Share

MML 60 - Exhausted

Nagdaan ang linggo na iyon at bumalik ako sa kinagawian ko. Trabaho at pag-aasikaso kay Amari.

Nakakapagod at ramdam ko ang pagka-drain ko. Mahirap pero kakayanin ko naman. Isa pa ay ginagawa ko naman ito para sa anak ko.

Binitbit ko ang basura namin sa kusina upang itapon iyon sa labas. Medyo maayos na rin ang bahay. Paunti-unti ay nalalagyan ko na ng mga gamit na kailangan namin sa pang-araw-araw iyon nga lang ay hindi ko rin isinasantabi ang pag-iipon. Pinagpatuloy ko iyon dahil ilang taon na rin si Amari.

Natigil ako sa pagtatali ng buhok ko nang makita ang pamilyar na sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay.

Akalain mo na buhay pa pala siya.

Agad na akong pumasok sa bahay at saka ni-lock iyon. Nginitian ko si Amari na napatingin sa akin dahil medyo napalakas pa ang pagkakasara ko sa pinto.

"Doon na tayo sa kuwarto," aya ko sa kaniya.

Wala naman siyang reklamo na sumunod sa akin.

"Maliligo muna si Mama. Maasim na ako. Dito ka lang muna sa loob maglaro. Huwag ka na lumabas pa sa sal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status