Share

MML 76 - Sick

Mabigat ang ulo ko nang magising ako. Dinig ko ang lakas ng ulan sa labas na naging dahilan para tamarin ako lalo bumangon mula sa pagkakahiga.

Ilang araw na ulan nang ulan at ilang araw na rin akong pabalik-bapik kakaasikaso sa case na ifi-file. Mabuti na nga lang at sinamahan na ako ni Carl noong nakaraan na puntahan si Atty. Padilla.

Nakapag-usap na kami at sa kasalukuyan ay naghahanap na ng mas matinding evidence. Sumasama na rin ako sa mga investigation na inutos niya sa mga police dahil gusto ko rin malaman ang lahat. Gusto ko masigurado na maipapanalo ang kaso na ito at hindi mauwi sa wala ang paghihintay ng ilang buwan para lang dito.

Napakagaling tumago ni Ate Anne dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita.

Tiningnan ko ang anak ko na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Nawawalan na ako ng oras sa kaniya pero pinangako ko rin naman sa sarili ko na babawi ako sa kaniya basta matapos lang ang lahat ng ito.

Napipilitan ako na bumangon sa kama. Ayaw ko rin siya mahawaan ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status