573RD POV “Ayaw mo pa rin bang umuwi?” Tanong ni Britney habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. “Later.” Unti-unting nawala ang ngiti niya dahil sa sagot sa kanya ni Dylan. “Akala ko ba galit ka sa kanya?” Hindi sumagot sa kanya si Dylan at nakatoon lang ang atensyon nito sa kanyang phone. “Kahit ayaw kung umuwi, kailangan pa rin.” Wika ni Dylan, kaya muli siyang napangiti. “Basta bumalik ka agad dito Love ha?” Wika ni Britney habang hinahaplos ang dibdib niya. “Sir Dylan, mabuti po at nandito ka na.” Taka na napatingin si Dylan kay Luz nang makababa siya sa kanyang kotse. “Bakit? May nangyari ba Manang?” “Si Ma'am Anna po kasi, niligpit na niya ang lahat ng gamit niya.” Napatingin si Dylan sa loob ng bahay, at mabilis na iniwan si Luz. “Saan ka pupunta?” Tanong ni Dylan nang makapasok siya sa kwarto ni Anna. “Aalis na.” Mabilis niyang nilapitan si Anna at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Bitawan mo ako habang mabait pa ako Dylan.” Madiin na wika ni Anna pero h
58 3RD POV NAKARAAN “Anong ginawa mo rito?” Galit na tanong ni Max kay Anna. “Dad, patawarin niyo po ako.” Umiiyak na wika ni Anna habang lumuhod sa harapan ni Max. “Sa tingin mo mapapatawad kita sa ginawa mo sa akin?” “Alam ko na malaki ang nagawa kung kasalanan sa ‘yo Dad… Pero hindi ko po sinasadya ‘yon..” “Hindi sinasadya? Hindi mo ba naiisip ang ginawa mong pagpapahiya sa amin ng ama mo?” Sabay ni Fely, kaya napatingin si Anna sa kanya. “Walang kapatawaran ang ginawa mo sa amin Anna!” Sigaw nito habang nilapitan si Anna at sinampal.“Hiyang-hiya ako sa ginawa mo!” Muli siyang sinampal ni Fely, kaya napahawak siya sa kanyang pisngi. “Tama na ‘yan!” Awat ni Max kay Fely, kaya lumapit si Fely kay Max. “‘Wag ka nang maniwala sa baliw mong anak.” Galit na wika ni Fely. “Bakit biglang nagbago ang isip mo? Ano ba talaga ang problema mo Anna? Hindi ka naman ganyan noon?” Humihikbi na nag-angat ng mukha si Anna sa kanya. “Pinagsisihan ko na po ang ginawa ko Dad, sana patawarin
593RD POV“Bumalik na pala siya?” Tanong ni Recca habang nakatingin kay Anna. Sumama siya sa loob ng office ni Dylan matapos ang meeting nila. “Mahal mo na ba siya?” Muling tanong niya habang tumango si Dylan sa kanya. “Paano na si Britney?” Napahinga ng malalim si Dylan. “Nilinaw ko na sa kanya, na malabo na magkatuluyan pa kami dahil may asawa na ako.” Nailing si Recca dahil sa sinabi sa kanya ni Dylan. “Akala ko pa naman, hindi mo siya mamahalin.” “Akala ko rin Dude, pero Iwan parang may mali.” Napakunot ang noo ni Recca, dahil sa kanyang narinig. “Ano na naman ang mali? Alam mo Dude, pakiramdam ko Ikaw ‘yong may mali.” “Siguro nga Dude, pero hindi ko lang mapigilan na maninibago sa kanya. Alam mo kasi, sanay na ako sa ugali niya noon. Nakakapanibago na pilit niyang binalik ang kanyang ugali noon.” Napatitig muli si Recca kay Anna, habang may headphones ito sa kanyang tainga. “Kung mahal mo talaga siya, dapat tanggalin mo siya ng buo, at sana ‘wag mo nang paasahin si Britn
