I was looking at them for the whole time. Tumigil na si Amari sa pag-iyak. Nag-extend na lang si Roy ng time rito sa play station dahil gusto pa ng anak niya na maglaro.Naubos kasi sa pag-iyak at pagpapatahan ni Roy. Hindi rin ako nahirapan dahil si Amari na ang kusang lumalapit sa kaniya.Lumipas ang araw iyon at kitang-kita ko ang saya sa mukha nilang dalawa. Ang makita iyon ay ayos na sa akin.Right after that day kung dati na mas pursigido si Roy ay mas naging pursigido pa siya ngayon sa pagpunta sa bahay. Kulang na lang ay doon na tumira kaya nga pumunta na ang landlady rito dahil napapansin niya na nagiging madalas na si Roy rito."Mama, please," si Amari na nakayakap kay Roy habang nagmamakaawa na matulog ang ama niya rito."Amari, hindi puwede. Pumunta na rito ang landlady noong nakaraan," pagpapaliwanag ko.Nagpapaawa ang mukha niya na ngumuso. "I want to sleep beside Papa," aniya.Napabuntonghininga ako. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Pinagalitan na nga ako at sinabi
Inayos ko ang coat na tinanggal ni Roy nang makarating siya rito sa bahay na inuupahan namin ni Amari.Halata ang pagod sa kaniyang mga mata perp kahit ganoon ay nakangiti pa rin niyang sinalubong ang anak niya na abala rin sa panonood sa cellphone ko."Dito na si Papa," pagbibigay alam niya.Gusto kong matawa nang hindi man lang siya inangatan ng tingin ni Amari."Amari will not gonna kiss Papa?" tanong niya na mas nilakasan pa ang boses."Go and get your kiss po kay Mama," ani Amari dahilan upang manlaki ang mga mata ko.Nagkatinginan pa kami ni Roy bago siya natawa. "Can I?" tanong pa niya."Subukan mo. Ihahampas ko sa'yo 'tong sandok." Inamba ko iyon sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa. "Amari, tama na 'yan. Isang oras ka nang nanunuod. Masama sa mata 'yan, lalabo nang maaga ang mga mata mo.""I'll just finish this po, Mama. Wait," aniya."Then greet your Papa first po," sabi ko naman.Humaba ang nguso niya bago tiningnan si Roy at saka patalikod na umurong-urong papunta sa gawi
"Saan ba kasi pupunta?" nagsusungit na tanong ko."Why are you being like that?" tanong din pabalik sa akin ni Roy. "What did I do again for you to act like this?""Stop arguing po," pagsingit ni Amari na muntik ko pang makalimutan na kasama namin sa sasakyan.Tiningnan ako ni Roy pero inirapan ko lang siya. Hanggang ngayon ay hindi niya makuha kung bakit ako nagkakaganito. Pumunta siya sa bahay kanina na parang wala lang nangyari at kung umasta siya ay parang wala lang talaga ang lahat kaya mas nakakaramdam ako ng tampo.Kulang na lang ay magsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa dinaraanan. Sa totoo lang ay ayaw ko sumama kung hindi lang dahil sa anak ko ay wala ako rito.Inilabas ko ang cellphone ko at kinalikot iyon. Ni-reply-an ko ang iilan na mga bumati sa akin na katrabaho ko. Nagi-scroll ako sa mga messages dahil baka may nakalimutan akong pasalamatan nang lumabas sa screen ko ang pangalan ni Blake."Blake," sagot ko.Nakita ko pa ang bahagyang pagtingin ni Roy sa gawi
Sumama na ako sa loob kasama si Roy para puntahan ang anak namin. I was amazed sa ganda ng paligid."Si Amari?" tanong ko nang wala naman akong makita na playstation o kahit anong palaruan ng mga bata. Wala rin tao."She's with my friend. Binilin ko muna because I know na matatagalan tayo mag-usap," aniya."Sinong kaibigan?" salubong ang kilay na tanong ko. "Nagsinungaling ka na naman!"Kinakabahan ako dahil ipinagkatiwala niya nang basta-basta ang anak namin sa iba!"Okay, I'm sorry. Amari is safe with them, I promise. Let's go, they're waiting for us.""Sinasabi ko sa'yo kapag may nangyari sa bata!" Nagsisimula na naman akong mainis. Hindi na rin siya sumagot pa. He encircled his left arm on my waist. Pilit ko iyon tinanggal dahil sa inis."Roy," inis na banggit ko sa pangalan niya."Don't mind it, let's just enjoy the view," aniya."Makakapag-enjoy ka ba kung ganito na hindi ko alam kung sinong kaibigan ang pinagbantay mo sa anak ako?!""Mag-aaway na naman ba tayo?" tanong niya.Na
