563RD POV Napatingin si Anna sa kamay ni Kim nang hawakan nito ang kamay niya. “Hija, alam ko na hindi maganda ang simula niyo ni Dylan, pero sana mananatili ka sa tabi niya.” Wika ni Kim sa kanya habang hindi maiwasan ni Anna na makaramdam ng lungkot.“Hindi po ako ang gusto niyang makasama.” Mahina na wika ni Anna habang bakas sa mukha ni Kim ang lungkot. Alam ko ‘yon, pero ramdam ko bilang isang ina. Ramdam ko na mahalaga ka sa anak ko.” Hilaw na napangiti si Anna sa kanya, habang tinitigan siya. “Kaya sana anak, hindi ka magsasawa na intindihin siya.” Tanging ngiti ang sagot ni Anna sa kanya, dahil ayaw niya na mangako kay Kim, dahil alam niya na iiwanan niya rin si Kim balang araw. SAMANTALA, galit na sumugod si Max sa bahay ni Dylan at Anna. Hinahanap niya si Anna. “W-wala po talaga rito si Ma'am Anna, Sir.” Takot na wika ni Luz sa kanya matapos tingnan ni Max ang kwarto ni Dylan at Anna. “Tawagan mo siya at sabihin mo na nandito ako!” Sigaw ni Max. “W-wala po kasing pho
573RD POV “Ayaw mo pa rin bang umuwi?” Tanong ni Britney habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. “Later.” Unti-unting nawala ang ngiti niya dahil sa sagot sa kanya ni Dylan. “Akala ko ba galit ka sa kanya?” Hindi sumagot sa kanya si Dylan at nakatoon lang ang atensyon nito sa kanyang phone. “Kahit ayaw kung umuwi, kailangan pa rin.” Wika ni Dylan, kaya muli siyang napangiti. “Basta bumalik ka agad dito Love ha?” Wika ni Britney habang hinahaplos ang dibdib niya. “Sir Dylan, mabuti po at nandito ka na.” Taka na napatingin si Dylan kay Luz nang makababa siya sa kanyang kotse. “Bakit? May nangyari ba Manang?” “Si Ma'am Anna po kasi, niligpit na niya ang lahat ng gamit niya.” Napatingin si Dylan sa loob ng bahay, at mabilis na iniwan si Luz. “Saan ka pupunta?” Tanong ni Dylan nang makapasok siya sa kwarto ni Anna. “Aalis na.” Mabilis niyang nilapitan si Anna at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Bitawan mo ako habang mabait pa ako Dylan.” Madiin na wika ni Anna pero h
58 3RD POV NAKARAAN “Anong ginawa mo rito?” Galit na tanong ni Max kay Anna. “Dad, patawarin niyo po ako.” Umiiyak na wika ni Anna habang lumuhod sa harapan ni Max. “Sa tingin mo mapapatawad kita sa ginawa mo sa akin?” “Alam ko na malaki ang nagawa kung kasalanan sa ‘yo Dad… Pero hindi ko po sinasadya ‘yon..” “Hindi sinasadya? Hindi mo ba naiisip ang ginawa mong pagpapahiya sa amin ng ama mo?” Sabay ni Fely, kaya napatingin si Anna sa kanya. “Walang kapatawaran ang ginawa mo sa amin Anna!” Sigaw nito habang nilapitan si Anna at sinampal.“Hiyang-hiya ako sa ginawa mo!” Muli siyang sinampal ni Fely, kaya napahawak siya sa kanyang pisngi. “Tama na ‘yan!” Awat ni Max kay Fely, kaya lumapit si Fely kay Max. “‘Wag ka nang maniwala sa baliw mong anak.” Galit na wika ni Fely. “Bakit biglang nagbago ang isip mo? Ano ba talaga ang problema mo Anna? Hindi ka naman ganyan noon?” Humihikbi na nag-angat ng mukha si Anna sa kanya. “Pinagsisihan ko na po ang ginawa ko Dad, sana patawarin