60 3RD POV“Pasensya ka na sa ginawa ko kagabi.” Wika ni Dylan habang naka-upo si Anna sa sofa. “Hindi naman ako galit sa ‘yo, alam ko na lasing ka lang.” Mahina na wika niya at tumayo. “Bilisan mo na, kailangan na natin pumasok.” Nilagay ni Anna ang mga gamit ni Dylan sa sofa, habang nauna na siyang lumabas sa kwarto nila. Napatingin si Dylan sa kanyang likuran habang umupo sa kama. “Nakahanda na ba ‘to lahat Manang?” Tanong ni Anna kay Luz, habang tumango ito sa kanya. “Hindi ba kayo kakain Ma’am Anna?” Tanong ni Luz, kaya napatingin si Anna sa kanya. “Hindi na Manang, sa office nalang kami kakain.” Sagot nito sa kanya habang kinuha ang bag na may laman na karne. “Ano ba ‘yang mga dala mo?” Tanong ni Dylan matapos ilagay ni Anna ang bag sa likuran ng kotse. “Balak ko kasi na magluto sa office.” Saglit na natigilan si Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. Mas lalo siyang naninibago, dahil sa sinabi nito, dahil unti-unti na siyang nasasanay na siya ang magluluto ng pagkain p
613RD POV Hindi pa rin maawat ni Dylan si Anna habang nagwawala ito. Halos lahat ng gamit nila sa kanilang silid ay tinapon ni Anna. “Fvck! Ano bang problema mo?” Muling tanong niya rito habang masama siyang tiningnan ni Anna. “Ikaw ang problema ko Dylan! Bakit ba ang landi-landi mo? Sinubukan ko naman na maging mabait! Sinusunod ko lahat ng gusto mo! Pero bakit ibang babae pa rin ang gusto mo?” Umiyak na tanong sa kanya ni Anna, kaya napakunot ang noo niya. “Matagal na kaming tapos ni Britney.” Wika niya habang binato ni Anna ang unan.“Tapos? Pero bakit panay pa rin, ang ginawa niyang pagsunod sa yo? A-at bakit pakiramdam ko Hindi mo pa rin ako gusto…” Wika ni Anna habang umupo ito sa sahig. “Pakiramdam mo lang ‘yon..”“Hindi eh… Ramdam ko Dylan… Ramdam ko na hindi pa rin ako ang gusto mo!?.” Napahinga ng malalim si Dylan at tinalikuran si Anna. Alam niya na kahit anong paliwanag ang gagawin niya rito ay hindi pa rin ito makikinig sa kanya. Pumunta siya sa kanyang mini bar at
623RD POV“Kumusta siya” Tanong ni Recca, nang muli itong bumalik sa opisina ni Dylan. “She's fine.” “Baka sobrang stress na ang asawa mo.” Nag-angat ng mukha si Dylan sa kanya. “Siguro,” “Bakit mo ba kasi siya ginawang secretary mo?” “Akala ko kasi noong una, hindi siya papayag. Nagulat nga rin ako dahil pumayag siya.” “Hmm, minsan talaga, hindi mo maintindihan ang ugali niya.” “Sinabi mo pa, para na nga akong mababaliw.” Napakunot ang noo ni Recca dahil sa narinig niya kay Dylan. “Iniisip mo na naman ba, na hindi siya ang asawa mo?” Tumango si Dylan sa kanya. “Pero alam ko na kabaliwan lang ang iniisip ko Dude.” “Mabuti at alam mo.” “Impossible naman na maging dalawa sila.” “‘Yon nga ang iniisip ko.” “Hindi kaya, may sakit siya?” Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa sinabi ni Recca. “Noong una, ‘yon din ang iniisip ko. Pero pinaliwanag na sa akin ng doctor na wala siyang sakit.” “Kung titingnan mo naman ‘yong hitsura niya, ‘yong mukha niya, wala naman talagang nagbaba
63 3RD POV “Fvck! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Tanong ni Dylan habang hinawakan niya ang kamay ni Anna. Napatingin si Anna sa kamay niya at mabilis na hinawakan ang alaga ni Dylan na natatabunan sa suot nitong short. “Damn!” Napamura si Dylan habang napalingon sa paligid. Kunot-noo niyang tiningnan muli si Anna, habang may malawak itong ngiti sa labi niya. “Bakit? Akin naman ‘yan ‘di ba?” Inis niyang hinawakan si Anna at dali-dali na pinasok sa loob ng elevator. Hindi rin maintindihan ni Dylan ang sarili niya, dahil naramdaman na naman niya ang nararamdaman niya noon kay Anna. Nang akmang hahalikan niya si Anna ay mabilis na iniwas nito ang kanyang mukha. “Bakit?” Kunot-noo na tanong niya rito.