Tunog ng makina ang siyang nanggising sa akin. Masakit ang ulo na iminulat ko ang mga mata ko at hindi inaasahan ang pagkasilaw sa ilaw.Hospital na naman.Gusto kong umalis sa kinahihigaan ko ngunit para akong walang lakas na gawin ang mga nais ko. Kahit igalaw ang katawan ko ay parang napakahirap sa akin.Pinilit ko rin magsalita pero walang boses na lumabas. Napatingin ako sa pinto nang marinig ang pagbukas noon."Gising ka na pala," si Mama. "Kumusta ka?" tanong niya at saka lumapit sa gilid ko upang ilagay ang prutas na dala-dala niya."S—si Roy," hirap na hirap na bigkas ko.Bahagya siyang natigil sa pag-aayos doon ngunit ipinagpatuloy rin. Ayaw ko man pansinin iyon ay hindi ko maiwasan."Si Roy, Mama," pag-uulit ko at pilit na umupo ngunit inalalayan niya ako upang muling humiga."Mas makakatulong sa iyo kung magpapahinga ka muna, Dianna. Mas babalik ang lakas mo na nawala sa'yo," aniya.Gusto kong kagalitan siya dahil hindi naman iyon ang hinihingi ko na sagot. Isa pa ay masak
Lumabas ako ng ICU nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko.Tuluyan na akong naging maayos ngunit heto si Roy at nakahilata pa rin. Ilang linggo na pero hindi pa rin siya gumigising.Sabi ng doctor ay hindi rin nila alam kung kailan siya gigising kaya pare-pareho lang kami nag-aantay para sa kaniya. May posibilidad na hindi na raw magising pa si Roy pero alam ko na hindi niya kami iiwan ng anak niya."Hello," sagot ko sa tawag."Ina, may nakita na ang mga pulis na footage na pwede magturo sa atin doon sa truck noong naaksidente kayo ni Roy," ani Carl.Tiningnan ko si Roy sa loob mula rito sa labas. Hindi ako papayag na hindi magbabayad ang gumawa sa amin nito. Kahit sabihin na hindi sadya ay alam kong may laban kami lalo pa at basta na lang tumakas ang driver ng truck na iyon."Nasaan ka? Sunduin na kita.""Hindi na. Papunta na rin ako," sabi ko.Pumasok ako muli sa loob matapos ang tawag na iyon at saka lumapit kay Roy."Ako muna ang mag-aasikaso nito. Pinapangako ko na paggising
Napahikab ako habang nakatingin sa monitor. I was sending emails sa mga company just like what I used to do when I was secretary of Carl. Sabi nga ni Carl, mag-take over muna ako sa pag-handle sa company ni Roy dahil alam ko naman ang mga gawain sa kumpaniya pero mas pinili ko na huwag mangialam doon. Wala pa rin akong tiwala sa sarili ko. Although, na-train ako ng sobra sa kumpaniya ni Carl ay alam ko sa sarili ko na hindi enough ang mga natutunan ko roon para mag-handle ng isang kumpaniya na parang ako talaga ang may-ari. Napatingin ako sa kalendaryo sa tabi ko at napabuga na lang ng hangin. It's been six months pero tulog ka pa rin. Hanggang kailan ako maghihinatay sa'yo? Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag nang mag-ring iyon. "Dianna, si Roy," natataranta na bungad ni Carl. Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong nangyari?" kalmadong tanong ko kahit na hinahagilap ko na ang mga gamit ko at saka ipinaglalagay ang mga gamit sa bag upang umalis na. "Pumunta ka muna rito.