593RD POV“Bumalik na pala siya?” Tanong ni Recca habang nakatingin kay Anna. Sumama siya sa loob ng office ni Dylan matapos ang meeting nila. “Mahal mo na ba siya?” Muling tanong niya habang tumango si Dylan sa kanya. “Paano na si Britney?” Napahinga ng malalim si Dylan. “Nilinaw ko na sa kanya, na malabo na magkatuluyan pa kami dahil may asawa na ako.” Nailing si Recca dahil sa sinabi sa kanya ni Dylan. “Akala ko pa naman, hindi mo siya mamahalin.” “Akala ko rin Dude, pero Iwan parang may mali.” Napakunot ang noo ni Recca, dahil sa kanyang narinig. “Ano na naman ang mali? Alam mo Dude, pakiramdam ko Ikaw ‘yong may mali.” “Siguro nga Dude, pero hindi ko lang mapigilan na maninibago sa kanya. Alam mo kasi, sanay na ako sa ugali niya noon. Nakakapanibago na pilit niyang binalik ang kanyang ugali noon.” Napatitig muli si Recca kay Anna, habang may headphones ito sa kanyang tainga. “Kung mahal mo talaga siya, dapat tanggalin mo siya ng buo, at sana ‘wag mo nang paasahin si Britn
60 3RD POV“Pasensya ka na sa ginawa ko kagabi.” Wika ni Dylan habang naka-upo si Anna sa sofa. “Hindi naman ako galit sa ‘yo, alam ko na lasing ka lang.” Mahina na wika niya at tumayo. “Bilisan mo na, kailangan na natin pumasok.” Nilagay ni Anna ang mga gamit ni Dylan sa sofa, habang nauna na siyang lumabas sa kwarto nila. Napatingin si Dylan sa kanyang likuran habang umupo sa kama. “Nakahanda na ba ‘to lahat Manang?” Tanong ni Anna kay Luz, habang tumango ito sa kanya. “Hindi ba kayo kakain Ma’am Anna?” Tanong ni Luz, kaya napatingin si Anna sa kanya. “Hindi na Manang, sa office nalang kami kakain.” Sagot nito sa kanya habang kinuha ang bag na may laman na karne. “Ano ba ‘yang mga dala mo?” Tanong ni Dylan matapos ilagay ni Anna ang bag sa likuran ng kotse. “Balak ko kasi na magluto sa office.” Saglit na natigilan si Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. Mas lalo siyang naninibago, dahil sa sinabi nito, dahil unti-unti na siyang nasasanay na siya ang magluluto ng pagkain p
613RD POV Hindi pa rin maawat ni Dylan si Anna habang nagwawala ito. Halos lahat ng gamit nila sa kanilang silid ay tinapon ni Anna. “Fvck! Ano bang problema mo?” Muling tanong niya rito habang masama siyang tiningnan ni Anna. “Ikaw ang problema ko Dylan! Bakit ba ang landi-landi mo? Sinubukan ko naman na maging mabait! Sinusunod ko lahat ng gusto mo! Pero bakit ibang babae pa rin ang gusto mo?” Umiyak na tanong sa kanya ni Anna, kaya napakunot ang noo niya. “Matagal na kaming tapos ni Britney.” Wika niya habang binato ni Anna ang unan.“Tapos? Pero bakit panay pa rin, ang ginawa niyang pagsunod sa yo? A-at bakit pakiramdam ko Hindi mo pa rin ako gusto…” Wika ni Anna habang umupo ito sa sahig. “Pakiramdam mo lang ‘yon..”“Hindi eh… Ramdam ko Dylan… Ramdam ko na hindi pa rin ako ang gusto mo!?.” Napahinga ng malalim si Dylan at tinalikuran si Anna. Alam niya na kahit anong paliwanag ang gagawin niya rito ay hindi pa rin ito makikinig sa kanya. Pumunta siya sa kanyang mini bar at
623RD POV“Kumusta siya” Tanong ni Recca, nang muli itong bumalik sa opisina ni Dylan. “She's fine.” “Baka sobrang stress na ang asawa mo.” Nag-angat ng mukha si Dylan sa kanya. “Siguro,” “Bakit mo ba kasi siya ginawang secretary mo?” “Akala ko kasi noong una, hindi siya papayag. Nagulat nga rin ako dahil pumayag siya.” “Hmm, minsan talaga, hindi mo maintindihan ang ugali niya.” “Sinabi mo pa, para na nga akong mababaliw.” Napakunot ang noo ni Recca dahil sa narinig niya kay Dylan. “Iniisip mo na naman ba, na hindi siya ang asawa mo?” Tumango si Dylan sa kanya. “Pero alam ko na kabaliwan lang ang iniisip ko Dude.” “Mabuti at alam mo.” “Impossible naman na maging dalawa sila.” “‘Yon nga ang iniisip ko.” “Hindi kaya, may sakit siya?” Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa sinabi ni Recca. “Noong una, ‘yon din ang iniisip ko. Pero pinaliwanag na sa akin ng doctor na wala siyang sakit.” “Kung titingnan mo naman ‘yong hitsura niya, ‘yong mukha niya, wala naman talagang nagbaba