“Wala! Ayaw ko lang na kahalikan ka, hindi ka naman masara-.” Hindi natapos ni Anna ang sasabihin niya nang bigla nalang siyang siilin ng halik ni Dylan sa labi niya. Gulat na napatingin si Dylan sa kanya ng buong lakas niya itong tinulak. “B-bakit?” Muling tanong ni Dylan habang naki
643RD POV“Dude.” Nilingon ni Dylan si Recca, habang busy si Anna sa pagbibigay sa mga pasalubong na binili niya para sa mga katulong nila. “Anong problema?” Tanong niya habang lumapit si Recca sa kanya. “Britney's need you.” Napakunot ang noo niya, dahil sa kanyang narinig. “Dude, alam mong hindi ko na siya pwede pang puntahan, dahil ayaw ko na masira muli ang tiwala ni Anna sa akin.” “Pero Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganun na sitwasyon ngayon si Britney!” Napalingon si Dylan dahil bahagya tumaas ang boses ni Recca. “Hindi ko na ‘yon kasalanan at alam mo ‘yon! Matagal na kaming wala, bakit ba pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa akin?” “Ikaw naman ang may gawa niyan? Kung sa una pa lang pina-intindi mo na sa kanya.” “Tapos na Dude! Alam mo naman ‘yon ‘di ba?” “Pero nangako ka sa kanya.” Napahawak si Dylan sa noo niya, dahil sa sinabi sa kanya ni Recca. “Kahit ngayon lang… Ako na ang nakiki-usap sa ‘yo.” Wika ni Recca bago siya tinalikuran. “Aalis lang ako.” Paalam
CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa
CHAPTER 4 3RD POV Napabalikwas si Daisy, sa kama at napatingin sa paligid. Ang akala niya, ay nanaginip lang siya. Pero nang magising siya, na nag-uunahan na naman sa paglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Nang makita niya ang mga paper bag, na nasa sofa ay tumayo siya at nilapitan ito. Isa-isa niya itong binuksan at tiningnan, ang laman. Napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga damit, na nasa loob ng paper bag. Puro kasi ito mga sexy na damit at kadalasan ay night dress. “Ano ba ang akala mo sa akin? Sumasayaw sa night club?” Galit na wika niya, habang nakatingin sa cctv camera. Kinuha ni Daisy, ang isang damit at akmang pupunitin ito. Pero narinig niya ang malakas na sigaw mula sa speaker. “Subukan mong punitin ‘yan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Galit na wika nito, kaya napalunok siya at binaba ito. Iniisip niya naman na mukhang wala itong trabaho at wala itong ibang ginagawa kun’di ang tingnan siya. “Maligo kana.” Wika nito, kaya
CHAPTER 33RD POV Buong lakas na tinumba ni Daisy, ang taong nasa loob ng kurtina. Matapos niya itong maitumba, ay dali-dali niyang kinuha ang kurtina, para makita ang mukha nito. “S-sino ka?” Utal na tanong niya, nang makita ang mukha nito, na nakabalot ng isang silicone mask. Napangiti ito, at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay. “Bitawan mo ako!!” Malakas na sigaw niya. Habang binuhat siya at muling binalik sa kama. “A-anong gagawin mo?” Takot na wika niya rito, habang nakita ang hawak nitong tali. “Ano ba! Bitawan mo ako!!” Patuloy na nanlaban si Daisy, sa lalaki. Pero matagumpay pa rin siyang naitali nito. “Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? Sino kaba talaga?” Iyak na tanong niya, habang tinali nito ang kanyang mga paa. Nang matapos siyang itali nito, ay agad itong lumabas. Ni hindi man lang niya narinig ang boses ng lalaki. “Pakawalan mo ako rito! Hay*p ka!!” Iyak na sigaw niya. Napalingon ulit si Daisy, sa pinto nang makitang bumukas ito. “Sino kayo?” Tanong n
