Nagpatuloy ang mga araw at hindi nagmintis si Roy. Umaga at gabi ay naroroon siya sa bahay. Unti-unti na rin akong nasasanay sa presensiya niya habang si Amari naman ay wala pa rin kamalay-malay.Sa umaga ay tulog pa siya. Nag-aabot lang din si Roy ng breakfast at aalis na rin dahil papasok pa sa trabaho. Sa gabi naman ay sabay na kami kumakain dahil madalas tulog na si Amari tuwing kukuhanin ko kay May galing sa trabaho.Hindi man tulog ay inaabot naman ng antok pauwi sa bahay kaya hindi rin niya alam na sabay kami kumakain ng papa niya.Pinalobo ko ang pisngi ko at saka itinali ang buhok ko. Kung tutuosin ay mas mabigat pa ang ginagawa ko noong nasa kumpaniya pa ako ni Carl kumpara sa napasukan ko na ito.Medyo maliit nga lang din ang sahod ko dahil hindi naman malaki ang kumpaniya. Ayos naman na sa akin iyon. Ang mahalaga lang ay may trabaho ako at sasapat iyon sa gastusin naming dalawa ni Amari."Hello," sagot ko sa tawag."Out mo na?" tanong niya.Tumango ako na para bang makikit
Nagdaan ang linggo na iyon at bumalik ako sa kinagawian ko. Trabaho at pag-aasikaso kay Amari.Nakakapagod at ramdam ko ang pagka-drain ko. Mahirap pero kakayanin ko naman. Isa pa ay ginagawa ko naman ito para sa anak ko.Binitbit ko ang basura namin sa kusina upang itapon iyon sa labas. Medyo maayos na rin ang bahay. Paunti-unti ay nalalagyan ko na ng mga gamit na kailangan namin sa pang-araw-araw iyon nga lang ay hindi ko rin isinasantabi ang pag-iipon. Pinagpatuloy ko iyon dahil ilang taon na rin si Amari.Natigil ako sa pagtatali ng buhok ko nang makita ang pamilyar na sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay.Akalain mo na buhay pa pala siya.Agad na akong pumasok sa bahay at saka ni-lock iyon. Nginitian ko si Amari na napatingin sa akin dahil medyo napalakas pa ang pagkakasara ko sa pinto."Doon na tayo sa kuwarto," aya ko sa kaniya.Wala naman siyang reklamo na sumunod sa akin."Maliligo muna si Mama. Maasim na ako. Dito ka lang muna sa loob maglaro. Huwag ka na lumabas pa sa sal
"Amari, magagalit ka ba sa akin kung may secret ako?" kasuwal na tanong ko sa anak ko.Hapon na at pareho kami na nanunuod ng cartoons sa cellphone ko. Wala naman kaming puwedeng mapanuoran bukod doon."Amari," pag-agaw ko sa atensiyon niya nang hindi man lang siya nag-abala na balingan ako."Mama?" inosenteng tanong niya.Ngumuso ako dahilan upang tuluyan niya ibigay sa akin ang atensiyon. Tutok siya masiyado sa pinapanood. Kulang na lang ay ayaw na akong pansinin! "What did you say po? I'm sorry," aniya."Magagalit ka ba kung may secret ako na hindi sinasabi sa'yo?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.Nagsalubong ang maliliit niyang mga kilay. "It depends po. What is your secret po?"Tiningnan ko siya na unti-unti na namang nawawala ang atensiyon sa akin at lumilipat doon sa pinapanood niya."Daddy," panimula ko na naging dahilan upang balingan niya ako."I miss him," malungkot na aniya. Sa isang iglap ay naging malungkot ang mga mata niya. Tipid ako na ngumiti. "Amari, anak. Hindi k
Dumaan ang mga araw at hindi na nagmintis pa si Roy na ihatid na rin ako sa umaga patungo sa pinagt-trabahuan ko.Naging masungit man ako pero tiniis niya at ramdam ko ang kagustuhan niya na magkaayos kami. Bumalik na rin ang pagdadala niya ng mga pastries na hinahanap-hanap ni Amari tuwing magigising siya kaya naman kahit papaano ay natutuwa na lang din ako."May gagawin ka ba bukas?" maya-maya ay tanong ko kay Roy.Pareho kami na narito sa tapat ng bahay. Nakaupo at nakatingin sa mga dumaraan na iilang sasakyan.Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. Pinalobo ko naman ang mga pisngi ko."I'm always free kapag ikaw," banat niya. "Why?" tanong niya.Napairap na lang ako sa kawalan. "Magpapasama sana ako sa mall. May bibilhin lan—""Sure. What time?" pagpuputol niya sa sasabihin ko."Huwag mo na akong sunduin. May dadaanan pa rin ako, didiretso lang ako roon," dagdag ko.Ilang gabi ko pinag-isipan ito. Ilang beses na rin kasi ako tinanong ni Amari kung kailan niya puwede ma-meet si