63 3RD POV “Fvck! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Tanong ni Dylan habang hinawakan niya ang kamay ni Anna. Napatingin si Anna sa kamay niya at mabilis na hinawakan ang alaga ni Dylan na natatabunan sa suot nitong short. “Damn!” Napamura si Dylan habang napalingon sa paligid. Kunot-noo niyang tiningnan muli si Anna, habang may malawak itong ngiti sa labi niya. “Bakit? Akin naman ‘yan ‘di ba?” Inis niyang hinawakan si Anna at dali-dali na pinasok sa loob ng elevator. Hindi rin maintindihan ni Dylan ang sarili niya, dahil naramdaman na naman niya ang nararamdaman niya noon kay Anna. Nang akmang hahalikan niya si Anna ay mabilis na iniwas nito ang kanyang mukha. “Bakit?” Kunot-noo na tanong niya rito.“Wala! Ayaw ko lang na kahalikan ka, hindi ka naman masara-.” Hindi natapos ni Anna ang sasabihin niya nang bigla nalang siyang siilin ng halik ni Dylan sa labi niya. Gulat na napatingin si Dylan sa kanya ng buong lakas niya itong tinulak. “B-bakit?” Muling tanong ni Dylan habang naki
350 3RD POV “Anong ginagawa mo rito? At nasa’n ang Anak ko?!” Galit na sigaw ni Alicia, matapos niyang makita si Noah. “Danilo!” Sigaw nito, habang tinatawag din ang mga tauhan niya. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Danilo, sa kanya. “Tingnan mo, kung sino ang nandito? At nasa’n na ba ang mga tauhan natin? Bakit nila hinayaan na makapasok dito ang taong ‘yan?” “Anong ginawa mo rito?” Tanong sa kanya ng kanyang amang si Danilo. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng umuwi, sa sarili kung bahay?” Sagot niya sa kanyang ama, kaya kunot-noo siyang tiningnan nito. “Bahay? Nagpapatawa kaba?” Taas kilay na wika sa kanya ni Alicia. “Mukha ba akong nagpapatawa? ‘Wag niyong sabihin na nakalimutan niyo, na sa akin na kapangalan ang bahay na ‘to, dahil ako ang nag-iisang anak ni Sofia.” Nagkatinginan si Alicia at Danilo, dahil sa sinabi sa kanila ni Noah. “Noah! Baka nakalimutan mo na ako ang iyong ama?!” Galit na sigaw sa kanya ni Danilo. “Bakit Dad? Kailan niyo ba ako itinuturing na anak?!”
349 3RD POV “Nakakainis!” Napahawak si Dell, sa labi niya, habang nasa harapan ng salamin. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya. “Sh!t! Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kung lakasan ang loob ko, kahit nakakahiya na.” Wika niya at muling naghilamos sa mukha niya. Nang buksan niya ang pinto ng banyo ay sumilip muna si Dell. Tiningnan niya kung nasa labas ba si Noah. Pero napakunot ang noo niya, nang hindi niya ito makita. “Noah!” Tawag niya rito, at tiningnan sa kama. Pero hindi niya ito nakita, kaya agad siyang lumabas. “Beth, nakita mo ba si Noah?” Tanong niya rito. “Umalis na po si Sir Noah, Ma’am Dell.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sagot ni Beth, sa kanya. “Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?” “Ang sabi niya po, mauna na raw po tayong bumalik sa syudad, dahil may mahalaga lang daw po siyang gagawin.” “Mahalagang gawin? Dapat hindi ka pumayag, o ‘di kaya, dapat sinundan mo siya.” “Ayaw niya po na iwan ko kayo.” Yukong wika ni Beth. “Kung ganun, u
