi kayo pwedeng umuwi!” Nilingon niya si Noah, dahil sa ginawang pag-sigaw nito. “At bakit hindi?” “Pwede ba Dell, tumigil ka!” Inirapan niya ito ng mata, habang umupo, at kalong ang anak niya. “Tanggalin mo ang babaeng ‘yon.” Madiin na wika niya rito. “Hindi pwede, dahil siya lang ang maasahan ko.” “Ako ang papalit sa kanya, kaya tanggalin mo siya! At higit na mas magaling at matalino ako, sa babaeng ‘yon!” Sigaw niya rito. “’Wag kayo away Mama.” Hikbi na wika ni Marie, kaya napatingin siya rito. “S-sorry Anak.” Hinging tawad niya at pinaupo ito sa s
3423RD POV “Anong kasal ang pinagsasabi mo?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah. “Hindi ka bingi, kaya alam ko na naririnig mo ‘yong sinabi ko.” Wika niya at tumayo. Wala rin siyang gana na kumain. “Hindi kaba kakain?” Tanong nito, kaya natigilan siya. “Wala akong gana.” Wika niya, at pumasok sa silid. Nang mapakapasok siya sa kanyang silid ay napasandal siya sa pinto. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi nila marinig ang kanyang hikbi. KINABUKASAN ay nagising si Dell, dahil sa ingay sa labas, kaya tumayo siya. “Sa’n kayo pupunta?” Kunot-noo na wika niya, habang tumingin sa kanya si Marie. “Papasok sa trabaho si Papa, Mama.” Ngiting wika nito sa kanya. “Dadalhin mo siya?” Tanong niya kay Noah. “Hindi ko siya pwedeng iwan. Walang magbabantay sa kanya.” Sagot nito, habang sinuotan ng sapatos si Marie. “Bakit hindi ka nalang kumuha ng yaya? Alam mo bang ilang beses na siyang, muntik na napahamak, dahil sa pagdadala mo sa kanya, kung saan?” Wika niya, kaya napatingin sa