"Mama, where are we going po?" tanong ni Amari nang makasakay kami sa taxi. Papunta na kami ngayon sa mall. Ang totoo ay wala naman akong daraanan. Kapag sinabi ko kasi na bibili lang ako diretso ay baka sunduin pa ako ni Roy at ayaw ko na mangyari iyon.Wala silang kamalay-malay na dalawa sa plano ko na ipakilala na sila sa isa't-isa. Umiiwas lang din ako na baka umasa ang isa sa kanila kung sakali na hindi naman matuloy ang pagkikita ngayong araw."Nasaan ka?" tanong ko nang sagutin ni Roy ang tawag."Still on my way. Heavy traffic, wait me there," sagot niya."Sabi ko agahan mo," reklamo ko.Dinig ko ang pagsinghap niya. "Maaga ka lang sobra," aniya."Malayo ka pa ba?" tanong ko.Ang usapan ay aagahan niya. Mukhang kami pa ni Amari ang maghihintay sa kaniya."Medyo?" hindi rin sigurado na sagot niya.Napabuga na lang ako ng hangin. "Hintayin kita sa garden," sabi ko.May garden sa itaas kaya roon na lang siguro kami maghihintay ni Amari."Yeah, sure. Bibilisan ko," aniya.Ipinasok
I was looking at them for the whole time. Tumigil na si Amari sa pag-iyak. Nag-extend na lang si Roy ng time rito sa play station dahil gusto pa ng anak niya na maglaro.Naubos kasi sa pag-iyak at pagpapatahan ni Roy. Hindi rin ako nahirapan dahil si Amari na ang kusang lumalapit sa kaniya.Lumipas ang araw iyon at kitang-kita ko ang saya sa mukha nilang dalawa. Ang makita iyon ay ayos na sa akin.Right after that day kung dati na mas pursigido si Roy ay mas naging pursigido pa siya ngayon sa pagpunta sa bahay. Kulang na lang ay doon na tumira kaya nga pumunta na ang landlady rito dahil napapansin niya na nagiging madalas na si Roy rito."Mama, please," si Amari na nakayakap kay Roy habang nagmamakaawa na matulog ang ama niya rito."Amari, hindi puwede. Pumunta na rito ang landlady noong nakaraan," pagpapaliwanag ko.Nagpapaawa ang mukha niya na ngumuso. "I want to sleep beside Papa," aniya.Napabuntonghininga ako. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Pinagalitan na nga ako at sinabi
Inayos ko ang coat na tinanggal ni Roy nang makarating siya rito sa bahay na inuupahan namin ni Amari.Halata ang pagod sa kaniyang mga mata perp kahit ganoon ay nakangiti pa rin niyang sinalubong ang anak niya na abala rin sa panonood sa cellphone ko."Dito na si Papa," pagbibigay alam niya.Gusto kong matawa nang hindi man lang siya inangatan ng tingin ni Amari."Amari will not gonna kiss Papa?" tanong niya na mas nilakasan pa ang boses."Go and get your kiss po kay Mama," ani Amari dahilan upang manlaki ang mga mata ko.Nagkatinginan pa kami ni Roy bago siya natawa. "Can I?" tanong pa niya."Subukan mo. Ihahampas ko sa'yo 'tong sandok." Inamba ko iyon sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa. "Amari, tama na 'yan. Isang oras ka nang nanunuod. Masama sa mata 'yan, lalabo nang maaga ang mga mata mo.""I'll just finish this po, Mama. Wait," aniya."Then greet your Papa first po," sabi ko naman.Humaba ang nguso niya bago tiningnan si Roy at saka patalikod na umurong-urong papunta sa gawi
"Saan ba kasi pupunta?" nagsusungit na tanong ko."Why are you being like that?" tanong din pabalik sa akin ni Roy. "What did I do again for you to act like this?""Stop arguing po," pagsingit ni Amari na muntik ko pang makalimutan na kasama namin sa sasakyan.Tiningnan ako ni Roy pero inirapan ko lang siya. Hanggang ngayon ay hindi niya makuha kung bakit ako nagkakaganito. Pumunta siya sa bahay kanina na parang wala lang nangyari at kung umasta siya ay parang wala lang talaga ang lahat kaya mas nakakaramdam ako ng tampo.Kulang na lang ay magsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa dinaraanan. Sa totoo lang ay ayaw ko sumama kung hindi lang dahil sa anak ko ay wala ako rito.Inilabas ko ang cellphone ko at kinalikot iyon. Ni-reply-an ko ang iilan na mga bumati sa akin na katrabaho ko. Nagi-scroll ako sa mga messages dahil baka may nakalimutan akong pasalamatan nang lumabas sa screen ko ang pangalan ni Blake."Blake," sagot ko.Nakita ko pa ang bahagyang pagtingin ni Roy sa gawi