348 3RD POV “Manloloko ka Mommy!” Galit na sigaw ni Noah, habang mahigpit na hinawakan ang braso nito. Hindi rin niya pinapansin ang mga tauhan ni Alicia, na sumu-suntok sa katawan niya. “Tama na Noah!!” Malakas na sigaw ni Dell, kaya bigla siyang natigilan. “Papa!” Narinig niyang iyak ni Marie. Mabilis naman na naagaw ni Beth si Marie, sa tauhan ni Alicia. Nang matalo ng mga tauhan ni Dell, ang mga tauhan ni Alicia, ay roon pa binitawan ni Noah, ang braso nito. “Alam mong kahit kailan ay hindi kita mamahalin Noah.” Wika nito, kaya galit niya itong tiningnan. “Paano ko mamahalin, ang anak ng mortal kung kaaway noon?” Ngiting wika nito, kaya napakuyom ang kanyang kamao. “Alam mo bang tulad mo rin ang iyong ina. Isang tanga!” Sigaw niya kay Noah. “Mga bata pa lang kami, ay naiinggit na ako sa kanya, dahil lahat sila, ay siya ang gusto! Kahit pa ang mga magulang namin.” “Pero hindi ko sila kayang sumbatan, dahil sino ba ako, para manumbat. Isa lang akong hamak na ampon.” Iling
347 3RD POV “Noah..” Sambit ni Dell, habang napatitig si Noah, sa kanya. “D-Dell.” Wika niya, habang bumangon. “Si Lester? Nasa’n siya?” Napatitig si Dell, sa kanya. Habang napatingin ito sa paligid. “Ayos lang siya.” Sagot niya rito. “Sandali, sa’n ka pupunta?” Taranta na wika ni Dell, nang makita niya itong tumayo at nagmamadali na isuot ang kanyang sapatos. “Hahanapin ko ang Anak natin.” Mabilis na sumunod si Dell, kay Noah. Matapos itong lumabas sa pinto. “Pwede bang magpahinga ka muna! Hindi pa magaling ang mga sugat at mga pasa mo.” Nag-alala na wika niya rito. “Ayos lang ako Dell, ang mahalaga sa akin, ay makita ko ang Anak ko.” “Sa’n mo ba siya iniwan?” Tanong niya, habang nauna na naglalakad papunta sa garahe. “Ikaw na ang magmaneho.” Wika niya, habang inabot dito ang susi ng kanyang kotse. “Dito ka lang, baka mapahamak ka.” “Hindi pwede, kailangan na may gawin din ako, para makita natin ang Anak natin.” Wika niya, habang sumakay sa front seat. “Isa pa, hinahan
3463RD POV “Papa, bakit ka po umiiyak?” Tanong sa kanya ni Marie, kaya agad niyang pinunasan ang mga luha niya, sa kanyang mga mata. “Papa, hindi na ba babalik si Mama?” Malungkot na tanong nitong muli sa kanya. “Hindi na Marie, kaya ‘wag ka nang umasa pa, na babalikan niya tayo.” Sagot sa kanya ni Noah. “Papa, gusto ko kasama ko si Mama.” Hikbing wika nito, kaya niyakap niya ang anak niya. Ito ang isa sa kinatatakutan ni Noah, ang masanay ang anak nila, na nasa paligid lang si Dell. “Hindi ba tayo mahal ni Mama, Papa?” Tanong nitong muli, habang nag-angat ito nang mukha at tumingin sa kanya. “Mahal ka niya, Marie.” “Ikaw Papa?” Nag-iwas ng tingin si Noah, at hindi na sumagot pa. “Anong nangyari?” Tanong niya, nang bigla nalang huminto ang kotse na sinasakyan nila. “N-nasundan po tayo Sir Noah.” Sagot ng kanyang driver. “Dito ka lang, at ‘wag kang umalis.” Wika niya sa kanyang anak at hinalikan ang noo ito. “Ikaw na ang bahala sa Anak ko, ilayo mo siya rito. Gawin mo ang l
345 3RD POV “Kuya.” Ngiting wika nito at niyakap si Evo. “L-Lester, paano ka nakarating dito?” Taka na wika ni Dell, habang lumapit ito sa kanya. “Susunduin na kita Dell, dahil bukas na ang kasal natin.” Gulat siyang napatingin kay Lester, at nilingon si Noah. “K-kasal? A-anong kasal ang pinagsasabi mo?” Utal na wika niya, habang kinuha ni Noah, sa kanya si Marie. “Teka lang Noah! Sa’n kayo pupunta?” Tanong niya, at susundan sana sila, pero mabilis na hinawakan ni Lester, ang braso niya. “Umuwi na tayo Dell.” Wika nito, habang niyakap siya. “S-sige, uuwi na tayo.” Sagot niya rito, kaya bakas sa mukha nito ang tuwa, habang tumingin sa kanya. “Dell.” Sambit ni Evo, habang sakay sila sa kotse. Naihatid na rin nila si Lester, sa mansion nila. “Totoo ba ‘yong sinabi mo? Na anak mo ang batang ‘yon?” Tanong sa kanya ni Evo, kaya nilingon niya ito. Napakunot naman ang noo nito, matapos nitong makita na umiiyak siya. “May problema ba?” Tanong nito, habang yumakap siya rito. “Totoo