CHAPTER 23RD POV Nang magising si Daisy, ay napatingin siya sa paligid. Wala siyang ibang nakita kun’di puro maitim na kurtina. Mabilis siyang napa-bangon at lumapit sa pinto. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya ito mabuksan. “Buksan niyo ang pinto!!” Malakas na sigaw niya, habang hinampas ang pinto. “May tao ba r’yan?!” Muling sigaw ni Daisy. “Mapapagod ka lang.” Napatingala siya matapos marinig ang isang boses. Doon niya nakita ang mga cctv camera na nakapaligid sa kanya. Kasama ng isang malaki na speaker. “Sino ka?” Galit na wika niya, habang masama na tiningnan ang cctv camera. “Sumagot ka!!” Malakas na sigaw niya. “Pakawalan mo ako rito!!” Muling sigaw niya, pero hindi na niya ulit ito narinig. Mabilis naman ang kilos niya, at isa-isa na binuksan ang mga kurtina. Pero wala siyang ibang nakikita kun’di puro pader. “Sino kaba talaga? Bakit mo ba ‘to, ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sa ‘yo?!” Hindi na niya napigilan pa na mapa-iyak, dahil sa galit na kanyang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK X CHAPTER 1 3RD POV Kahit pinipigilan ni Daisy, ang kanyang mga luha ay kusa pa rin itong bumagsak. “Ayos lang po ba kayo Ma’am?” Nag-alala na tanong ng kanyang driver sa kanya. Kahit hindi siya okay, ay pilit siyang tumango at ngumiti rito. “’Wag mo akong intindihin Manong, ayos lang ako.” Ngiting wika niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. Sa tuwing iniisip niya kasi si Johnson, ay bumabalik ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya akalain na-mamahalin niya ito ng husto, kahit pa alam niya na hindi siya ang mahal nito. Sinubukan niyang gawin ang lahat para mahalin siya nito, pero bigo pa rin siya, dahil ang kanyang ate Ellie, ang mahal nito. “Wala naman talaga akong laban kay Ate..” Iyak na wika niya, kaya muling napatingin sa kanya ang kanyang driver. “’Wag mo na akong pansinin pa.” Wika niya at pilit na kinalma ang sarili. Nang tumunog ang phone niya, ay agad niya itong tiningnan. Nakita niya naman ang pangalan ng kakambal niya sa screen n
CHAPTER 42 3RD POV “Hindi mo ba talaga ako nakilala?” Iling na wika ni Ellie, habang tinitigan ito mula ulo. Hanggang paa. “Itinuring kita na parang kapatid noon, pero ano ang ginawa mo? Niloko mo lang ako!” Galit na sigaw niya rito. Akmang aawat sana sa kanya ang kasama nitong bodyguard. Pero mabilis itong hinarang sa mga kasama nilang bodyguard. “Pinagmukha mo akong tanga.” “E-Ellie..” Hindi makapaniwala na wika nito, at tumingin kay Johnson. “I-ikaw ba ito Ellie?” “Ako nga.” Taas kilay na sagot niya rito. “Jameson.. B-bakit ka nakipag-balikan sa kanya? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ‘wag mo siyang mahali-.” Malakas siyang sinampal ni Ellie, kaya hindi nito natapos ang sasabihin nito. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” Galit na sigaw niya. “Anong nangyari rito?” Tanong ng isang lalaki na medyo may edad na. “Mahal, sinampal ako ng babaeng ‘yan!” Iyak na wika ni Camille, habang niyakap ang lalaki. Halos matawa naman si Ellie, dahil sa itsura ng lalaki. Para na kasi itong tatay