Nanatili ako hindi kalayuan sa kaniya habang pinagmamasdan siya na matulog sa higaan niya. Masaya ako dahil nagising na siya pero hindi ko naman inaasahan na kasabay ng paggising niya ay ang pagkawala ko naman sa buhay niya. Masakit pero anong magagawa ko? Wala naman akong magagawa kung tinamaan na siya ng memory loss. Pinapanalangin ko na lang ngayon na sana bumalik ang mga ala-ala niya lalo na sa madaling panahon.Kung mamalasin ka nga naman kung kailan naging ayos na ang lahat-lahat sa amin ay saka naman nawala ang memorya niya. Napaatras ako nang magmulat ang kaniyang mga mata at ilan sandali pa nang binalingan niya ako. "Gising ka na ulit," mga kataga na lumabas sa bibig ko. "What are you doing here again?" tanong niya. Lumapit ako sa kaniya nang sumubok siya na umupo. "Kaya ko," pagpipigil niya sa akin. Hindi na ako nagpumilit pa at tumango na lang. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya. Nawawalan ako ng lakas na lumapit sa kaniya dahil iyon din ang habilin ni Carl sa a
Pumuno ng tawa ang silid ni Roy. Hindi naniniwala sa akin."Ina, as far as I remember we weren't in good terms and now ipipilit mo pa rin na ako ang asawa mo? Ano na lang sasabihin ng kapatid ko sa ginagawa mo?" tanong niya. "What? Do you want me to become your so called kabit?""Walang kami ng kapatid mo! There's no relationship happen between me and your brother, Roy. Remember the time na wedding day namin ni Carl pero pinigilan mo kami, tumutol ka sa kasal namin at nag-eskandalo ka pa... na sinabi mo na ikaw ang ama ni Amari—""Look, Ina... ayaw ko na makagulo pa sa buhay mo. That's what I promised to myself and I vividly remembered that one."Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipaliliwanag sa kaniya."Alam mo? Umalis ka na," malamig ang tono na aniya."As of now naroon siya sa office ni sergeant," pagsalubong sa akin ng ni General Azul.Wala akong lakas na naglakad patungo roon. Matapos akong tawagan ay umalis na rin ako sa hospital dahil a
I was frustrated after finding out na wala na sila Ate Anne rito sa bahay nila. Mukhang nalaman niya na nahuli na ang inutusan niya kaya ngayon ay nagtatago na siya. "Walang record na umalis siya ng bansa. Basically, nandito lang siya sa bansa natin at nagtatago," pag-uupdate nila. "Don't worry, Mrs. Gomez. We will do everything para mahuli siya at makuha mo ang hustisya sa ginawa niya sa inyo," sergeant said. Assuring me na kahit anong mangyari ay huhulihin nila si Ate Anne. "Thank you. Please, call me again kung may update kayo ulit tungkol sa kaniya," saad ko. "Makakaasa ka." Dumiretso ako sa opisina ni Atty. Padilla. Carl recommended him to me dahil magkaibigan sila. Gusto nga akong samahan ni Carl but I declined. Ayaw ko na rin na makaabala pa sa kaniya. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na busy siya. Nagtrabaho rin ako sa kumpaniya niya at alam ko kung gaano karami ang ginagawa at bawat segundo ay napakaimportante. Tuluyan na nga rin ako umalis sa trabaho ko. Ngayon
Mabigat ang ulo ko nang magising ako. Dinig ko ang lakas ng ulan sa labas na naging dahilan para tamarin ako lalo bumangon mula sa pagkakahiga.Ilang araw na ulan nang ulan at ilang araw na rin akong pabalik-bapik kakaasikaso sa case na ifi-file. Mabuti na nga lang at sinamahan na ako ni Carl noong nakaraan na puntahan si Atty. Padilla.Nakapag-usap na kami at sa kasalukuyan ay naghahanap na ng mas matinding evidence. Sumasama na rin ako sa mga investigation na inutos niya sa mga police dahil gusto ko rin malaman ang lahat. Gusto ko masigurado na maipapanalo ang kaso na ito at hindi mauwi sa wala ang paghihintay ng ilang buwan para lang dito.Napakagaling tumago ni Ate Anne dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita.Tiningnan ko ang anak ko na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Nawawalan na ako ng oras sa kaniya pero pinangako ko rin naman sa sarili ko na babawi ako sa kaniya basta matapos lang ang lahat ng ito.Napipilitan ako na bumangon sa kama. Ayaw ko rin siya mahawaan ng
Tuluyan na akong hindi makabangon sa higaan ko nang tumuloy ang lagnat ko. Ipinagpapasalamat ko nga na doon na natulog si Amari sa kama ng ama niya. Mahihirapan ako na mag-alaga kung magkakasakit din siya."Dianna?" tawag sa akin mula sa labas.Walang lakas na tiningnan ko ang pinto. Hinang-hina ako at parang lahat ng parte ng katawan ko ay napakasakit. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala pa akong ginagawa."Gising ka na ba? Papasok na ako," aniya.Sa halip na sumagot ay hinintay ko na lang na pumasok si Carl sa room."Are you okay?" kunot noo na tanong niya.Sa halip na sumagot ay tumango na lang ako. Maging ang mga labi ko ay ayaw bumuka."Hey, you're shivering," nag-aalala na umupo siya sa tabi ko. "Was it because of the air-conditioned? Where's the remote for this room?" tanong niya."Nasa drawer," sagot ko.Sinundan ko siya ng tingin. Nagmamadali siya sa paghalungkat doon na para bang ang daming nakalagay roon. Over acting na naman. Lagi na lang extra.Kinapa niya ang