3443RD POV “Kumusta ang inutos ko sa ‘yo?” Tanong ni Dell, kay Beth. “Hindi pa po tumawag ang mga tauhan natin Ma’am Dell.” Sagot nito, kaya napahinga siya ng malalim. “Sabihin mo sa kanila, na bilisan, dahil gusto ko nang malaman, kung sino ang taong ‘yon.” Inis na wika ni Dell. “Anong meron?” Napalingon siya at nakita si Noah. “Wala.” Sagot niya, habang tumayo. Si Beth, naman ay agad na nagpa-alam sa kanya. “Si Marie?” Tanong niya rito. “Nasa silid niya.” Sagot ni Noah, habang umupo, kaya iniwan niya ito. Papasok na sana siya sa kanyang silid, nang marinig niya ang tunog. Sa pinto ng silid ng anak niya, kaya napatingin siya rito. “Marie!” Wika niya, habang binuksan ang pinto. Nang makita niya na mahimbing itong natutulog, ay nilapitan ito ni Dell, at hinalikan sa noo. “Sa’n ka galing?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah, nang makasalubong niya ito. “Sa silid ni Marie, narinig ko kasi na tumunog ang pinto.” Sagot niya, habang kita niya ang gulat sa mukha ni Noah. “Teka
343 3RD POV “Damn it! Ano ba ‘tong ginagawa mo?” Galit na wika sa kanya ni Noah, kaya masama niya itong tiningnan. “Nakita mo kung ano ang ginawa ko ‘di ba? Bakit nagtatanong ka pa?” Maldita na sagot niya, habang nilapitan ang pinto at binuksan ito. “Halika.” Ngiting wika niya sa kanyang anak at kinuha ito kay Beth. “Bakit mo kinuha ang gamit niya?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah. “Uuwi na kami.” “Nagpapatawa kaba? Hindi kayo pwedeng umuwi!” Nilingon niya si Noah, dahil sa ginawang pag-sigaw nito. “At bakit hindi?” “Pwede ba Dell, tumigil ka!” Inirapan niya ito ng mata, habang umupo, at kalong ang anak niya. “Tanggalin mo ang babaeng ‘yon.” Madiin na wika niya rito. “Hindi pwede, dahil siya lang ang maasahan ko.” “Ako ang papalit sa kanya, kaya tanggalin mo siya! At higit na mas magaling at matalino ako, sa babaeng ‘yon!” Sigaw niya rito. “’Wag kayo away Mama.” Hikbi na wika ni Marie, kaya napatingin siya rito. “S-sorry Anak.” Hinging tawad niya at pinaupo ito sa s
3423RD POV “Anong kasal ang pinagsasabi mo?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah. “Hindi ka bingi, kaya alam ko na naririnig mo ‘yong sinabi ko.” Wika niya at tumayo. Wala rin siyang gana na kumain. “Hindi kaba kakain?” Tanong nito, kaya natigilan siya. “Wala akong gana.” Wika niya, at pumasok sa silid. Nang mapakapasok siya sa kanyang silid ay napasandal siya sa pinto. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi nila marinig ang kanyang hikbi. KINABUKASAN ay nagising si Dell, dahil sa ingay sa labas, kaya tumayo siya. “Sa’n kayo pupunta?” Kunot-noo na wika niya, habang tumingin sa kanya si Marie. “Papasok sa trabaho si Papa, Mama.” Ngiting wika nito sa kanya. “Dadalhin mo siya?” Tanong niya kay Noah. “Hindi ko siya pwedeng iwan. Walang magbabantay sa kanya.” Sagot nito, habang sinuotan ng sapatos si Marie. “Bakit hindi ka nalang kumuha ng yaya? Alam mo bang ilang beses na siyang, muntik na napahamak, dahil sa pagdadala mo sa kanya, kung saan?” Wika niya, kaya napatingin sa