Sa una lang medyo awkward ang pagsasama namin ni Ate Hazel. Nag-aalangan siya lumapit sa akin kahit na nagkasama naman na kami dati.Kasalukuyan pa rin kami na naririto sa isang bahay kung saan naganap ang surpresa. Habang tinitingnan ko siya ay hindi ko maiwasan na malungkot. She's doing all the things that a mother should do. Inaasikaso niya ako at hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin.I badly want to ask her so many things between us. Gusto kong tanungin bakit niya ako iniwan. Gusto kong tanungin bakit hindi na lang niya ako sinama sa kaniya.May mga katanungan din ako na paano kung hindi niya ako iniwan kay Sister Nieves? Nasaan kaya ako ngayon? Ano ang buhay namin na dalawa? Sila pa rin kaya ang magkakatuluyan ni Kuya Erik? Higit sa lahat makikilala ko kaya si Roy?"Gusto mo pa ba ng cake? Ikukuha kita," pag-aalok niya.Umiling ako at binitawan na ang kutsara na hawak ko. Kukuhanin na sana niya ang pinagkainan ko nang pigilan ko siya."Hindi mo naman kailangan gawin ito,"
Ayaw ko man ipakita ang pagkamangha sa lugar ay hindi ko na rin naiwasan pa.Pumaskil ang ngiti sa aking mga labi nang bawat hakbang ko ay ang pagsindi naman ng ilaw sa dinaraanan ko. How is that even possible?Dahil sa pagkatuwa ay hindi ko na rin namalayan pa na nasa harapan ko na pala si Roy. Malaki ang ngiti sa mga labi niya habang tinitingnan ako na tumingin sa kaniya."Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" inis na tanong ko.Bumalik sa akin ang hindi niya pagpansin sa akin kanina. Pati rito ay hindi niya ako sinama. Hinampas ko siya. "Hinahanap kita kanina nandito ka lang pala. Iniwan mo ako roon sa labas!" inis na ani ko.Natatawa na sinalo niya ang mga hampas ko. "That's part of a plan!" natatawang aniya."Anong gagawin mo kung suntukin kita at part din 'yon ng plano ko para i-celebrate ang birthday ko?" asar na tanong ko.Sinamaan ko siya ng tingin nang pisilin niya ang mga pisngi ko. "I'm sorry," aniya.Inirapan ko lang siya at asta na tatalikod na upang makihalubilo na lang kil
As I stood in the bridal suite, surrounded by my bridesmaids and the soft glow of morning sunlight filtering through the windows, my heart raced with anticipation. This was the day I had been dreaming of since I was a little girl, and it felt like a surreal, magical moment.Pinangako ko sa sarili ko na magpapakasal ako sa lalaking mahal ko ng lubos at ngayon ay matutupad ko na iyon. Magpapakasal ako sa lalaki na hindi ko pag-aaralan na mahalin dahil mahal na mahal siya ng puso ko.My wedding gown, a breathtaking masterpiece of lace and silk, hung gracefully nearby, waiting for its moment to adorn me. I couldn't believe that in just a few hours, I would be walking down the aisle toward the love of my life.Emotions swirled within me like a whirlwind. There was a flutter of nervousness, the kind that comes from wanting everything to be perfect, from hoping that the day would live up to all the dreams and expectations I had carried with me for so long. But beneath it all was a deep well
"Thank you," iyon ang paulit-ulit na sinasabi ko sa mga lumalapit sa amin.Wala nga akong naimbita na kakilala ko bukod sa nanay ko. Up until now ay hindi ko pa rin lubos na maisip na siya ang biological mother ko. Like, how come?Ganoon ba talaga kaliit ang mundo at nasa harapan ko na siya hindi ko lang alam."Let's go?" tanong ni Roy nang makalapit sa akin.Hinapit niya ako at saka inaya na upang umalis. Nauna na ang karamihan sa wedding reception at halos kakaunti na lang ang naririto. Kanina pa nga ako inaaya ni Roy pero gusto ko na kami na lang ang mahuli. Kanina pa rin siya nagrereklamo dahil sabi niya dapat kami ang mauna na makarating doon kaysa sa mga bisita namin."Napakarami mong bisita," puna ko dahilan upang matawa siya."I just want it to be a memorable for you, for us," aniya."I believe na mas magiging intimate ang kasal na ito if we just kept it private," pakikipagtalo ko pa.Hinampas ko siya nang halikan niya ako sa labi. "Ano ba!""What?" natatawang aniya. "I alread