CHAPTER 413RD POV “Daddy, saan tayo pupunta?” Tanong ni John-John, kaya napalingon dito si Johnson. “Mamasyal.” Ngiting sagot nito. “Mamasyal? Bakit hindi mo sinabi? Ang pangit tuloy ng suot ko.” Inis na wika niya rito. Hindi na kasi siya nagbihis, dahil ang sabi ni Johnson, ay lalabas lang sila saglit. “Hindi mo na kailangan pang mag-ayos pa, Wife. Kahit ano pang isuot mo. Maganda ka pa rin.” Wika nito, habang napatingin siya kay Johnson. “Tse!” Wika niya, habang lihim na napangiti at tumingin sa bintana ng kotse. “Totoo naman ang sinabi ko, kahit pa nga may laway ka sa labi. Maganda ka pa rin.” Dagdag nito, kaya hindi na niya napigilan pa na mapangiti. “Mommy, bakit ka tumawa?” Tanong sa kanya ng anak nilang si Jun-Jun. “Hindi tumawa ang mommy mo, Anak. Ngumiti lang.” Sagot ni Johnson, dito. “Kasi bolero ang daddy niyo.” Ngiting wika niya, habang napatingin kay Johnson. “Sasakay pa tayo rito?” Taka na tanong niya, habang nakikita ang private plane ni Johnson. “Oo, bakit?
CHAPTER 40 3RD POV Hindi maiwasan ni Ellie, na magtaka. Matapos siyang makababa sa kanyang kotse. Masyado kasing tahimik ang bahay nila. “Wala ba si Johnson, sa loob?” Tanong niya sa guard. “Hindi ko po alam Ma’am.” Napakunot naman ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito. “Hindi ba ikaw ‘yong guard? Bakit hindi mo alam?” Wika niya, habang nag-yuko ito ng ulo. “Kapapalit ko pa lang po sa kasama ko Ma’am.” Mahinang sagot nito sa kanya. Napahinga naman siya nang malalim, at iniwan ito. “Ang sabi niya, nandito siya. Sinungaling talag-.” Natigilan si Ellie, matapos makita ang mga bulaklak na nasa sahig. “Ano naman ‘to?” Inis siyang nagyuko para kunin sana ang mga bulaklak, pero agad siyang natigilan nang bigla nalang lumiwanag ang paligid at narinig niya ang sigawan ng kanyang mga anak. Nang mag-angat siya nang kanyang mukha ay nakita niya si Johnson, na may hawak na bulaklak. Ganun din ang dalawa nilang anak. “D-Dad..” Sambit niya, matapos makita ang kanyang ama. Na nakangiti sa k
CHAPTER 393RD POV Gulat na napatingin si Ellie, sa mga taong naghakot sa mga gamit niya. Kagigising niya lang, at hindi niya alam kung saan nila dadalhin ang kanyang mga gamit. “Ibaba niyo nga ‘yan! Saan niyo ba ‘yan, dadalhin ha?” Galit na wika niya, habang sinusundan sila. “Hija..” Napalingon siya sa kanyang ina, at dali-dali itong nilapitan. “Mom, sa’n nila dadalhin ang mga gamit ko? At nasa’n ang mga Anak ko? Bakit hindi ko sila nakikita?” Taka na tanong niya rito. “Hiniram ng mga biyenan mo. Ibabalik nalang daw nila mamaya, hindi kana rin nila ginising.” Sagot nito sa kanya. “A-ang mga gamit ko? Bakit nila kinuha? Pinapalayas niyo na ba ako Mom?” Halos maiyak na tanong niya rito. “Pina-lipat na ‘yan ni Johnson. Ang sabi niya, dapat nasa bahay niyo na raw ang mga gamit niyo ng mga bata.” Sagot nito, na kina-bilog ng kanyang mga mata. “Bakit kayo pumayag Mom? Hindi niya naman ‘yon, sinabi sa akin?” Inis na wika niya, kaya hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay. “Asawa